Chapter 12

"Gusto sana kitang makausap, Jarred kung iyo sanang mamarapatin." anito at ibinaba sa center table ang hawak na tasa. Napatitig si Jarred sa ginang, kababakasan ang mukha nito ng pagkabalisa at pagod. Tumango siya.

"Sige po. Tungkol po ba ito kay Beatriz?" tanong niya.

Wala namang ibang dahilan kung bakit narito ang ginang kung hindi patungkol ito kay Beatriz. Nagsumbong ba si Beatriz sa ina niya? Wala siyang dapat na ikabahala, dahil hiwalay na sila ni Beatriz ng magkaroon sila ng relasyon ni Jasmine.

"Iwan ko muna kayo, baby. Doon muna ako sa itaas." ani Jasmine. Akmang hahakbang na ito ng pigilan niya itong sa braso.

"Stay, baby." aniya sa seryusong tinig.

"Pero sa tingin ko wala akong karapatan na makinig sa pag-uusapan ninyo, kaya sa itaas muna ako." giit nito. Hinila ko siya at inakbayan tsaka inilapit ang labi sa kaniyang taenga.

"You have the rights, baby. Your my future wife." aniya. Napakagat-labi ito na wari'y pinipigilan ang kilig dahil nasa harapan nila ang ginang.

"Maupo po tayo, Mrs. Cardova." aniya sa ginang na dagli namang ginawa. Samantala, naupo naman sila ni Jasmine sa sofa na nasa gilid na sakto lamang sa pangalawang tao. Tiningnan niya si Mrs. Cardova.

"Ano po ang tungkol kay Beatriz at kailangan niyo pa pong pumunta rito? At tsaka nasaan po si Beatriz? Hanggang ngayon hindi ko pa rin siya napapatawad sa ginawa niyang pakikisabwatan sa isa kong empleyado para sirain ang relasyon namin ni Jasmine. Kailangan niyang pagbayaran ang ginawa niya. Hindi ko mapapalampas iyon, Mrs. Cardova." aniya sa matigas na tinig.

Nakita niya ang luha na tumulo sa mga mata nito. Dali-dali naman nitong pinahid ang panyo na hawak. Ang mas lalong nagpagulat sa kanila ni Jasmine ay ang paglapit ni Mrs. Cardova sa kanila at ang pagluhod nito.

"Oh my God!" tili ni Jasmine dahil sa gulat.

"Patawarin niyo ang aking anak sa mga naging kasalanan niya sa inyo. Nasa depression siya ngayon at nagpapagaling. Sa ngayon, nasa pangangalaga siya ng doctor. Kaya sana maintindihan niyo ang sitwasyon niya.

Gusto ko siyang dalhin sa France para doon magpagaling. Ayaw ko namang umalis kami ng bansa na May nagawang pagkakamali si Beatriz, kinausap ako ni Sundie at kwenento lahat ng mga pinaggagawa ni Beatriz sa relasyon ninyong dalawa ni Jasmine.

Patawarin niyo ang anak ko, marahil sa sobrang pagmamahal sa iyo Jarred kaya niya nagawa iyon. Pangako, kapag magaling na siya. Sisiguraduhin ko na hihingi siya ng kapatawaran sa inyo." anito at tiningala siya mula sa pagkakaluhod. Hinawakan ni Jasmine ang balikat ni Mrs. Cardova.

"Tumayo po kayo, Mrs. Cardova. Hindi niyo po kailangang lumuhod para mapatawad namin kayo." ani Jasmine.

Napatitig siya sa kasintahan. Napakabusilak talaga ng puso nito na mas lalong nagiging dahilan para mas mahalin niya ito. Ito ang katangian ni Jasmine na talagang nagustuhan niya at minahal niya, bonus na lang ang pagiging maganda niya. Tumayo naman si Mrs. Cardova.

"Pero... Baka mas prefer ni Mr. Racqueza na nakaluhod ako." anito na kababakasan ng pangamba ang mukha. Tiningnan ni si Jasmine at tinitigan siya nito ng makahulugan.

"Ayos na po. Napatawad na po namin si Beatriz, sabihin niyo po magpagaling siya para po sa inyo at sa sarili niya." aniya at nginitian ang ginang. Hinawakan ng ginang ang kaniyang mga kamay at masuyo siyang tinitigan.

"Salamat, Jarred. Maraming-maraming salamat sa pagbibigay ng pangalawang pagkakataon para kay Beatriz." anito at tiningnan si Jasmine.

"Salamat din sa iyo hija dahil hindi ka nagtanim ng sama ng loob kay Beatriz. Napakaswerte ni Jarred sa iyo at syempre swerte ka rin kay Jarred." anito na mahihimigan ang sinseridad sa boses nito. Ngumiti si Jasmine rito at hinawakan nang mahigpit ang mga kamay.

"Mrs. Cardova— pinutol na nito ang iba pang sasabihin ni Jasmine.

"Tita Bianca nalang itawag mo sa akin, Jasmine." anito. Ngumiti na napatango si Jasmine.

"Tita Bianca, lahat po tayo nakakagawa ng pagkakamali, sa totoo lang. Galit na galit po ako ng malaman na siya ang may pakana nun. Pero may magandang naidulot naman po sa amin ni Jarred ang nangyari.

Naging matatag po kami at naging matibay ang aming samahan bilang magkasintahan at malapit na po kaming ikasal. Pakisabi po kay Beatriz na magpagaling po siya at hihintayin ko ang araw na magkikita kaming muli, at sa araw na iyon maayos na siya." ani Jasmine sa sinserong boses. Niyakap ng mahigpit ni Mrs. Cardova si Jasmine.

"Uli, maraming-maraming salamat." anito.

Matapos magpaalam at maihatid sa labas si Mrs. Cardova, sabay na pumasok sa loob sina Jarred at Jasmine. Nang nasa loob na sila ng kabahayan, agad na ipinalibot ni Jarred ang mga kamay sa bewang nito. Samantala, ipinalibot naman ni Jasmine ang mga kamay sa leeg ng kasintahan. Nagkatitigan sila.

"Thank you kasi hindi mo itinuloy ang pagdedemanda kay Beatriz. Sobrang naaawa kasi ako sa kaniya. Maysakit ka at tiyak na kung nasa tamang pag-iisip siya marahil hindi niya iyon gagawin." ani Jasmine. Hinaplos niya ang pisngi nito at hinalikan ang bawat sulok ng kaniyang mukha. Tinampal nito ang balikat niya.

"Jarred!" anito na natatawa. Pinakatitigan niya ito.

"Thanks to you. Dahil ikaw ang dahilan kaya ko ito ginagawa, ikaw ang nagpabago sa akin, baby. Hindi ko alam kung saang mental facility ako ilalagay kong sakaling mawala ka sa akin." aniya habang nakatitig rito ng buong pagsuyo at pagmamahal. Ngumiti lamang si Jasmine at ito na ang kusang humalik sa kaniya na dagli naman niyang tinugon.

Samantala, sa mansiyon ng mga Viesta ay abala si Genesaret sa paghahanda ng hapunan na dadalhin niya kina Jarred. Gusto niyang ipagluto si Jarred at tiyak na matutuwa ito sa kaniya. Pero may iba pa siyang balak at sisiguraduhin niya na sa binabalak niya magtatagumpay siya at mapupunta sa kaniya ang atensyon ni Jarred.

"Ano naman iyang niluluto mo, iha? Mukhang masarap ata iyan." tanong sa kaniya ng kaniyang ama. Humarap siya sa kaniyang ama.

"Dinakdakan dad." sagot niya at ipinalibot ang mga kamay sa bewang nito at niyakap.

"Pwede po akong nakisuyo, dad?" tanong niya. Kinunotan siya ng kaniyang ama.

"Ano naman iyon?" tanong nito na para bang may duda sa paglalambing niya rito. Kapag ganitong naglalambing si Genesaret tiyak na may kapilyuhan itong gagawin. Lumayo si Genesaret sa ama.

"Pakihatid naman ako kina Jarred Racqueza, dad. Para sa kaniya itong niluluto ko." aniya sa ama.

Huminga ng malalim si Allan sa inaasta ng anak. Gustuhin man nitong magalit kay Genesaret hindi nito magawa. Ayaw nitong magtampo siya at baka may gawing hindi maganda sa sarili. Nag-iisang anak, kaya spoiled. Pero bilang ama, kailangan nitong payuhan ang anak.

"Okay. Basta itext mo ako kapag uuwi ka na." paalala nito sa kaniya. Tumango-tango siya. Masaya si Gene dahil suportado siya ng kaniyang ama.

"Okay po." aniya at hinarap na ang niluluto. Kinuha iyon at ipinatong sa mesa tsaka kumuha ng malaking tupperware para doon niya ilagay.

"Anak." tawag ng kaniyang ama.

"Yes, dad." aniya at tinapunan ng tingin ang kaniyang ama.

"Anuman ang binabalak mo, huwag mo na ituloy. Kung may gusto ka kay Jarred, kailangan mong pigilan ang sarili mo. Ikakasal na siya at hindi maganda na ipilit mo ang sarili mo sa kaniya. Marami pang lalaki na nararapat para sa iyo." huminga si Allan ng malalim at nilapitan siya tsaka hinawakan sa balikat. "Malaki ka na, alam mo na ang tama at mali." anito at tinalikuran siya.

Napaupo si Genesaret sa upuan. Mali ba itong ginagawa ko? Nagmamahal lang naman ako? Ngayon lang ako nagmahal ng ganito. Pero kapag nakikita kong masaya sila, nasasaktan ako! aniya sa sarili.

Pero kalaunan ay hindi pinansin ang payo ng kaniyang ama at ipinagpatuloy ang ginagawa. Wala siyang pakielam kung mali man ang ginagawa niya, ito ang gusto niya kaya papanindigan niya na.