Chapter 13

Dahil linggo at wala si Ate Tessa, nagprisinta si Jarred na siya ang magluto para sa hapunan. Kahit papaano natututo na ito. Dahilan niya gusto daw siya nitong ipagluto na ikinatuwa naman niya. Hindi niya tuloy maiwasang makaramdam ng kilig dahil ipagluluto siya nito.

Abala siya sa pagwawalis sa salas ng marinig niyang tumunog ang doorbell ng kanilang bahay. Napakunot-noo siya. Sino naman kaya ang bisita nila ngayon? Dali-dali siyang lumabas ng bahay at nagtungo sa gate tsaka binuksan iyon. Natigilan siya ng makita si Genesaret at si Mr. Viesta. Ngumiti ng tipid si Genesaret sa kaniya.

"Good evening, Ms. Saderra." bati ni Ginoong Viesta. Ngumiti siya pabalik rito.

"Magandang gabi po. Pasok po kayo." ganting-bati niya at niluwagan ang pagkakabukas ng gate. Ikinumpas ni Ginoong Viesta ang kamay na nagpapahiwatig na hindi ito papasok sa loob.

"Si Genesaret ang may sadya sa inyo. Nagluto siya ng dinakdakan na pagsasaluhan niyo." magiliw nitong tugon.

Napatingin siya kay Genesaret, kusang bumaba ang kaniyang mga kamay sa bitbit nito. Ibig sabihin ang laman niyon ay dinakdakan. Pero bakit kailangan pa niyang magluto? Hindi kaya nagluto siya para kay Jarred? Hindi niya maiwasang lihim na mainis sa isiping iyon. Pinanatili niya ang sarili na may ngiti sa labi.

"Hello, Jasmine." aniya at nginitian siya. Ngumiti naman siya kahit na napipilitan.

"Hello, Genesaret. Halika, pasok ka." paanyaya niya. Naglakad palapit si Genesaret sa kaniyang ama at hinalikan ito sa pisngi.

"Mag-iingat po kayo sa pag-uwi, dad." anito. Tumango naman si Ginoong Viesta. Nang humiwalay si Genesaret, tiningnan siya ni Ginoong Viesta.

"Ikaw na ang bahala kay Genesaret, iha." ani Ginoong Viesta at sinulyapan si Genesaret. "Tawagan mo ako kapag susunduin na kita. Okay?" ani nito. Tumango naman si Genesaret sa ama.

"Opo." sagot nito.

Lumingon muli sa kaniya si Ginoong Viesta at ngumiti tsaka tumalikod at nagtungo sa sasakyan. Nang mawala sa paningin nila ang sasakyan. Tiningnan niya si Genesaret at tipid na nginitian.

"Pasok tayo sa loob, tiyak na tapos na ang niluluto ni Jarred." aniya at nauna nang maglakad papasok sa kabahayan.

"Magaling siguro magluto si Jarred, noh?" anito. Napalingon siya dito at tipid na nginitian.

"Sakto lang naman. Kailan lang naman noong nagsimula niyang sanayin ang sarili sa pagluluto." aniya.

Bakit ba pakiramdam niya may iba sa kung paano nito banggitin ang pangalan ng kasintahan? Tama ba ang sapantaha niya na may gusto ito sa kasintahan? O kung mayroon man, wala siyang dapat ikabahala dahil kilala niya ang kasintahan at malaki ang tiwala niya kay Jarred. Nang makapasok sila sa loob ng bahay.

"Baby, bakit— naputol ang sasabihin ni Jarred nang makita ang kasama niya. Kumaway si Genesaret kay Jarred.

"Hello! Okay lang ba na dito ako maghapunan? May dala akong ulam, dinakdakan. Tiyak na magugustuhan mo." anito sabay pakita ng hawak na paper bag. Tiningnan siya ni Jarred. Tinanguan niya ito na katunayan na pakisamahan nito si Genesaret ng maayos. Muli ibinalik ni Jarred ang tingin dito at tipid na ngumiti.

"Ganoon ba. Eh, kung pumayag naman ang fiance ko, payag na rin ako. Siya ang boss rito eh." ani Jarred na binuntutan na mahinang pagtawa.

"Sira! Sabihin mo lang kasi na mahal na mahal mo ako kaya ganiyan ka sakin." aniya.

Sinadya niya iyon para iparating kay Genesaret na wala itong mahihita sa kaniyang kasintahan kung sakali man na totoo ang kutob niya na may gusto ito sa kasintahan.

"Ang sweet niyo naman." puri ni Genesaret. Humarap siya kay Genesaret at nginitian.

"Salamat." aniya. Biglang may umakbay sa kaniyang tabi. Tiningala niya ito, walang iba kundi si Jarred.

"Ganito talaga kami, kaya kahit sinuman ang sumubok na paghiwalayin kami. Tiyak na hindi siya magtatagumpay dahil matatag ang aming relasyon." ani Jarred sa seryusong tinig at kinintalan siya ng isang mabilis na halik sa noo. Nakita niya ang pagbabago ng ekspreksyon ng mukha nito pero pagdaka'y napawi rin iyon ng ngumiti ito.

"Ganun ba. Mabuti naman kung ganun." anito.

"Tara, kain na! Baka lumamig na ang ulam, mas maganda na yung mainit-init para masarap." anyaya niya sa dalawa.

"Sige!" masiglang ani Genesaret.

Agad silang nagtungo sa hapag-kainan. Nanlaki ang kaniyang mga mata sa nakita. Nakahanda na ang mesa. Naroon na ang pagkain, kubyertos at plato.

"Mas maganda pala na ikaw ang nagluluto, ikaw na gumagawa lahat eh!" aniya at tiningnan ang kasintahan at nginitian ng matamis.

"Buntis ka at ayaw kong mapagod ka." anito na naging dahilan para bumilis ng tibok ng kaniyang puso. Ang sarap sa pakiramdam na alagaan ng isang Jarred Racqueza. Ipinaghila siya nito ng upuan. Nagpasalamat siya at tsaka naupo. Lumapit naman ito kay Genesaret at ipinaghila rin ng upuan.

"Salamat." anito na may pagningning ang mga mata.

Hindi iyon nakaligtas sa mga mata ni Jasmine, pero isinawalang-bahala nalang niya iyon dahil baka namalik-mata lamang siya.

"Walang anuman. Sandali, kukuha lang ako ng plato mo." ani Jarred at nagtungo na sa lagayan ng plato.

Pagbalik ay may dala ng plato at inilagay iyon sa harapan ni Genesaret. Samantala, inasikaso naman siya ni Jarred. Nilagyan ng kanin ang kaniyang plato.

"Salamat." aniya. Kinindatan siya nito.

"Walang anuman." anito na naging dahilan para kiligin siya.

Wala namang kaso sa kaniya ang ginawa kanina ni Jarred, ang ipaghila ng upuan si Genesaret. Bilang lalaki, dapat maging gentleman ito. Ayaw niyang gawing big deal iyon. At ayaw niyang bigyan ng puwang ang selos sa kaniyang puso dahil ayaw niyang mag-away sila at baka makasama pa sa bata na nasa kaniyang sinapupunan.

Hindi maiwasang makaramdam ng selos si Genesaret habang tinitingnan sina Jarred at Jasmine. Sa kung paano asikasuhin si Jarred ni Jasmine. Biglang pumasok sa kaniyang isipan ang mga payo ng kaniyang ama habang nasa byahe sila.

"Anak, nakakasira ka ng relasyon. Madami namang iba diyan, bakit kay Jarred Racqueza pa?" tanong nito habang binabagtas nila ang daan papunta sa mansiyon ni Jarred.

"Dad, walang mali kung ang mali ay itatama. Gusto ko si Jarred, hindi ko alam kung bakit ganito nalang ang pagkagusto ko sa kaniya. Gusto ko siyang kalimutan, pero hindi ko magawa, dad. Tinamaan ako ni kupido. Pwede naman ang annulment o divorce diba? Madami naman nun gumagawa diba?" aniya.

Gagawin niya ang lahat mpaasa-kaniya lang si Jarred! Hindi siya papayag na hindi mapunta sa kaniya ito. Huminga ng malalim si Ginoong Viesta na para bang suko na sa kaniya. Tiningnan siya nito saglit at muling itinuon ang paningin sa daan, pero inihinto niya ito sa gilid ng daan at hinarap siya.

"Okay, kung yan ang magpapasaya sa iyo. Gawin mo, pero anak mag-iingat ka. Okay ba iyon?" anito at ikinulong ang mukha niya ng palad nito. "Mahal na mahal kita, anak at ayaw kong mapahamak ka." anito at hinalikan siya sa noo. Bigla siyang napayakap sa kaniyang ama.

"Salamat, dad! Salamat. Pangako, mag-iingat ako." aniya. Bumalik siya sa kasalukuyan mula sa pag-alala sa nangyari kanina ng magsalita si Jasmine.

"Ang sarap ng dinakdakan." anito at nginitian siya.

Pero ramdam niyang pilit lamang iyon, hindi siya hangal para hindi mapansin iyon na pinipilit lang siya nitong pakisamahan siya. Puwes! Parehas lang kami, pinipilit lang niya itong pakisamahan dahil kay Jarred! Tipid siyang ngumiti.

"Salamat." aniya at binalingan si Jarred.

"Ikaw, Jarred? Masarap ba luto ko?" tanong niya rito. Tumango-tango ito pero hindi siya tiningnan, naka-focus lang ang tingin sa kinakain.

"Yup, masarap siya. But, mas masarap pa rin ang luto ni Jasmine. Iba kasi luto niya, nakakahalina." anito at tiningnan siya.

Kitang-kita sa mga mata nito ang kislap ng kaligayahan, kaligayahan para kay Jasmine. Pakiramdam niya may martilyong pumupokpok sa kaniyang puso ng mga sandaling iyon. No! Hindi siya susuko! Walang Viesta na mahina. Tipid siyang ngumiti, biglang may ideyang pumasok sa kaniyang isipan.

"Pwede ba ako magpahatid sa iyo mamaya? Ayaw ko naman na kasing istorbohin pa si dad, medyo mahina na rin kasi ang katawan niya sa pagmamaneho. Kung ayos lang sa iyo?" tanong niya.

Kung may gusto ka dapat lakasan ang loob. Tiyak na magkakaroon siya ng pagkakataon na makausap ng sarilinan si Jarred.

"Hm, pero isasama ko si Jasmine. Ayaw ko siyang isang mag-isa rito." anito. Naiinis siya dahil lagi nalang si Jasmine ang bukang-bibig nito. Pero soon, pangalan naman niya ang magiging bukang-bibig nito.

"Ahm, diba buntis siya? Baka makasama iyon sa kaniya." aniya. Nilingon ni Jasmine si Jarred at nginitian.

"Okay lang, magpapaiwan na lang ako. Magiging okay lang kami ni baby rito. Ihatid mo siya, ayos lang iyon sa akin." ani Jasmine na naging dahilan para mapangiti siya.

Tiyak na hindi matutuwa si Jarred, dahil pakiramdam nito ay ipinamimigay siya ni Jasmine o hinahayaan na makasama ang ibang babae. Nabasa lang niya sa isang article sa magazine.

"Okay, ihahatid ko siya." sagot ni Jarred at nagpatuloy na sa pagkain.