Chapter 15

NATE'S POV

"Ang lalim naman ata ng iniisip mo?" Tumabi ako kay Serena at napatingin sa din sa nag-iilawang mga sasakyan sa Makati. Dalawang araw na nga pala ng makarating kami dito sa Pilipinas at mula ng marating kami dito ay hindi na masyadong palasalita si Solemn, hindi ko alam kung anong nangyari sa kanya.

Tinatanong ko naman pero sabi wala lang daw kaya nagkibit balikat na lang ako. Napatingin ako sa kanya na seryosong nakatingin sa ibaba. Gabi na kasi ngayon kaya magandang tumingin tingin dito sa labas kahit hindi na presko ang hangin.

Niyakap ko siya sa likuran at napansin kong medyo malamig na ang balat niya. Medyo may kataasan kasi ang condo ko ngayon at medyo mahangin na. Kanina pa ba siya rito?

"Nandito ka pala." Turan nito sa akin. Nabigla pa niyang sabi sa akin. Hindi niya nga ako napansin.

Napangiti ako ng makita ang mukha niyang nakangiti sa akin. Isang salabong lang ng nakangiti niyang mukha sa akin ay nagiging ok ang pakiramdam ko na parang ang pangit na araw na ito ay gumaganda dahil nandito siya. Even though its sound so gay, I admit this is what I feel right now.

Hindi ako nagsasawang titigan ang mukha niya, her angelic face.

"Renzo, Bakit kaya hanggang ngayon hindi pa din bumabalik ang alaala ko?" Nakatingin ako sa kanya ngayon na nanlulumo.

Gusto mo na ba agad bumalik ang alaala mo? Gusto mo na bang mawala ako sa buhay mo? Gusto mo na ba agad akong iwan?

Maraming tanong pa ang dumaragsa sa ulo ko sa tanong niya sa akin. Bakit? Dahil sa oras na bumalik ang alaala niya ay hindi ko na alam ang gagawin ko dahil paniguradong magagalit siya sa akin.

Sa simula alam kong sa huli ay magagalit siya sa akin dahil nagsinungaling ako. Ako ang taong hindi pa ipagpapatuloy gawin ang isang bagay kung hindi nakaplanado ng lahat. Sa simula pa lang ay nakaplanado na sa utak ko ang gagawin ko ng piliin kong magsinungaling ako kanya. Ngunit ng lumipas ang bawat oras, ang bawat araw at ngayon lumipas ang isang taon ay hindi na diretso ang pananaw ko sa lahat ng bagay.

Sa tuwing nakakasama si Solemn nakakalimutan ko kung ano ang tama at kung ano ang mali. At ngayon kahit alam kong mali pinagdarasal ko na sana huwag munang bumalik ang alaala niya. Na sana wag na lang bumalik ang alaala niya para hindi siya umalis sa tabi ko, na akin lang siya. I know I'm selfish, I want her for myself..

"Oy bakit hindi ka nagsalita dyan!" parang nagising ako sa pag-iisip ko. Nakaharap ngayon sa akin si Solemn at tinititigan ang mukha ko.

"Patay na patay ka talaga sa akin." sabi ko at umiling-iling na lang ako sa kanya. Napatingin ako sa mukha niya na naka-pout na ngayon.

"Mula noon ang hanggang ngayon makapal pa din ang mukha mo." Pina-ikot niya ang mga mata at natawa lang ako. Niyakap ko siya ng mahigpit at naramdaman ko na lang din ang pagpulupot ng mga braso niya sa akin. Lumayo siya ng kaunti sa akin habang nakaasim iyon mukha niya.

"Sus gwapong-gwapo ka naman sa akin. Your were drooling at my sexy body the first time you saw it." Ngumiti ako ng malapad. At mas lalong umasim ang mukha niya.

"Hay wala na akong magagawa, kulang ka sa kape. Gusto mo ba at ng magising ka naman kahit konti lang?" Tumawa na ako at ganoon din siya. Pareho kaming nakabungisngis dahil sa kakatawa. Niyakap ko ulit siya ng mahigpit.

"Sana parati na lang tayong ganito. Iyong masaya parati, iyong kontento sa nangyayari. Sana walang magbago." Hindi ko alam sa sarili ngunit sa bawat oras na lumilipas, sa bawat araw na dumadaan ay mas lalo akong nahuhulog sa sarili kong patibong. Ito na ba ang sinasabi ni Zayne sa akin?

Yeah, maybe this is the consequence of my wrong doing but then this does not seem so bad. They say that karma's a bitch but then it doesn't sound so bad, Falling for Solemn doesn't sound so bad.

"Renzo," tawag niya sa akin.

"Hmm." Sagot ko sa kanya, hindi ko naman masyadong type magsalita.

"Hindi pa ba tayo papasok sa loob?" tanong niya sa akin. Napatitig na naman sa mukha ko. Hindi na kasi ako nakayakap sa kanya ngayon kasi medyo lumayo na siya sa akin.

"Nah if you want mauna ka na sa akin then susunod na lang ako maya-maya." Ngumiti siya sa akin at tumango. Hinalikan ko ang noo niya at pumasok na siya sa loob.

Kung may kapangyarihan lang ako na itigil ang oras at hindi na matapos ang oras na ito. Kung may kapasidad lang ako na gawin ito matagal ko ng ginawa ngunit tumatakbo ang oras, umiikot ang mundo, hindi tumitigil ang pagkilos ng mga tao.

Na kahit anong pigil mo na hindi mangyari ang isang bagay ay hindi mo pa rin mapipigilan at kahit ilagay mo pa ang buong lakas mo ay wala pa ring maitutulong sa iyo.

Napabuntong hininga ako.

Naalala ko ang nangyari kanina ng magpunta ako sa bahay namin for lunch. Pinatawag kasi ako ni Dad and Mom na kailangan ko daw talagang pumunta roon. I can still remember our arguments, even though nahihirapan akong sagutin sila ay wala akong magawa kanina.

They are forcing me in agreeing into something that I don't like. Ni hindi man lang nila ako tinanong kung ok ba ang ako sa gusto nilang mangyari sa buhay ko. Wala na ba akong karapan para magdesisyon para sa sarili ko?

-

Walang nagsalita ni isa man sa amin, si bunso lang ang makulit na hindi tumitigil sa pagpapapansin kina Dad and Mom. Alam ko na nakikiramdam pareho si Dad and Mom sa bawat galaw ko. Kakarating ko lang kasi dito sa bahay at dumeritso na ako sa dining room dahil nagtipon na pala sila at hinintay na lang ako.

"Nate I've set a date for you to meet your fianceé." Napatigil ako sa pagsubo at napatingin kay Mom. Pinagpatuloy lang nito ang pagkain at ganoon din si Dad na tahimik lamang.

Mabuti naman at nagkaroon ng oras si Dad para masamahan kami dito sa bahay. Parati kasi itong nasa hospital at inaasikaso ang maraming pasyente roon. He doesn't have time for his family.

"Mom lets talk first about this marriage thing." Mahinahon kong sabi sa kanila. Ngayon ay napatingin na sa akin si Mommy, iyong tipo ng tinging nagbabasa ng bawat kilos ko.

"Nathaniel the thing that we just need to talk about is about you and her meeting up para magkakilala naman kayo. Ok Darling?" Ngumiti sa akin si Mommy. Naibaba ko ang kutsara ko sa aking plato na parang nawalan ako ng ganang kumain.

"Mom I don't agree with your plans." Unti-unti kong sabi kay Mom at ngayon nga ay nakuha ko an din ang atensyon ni Daddy sa akin,

"This is all set Nathaniel, you can't say no." Sabad naman ni Daddy na ginagamit jito ang seryosong bonses nito. Ngayon ay napansin ata ng makulit kong kapatid na seryoso na ang usapan kaya hindi na ito gumawa ng ingay at kumain lamang ng mahinahon.

"I dont even know this person you arranged me with. And anyway, I have a girlfriend that I love. Hindi ko siya pwedeng iwan lang dahil gusto niyo magpakasal ako sa iba." Bumagsak ang kutsara ni Mommy at nanlaki ang mga mata nito.

"No, Nathaniel. Hindi pwedeng hindi ka susunod sa sinabi namin ng Daddy mo. You have to meet her and I don't care about this girlfriend of yours." Ngayon ay tumatagos na ang tingin ni Mommy sa akin.

What? Iwan ko si Solemn for this girl they arranged for me? No way.

"Nathaniel sundin mo na lang kami ng Mommy mo." At kahit ang Daddy kong hindi palasalita ngayon ay marami ng sinasabi dahil lang dito.

"My answer is no." Napabuntong hininga ako. "This is my life, I will decide on myself and the person that I will wed." I heard my Mom gasped. Tumayo na ako ng magsalita si Mom..

"Where are you going? hindi ka pa tapos kumain." Sabi ni Mom sa akin.

"I'm not hungry anymore." Pero ang totoo ay gutom naman talaga ako pero nawalan na ako ng gana dahil sa mga sinabi nila. Tinalikuran ko na sila at hindi na hinayaang magsalita pa.

I smirked. Hindi ako papayag kailanman sa plano nila.