Chapter 1

Everything was perfect until one day when I wake up everything has changed.

How can I fight this kind of battle when I am the only one who wants to fight?

-----------------

"Congratulations Mr. and Mrs. Vergara sabe ko na nga ba na sa tinagal tagal niyo eh sa simbahan din ang abot niyo" Natatawang saad ng isang bisita namin na sinabayan ko na din ng pagtawa.

"Nako! Maraming salamat po! Maging sa pag dalo niyo alam kong busy kayo sa paglilingkod sa bayan pero nakuha niyo pa ring dumalo sa espesyal na araw namin." Nakangiting wika ko.

Pagkatapos ng ilang minuto pang pakikipag usap ay nag paalam na ako upang pumunta naman sa iba pa naming bisita.

Sobrang daming tao ang dumalo sa kasal namin nakakatuwa at the same time nakakalungkot. Lahat sila nag eenjoy ang gaganda pa ng mga damit na suot nila. Halata mo talaga na pinaghandaan nilang dumalo sa kasal namin.

Ay ano ba itong mga sinasabe ko dapat masaya lang diba?

Kasal ko ngayon kaya dapat mag focus na lang ako sa pag entartain sa mga bisita hindi yung kung ano ano na lang ang naiisip ko.

Nilinga linga ko ang ulo ko upang hanapin ang asawa ko kanina pa kase siya nawawala, Halos ako na lang yung kumakausap sa mga bisita.

Pumunta muna ako sa cr para sana mag retouch kaya dali dali akong naglakad patungo doon.

Papasok pa lamang ako sa loob ng cr ay nakarinig na ako ng mga ungol nagtataka man ay nilapitan ko ito.

Nanginginig ang mga kamay ko, parang may mali, parang kailangan ko nang umalis agad.

Nag aalinlangan man ako ay pinilit kong ihakbang ang mga paa ko.

"Ughh moreee, i want more baby"

"Yes, that's right baby ughhh!"

Ilan lang yan sa narinig ko. nanginginig ako sa kaba at takot.

binuksan ko na ang pinto ng comfort room at dahan dahan akong pumasok hinanap ko kung saang cubicle nagmumula yung ungol.

Nilapitan ko iyon at nagulat na lang ako sa nakita ko.

Nakaawang nang kaunti ang pinto ng cubicle na ini-okupa nila kaya dali dali ko iyon sinilip at tiningnan.

Kitang kita ng dalawang mata ko na yung pinaka mamahal ko na asawa ay nakikipag siping sa iba.

Halos dumugo na yung labi ko sa pagkagat ko. Grabe pano niya nakakayang makipag siping sa iba? Paano niya naatim ang gawin ito?

Natulos ako sa kinatatayuan ko. Para bang dumikit bigla yung paa ko sa sahig dahil hindi ako makagalaw. Para bang naestatwa na ako sa kinatatayuan ko.

Nakatitig lamang ako sa kanila habang hinuhubaran nila ang isa't isa.

Ang sakit! di ko maipaliwanag yung sakit. Para bang dinudurog ako. Tipong sinasaksak ako ng paulit ulit pero di mamamatay matay yung katawang lupa ko.

Napahawak na lang ako sa bibig ko dahil sa kumawalanh hikbi sa akin. Di ko alam kung san ako kukuha ng lakas.

Kinagat ko ng madiin yung labi ko para doon ako makakuha ng pwersa.

Ang sakit sobra sobra yung sakit.

Hindi ko alam kung saan ako kumuha ng lakas ng loob na hayaan sila sa ginagawa nila.

Tumalikod na lamang ako at ihahakbang ko na sana ang paa ko papalayo ng marinig ko na naman ang mga ungol nila.

Bigla akong pinanghinaan ng tuhod at napaupo ako bigla. Wala na akong pakielam kung madumihan o masira yung wedding gown na suot ko.

Para saan pa ba kung ako lang naman ang may gusto ng lahat ng ito? Para saan pa yung silbi ng kasal kung hindi man lang niya nirespeto yung araw ng kasal namen??

Para saan pa ba lahat ng ito? Para saan pa?

Pinipilit ko namang itama lahat pero bakit nauwi sa ganito? Nag uumpisa pa lang kame pero bakit pakiramdam ko ay agad agad na itong matatapos?

Pano na ako? Pano na yung mga sakripisyong ginawa ko? Paano na ako? Saan na ako pupulutin?

Dahan dahan akong tumayo.

Gusto ko nang umalis sa lugar na ito. Kaya dali dali na akong umalis doon at nagmadaling pumunta sa pinto.

Lakad takbo ang ginawa ko pakiramdam ko ay may humahabol sa akin. Hinahabol ako ng nakaraan ko. Nakakatakot na hindi ako makahinga.

Para bang sinasakal ako sa nangyayare sa akin. Madami akong nakasalubong na bisita na nagugulat kung bakit ako tumatakbo pero di ko na lamang sila pinansin.

Habang tumatakbo ako ay papunas punas ako ng mga luha sa mata ko. sobrang lagkit na nang mukha ko dahil kumalat na yung make up sa mukha ko.

Nagkanda gulo gulo na din yung kaninang maayos kong buhok. Maging ang suot ko ding gown ay nagkanda dumi dumi na.

Di ko alam kung saan na ba ako dinadala ng paa ko pero namalayan ko na lang na dinala ako nito sa tabing dagat.

Napangiwi ako sa sakit na dinulot nang pagtakbo ko kanina dahil nakasuot ako ng stilletos.

Hinubad ko iyon at ibinato sa dagat. hinablot ko nang malakas ang suot kong gown na sanhi ng pagkasira nito pinunit punit ko ito at nagtalsikan ang mga crystal beads.

Frustrated kong ginulo ang buhok ko at sumigaw ng napakalakas, halos mabaliw na ako. Di ko alam kung paano ko ilalabas lahat ng sama ng loob ko.

Umupo muna ako ng pansamantala dahil pakiramdam ko ay hinang hina ako. Humawak ako sa magkabilang tuhod ko at dumukdok na lang.

"Para akong tanga, nakakaawa ang sitwasyon ko." bulong ko sa sarili ko na may kasamang pagluha.

Ilang minuto lang ay dumidilim na at nakikita ko rin na lumalakas na ang hampas ng alon sa dagat pero hindi ko iyon pinansin.

Tinuon ko ang atensiyon ko sa kalangitan napaka payapa napaka kalmadO ng lahat. Maging ang paligid ay napakatahimik huni lang ng mga ibon ang maririnig mo na wari'y nakikipag usap sa isa't isa.

Unti unti akong lumapit sa dagat at hinayaan kong tangayin ako ng alon.

Pumikit ako upang damhin ang lamig ng tubig sa buong katawan ko. Wari'y binigyan ako nito ng lakas.

Hanggang sa unti unti ay napapikit na lamang ako, ngunit may nakita ako na lalaki na may baritonong boses ang tumawag sa akin ngunit hindi ko maaninag kung sino iyon.

Pagkatapos non ay hindi ko na alam pa ang mga sumunod na pangyayari.