Chapter 5

Dahan Dahan kong minulat ang mata ko at tumayo na mula sa kinauupuan ko tiningnan ko ang oras at nakita kong alas tres na ng madaling araw.

Napailing na lang ako ng makita ang mga pagkain na hinanda ko para kay Riguel. Napangiti na lang ako ng mapait.

Narinig ko na may bumusina kaya lakad takbo akong pumunta doon at bumungad sa akin ang asawa ko at si Ria. Yes. girlfriend siya ni riguel or should i say flavor of the month?

Napabuntong hininga na lamang ako at binukas ko na ang pinto at masuyo silang binigyan ng ngiti.

Nginitian naman ako pabalik ni Ria well hindi niya naman alam na asawa ako ni Riguel ang alam lang niya ay katulong ako dito.

Hinubad na agad ni riguel yung coat niya at iniwan na lang yon sa sofa at inaya niya na sa guest room yung babae niya. Pinulot ko na lamang yung coat niya at inilagay sa basket.

Maya maya pa ay nakarinig na lamang ako ng mga ungol napatakip na lamang ako ng tenga ko sabay kinuha tumakbo papuntang telepono idinial ko kagad ang numero ng kaibigan ko.

"He-hello" nanginginig na wika ko.

"Anais! whats wrong?" natatarantang tanong nito sa akin.

"Gie, ang sakit ang sakit sakit" saad ko at nagpatuloy na sa paghagulgol ng iyak.

"Hold on, i'm on my way." wika nito at ibinaba na ang tawag.

Matapos ang ilang minuto ay tumungo ako sa banyo para maghilamos napatulala na lamang ako sa repleksyon ko sa harap ng salamin.

Namayat na ako at ang lulusog na din ng mga eye bags ko napaka putla na din ng kulay ko.

Pumikit na lang ako at pinipilit indahin ang lahat .

Nagbihis na lamang ako ng simpleng dress at naglagay ng face powder na sinamahan ko ng paglagay ng lip gloss dahil namumutla na ang labi ko.

Maya maya pa ay nakarinig ako ng sunod sunod na busina ng sasakyan halos madulas dulas na ako sa pagmamadaling bumaba.

Naabutan ko doon sa labas ng gate ang bestfriend kong si gie. Kitang kita sa mata niya ang galit at para bang ready na siyang sumabak sa giyera.

"Let go, babalatan ko ng buhay 'yang lintik na asawa mo" saad nito sa akin at hinatak na ako papasok sa loob ng bahay.

Pagkapasok agad namin ay hinanap ng mata niya ang Asawa ko

"Asan na yung walanghiya mong asawa??" Sigaw nito sa akin

Tinuro ko naman ang taas at agad siyang pumunta doon, kumakabog ang dibdib ko sa sobrang kaba.

Halos matumba ako sa kinatatayuan ko ng makita ko si Riguel na nakapatong kay Ria

"What the fuck is wrong with the two of you?!" sigaw nito sa amin at umalis sa ibabaw ni Ria sabay dinampot ang kumot na nakabalot kay Ria.

"Ang Kapal naman ng mukha mong putangina ka!" Sigaw ni Gie sabay lapit kay Riguel at sinampal sampal ito ng ilang ulit.

Sinubukan ko siyang pigilan pero parang baliwala lang sa kaniya iyon tinabig niya lang ang kamay ko.

Maya maya ay tumigil si Gie sa ginagawa niya at nanlilisik na binalingan niya si Ria

"At ikaw, Alam mo bang may asawa na itong kinakalantari mo? Ano sa tingin mo ang mararamdaman mo?" Sigaw nito kay Ria at dinuro duro pa nito.

Halos mataranta naman si Ria sa mga nangyayare. Gulat na gulat siya sa sinabe ni Gie.

Nagulat na lamang ako ng hawakan ni Riguel ang kamay ni Ria.

"Go home, i will fix this." Mahinahong wika ni Riguel sabay halik sa noo ni Ria.

Napasinghap na lamang ako ng makita ko yon

"Tangina, labas na putangina naman!" Sigaw ni Gie kay Ria.

Hinarap ko si Gie sabay huminga ng malalim.

"Gie calm down kaya ko na ito, umuwi ka na" Pakikiusap ko sa kaniya.

Lumambot naman ang itsura nito nawala na ang kanina niyang galit na mukha.

"Bff you know that i care for you diba? Alis na tayo dito sa condo ko na lang ikaw tumira" pakikiusap nito sa akin

Umiling na lamang ako.

Hinawakan ko ang kamay niya na ngayon ay sobrang lamig na.

"Gie, I can handle this. Aayusin ko 'to promise." Pangungumbinsi ko sa kaniya.

Ngumiti na lamang ito ng pilit sabay niyakap ako, halos mapaiyak ako nung niyakap niya ako. I am so blessed to have her in my life.

Maya maya ay bumaba na kame at hinatid ko na siya sa kotse niya.

Pinagsabihan niya pa nga ako na kung sakali daw na saktan ulit ako ng Riguel ay sabihin ko kaagad sa kaniya ngunit isang pilit na ngiti na lamang ang binigay ko sa kaniya.

Kinawayan ko pa siya sandali sabay pumasok na sa loob ng bahay.

Papasok pa lamang ako ng bigla na lamang may matigas na palad ang dumapo sa pisngi ko halos napa pikit ako sa sakit ng sampal nito saken

"Putangina, ka talagang babae ka wala ka nang nagawang maganda sa buhay ko" bulyaw nito sa'kin sabay hablot sa buhok ko.

"A-aray ko" Impit na daing ko. Sobrang sakit nang pagkakahablot nito sa buhok ko. Tila para bang matatanggal na yung mga buhok ko sa anit ko.

"Anong sabi mo di ko naririnig?" Pang aasar nito sa akin sabay ngumisi ng nakakatakot.

"S-stop this Riguel please, nasasaktan ako, Masakit!" Pagmamakaawa ko sa kaniya.

"Putangina Anais baka gusto mong ihambalos sa mukha mo ang rason kung bakit tayo nandirito? Bulyaw nito sa akin sabay hinigpitan pa ang pagsabunot sa buhok ko.

"Ano gusto mo bang ipaalala ko pa sayo??!" Malakas na sigaw nito.

"S-sorry" Mahinang bulong ko. Hindi ko na alam ang gagawin ko. Kung ano pa ba ang mas masakit, Kung yung pananakit niya o yung katotohanan sa likod kung bakit kame umabot sa ganitong sitwasyon.

"Wala kang kwenta" Saad nito sa akin sabay tumingin sa mga mata ko.

Halos manlambot ako kitang kita kung gaano siya kalungkot na nandito sa piling ko.

"Kung sana hindi mo iyon ginawa masaya sana ako ngayon" Saad nito at tila napa piyok pa siya.

"I-i i-i'm s-sorry h-hindi n-na ma-mauuulit" Mahinang paumanhin ko sabay tumulo ang mga luha sa mga mata ko.