Chapter 14
NATE's POV
Napangiti na lang ako habang tinititigan ang natutulog na mukha ni Solemn. Nakatulog na kasi siya ngayon sa dibdib ko, kanina lang sobrang lakas ng loob na manood daw kami ng horror movie sabi pa niya hindi daw takot tapos ngayon hindi pa lang nangangalahati ang movie ay taob na agad at nakatulog sa kakayakap sa akin.
Hindi ko alam kung napapansin niya na palagi siyang nakayakap sa akin kanina pag may nakakatakot na scene sa movie. Pinatay ko kasi ang ilaw para mas intense ang pinapanood namin. Kanina game na game siya tas may nakita lang na nakakatakot konti ay agad ng yumayakap sa akin.
Napa-iling na lang ako habang napapangiti sa babaeng ito. Pinasan ko na siya sa mga braso ko, pumasok na kami sa kwarto at unti-unti siyang inayos sa pagkakahiga. Napaupo ako sa kama habang nakatitig pa din sa mukha niya, may ilang hibla ng buhok niyang nakatabing sa mukha kaya minabuti kong inipit iyon sa tenga niya. She looks like a sleeping goddess.
Mas lalo na palang humaba ang buhok nito ngayon, sayang nga at pinapautol namin noong isang araw. Nasa bandang bewang pa din naman ang kulot niyang buhok na brownish ang kulay. Hinawakan ko ang makinis niyang pisngi, himbing na himbing talaga ang tulog niya ngayon. Siguro napagod din siya sa pagliligpit kanina ng mga gamit para sa pag-alis namin bukas.
Aalisin ko na sana ang kamay ko at tatayo ng bigla niyang hinawakan ang kamay ko.
"Renzo."
Akala ko nagising ko siya ngunit tulog pala, napatingin ako sa kamay kong hawak-hawak niya pa rin ngunit unti-unting ng nawawalan ng kapit.
"I'm hoping that it's not just my name your calling but me." Lumapit ako sa kanya at hinalikan ang noo niya. "I'm hoping you'll tightly hold my hand and never let me go." Napatingin ako sa kamay kong nabitawan na niya. Kinuyom ko ang mga kamay ko.
"I'll never let you go." Lalo pa ngayon sinabing mong mahal mo ako. I've been thinking all week long about what she said to me last week. I was dumbfounded and I was too speechless in her revelation. I know she's a straight forward person but I didn't expect to hear from her. And lastly, I didn't expect that she would fall for a guy like me.
"Ano ang ibig sabihin ng I love you?" Napatingin ako bigla sa kanya. At saan naman kaya niya narininig ang mga salitang ito?
"Ibig sabihin lang ay mahal kita." Parang nabigla pa ito sa narinig na sagot ko sa tinatanong nito. Bigla siyang tumango-tango at ngumiti. Binalik na niya ang tingin sa magandang view ng Brooklyn bridge.
Bakit niya ba naitanong sa akin ang ibig sabihin ng mga salitang 'i love you'? Binalik ko na din ang tingin sa bridge habang nag-iisip..
"Renzo." Lumingon ako rito ng bigla niya akong halikan sa aking labi. "Salamat," she tiptoed and whispered something on my ear.
"I love you" nakatingin lang ako sa kanya at naestatwa na ako sa pagkakatayo. Ano daw? Tama ba ang narinig ko?
I remembered her face on the next day, pout na pout iyong bibig niya sa tuwing nakatingin siya sa mukha ko. Hindi kasi maalis-alis iyong ngiti ko sa mukha. Hindi ko rin alam bakit basta masaya lang ako ng araw na iyon.
Tumayo na ako at nagpunta sa isang drawer at kinuha ang ilang dokyumento tungkol kay Solemn na ang totoo palang pangalan ay Serena Yan at kinuha ko ang maliit na notebook, rose necklace at wedding ring na nakita ko noong nasa ospital pa lang siya dati. Nagpunta ako sa salas at naupo.
I scanned the documents about Solemn's or should I say Serena's personal life again. Sa tuwing babalikan ko ang pagbabasa ng dokyumento niya, mas lalong nananaig sa sarili ko ang wag sabihin sa kanya ang totoo. Napatingin ako sa ilang pictures niya kasama ang isang lalaki, its the guy named Devon Lorenzo Yan.
Name: Serena Xhen-Yan
Age: 21 years old
Height: 5'8
Status: Married
Husband: Devon Lorenzo Yan - sole heir of Yan Group of Companies
She is the sole heiress of Xhen Group of Companies, now merged with Yan Group of Companies.
Best friend: Rezzy Yeung
Lahat ng impormasyon tungkol kay Solemn ay nandito lahat. But the thing that I didn't expect is her high profile and her marriage. I know my family is rich, we owned the finest hospitals here in America and some in the Philippines but compared to her, walang-wala ang yaman namin. And in the first place, I didn't expect her to be married to this guy who is also very rich.
Well based on these files, their companies merged so maybe this was the reason for their marriage? Pero kung ganito siya kayaman why did I saw her that night before the accident wearing ordinary clothes walking on the side of the street?
Anyway hindi ko na kailanagan isipin pa iyan. I dunno why pero thankful ako at ako, hindi ibang lalaki ang nakakita sa kanya ng gabing iyon. It's not like I am thankful that she met an accident that day but I am thankful that she arrived in my life, she's like a burst of sunshine in my life. Na parang may kahulugan na naman ako para gumising sa umaga at harapin ang buhay.
I know I was like a living zombie back then. Hindi ko na alam dati ang ibig sabihin ng maging masaya. Dati muling bumabalik ang mapait na nakaraan sa akin, lahat ng sakit ay bumabalik but now unti-unting nakakalimot na ako at dahil iyon kay Solemn.
But what if bumalik na ang alaala niya? Hindi ko alam kung mahal niya ang dati niyang asawa at mabalewala lang ako. I sighed, what will I do if the happens? If that happens then I'll fight my love for Solemn or Serena.
"I'll never ever let you go," I smiled.
I was scanning again her files when my eyes went back on the top. Unti-unti kong sinimsim ang whiskey na hawak-hawak ko pampatulog. Napatitig ako sa pangalan ng best friend niya.
Best friend: Rezzy Yeung
Muntik ko ng mailuwa ang whiskey na iniinom ko. Best friend niya ang babaeng ito? I can't believe these two are best friends. Sa lahat pa ng pwedeng maging kaibigan, ito pa talaga. Napahawak ako sa noo ko at napailing. This woman! Ugh.
"RENZO WAIT, samahan mo muna ako sa restroom." Sabi sa akin ni Solemn. Honestly? Sasamahan ko daw siya so papasok din ako sa restroom?
"Sasamahan kita sa loob?" Nanliit ang mga mata niya sa akin habang ako ay nakangti lang ng malapad at tumawa na ako ng tuluyan dahil sa maasim na ekspresyon ng mukha niya/.
"Pili ka itong maleta o ang kamao ko?" Tanong niya sa akin. Kahit na nakakunot na ang noo niya ay ang ganda pa din ng maamo niyang mukha. She can look a goddess or a tempress, like now.
"Nah, I would rather choose you," namula ang mukha niya agad-agad kaya natawa ulit ako at tinampal lang niya ng malakas ang braso ko. Nasa airport na kasi kami ngayon.
"Tara na nga samahan mo na akong pumunta sa restroom at sa labas ka lang maghintay." Nauna na siyang naglakad na parang alam kung nasaan ang restroom, bigla siyang tumigil sa paglalakad at hinarap ako.
"Ikaw na ang maunang maglakad." Sabi niya na parang napahiya, napangiti ako ng makita ang nakapout niyang lips.
"Come here." Hinawakan ko ang kamay niya at sumabay sa paglalakad niya.
Pumasok na siya sa restroom habang naghihintay ako sa di kalayuan, hindi naman kasi ako pwede tumambay sa mismong entrance ng banyo ng babae, ang awkward no'n. Napatingin ako sa paligid, mabuti na lang at nakadisguise na kuno ako at wala masyadong nakakapansin sa akin pero kay Solemn marami. Dapat pala ordinaryong kasuotan lang ang pinasuot ko sa kanya kanina para wala masyadong makapansin.
Pero kahit ano naman ang suot nito ay kapansin-pansin talaga ito dahil sa natural niyang kagandahan. Kahit walang make up ay maganda pa rin siya,
Napatingin ako sa papel na nahulog ng babaeng naglalakad di kalayuan sa kinatatayuan ko. Mabilis kong pinulot iyon at napatingin kung ano iyon.
Rezzy Yeung
New York to Philippines
Flight PhJ12345
Napakunot ang noo ko habang nakatingin sa plane ticket. Rezzy Yeung? Parang naestatwa ako at napatitig sa babaeng nasa harapan ko ngayon na nakashades at nakatingin ata sa plane ticket dahil hindi pa ako nito napapansin.
"Thats my plane ticket. Thank you." Inabot ko kasi rito ang plane ticket kaya kinuha nito iyon sa akin. Napatingin siya sa akin at napasinghap.
"You!" sabay pa naming sabi. Ngayon lang siguro nagsink in sa utak ko na ito nga si Rezzy Yeung. Pagkakataon nga nama, di ko alam pero bumilis ang tibok ng puso ko.
"Tss dapat pala hindi na ako nagpasalamat sayo." Inirapan niya at tinalikuran na ako. Naglakad na siya palayo.
Wala talagang utang na loob ang babaneg iyon kahit kailan. Napailing na lang ako at bumalik sa kung saan ang nakatayo kanina.
"Sino iyong kausap mo kanina?" Napalingon ako kay Solemn na nagsalita sa tabi ko. Magulat ako dahil nakita niya pala kami.
"Wala pinulot ko lang iyong nahulog na plane ticket ng babae." Parang ayaw pa niiyang maniwala ngunit tumango na lang siya.
"Lets go then?" Sabi niya sa akin. Naalala ko ang plane ticket ng babaeng iyon.
Sabay ang fight namin? Ugh, no effin way.
"Lets go somewhere." Hinawakan ko ang kamay niya at nagsimula na kaming maglakad palayo.
"Huh? eh diba flight na natin ngayon?" Tanong niya sa akin.
"No, na re-schedule ang flight natin means mamaya pa kaya tara muna." Tumango na lang siya sa akin.
This isn't the time for them to reunite. Hindi ko mapapayang mawala ka sa akin Solemn.