Chapter 16

NATES's POV

Napalukot ang noo ko at napatingin sa babaeng kaharap ko. How did I arrive in this situation?

Nagkatitigan lang kaming dalawa na parang hindi pa nagsi-sink in sa utak namin ang nangyayari. Unti-unti ng nanlaki ang mga mata nito.

"You," sabay naming sabi.

"Lorenzo Nathaniel Villaforte," sabi niya.

"Rezzy Yeung," sambit ko

At sabay pa talaga kaming bigkas ng pangalan ng bawat isa. Nanlalaki pa din ang mga mata niyang nakatingin sa akin.

"What the hell are you doing here in this restaurant and in my table?" una siyang nakapagsalita. Hindi ko na naman mapipigilan ang ratsada ng bibig niya. Anyway anong sabi niya sa akin?

"Tss. Can't you see?," sabat ko naman sa kanya. Pinanliitan niya ako ng mga mata, grabe talaga itong babaeng ito kung makatitig.

Yes, as you can see she hates me but I don't hate her. Ayoko lang siyang makita at mapalapit sa akin, she's a walking disaster since I can remember.

"This is my table, so can you please find your own table. " Mataray niyang sabi sa akin. Umupo na siya sa kaharap kong upuan habang ako ay nakatitig lang sa kanya.

"This is not your table, kita mo ngang ako ang nauna dito kaya this is my table. Ikaw ang lumipat." Napabuntong hininga ako. Bakit ba kasi nandito ako ngayon?

Bakit?

Kinaladkad lang naman ako ng mga tauhan ni Dad, alam kong pakana na naman ito ni Mommy. Kanina nabigla na lang ako ng pinalibutan na ako ng mga lalaking pormal na pormal ang suot at puro malalaki ang katawan. Hindi na lang ako nanlaban pa dahil alam ko naman na tauhan nila iyo. Nakakaawa kung bubugbugin ko sila.

Ako na malakas at naaawa sa mga lalaking ito baka may mga pamilya pa sila. Nakakaawa naman kung mabugbog ko pa. Pinagbigyan ko na lang si Mommy. Napa-facepalm na lang ako na lumingon sa mga lalaking nasa kabilang table lang. Pansin na pansin na babantayan nila ako hanggang matapos ang gabing ito at hindi ako makakalayas dito hanggat hindi ko susundin ang gusto nilang mangyari, ang ma-meet ang babaeng sino man iyon.

"What the? This table is reserved in my name. Ikaw ang umalis dito," nakataas pa din ang ng isang kilay ni Rezzy at naka-crossed arms pa.

"Sino ang nauna sa atin maupo rito?" Tanong ko sa kanya.

"Ikaw," sabay irap sa akin. At ngumiti lang ako sa kanya na mas lalong kinainis niya. Hindi ko alam pero natutuwa ako sa mukha niyang naiinis ngayon dahil sa akin.

"See? Please lumipat ka na lang. I am waiting for someone right now. Baka sabihin pa ng hinihintay kong napakasama kong lalaki at nagsama ako dito ng ibang babae."

"Oh please! Masama ka ng lalaki noon pa kaya wag ka ng magpasikat at magmalinis," ngumiti pa siya ng pasarkastiko sa akin, yes its a sarcastic smile. "I'm also waiting for someone kaya umalis ka na dito, ayokong masabi sa akin na nagsama ako ng lalaking..." Tinignan niya ako mula ulo pero hindi hanggang paa kasi kalahati lang nag nakikita niya sa akin since nakaupo na ako.

"Ng lalaking matangkad at gwapo?" Kinindatan ko pa siya para inisin at nainis naman talaga siya.

"Oh please! Maghunos dili ka sa sinasabi mo." Hindi ko alam kung matatawa ako sa sinabi niya. Nagsasabi lang naman ako ng katotohanan, Natatawa ako lalo dahil pulang-pula na ang mukha niya dahil sa sobrang inis na inis na sa akin.

"Sir and Maam, can I get your order?" sabi sa amin ng waiter.

"Kindly check if this table is reserved in the name of Lorenzo Nathaniel Villaforte."

"Yes, sir" sagot naman ng waiter at umalis na.

"Hintayin mo lang at mapapahiya ka sa akin. Hmpf." Hindi ko na lang siya pinansin at hinitay ko na lang ang pagbalik ng waiter na ngayon nga ay papalapit na sa amin.

Tignan lang namin kung kanino ang huling halakhak.

"Yes Sir, this table is reserved for Mr. Lorenzo Nathaniel Villaforte." Gusto kong tumawa ng malakas ng mapansin ko ang pagsalubong ng kilay nito. Sinong pahiya sa atin?

"What? This is not happening to me. Waiter, kindly check again! This table is reserved in my name." Tumingin pa siya sa akin at pinanlakihan ako ng mata. "My name is Rezzy Yeung."

"Yes, Maam." Wala ng nagawa ang pobreng waiter sundin ang pinapagawa rito. Natawa na lang ako ng mapakamot ng ulo ang waiter na ngayon nga ay nakaalis na.

"You know, pwede naman kitang ipalipat sa ibang table.--"

"No. Bakit naman ako lilipat ng ibang table kung ito naman ang table ko." At ngayon ay kulang nalang umusok sa tenga niya sa sobrang pamumula ng mukha. Inis na inis na talaga siya sa akin, hindi pa rin talaga siya nagbabago kahit lumipas na ang panahon.

"Maam." Napalingon ito sa waiter na nakabalik na pala sa amin.

"This table is reserved in your name po." Sabi naman ng waiter na nakatingin ngayon kay Rezzy. Bigla akong napalingon rito.

"What?" Tanong ko sa Waiter. Pero kakasabi lang ng waiter na ito na sa akin nakareserved ang table na ito tapos biglang nakareserved naman sa pangalan ng babaeng ito?

"Pinagluluko mo ba kami?" Tanong ko sa waiter. Napatingin ako sa harapan ko at ang babae nakangiti lang ng pang-uuyam.

"Sir hindi po. This table is reserved for Mr. Lorenzo Nathaniel Villaforte and Ms. Rezzy Yeung." Sagot naman ng waiter. Wait, what? Anong sinasabi ng waiter na ito?

"What the hell?" Sabay pa namin dalawang bigkas at nagkatinginan kami. Masamang nakatingin siya sa akin habang ako ay hindi makapagsalita.

"Don't tell me, you're the guy that my parents arranged for me to marry?!" At doon lang nagsink in sa utak ko ang sinabi nito. Seriously? Ito ang babaeng papakasalan ko?

Nagkatinginan lang kami at walang nagsalita. Napatingin ako sa likuran niya, mga naka suit na mga lalaki, which means ginawa din nila dito ang ginawa nila sa akin para lang mapasunod ang babaeng ito?

Hindi niya din alam? How can this be happening?

Bakit sa lahat pa ng babaeng pwede ipapakasal kuno sa akin ay ito pa talaga? Its not just that I have a not so good memories with her but also she is the best friend of Solemn. Pagkakataon nga naman talaga, lalong sumakit ang ulo sa nangyayari.

Napabuntong hininga ako. Napatingin ako sa phone kong ngayon ang nariring na nasa lamesa. My mother's name appeared in the screen of my phone. Great, nice timing Mom.

Mabilis kong dinampot ang cellphone at pinindot ang answer button.

"Did you meet her already? She's beautiful, right? I told you magugustuhan mo si Rezzy. She's not just beautiful but also very polite and kind.--" napahawak na lang ako sa noo ko.

"Mom what is her name again?"

"Rezzy Yeung. You'll definitely like her, please just spend some time with her para magkakilala naman kayong dalawa. Now, now hindi ka din naman makakatakas eh. Enjoy, bye."

"Wait Mom." Bago pa ako makapagsalita ay pinatay na ni Mom ang tawag. Nagkatinginan kaming dalawa ni Rezzy at ni walang nagsalita sa amin ng ilang minuto.

"What are we going to do?" Tanong ko sa kanya. "I can't believe na ikaw ang kinuha nilang fiancé ko.

"Hindi din ako makapaniwala na walang kataste-taste si Mommy. Ipapaarrange na lang niya ako ng mapapangasawa, iyong lalaki pang tulad mo,"sabay irap sa akin.

"What did you say?" kumunot na din ang noo ko. Aba naman talaga.

"Gusto mong ulitin ko pa? Sabi ko walang kataste-taste si Mommy at ikaw pa ang pinili sa lahat ng pwede ipaasawa sa akin." Sabay flip ng buhok niya.

"Are you sane? Hindi mo ba nakikita ang lalaking nasa harapan mo? O bulag ka lang?" Walang taste ang Mommy niya? Sinasabi ba niyang pangit ako? Ako pa talaga?

"I am very sane at oo hindi ako bulag. Do you know why I don't like you? Because of your attitude mas gugustuhin ko pang makasal sa lalaking hindi kagwapuhan kung ikaw lang naman. At akala mo ba nakalimutan ko ang ginawa mo sa akin dati?" Nanggagalaiti pa niyang sabi sa akin.

"That was a long time ago," sagot ko naman sa kanya. Masamang nakatingin lang siya sa akin. Napakatagal ng nangyari iyon at hanggang ngayon hindi niya pa din makalimutan?

"Sir and Ma'am, can I get your order now?" tanong ng kawawang waiter.

"No," sagot naming pareho. Kawawang pobreng waiter nasama pa sa init ng ulo namin. Agad namang tumango ang waiter at agad na umalis dahil naramdaman ata ang hindi magandang aura.

Hindi ko maatay matapos ang araw na ito.