Chapter 11

Matapos malaman ni Jarred ang buong katotohanan sa kaniyang tiyahin. Hindi niya maiwasang makaramdam ng guilty dahil hindi niya pinakinggan ang paliwanag noon ng kaniyang ama, magpapaliwanag sana noon si Dante pero sinabi niya na huwag na itong magpaliwanag dahil gusto na niyang kalimutan ang nakaraan.

"Okay ka lang?" tanong sa kaniya ni Jasmine.

Bumaling siya sa kasintahan. Kitang-kita ang pag-aalala sa kaniyang mukha. Huminga siya ng malalim at inihinto ang sasakyan sa gilid ng kalsada. Nang maitabi ang sasakyan, hinarap niya si Jasmine.

"Hindi ko lang maiwasan na makaramdam ng guilty dahil isinantabi ko ang tangkang pagpapaliwanag ni dad sakin. Dapat pinakinggan ko siya, dapat hindi ako naging makasarili. Dapat— pinutol na ni Jasmine ang iba pa niyang sasabihin sa pamamagitan ng pagsapo ng mukha niya gamit ang dalawang palad nito.

"Hindi pa naman huli ang lahat, baby. Puntahan natin ngayon sina Tita Celeste at Tito Dan para maipaliwanag mo yung side mo. Pero sana, huwag kang magagalit sa ina mo dahil may rason naman siya kung bakit niya nagawa iyon." ani Jasmine na buong pagsuyo siyang tinitigan.

Napaka-palad niya talaga dahil biniyayaan siya ng isang Jasmine Saderra. Sinapo niya ang batok nito at inilapat ang labi niya sa mapupulang labi nito at mariing hinalikan sa mga labi na kaagad namang tinugon ni Jasmine. Parehong hinihingal ng maghiwalay ang mga labi nila. Ngumiti si Jasmine.

"Tara na?" tanong nito. Ngumiti siya pabalik rito.

"Sure." aniya at hinalikan ito sa noo bago hinarap ang manibela at pinasibad iyon patungo sa mansiyon ng kaniyang ama.

"Jarred, Jasmine! Buti napasyal kayo? Halika kayo, pasok kayo." yaya ni Celeste sa kanila nang mapagbuksan sila nito ng pinto. Kaagad namang pumasok ang dalawa sa loob. Iginiya sila ni Celeste sa salas at doon naupo.

"Sandali lang ah, ipagtitimpla ko kayo ng juice. Tatawagin ko na rin si Dan, tiyak na matutuwa yun na malaman at makita kayo na bumisita." ani Celeste.

Sabay silang tumango ni Jarred. Pagkatapos, iniwan na sila ni Celeste. Hinawakan niya ang kamay ni Jarred at bahagyang pinisil. Napatingin sa kaniya ang kasintahan.

"Kaya mo yan." pagpapalakas-loob niya rito.

"Salamat." anito at inilapit ang labi sa kaniyang labi at binigyan ng mabilis na halik sa labi.

"Ang sweet naman." komento ni Dan sa dalawa.

Napabaling sila sa nagsalita, namula ang pisngi ni Jasmine dahil nahuli silang ganun ang ginagawa. Wala namang masama sa ginawa nila, pero iba pa rin ang pakiramdam kapag magiging byenan mo ang nakakita. Tumayo si Jarred at nilapitan ang ama nito tsaka nagmano.

"Magandang hapon po, dad." bati ni Jarred sa ama. Tinapik naman ni Dan ang balikat ni Jarred.

"Magandang hapon din. Buti napadalaw kayo." anito at tiningnan siya. Nginitian niya ang future father-in-law niya.

"Hintayin muna po natin si Tita Celeste po." sagot niya.

Sakto naman na papalapit na si Celeste na may dalang tray ng juice at biscuit. Nang makalapit si Celeste sa mesa, agad niyang inilapag ang dala roon. Tumabi ito sa kaniya at niyakap siya. Niyakap din siya nito pabalik. Samantala ang mag-ama naman ay naupo sa katapat na upuan at nakangiti na nakatingin sa dalawa. Natutuwa sila sa closeness ng dalawa.

"Namiss kita, Jasmine. Kamusta ang pagbubuntis?" tanong nito.

"Okay naman po. Minsan po nagiging moody po ako pagdating kay Jarred pero hindi naman po ganoong kaselan." aniya. Ngumiti si Celeste.

"Ganiyan talaga. So, may sadya ba kayo o talagang gusto niyo lang kaming bisitahin?" tudyo ni Tita Celeste. Sasagot na sana siya pero naunahan siya ni Jarred.

"Pareho po. Namiss po namin kayo at may mahalaga po akong sasabihin sa inyo. Actually, galing po ako kina Tita Raquel po at inimbitahan po sila sa kasal po namin. At may nalaman po ako, dad." panimula ni Jarred. Natigilan si Dan sa sinabing iyon ni Jarred. Maging si Tita Celeste ay natigilan.

"Ano ang sabi ni Raquel sa iyo?" tanong ni Dan.

"Ang tunay na dahilan ng paghihiwalay ninyo ni inay. Ang buong akala ko po ay ipinagpalit niyo si inay kay Tita Celeste, pero hindi po pala. Dahil ang totoo, umalis si inay at nagpakalayo-layo sa inyo dahil hindi siya tanggap ng iyong magulang, dad. Bakit ganun, dad? Bakit pinaniwala ako ni inay sa kasinungalingan?" ani Jarred.

Kakikitaan ng lungkot ang mga mata nito at parang pinipilit lang na maiyak. Gusto niyang lapitan ang kasintahan at yakapin ng mahigpit.

"Yun ang gusto kong ipaliwanag sa iyo noon. Kaso tinatanggihan mo ang paliwanag ko. iniwan ako ni Rancel nang malaman niya na hindi siya tanggap ng magulang. Sa totoo lang, handa ko siyang ipaglaban pero siya ang sumuko. At nang mga panahong nalulugmok ako sa kalungkutan, doon ko nakilala si Celeste.

Binigyan niya ako ng pag-asa na muling makabangon at magmahal ulit. Hindi ko ipinagpait ang iyong ina. Marahil nalaman ng iyong ina na may mahal na akong iba, kaya pinilit ka niyang paniwalaan sa isang isang bagay na hindi totoo. Ngunit, napatawad ko na ang iyong ina. Tapos na iyon, kalimutan na natin iyon.

Ang mahalaga yung ngayon dahil tinanggap at minahal mo kami ng iyong Tita Celeste kahit yun ang alam mo tungkol sa aming dalawa." ani Dan. Napangiti siya ng magyakapan ang dalawa at doon at ibinuhos ni Jarred ang pinipigilang pag-iyak.

"Salamat po, dad." ani Jarred at niyakap ng mas mahigpit pa ang ama. Napatingin siya kay Celeste, bakas sa mukha nito ang kasiyahan sa nakikita. Lumingon ito sa kaniya.

"Masaya ako para sa kanila. Masaya ako dahil nalaman na ni Jarred ang katotohanan." anito. Ngumiti siya.

"Ako din po. Alam kong magaan na ngayon ang pakiramdam ni Jarred sa mga nalaman." aniya.

"Ang sarap sa pakiramdam na lumabas na ang katotohanan, baby. Na wala na akong kinikimkim na sama ng loob sa kanila. Oo aaminin ko napatawad ko na sila pero syempre minsan hindi ko pa rin maiwasang makaramdam ng panaghihili kapag nakikita ko silang magkasama. Kaya masaya ako ngayon dahil nalinawan na ako." aniya sa katipan ng pauwi na sila sa mansiyon. Humilig sa balikat niya si Jasmine.

"Masaya ako para sa iyo. Sabi nga nila. Truth will set you free." anito.

Tama ito, ang katotohanan talaga ang magpapalaya sa iyo. Pero ganunpaman, ayaw niya ng magalit sa kaniyang ina. Tapos na iyon, walang maidudulot na maganda ang magtanim ng galit sa taong patay na. Natigilan si Jarred ng may mapansin ang sasakyan malapit sa gate ng mansiyon.

"Kaninong kotse iyon?" tanong ni Jasmine.

"Hindi ko alam. Malalaman natin sa loob, marahil pinapasok siya ni Ate Tessa." sagot niya at ipinasok na ang sasakyan sa loob ng compound.

Sabay silang lumabas ng sasakyan at tinungo ang kabahayan. nang makapasok, nakita nila ang isang ginang na sa tantiya niya nasa singkwenta ang edad na nakaupo sa sofa at sumisimsim ng kape. Sandali! Parang kilala niya ito?! Tumayo ang ginang nang makita sila.

"Mr. Jarred Racqueza." anito na mababanaag ang lungkot sa mga mata.

Ano ang ginagawa ng ina ni Beatriz sa pamamahay niya? Anong kailangan nito? Narito ba ito para kay Beatriz?

"Mrs. Cardova..." aniya.