CHAPTER 63 THE FAREWELL

Ikatlong Persona

Sa pagdilat niya'y isang madilim na silid ang bumungad sa kaniya. Siya'y labis na nagtaka dahil nakagapos ang kaniyang mga kamay at sa unang tingin palang ay alam niyang ito'y gawa ng mahika. Natulala siya't pinagmasdan ang mga kuko niyang puno ng dugo't may masangsang na amoy.

His hands started trembling for he can see scales on his flesh too. Sunod siyang pumikit ngunit wala siyang matandaan sa lahat ng nangyari't rinig niya lamang ang mabilis na kabog ng kaniyang dibdib. Sa tagal ng panahon na pilit niyang tinutuwid ang nakaraan at mga kamalian niya'y ba't ngayon pa siya nadapa?

Dumilat siya't habang nakatulala sa ere'y kitang-kita niya ang paghulog ng mga alikabok. Ang paggalaw ng mga buhangin kasabay ng malamig na hangin. At kahit madilim man ang silid kung saan siya nagising ay klaro pa rin ang kaniyang paningin. 

The room is spacious but empty. Tanging siya lamang ang nandito't katabi ang nakabukas na malaking bintana sa kaniyang gilid. Kahit ang tunog ng pagtulo ng pawis niya sa mukha'y rinig na rinig niya.

From that, he knew that he made a mess.

"Hindi maari," bulong niya habang nakatingin sa magkadikit niyang mga kamay. Sa kamay niya'y merong isang gintong tanikalang na mahapdi sa balat. Sa unang tingin palang ay alam niyang ito'y pangontra sa isang tulad niya.

"Hindi. . . hindi." Hinihingal niyang sambit habang namimilipit sa sakit... habang pilit na tinatanggal ang bagay sa kaniyang mga kamay. No matter how hard he tried, her hands are already chained by Emiria's magic.

"Hindi..." Napatulala na lang siya nanginginig niyang mga palad na puno ng dugo. Amoy na amoy niya ito't alam niya kung ano ang ibig sabihin.

Ang totoo'y alam niya ang tunay niyang anyo at kinamumuhian niya ang kaniyang sarili.

"Hindi maari..." Paulit-ulit niyang sambit at inuntog ang likod ng kaniyang ulo sa pader.

Errol helplessly held his necklace. Ito'y kinapa-kapa niya at agad niyang napagtanto na bago ito. Nanatili siyang nakatingin sa baba't tinitigan ang suot niyang kwintas. Sunod siyang napabuntong hininga't napasabunot sa kaniyang buhok.

He wanted to deny his past. . . Gusto niya itong takbuhan. Gusto niya itong burahin. . . Ngunit kahit ano'ng gawin niya ay ito ay mananatiling parte ng kaniyang pagkatao.

"Oh." Isang pamilyar na boses ang narinig niya't siya'y umangat ng tingin. Nanatili ang tingin niya sa manipis na papel kung saan nakabalot ang isang mainit na tinapay na siksikan ng karne sa loob.

"Busog pa ako. Sa iyo na." Nanatili ang tingin niya sa taong may hawak ng  tinapay at siya'y napatulala.

Mula sa gilid niya'y nakaupo sa sahig si Koen habang nakatingin sa kawalan. Hinihintay niyang tanggapin ang kaniyang inaabot. Ang totoo'y kanina pa kumakalam ang sikmura niya ngunit mas iniisip niya ang kalagayan ni Errol.

"Nainig kong maari kang kumain sa kondisyon mo ngayon. Naghahanap ng tutunawin ang katawan mo't kahit tubig ay maari mong tikman. Naisip ko na 'di naman tama na ikulong ka rito't gutumin." Nanatiling nakatapat ang kamay ni Koen sa tapat ni Errol. Hawak-hawak lamang nito ang tinapay na nais niyang ibigay rito.

Sa unang sulyap ay kapansin-pansin ang bendahe sa taligiran ni Koen. 'Di rin nakalagpas sa paningin nito ang kalmot sa kaniyang leeg pababa sa kaniyang likod. May kalayuan man ito sa kaniya'y halata pa rin ang lalim at lala ng sugat sa balat nito. Binulsa ni Errol ang mga palad niya't pilit na inaalis ang bahid ng dugo sa kaniyang mga kuko.

At first glance, he knew that he's the reason behind the wounds on Koen's body. He wanted to push him away, he wanted to leave them. . . Gusto niyang ipagtabuyan ang mga kasama niya't ipagsiksikan na isip na siya'y delikado't 'di dapat makisalamuha sa mga tao.

People always say that he should be gone from this world, so he guess they have a point. Ang isang tulad niya ay hindi na dapat nabuhay pa. It would've been better if he didn't exist at all. He thinks that his companions' lives would be better without him. Pakiramdam niya'y iikot pa rin naman ang mundo kahit na hindi siya nabuhay.

"Oh, ano? Wala ka bang balak kainin to. Tsk. . . Bahala ka't hindi na ito masarap kapag lumamig." rinig niyang paghihimutok ni Koen habang ang mga kilay nito'y magkasalubong. Akmang magsasalita na sana siya ngunit agad na sinubo ni Koen ang hawak nitong tinapay sa kaniyang bibig.

"'Wag mong pahirapan ang sarili mo. Alam nating hindi mo ginusto ang nangyari..." dugtong nito sa kaniyang tabi't sinandal ang kaniyang ulo sa pader. "Kahit ako nama'y may mga kasalanan sa ibang tao't halos ipagtabuyan na ako ng lahat..."

Lingid sa kaalaman ng iba'y minsan ring nagnakaw si Koen noong siya'y nakatira sa lansangan. Ilang linggo siyang nagtiis na humiga sa karton at malamig na kalsada. Tiisin man niya ang kumakalam na sikmura'y sa huli ay nadala siya ng kaniyang gutom.

Noong isang umaga ay nagawa niyang lokohin at nakawan ang isang matandang lalaki na maghapon nang nakaupo sa kaniyang upuan upang maibenta ang panindang gulay. The old man suffered from stroke but he decided to sell to have something to eat.

Sa kasamaang palad ay dahil ninakaw ang pinaghirapan nitong salapi ay siya'y inatake sa puso't sinubukan man siyang dalhin sa pagamutan ay siya'y binawian ng buhay sa kalsada. Dahil sa pangyayaring ito'y kailan man ay 'di na pumunta ng pamilihan si Koen at siya ay nilamon ng konsensya. Sa tuwing nakakakita siya ng matatandang lalaking naglalako ay nagpapa-alala ito sa kaniya na ang ginawa niya'y walang kapatawaran.

"Dahil masyado akong makasarili'y isang inosenteng tao ang nawala sa mundo. . . Nawalan ng pangarap na magkaroon ng maginhawang buhay at iniwan sa mundong ibabaw ang kaniyang mga minamahal."

Para kay Koen ay hindi siya nag-iisa. Hindi siya nag-iisang nadapa't tumayo ng ilang ulit. . . Hindi siya nag-iisang ginagawa ang lahat upang ituwid ang baluktot niyang nakaraan. Ngayo'y nandito na si Errol ay ramdam niyang may karamay siya. At ang totoo'y kahit nalaman niya ang tunay nitong anyo ay 'di siya natatakot dito. 'Di nagbago ang turing niya rito't kahit ano pa man siya'y tanggap niya ito.

"Hindi mo sinasadya ang nangyari. . .  Walang perpektong tao't lahat ay nagkakamali. . . Hindi mo man mapatawad ang sarili mo'y sigurado akong matagal ka na nilang napatawad. Mabilis magpatawad ang mga tao." Maingat na hinawakan ni Errol ang tinapay na pilit na sinubo sa kaniyang bibig. Sinigurado niyang hindi matatapon ang laman nitong karne.

Ang totoo ay ito ang unang beses niyang nakatikim ng pagkaing tao. The savory of the meat and bread on his tongue is quite invigorating. So this is how people feel every time they eat. He thought. Now he understands why some people are addicted or find pleasure in fine dining.

"O, e mabilis magpatawad ang mga tao ngunit nandito ka ngayon at nakakulong?" Pambabara ni Koen sa kaniya at tumaas ang kilay nito.

Naitikom na lang ni Errol ang kaniyang mga labi bilang tugon. Ang kasalanan nilang dalawa ay napakalayo naman sa isa't-isa. Ilang beses man niyag hugasan ang mga palad niya'y tila 'di pa rin mawawala ang bakas ng dugo mula sa mga inosenteng tao na kaniyang nasugatan at pinaslang.

"Tayo'y magkaiba. . . Ika'y isang mortal. . . at ako'y isang demonyo." Mapait na tugon ni Errol habang nakatulala sa ere. Hindi niya kayang tingnan nang diretso si Koen. Hindi niya kayang makita ang malalalim na sugat na iniwan niya sa balat nito.

"Ano ba'ng sinasabi mo diyan?" Iritadong tugon ni Koen at bakas said mukha nito ang pagkainis dahil sa narinig. "Hindi ka demonyo! Sadyang kakaiba ka lang! 'Wag kang makikinig sa sinasabi ng ibang tao tungkol sa iyo dahil alam mong mas kilala mo ang sarili mo!" bulaslas nito sa kaniyang tabi.

Nais mang magsalita ni Errol ay nanahimik na lang siya sa isang tabi. Habang nakatulala sa ere'y isang tunog ang bumungad sa kaniya. Tila ito'y tunog ng pagtibok ng puso ng isang tao. Nagtataka siyang lumingon sa direksyon ni Koen dahil maging ang pagdaloy ng dugo nito sa katawan ay naririnig niya.

"Kamusta ang kalagayan niya?" Mula sa pinto'y nagpakita sa kanila si Flyn. Nakapikit ang kaliwa nitong mata at bakas pa rin preskong sugat sa kaniyang mukha. Sila'y nagpahid ng gamot mula sa tinunaw na dahon ngunit sadyang malalim ang kalmot na kaniyang natamo.

"O? Kamusta?'' sarkastikong sabi ni Koen at ginaya ang tono ng boses ni Flyn. ''Hindi naman yata na itali ninyo siya rito't iwan. Ano'ng tingin niyo sa kaniya? Aso?" pagrereklamo niya at tinagilid ang kaniyang ulo.

Akmang sasagot si Flyn nang humiyaw sa sakit si Errol habang nakahawak sa kaniyang dibdib. Panay ang kabog ng dibdib nito't masakit. At pinagpapawisan ang kaniyang buong katawan. Subukan niya mang habulin ang hininga'y nanatili ang tingin niya sa mukha ni Flyn. Tinitigan niya ito nang mata sa mata at sa isang iglap ay nakita niya ang lahat. Hindi siya nakagawa sa kaniyang puwesto't nanuyo ang kaniyang lalamunan nang malaman niya ang totoo. Sila'y kaniyang nilinlang. . . pinaglaruan at niloko.

He thought that they just look like morons trying to find someone who's just beside them all along throughout the journey.

"L-lumayo ka s-sakin..." nanghihinang banggit nito. Unti-unti niyang naramdaman ang pag-init ng kaniyang buong katawan.

Natataranta siyang hinawakan ni Koen ngunit ito'y pilit niyang tinataboy. Errol raised his arms and the golden chain broke. Tumayo ito at humakbang sa kaniyang puwesto't sa isang iglap ay lumitaw sa harap ni Flyn.

Errol's physical appearance started changing again but it doesn't stop him. Habang ang mga kuko niya'y unti-unting humahaba ay tinaas niya ito sa ere't handang atakihin si Flyn. . . then before Errol could even touch the end of his hair, Koen appeared in the middle of them to block Flyn.

"O-oi! Ano'ng problema!" singhal ni Koen at tinapunan ng tingin si Flyn. "Ano'ng nangyayari't ganito siya? A-akala ko'y ayos na?!" dagdag nito ngunit mas lalo niyang pinagtaka ang ekspresyon ng kaibigan.

Errol started to transform again. . . becoming berserk.

Panay ang asik ni Errol habang pilit na inaabot ang mukha ni Flyn. May sinasabi ito na 'di maintindihan at 'di rin nila mawari kung nasa katinuan ba ito o hindi. From afar, Koen saw a falling petals and when he turned his gaze in front, he was shocked to see Emiria standing in front of them, holding her firey red daggers.

Nagtatakang lumingon si Emiria sa likod at hindi mawari kung sino ang gustong atakihin ni Errol. Hindi niya rin alam kung ba't tila walang epekto ang limiter na binigay nito sa leeg. Saglit lang siya nawala sa kanilang tabi't hindi niya inaasahan ang inabutan niya.

"Ano'ng nangyari?" Tinaas ni Emiria ang kanang kamay niya't tinamaan ang ere upang takutin si Errol. Ito nama'y lumayo ng isang metro sa kanila't nanatiling nakatayo sa kaniyang puwesto. Nakabuka ang mga palad kaya nama'y kitang-kita ang mga mahahaba't matutulis nitong mga kuko.

"H-hindi ko alam!" Nalilitong tugon ni Koen at tinapunan ng tingin si Flyn na kanina pa tahimik sa kaniyang tabi at blanko lamang ang mukha.

"Hindi maaring bumalik siya sa dati niyang anyo dahil suot niya ang kwintas!" sigaw ni Emiria at siya'y humakbang paabante. Pagkatapos ay kumuha siya ng buwelo upang tumakbo papunta sa direksyon ni Errol. She swayed her left hand and turned, ready to wound his flesh but she stopped when she saw his eyes.

Ang mga mata nito'y hindi purong itim at siya'y nasa katinuan.

Muling umikot si Emiria palayo. She crossed her arms as golden petals fall every time she moves. Lumingon siya sa likod niya'y nagtatakang nilingon sila Koen at Flyn. 'Di niya alam kung bakit iba ang kutob niya noong mga oras na 'yon.

Sigurado siyang sa direksyon nila nakatingin si Errol at pakiramdam niya'y may mali. Pakiramdam niya'y sa buong durasyon ay may hindi siya alam at siya'y isang malaking palpak.

"Kumalma ka!" singhal ni Emiria habang nakatingin kay Errol ngunit ang mga mata nito'y nakatuon lamang sa isang direksyon. . . sa kinatatayuan nila Koen at Flyn.

Emiria raised her arms while holding her daggers. And raised two fingers with her both hands and crossed them in the mid air. Kasabay nito'y ang paglutang ng katawan ni Errol sa ere.

Sunod niyang binaba ang isa niyang kamay at tinaas ang nakakuyom niyang palad. Gold chains started to appear on Errol's body... locking him so he can't move while floating in the mid air. Ngunit sa paglaan ng ilang minuto'y nanginig ang kamao ni Emiria.

"‘Wag matigas ang ulo!" singhal ni Emiria at siya'y nabigla nang masira ang mga gintong kadena sa katawan ni Errol. Mabilis itong bumagsak sa lupa. Kumurap siya't nakita niya ang mabilis na pagdaan ni Flyn mula sa pinto't ito'y mabilis na sinundan ni Errol.

"Hoy! Flyn! Errol!" Nalilitong singhal ni Koen dahil ito'y naiwan. Agad itong tumakbo palabas ng pinto upang sundan ang dalawa't nanatili ang tingin ni Emiria sa gilid. Katulad nga ng inaasahan niya'y darating si Siena.

"Ano'ng nangyayari rito?!" sigaw niya't sa tono ng pananalita niya'y hindi niya alam ang gagawin. Gusto niya ring tumakbo palabas ng pinto ngunit may tila tumitigil sa kaniya. Pakiramdam niya'y may mali ngunit kailangan niyang malaman kung ano 'yon.

"Don't step outside this room until I told you so," walang prenong sabi ni Emiria. Sunod niyang binalik ang kaniyang tingin sa pinto't bumuntong hininga. She opened her palm and golden rose petals started to gather around. Sa isang iglap ay lumitaw sa kaniyang palad ang isang maliit na kutsilyo.

The weapon is Emiria's Resin Floral Knife. A weapon filled with lavander, sunflower petals and golden rose. It looks transparent yet magically at the same time. . .  And only Emiria knew what is it for.

"It's time to fix this mess." Taas-noong sabi ni Emiria at hindi inalis ang tingin mula sa pinto. "Maghanda ka't sundan ako." Agad siyang nawala sa kaniyang puwesto't lumitaw limang metro ang layo kay Siena.

Humalik sa balat niya ang bumabagsak na niyebe sa labas at kaniyang tinitigan ang makapal na niyebe sa labas. Mahigpit niyang hinawakan ang hawak niyang kutsilyo at pinikit ang mga mata.

There's only one away to fix this mess. . . And I'll do what it takes to protect everyone.

Errol

Ang bawat pagbagsak ng mga niyebe ay hindi nakalagpas sa aking mga mata. Tumakbo't magtago man siya palayo sa akin ay hindi makakatakas sa aking pang-amoy ang kaniyang dugo. . . Ang amoy ng kaniyang masangsang at siksikan ng maduming pagkatao.

Impostor!

‘Yan ang mga katagang nais kong isigaw sa kaniya. Ngunit dahil sa matutulis kong ngipin at tila kaliskis sa aking mga balat ay nawawala na rin ang kakayahang pang-tao ko. Ang paningin ko'y kulay pula't asul na rin. At sensitibo ang lahat ng aking mga pandama.

"Oi! Errol!" Sa gilid ay nakatayo si Koen at ‘tulad ng dati'y tumayo ito sa harap ni Flyn. Tinaas ko ang mahaba kong kuko't kinalmot ang ere. Nais kong sabihin na huwag niya itong harangan dahil kung ano man ang ginagawa niya ngayo'y pagsisihan niya ito.

Na-alerto ako dahil mula sa likod ko'y isang kakaibang mahika ang aking naramdaman kaya nama'y nawala ako sa aking puwesto't lumitaw malapit sa kanilang dalawa. Binuka ko ang mga labi ko't sinubukang magsalita ngunit paglalaway lamang ang aking nagawa. Sa inis ko ay napasabunot na lang ako ng buhok.

Hindi p'wedeng ngayon pa ako pumalpak. Ano ma'ng oras ay babalik na ako sa tunay kong anyo't sila'y masasaktan ko.

Umangat ang tingin ko't pinahaba lalo ang aking mga kuko. Paghakbang ko'y lumitaw ako sa harap niya't tulad ng dati'y hinarangan ito ni Koen kaya nama'y siya ang aking nakalmot. Naiwan akong nakatayo sa aking puwesto habang panay ang hiyaw nito sa sakit.

Umiling ako't humakbang palapit sa kaniya ngunit siya'y lumayo lang sa akin. Gusto kong sabihin na hindi ko sinasadya. . . Gusto kong sabihin na ako'y meron pa sa katinuan at ang nais ko lang ay protektahan siya....

Ngunit kitang-kita ko sa kaniyang mga mata ang kaba habang nakatingin sa aking itsura.

Nakaramdaman ako ng kirot mula sa aking likod at ako'y nanghina ng konti. Tinapunan ko ito ng tingin at nakita ko ang dalawang berdeng kutilsyo na nakabaon sa aking balikat. Nagsimulang tumulo ang dugo ko't tila pumasok pa ang lamig sa buo kong katawan.

Uminit lalo ang dugo ko nang makita ko ang pagmumukha ni Flyn. Sa mga mata niya'y alam kong natutuwa siya sa kaniyang nasisilayan. Paano niya nagawa ang bagay na ito sa amin? Nagsisi ako nang makita ko ang naiwan kong malaking kalmot sa kaniyang mukha ngayo'y napagtanto kong sana'y dinagdag ko pa ito.

Isa kang manloloko! Nanlilisik ang aking mga mata habang nakatingin sa kaniya. Binuka ko ang mga labi ko dahilan upang takpan nila ang kanilang mga tainga. Ako'y humiyaw hanggang sa matuyo ang lalamunan ko't sa huli ay yumuko ako at sinabunutan ang sarili.

Kung kailang ang dami kong gustong sabihin ay hindi ako makapagsalita! Kung kailang kailangan nila malaman ang totoo!

"O-Oi! M-mga kaibigan mo kami!" Mga kaibigan? Sa sinabi ni Koen ay nagkasalubong ang aking mga kilay. Tinapunan ko ng tingin si Flyn at ito'y inangilan ko. Gustong kunin ang puso nito't hilain palabas ng kaniyag katawan. Gusto ko itong pugutan ng ulo ngayon.

"Huminahon ka!" dugtong nitong sigaw. ‘Di ko ito pinansin at sila'y aking sinugod. Lumitaw ako sa kanilang likod at kinagat ang balikat ni Flyn. Sumigaw ito sa sakit nang napakalakas kaya nama'y gamit ang mga ngipin ko'y hinila ko ang balat.

Wala pa ito sa ginawa niya sa amin! Naglakbay kami hanggang dito upang hanapin ang nilalang na nasa tabi lang pala namin at kami'y pinagtatawanan!

Ako'y natigilan nang may tumulak palayo sa akin at nang lumingon ako kung sino ito'y nakita ko ang mukha ni Siena. Tila may humaplos sa aking puso dahilan upang matigilan ako't tumalsik palayo sa kanila. Ako ay nagpagulong-gulong sa makapal na niyebe't nanatiling nakapikit.

Gusto kong magwala sa aking nakita. . . Hindi nila dapat protektahan ang katulad niyang mapanlinlang!

"Kumalma ka! Ano'ng nangyayari sa iyo!" Kahit ako'y nakapikit ay alam ko na ang boses na 'yon ay galing kay Emiria. Agad akong tumayo upang harapin siya ngunit ako'y natigilan nang makita ang hawak niyang armas. . . dahil sa unang tingin palang ay alam ko kung ano iyon.

Humakbang ako't muli silang inangilan. Tumingin ako sa mukha ni Siena at mas lalo kong gustong sampalin ang aking sarili dahil hindi ko masabi sa kaniya ang mga nais kong sabihin. Sinubukan kong magsalita ngunit naramdaman ko lamang ang pagtulo ng aking laway.

"Alam kong nasa katinuan ka ngayon! Kumalma ka!" Nagpatuloy ang sigaw ni Emiria at siya'y aking tinitigan. Paglipas ng ilang segundo'y ako'y walang nakita at narinig. Ngunit ako'y nakaamoy ng dugo't ramdam ko ang pagtulo nito mula sa aking mga kuko.

Sa pagdilat ko'y bumungad sa akin ang duguang katawan ni Koen na nakahandusay sa niyebe. Puno ng kalmot ang iba't-ibang parte ng katawan niya't siya'y pinagpapawisan. Nagtataka kong tiningnan ang nanginginig kong mga palad. ‘Di ko alam ang nangyari. . . wala akong makita kanina. . . Ako ba ang may gawa nito sa kaniya?

"Tama na! Koen! Koen!" Mula sa gilid ay rinig ko ang walang tigil na hagulgol ni Siena habang nakatingin sa akin. Ako'y labis na nagtaka dahil wala akong natatandaan. Muling nagdilim ang buong paningin ko't sa pagdilat ko'y ako'y nakatayo na sa panibagong lugar at sa aking harap ay nakita kong nakahawak sa aking kamay si Emiria habang nasa likod niya'y si Siena.

"Bumabalik ka na sa tunay mong anyo." Nakatingin lamang si Emiria sa akin ngunit kita ko sa kaniyang mga mata ang awa. . . Na-aawa siya sa akin. Nararamdaman niyang madami akong nais sabihin . . . na hindi ko gustong maging ganito.

Hindi ko ginusto na pinanganak akong ganito. . . Hindi ko ginustong pumatay ng mga inosenteng bata at matatanda. . . Hindi ko ginustong maging halimaw sa paningin ng mga tao. Sa buong durasyon na nabuhay ako'y kinamuhian ko ang aking sarili.

Ilang beses kong sinubukang patayin ang aking sarili ngunit alam kong iisang kutsilyo lamang ang makakuha ng aking buhay. Matagal ko nang gustong mawala sa mundong ito.

Ngunit nagbago ang lahat ng 'yon nang makilala ko si Siena...

Naramdaman ko ang pag-init ng aking mga pisngi't panlalabo ng aking paningin. Gusto ko siyang yakapin at ikulong sa aking bisig. Gusto kong sabihin kung gaano siya kaimportante sa akin. . . ngunit ano mang oras ay maari ko siyang masaktan.

Ang tanging ginusto ko lang ay alagaan at protektahan si Siena. Sa lahat ng pagkakamali ko'y tinanggap niya ako ng buo't kahit kailan ay hindi ako nakaramdaman na siya ay natatakot sa akin. Kami'y konektado sa isa't-isa ngunit bakit ngayo'y hindi ko maramdaman ang kaniyang emosyon?

Sana'y pinanganak ako bilang normal na tao...

Muling nagdilim ang mga paningin ko at hinanda ko na ang akin sarili sa mga susunod kong makikita. Tuluyan nang bumuhos ang mga luha sa aking mga mata nang makita kong puno ng kalmot ang mga kamay ni Emiria.

Tiningnan ko ang hawak niyang kutsilyo at hindi nagdalawang isip na hablutin ito sa kaniyang kamay at tinutok sa aking dibdib. Sa oras na bumalik ako sa tunay kong anyo ay ako ay makakapatay muli ng libo-libong tao. Ano mang kwintas ang ilagay nila sa aking leeg ay hindi na tatalab.

"‘Wag!" rinig kong sigaw ni Emiria at sa kaniyang likod at tiningnan ko ang mukha ni Siena.

Hinawakan ko ang kutsilyo at binaon sa aking dibdib. Ramdam ko ang lamig nito sa aking balat at ako'y sumuka ng dugo. Napaluhod ako sa niyebe at naghalo ang pagpatak ng luha at dugo rito. Sa oras na ramdam ko na ang pag-usok ng aking katawan at unti-unting pagbabalik ng aking mga kuko't tainga sa normal ay alam ko na ang mga susunod na mangyayari.

"Hindi! Hindi!" Nanlalabo man ang aking mga mata'y nanatili ang tingin ko sa kalangitan habang bumabagsak ang mga niyebe. Mas lalong kumirot ang aking dibdib nang makita ang umiiyak na mukha ni Siena. May sinasabi ito ngunit unti-unting nawawala ang aking panrinig.

Pilit kong hinahabol ang aking hininga at pilit na dinidilat ang mga mata. Gusto ko pa siyang makita. . . Gusto ko pang marinig ang boses niya.

"A-ano'ng ginagawa mo? Bakit?! Bakit?!" Walang tigil ang hagulgol nito dahil sa tabi niya'y nakahandusay na ang katawan ni Emiria. Pati na rin ang katawan ng impostor ay duguan na rin. . . Mas mabuti pang saktan ko ang sarili ko kaysa masaktan siya.

"B-bakit?! Ano'ng..." Hinawakan niya ang kutsilyo sa aking dibdib ngunit nanginig lamang ang kaniyang kamay. Mula sa malayo'y nakita ko ang pagtayo ni Koen habang ito'y iika-ikang naglakad palapit sa amin. Maging si Emiria ay bumangon at natatarantang lumapit sa akin habang ako'y nakahiga sa mga hita ni Siena.

"No... No... Y-you can't die! No! Shit, No!" rinig kong walang katapusang sabi ni Emiria.

Nanatili lamang ang aking tingin sa mukha ni Siena at nanginginig man ang kamay ko'y inabot ko ang mukha niya't ito'y kaniyang hinawakan at nilagay sa kaniyang pisngi. Tumulo ang luha sa kaniyang mga mata't ito ay aking pinunasan.

"Kahit b-buhay ko p-pa ang kapalit." Kahit buhay ko pa ang kapalit, maprotektahan ka lang. Nanghihina kong bulong dahilan upang mangunot ang noo niya. "Kung h-hindi ko ito ginawa'y patay n-na kayong lahat..." dagdag ko at walang tigil ang pagpatak ng mga luha niya.

Tiningnan ko siya nang mata sa mata kaya nama'y nanlaki ang mga mata niya sa kaniyang mga nakita. Hindi ako papayag na hindi niya malaman ang totoo. Dapat ay makita niya rin kung ano ang mga nakita ko.

Walang tigil ang iling niya habang nakatingin sa akin na para bang hindi siya makapaniwala sa kaniyang mga nakita. Nanatili ang hawak niya sa aking kamay habang ako'y nakatingala sa mga niyebeng bumabagsak sa akin.

Sa gilid ay rinig ko ang hagulgol ni Koen at siya'y napaluhod sa aking tabi. Lalong nanlabo ang mga mata ko nang unti-unti kong nakita lahat ng mga masasayang pangyayari sa aking buhay habang nakatingin sa mga mata ni Siena.

Ako'y pumikit na't tinanggap ang aking kapalaran. Siguro'y ito ang kabayaran sa mga buhay na aking kinuha. . . Sa mga pamilya't pangarap na aking sinira. Sa huling sandali'y ng aking buhay ay masaya ako dahil muli kong nasilayan ang maganda niyang mukha na kailan man ay hindi ko na makikita pa.

Masaya ako dahil nagawa ko ang aking tungkulin na protektahan ka... kahit buhay ko man ang kapalit... Masaya akong mukha mo ang makita hanggang sa huli kong hininga.

Mahal na mahal kita, Siena.

At sa huli'y hindi ko pa rin nasabi