CHAPTER 62 THE DEMON OF THE SOUTH PART 2

Ikatlong Persona

Ang ere'y napuno ng 'di matukoy na bagay. Ang mga ito'y mas maliit pa sa hinliliit ng isang tao't kung lumutang sa ere'y mas magaan pa sa bulak. Ito ang bumungad kay Neo sa kaniyang pagdilat. Magkasalubong ang mga kilay niyang tinitigan ang kisame dahil 'di niya natatandaang humiga't natulog siya sa sahig.

"Kamusta ang kalagayan mo?" Isang pamilyar na boses ang narinig niya't paglingon niya sa gilid ay bumungad sa kaniya ang grupo ni Castor. Ang mga ito'y nakaupo't nakatayo sa gilid at kanina pa hinihintay ang paggising niya.

Mula sa pagkahiga'y bumangon si Neo upang pagmasdan ang paligid at siya ay labis na nagtaka. The place is full of people laying on the ground with their eyes closed. Ang mga iba'y hawak pa rin ang mga baso't alak. Ang iba'y may hawak na kutsara't tinidor na animo'y isang misteryosong bagay ang nangyari dahilan upang mawalan sila ng malay.

"Katulad ng nangyari sa kanila ay ika'y nadapuan din." Lalong nagkasalubong ang mga kilay ni Neo sa kaniyang narinig. Pagupo niya'y agad dumapo ang palad niya sa kaniyang bulsa't ito'y kaniyang kinapa. Nakahinga siya nang maluwag dahil naramdaman niya ang isang bagay na kailangan niyang ibigay sa isang tao.

Sa gitna ng pagkalito ay nangibabaw pa rin sa isip niya ang salamin na kailangan niyang ibigay kay Siena.

"Huwag kayong lalagpas sa puting guhit." Utos ni Castor habang ito'y nakaupo sa isang upuan na kaniyang hinila. Nakapatong ang isa niyang paa sa upuan na animo'y nanonood lang ng telebisyon sa loob ng bahay.

Nalilitong tinapunan ni Neo ang guhit na halos tamaan na ng kaniyang mga paa. The white circle surrounded all of them. 'Pansin niyang silang lahat na nakapaloob dito'y mula't gising kumpara sa mga taong nakapikit sa sahig. He wondered what happened.

Nakabuka ang palad ni Eaton at pilit na pinipigilan ang panginginig ng kamay. Napalunok siya't nanatili ang tingin sa mga bagay na lumulutang sa ere. Ito'y hugis bituin at sa unang tingin palang ay alam niya kung ano ang mga ito. At kung sino man ang may gawa nito'y tiyak na bihasa sa mahika.

"Ang mga nakikita mo'y nadapuan ng bagay na lumulutang sa ere." saglit na huminto sa pagsasalita si Eaton. "'Pag ika'y nadapuan ay mawawalan ka ng malay at mahuhulog sa malalim na pagtulog 'tulad ng nangyari sa aming kasama." Sunod na dumako ang mga mata niya kay Owen na nakapatong ang ulo sa balikat ni Tobias.

"But he's awake..." Tinagilid ni Castor ang ulo niya't tiningnan si Neo dahil ito'y nakaupo pa rin sa sahig habang bakas sa mukha nito ang pagtataka sa kanilang mga sinasabi.

"'Di na importante kung paano't bakit siya gising..." Humakbang si Eaton at napangisi. "Ang importante ay malaman natin kung sino ang may gawa nito't para saan." He moves his finger and the barrier that shields them thickens. The circle on the floor became thicker and glowed light with brilliance.

"Alam nating kung sino man ang may gawa nito'y tiyak na walang balak na masama." komento ni Tobias habang nakatingin sa ere't pinagmasdan ang animo'y mga bituin na dumadapo sa sahig. "Marahil ay ito lang ang tanging paraan na naisip niya upang hindi madamay ang mga inosenteng tao."

Hindi na bago para kila Castor ang mahika na ganito. The stars floating in the air make people fall into a deep sleep. 'Pag sila'y nagising at tiyak na wala silang matatandaan. Sumagi sa kanilang mga isip na siguro ay may nangyayari nang 'di maganda. Lalo na't 'di rin nila makita ang may-ari ng barko na si Cattelin na dapat ay naabutan nilang nasa silid na ito. How can she leave her passengers in this situation? Something smells fishy...

"'Di ko akalain na ganitong sitwasyon ang maabutan natin dito sa barko." Namuo ang pawis sa noo ni Eaton. "'Di ko masabi kung hanggang ilang oras ang itatagal ng mahika ko." Sa paghulog ng animo'y mga bituin sa sahig ay naglaho ito nang bumagsak sa gilid ng animo'y puting pintura sa sahig. They were inside the huge circle like it was their safe spot.

"Nasaan ang aking mga kasama?" Pagtataka ni Neo at mula sa gilid ay kita niyang nakayuko't nakapikit si Tyler sa isang upuan. "Nasaan sila?" dagdag nito't kinabahan dahil kahit saan siya luminga'y 'di niya makita ang iba pa niyang mga kasama.

Sa huli'y napasapo na lang sa noo si Neo dahil huli niyang natatandaan ay nakaupo lang siya't nanonood sa mga nagsisiyahang tao. Nanahimik sa isang tabi't hawak ang misteryosong salamin na binilin sa kaniyang ibigay kay Siena.

"Hindi namin alam dahil pagkababa namin sa palapag na ito'y sa ganitong sitwasyon namin naabutan ang lahat." Nilingon ni Tobias si Neo. "Hangga't hindi dumadating ang may sala'y hindi rin magigising lahat ng tao rito. Sa ngayon ay kailangan muna nating mag-isip kung ano ang ating gagawin sa oras na mawala ang barrier ni Eaton." dagdag nito't lumingon kay Castor.

"E 'di matulog kung madapuan. Ano pa ba'ng magagawa natin?" Kibit balikat na tugon ni Castor habang naiinip na nakatingin sa ere. Sabay na kunot-noong tumingin sa kaniya sila Tobias at Eaton na takang-taka dahil sa sinabi nito.

"May problema ba't ganyan ka magsalita ngayon?" 'Di napigilan ni Eaton ang tabil ng kaniyang dila at napailing. Ito na yata ang unang beses niyang marinig na tila nawawalan na ng pake si Castor. In this kind of situation, he should start making plans to solve their problem, but 'til now he just doesn't give a fuck.

"Siguro'y may problema ako." Naiinip na tugon ni Castor at tinagilid ang ulo niya't pinatong sa kaniyang palad. 'Di nito inalis ang tingin sa direksyon ni Neo at napako ang kaniyang paningin sa hawak nitong salamin.

He never felt so bothered before. . . he wondered why the mirror looks familiar and felt strong magic emitting from it...

Ginala ni Eaton ang paningin niya sa paligid dahil isang presensya ang naramdaman niya. He felt something odd and dangerous at the same time. Mula sa ere'y nakita niya ang tila lumulutang na mga letra. It was no other than Estrela's ancient seals.

"Hindi maari..." wala sa sarili niyang bulong dahilan upang lumingon sa kaniya lahat ng kaniyang kasama.

"Ano'ng problema?" Nag-aalalang tanong ni Tobias at lumingon naman si Neo sa direksyon na tinitingnan niya ngunit wala siyang makita kun'di ang mga bituin na lumulutang sa ere.

"I feel the presence of the demon of the south."

Ilang dekada na ang nakalilipas nang isang bangungot ang nangyari sa bansang Estrela. The country was called South before it was changed into Estrela. Isang nilalang ang bumaba mula sa lupa't pinatay ang halos limang libong tao. Ang pangyayaring ito'y nakasulat sa aklat at minsan ay pinag-aaralan pa sa mga akademya.

Ang sabi ng matatanda'y ito'y hayok sa dugo at tuwang-tuwa tuwing nakikita kung paano magmakaawa't umiyak ang mga tao sa kaniyang harapan. Ito'y walang awa't sa oras na makawala ito sa kulungan ay tiyak na katapusan na ng sangkatauhan.

To defeat the demon, they gathered all the highest priests and performed a ritual. Sealed the demon with ancient magic and gave it a limiter to limit its abilities. Ang bilin ng mga pari'y hindi dapat tatanggalin ang kwintas sa leeg nito upang ito'y manatiling tao sa paningin ng iba.

Ang kwintas na ito ang dahilan upang mag-isip at kilos tao ito. . . magkaroon ito ng sariling isip at gumawa ng desisyon na parang isang tao. At sa oras na matanggal ito sa kaniyang katawan ay muling babalik ang demonyo't maghahasik ng lagim.

Realization hit Eaton. He tried so hard to deny what he realized but truth hurts. Sinara niya ang kaniyang palad at lumitaw sa kanilang harap ang kulay pilak na usok. Ito'y umikot sa ere hanggang sa naging hugis salamin. Siya'y kumurap at mula rito'y nakita niya ang isang mukha.

Isang mukha ng taong nakasama nila.

"Hindi maari," wala sa sarili nitong banggit. Mula sa animo'y lumulutang na salamin ay kitang-kita niya ang mukha ni Errol. . . ngunit tila 'di ito ang Errol na kaniyang nakilala. Mula sa patusok nitong buhok, purong itim na mga mata, matulis na mga tainga... Mula ulo hanggang paa'y ibang nilalang ang kaniyang nakita.

Hindi maari. . . Hindi niya matanggap na ang demonyong kumitil ng inosenteng mga bata't walang kalaban-laban na matatanda'y walang iba kun'di si Errol.

Nilihis ni Eaton ang tingin niya't mabilis na gumihit ng isang panibagong bilog sa ere upang pagtakpan ang kaniyang nakita. The silver smoke that he formed floats in the air and covered the mirror. The ancient seals are prominent on his cheeks. If Castor knew about this, he will surely kill Errol.

Eaton raised his pinky finger and drew a huge triangle in the air. In a flash, time became still where he stood and he was the only one who could move. The round mirror in the room showed what's happening with Errol. Only its face is visible, but Eaton has a strong hunch that it has more companions on which floor it stands now.

Nahagip ni Eaton ang paggalaw ni Castor mula sa kaniyang kinauupuan. 'Tulad ng ginawa niya'y tinaas nito ang palad niya sa ere dahilan upang tumigil sa paggalaw ang tinitingnan ni Eaton sa ere. The demon of the south's face can be seen clearly in the mid air. Natulala't napatanga na lang si Eaton dahil sa nangyari.

"Oh, that's why..." Naiinip na sinandal ni Castor ang ulo sa kaniyang palad. Tumingin ito kay Eaton at siya'y hindi kumurap. The truth is Castor knew that Eaton is trying to protect someone. All this time. . . he knew that he's hiding something. . . No one can fool him.

Noong unang pagkakataon na makaharap niya ang grupo ni Siena ay isang kakaibang pakiramdam ang bumungad sa kaniya. Una'y mula sa dalagita't sa mga kasama nito. Noong una'y 'di pa siya sigurado kaya nama'y gumawa siya paraan upang mapalapit sila rito. At ngayo'y alam niya na ang katotohanan.

"'Wag mong itago ang katotohanan sa akin, Eaton. Walang sikretong hindi nabubunyag." diretso ngunit may diin na sambit ni Castor. He snapped his fingers and everything went back to normal in instant.

It looked like Errol's face was stuck inside the magic mirror. Ito ang bumungad nang bumalik sa normal ang lahat. Kahit si Neo ay nagulat sa kaniyang nakita't pakiramdaman niya'y hindi na maganda ang nangyayari sa kaniyang mga kasama.

Sabay-sabay nilang nakikita ang lahat ng nangyayari sa ere't sila'y hindi makapagsalita. Gustuhin mang tumutol ni Eaton ay hindi niya magawa dahil alam niya kung ano ang mangyayari kung si Castor ang binangga niya. He's calm but deadly.

Now they need to face the truth that the demon of the south is no other than their companion at all...

Sa kabilang banda naman ay hindi natanggal ang tensyon sa palapag kung saan lumitaw si Emiria. Halos 'di kumurap si Tasho at nakatulalang pinagmasdan ang bawat galaw ng dalagita sa kanilang harapan. . . At kahit ang bawat galaw ng buhok nito'y 'pansin niya.

Bakit ngayon ka lang dumating?

Isang tanong na gustong sabihin ni Tasho sa kaniya ngunit hindi ito ang tamang oras para sabihin ito. 'Tulad nga ng iniisip niya'y babalik din si Emiria sa tamang oras at tamang pagkakataon. Wala sa sarili itong napangiti habang nakatingin sa seryosong mukha ng dalagita. Truthfully, Tasho has almost lost the will to live due to Emiria's existence erased.

But now she's back... standing in front of her... and he found his self adoring her beauty.

Emiria crossed her arms and as her hands glowed with rose gold smoke, two golden knives appeared on her hands. Mahigpit niyang hinawakan ang mga ito't hinakbang ang isa niyang paa. Taas-noo siyang tumakbo at umikot. Tinaas niya ang kanan niyang kamay at tinutok ang kutsilyo sa taligiran ni Cattelin.

Lumitaw sa kaniyang harap si Berto at lumitaw ang isang blade knife sa kamay nito't agad na sinalo ang atake ni Emiria. Isang ngisi pa ang binigay nito sa kanilang dalawa. Sunod niyang hinakbang ang isa niyang paa't nawala sa kaniyang puwesto at lumitaw sa likod ni Errol. Emiria moves gracefully and more rose petals came every time she moves.

Now, its her time to face the demon of the south.

Tinaas ni Errol ang kamay niya't tila inaamoy pa ang ere dahil bago sa kaniyang ilong ang amoy ni Emiria. Para itong asong ulol na sumugod sa direksyon ng dalagita't akmang hahawakan ang kamay nito ngunit mabilis itong humakbang pagilid na animo'y kabisado ang bawat galaw nito.

Emiria then realized that what written in books were real. It's true that the necklace given by the priest to the demon is very strange. Because of this, it acted and looked like a human. . . it interacted with people and whenever its power was exceeded, it formed into an animal.

That's why errol turns into cat when his limiter turns red, indicating when he's using too much power.

"Defend against evil spirits, drive away bitter enemies full of hatred and greed."

The beads Emiria's wearing floated. Ang mga ito'y bilog at kulay itim. Seven beads lined up and formed a circle and then the beads changed, turning into swords. Ang disenyo nito'y may krus at sa gitnang bahagi'y may pulang diyamante na animo'y dugo.

Pinagdikit ng dalagita ang mga palad niya't pumikit. Madilim man at wala siyang nakikita'y ramdam niyang may aatake sa kaniya kaya'y humakbang siya pagilid at iniwasan ito. Tama nga ang kutob niya. Sa pagdilat ng dalaga'y tinaas niya ang kanan niyang paa't sinipa ang taligiran ni Berto na agad naman nitong naiwasan.

"'Wag mo akong hahawakan at nanggigigil ako sa iyo! Bugok!" Inis na singhal ni Emiria at sunod na tinaas ang isa niyang kamay habang ang pitong espada'y nakalutang sa harap niya. Pinigilan ni Tasho ang sarili niyang matawa dahil sa reaksyon ni Emiria. Alam niya ang pakiramdaman nito dahil parehas silang naiinis sa ngayon. Sa katunayan ay 'di dapat sa ganitong paraan matanggal ang kwintas ni Errol.

Their job as the protector and fixer of this story's mess is not easy at all...

Samantala'y nanatili ang yakap ni Koen kay Siena habang ang likod niya ay nakasandal sa pader. Masakit man ang maliliit na sugat sa katawan niya at mga bubog sa paanan niya ay wala siyang paki. Masakit man ang talagiran niya't mahapdi ay 'di niya ito pinansin. Ang tanging nasa isip niya lang ay yakapin ang dalagita't ikulong siya sa kaniyang mga bisig.

"O-oi. A-ayos ka lang?" Pilit na nilingon ni Koen ang mukha ni Siena habang nakasandal ang ulo nito sa dibdib niya. Tila may kaba itong naramdaman dahil naisip niya kung naririnig ba ng dalagita ang bilis ng kabog ng kaniyang dibdib ngayon.

Even though that Koen is covered in painful wounds all over his body, he's more concerned about Siena's condition. He checked if she had any wounds from the broken glass.

"O-oi..." Hinawakan ni Koen ang ulo ni Siena habang nakatalikod ito sa kaniya't hinaplos ang kaniyang buhok. Lumingon naman ito sa kaniya dahilan upang agad niyang bawiin ang kaniyang kamay.

"Siena! Koen!" Mula sa malayo'y rinig nila ang sigaw ni Flyn at bakas sa mukha nito ang pag-aalala. Nakapikit ang isa niyang mata't nanuyo na ang dugo sa kaniyang mukha. Ang kalmot ni Errol ay nag-iwan ng malaking sugat sa kaniyang mukha.

"End the seven misfortune and bring forth good fortune-" Naputol ang sasabihin ni Emiria dahil sa naging galaw ng ulap mula sa malaking bintana sa gilid. The ship is going down... Sila'y nakarating na sa Estrela.

Emiria didn't realize that Errol was already in front of her. Then Tasho appeared and pushed Errol. Sunod namang umatake sa kanilang likod si Berto. Nakataas ang kamao nito't tinamaan ang likod ni Tasho dahilan upang mag-untugan silang dalawa ni Emiria.

"Tarantado ka!" malutong na mura ni Emiria at napahawak sa noo. Inayos nito ang kaniyang tayo't sa isang iglap ay naging dagger ang hawak niyang patalim sa magkabilaang mga kamay.

Humakbang palayo si Berto habang sa likod niya'y kanina pa nanonood si Cattelin habang ang mga noo niya'y kunot. Mula sa malayo'y tinapunan niya ng tingin sila Koen at Siena na kanina pa nakaupo sa sahig.

The truth is. . . she can attack her right now. . . she can take advantage and now's her only change but she was left dumbfounded. Ang mas tumatak sa isip niya'y na tila 'di totoo ang 'Berto' na kaniyang nakilala. Ito'y hindi matanda't sa katunayan ay pinoprotektahan siya ngayon. What the hell is happening inside my ship?

Nanatiling nakatayo si Emiria sa harap ni Tasho. Her arms are still crossed as she held her daggers tighter. Kanina pa ito nanggigigil sa dalawa't ang totoo'y kanina niya pa gustong sabunutan si Cattelin. Emiria knew what she sacrificed but hell, she is not satisfied and wanted to possess the sacred jewel? Hell no!

Errol continued hissing in front of them. Sila'y natulala nang palutangin nito ang mga mesa't pagtapat ng palad nito sa kanila'y mabilis na lumipad ang mga ito sa kanila. Nagmistula itong ulol na sinugod si Emiria. Ngunit agad lumitaw si Tasho sa kaniya't kinalmot ang iba't-ibang parte ng katawan nito.

"T-tasho!" banggit ni Emiria dahilan upang mangunot ang noo ng lahat. Lahat sila'y nagtaka kung bakit sa ibang pangalan ito tinawag ni Emiria kahit na klaro sa name tag niya ang pangalang Asher.

Ramdam ni Tasho ang hapdi't lalim ng mga kuko ni Errol sa kaniyang balat. Binuka nito ang dalawang palad niya at pinagtapat. Pinagpapawisan siyang lumingon kay Emiria at tumango. 'Di man sila magsalita'y tila nag-uusap ang kanilang mga mata.

Tinaas ni Berto ang palad niya't maingat na tinulak si Cattelin palayo. He created a barrier around her to prevent her from moving to her place. As he closed his palm, a thunder dagger appeared. Hinawakan niya ito at sinugod si Emiria. Kumuha siya ng buwelo't tinamaan ang hawak na sandata ng dalagita't ito'y tinitigan niya ng mata sa mata.

"Ibigay mo sa akin ang sagradong hiyas at kayo'y makakalabas ng buhay dito sa barko." Blanko ang mukha ni Berto habang nakatingin kay Emiria ngunit isang ngisi lang ang nakuha nitong tugon.

"Asa ka, tanga." madiin na sambit ni Emiria. Na-alerto ang dalawa nang tumakbo palayo sa kanila si Errol dahilan upang lumayo sila sa isa't-isa mawala sa kanilang puwesto.

Nanghihinang sumandal si Flyn sa pader at ginala ang kaniyang paningin. Sa dulo'y nanatiling naupo sa sahig sila Koen at Siena. Ang kahit na malayo siya'y pansin niya ang pagdugo ng iba't-ibang parte ng katawan ni Koen. Gustuhin niya mang lumapit sa mga ito'y hirap din siyang makagalaw dahil sa malaking sugat sa kaniyang mukha't nakapikit ang isa niyang mata.

"Give me the girl. Aasahan ninyong ibabalik ko rin siya 'pag nakuha ko ang sagradong hiyas," diretso't may diin na sabi ni Berto dahilan upang tumaas ang isang kilay ni Emiria.

"Sino ka upang utusan ako?" maangas na tugon ni Emiria. The floating seven swords in front of her formed a big circle. Muling pinagdikit ni Emiria ang mga palad niya na animo'y nagdadasal kay bathala.

"I was born to protect Lady Cattelin..." mahinang bulong ni Berto mula sa leeg niya'y umilaw ang gintong marka. It was the symbol of gemini. Berto is a guardian that protects someone the moment they're born until they died. Simula't sapul ay tungkulin niyang protektahan si Cattelin.

"I was born to fix everything in this world." Walang emosyong sabi ni Emiria. The swords lit fire and started to move in the air. Paglingon niya kay Errol ito'y sumugod sa direksyon nila Koen.

Agad na humakbang si Tasho at lumitaw sa tabi ng dalawa ngunit siya'y nagulat nang kalmutin siya ni Errol dahilan upang tumalsik ang katawan niya palayo't tumama sa isang mahabang mesa.

"Tasho!" nanakit ang lalamunan ni Emiria at agad na lumingon sa direksyon ni Flyn na hanggang ngayon ay walang magawa kun'di tawagin ang pangalan ng mga kaibigan.

Kinulong ni Koen si Siena sa kaniyang mga bisig at naramdaman ang baon ng mga kuko ni Errol sa kaniyang balat. Napunit ang ilang bahagi ng damit niya dahil panay ang kalmot nito sa kaniyang balat. Walang nagawa si Koen kun'di ang mapamura at humiyaw sa sakit.

"K-koen!" Pinagpapawisang tinapunan ng binatilyo ang mukha ng dalagita na ngayon ay naluluha na. Mas lalo niya siyang kinulong sa kaniyang mga bisig at sinandal ang ulo ni Siena sa kaniyang dibdib.

Ramdam na ramdam ni Koen ang pagsabit ng balat niya sa mga kuko ni Errol. Isang hiyaw ang kumawala sa mga labi niya nang maramdaman niya ang kamao nito sa kaniyang likod at siya'y umubo ng dugo.

Ang tanging nasa isip ni Koen ay 'wag patulan si Errol. 'Di man halata ay alam niyang ito'y wala sa kaniyang sarili. Alam niya mang kaya niya itong patumbahin gamit ang pamaypay niya'y pinili niyang 'wag itong saktan. At tiisin ang bawat sakit ng kuko't kamao nito. Nanatili ang tingin niya sa namumulang mukha ni Siena habang siya'y nasa ibabaw niya.

To Koen, both Errol and Siena are important to him, so he wants to protect both of them.

"Huwag..." nanginginig na sambit ni Koen at hinaplos ang pisngi ni Siena. "Huwag k-kang umiyak..." bulong nito.

Lumitaw si Emiria sa likod ni Errol at siya'y yumuko't umikot upang sipain ang likod nito. Pilit niyang pinakalma ang sarili't agad na tinapunan ng tingin si Tasho na ngayo'y nakahiga na malayo sa kanila. Tila walang epekto ang sipa niya kay Errol dahil 'di man lang ito gumalaw sa puwesto.

"Hear thy wish. . . End the seven misfortune and bring forth good fortune. Oh, spirit sentries... Aries, Taurus, Capricorn, Cancer, Leo, Virgo, Libra." Emiria's swords reverted back and turned into beads and flew directly at Errol's neck, looking like a necklace.

As Errol knelt down and his body was turning into smoke, he let out a loud frightening shout. Ang boses nito'y kakaiba't tila may sumasabay na iba. Emiria casted a magic which made rose gold petal appear. Ang mga talulot ay nagkalat sa ere't ang mahalimuyak na amoy nito'y bumungad sa kanilang mga ilong.

Suddenly a large circle that seems like a barrier emerged on their bodies and they floated and per​me​ated away from the ship. They even saw Castor with Neo and Tobias carrying Owen who was also floating in that circle.

Namuo ang kakaibang pulang liwanag sa mga palad ni Emiria at ito'y tinapat niya sa direksyon ni Errol. Isang gintong tanikalang ang lumitaw sa mga kamay nito't siya ay natomba sa sahig. Sunod na tinaas ng dalagita ang paninsingan niya't namuo sa ere ang isang usok at ito ay mabilis na tumama sa direksyon ni Cattelin kaya agad na lumitaw sa tabi niya si Berto at siya'y sinalo.

I hope this story ends well....

Lumutang sila sa ere't nanatili ang tingin ni Emiria sa baba habang siya'y lumulutang. Nagtama ang mga mata nila ni Berto habang ito'y nakaluhod sa sahig at hawak sa kaniyang bisig si Cattelin. Nilihis niya ang kaniyang tingin mula sa itaas niya'y nakita niya ang duguang katawan ni Koen. Ang kamay niya'y nakapalupot sa likod ni Siena at ang ulo nito'y nakasandal sa matipuno niyang dibdib.

Sa itaas niya'y nakipagtigasan siya ng tingin sa grupo ni Castor na sadyang kakaiba ang tingin sa kaniya. Ang una niyang napansin ay walang iba kun'di si Owen na hanggang ngayo'y wala pa ring malay. Lumingon siya sa likod niya at halos matunaw ang puso niya nang makita niyang walang malay si Tasho. Binalik niya ang tingin niya sa baba't pinagmasdan ang paligid na patuloy na lumalayo't lumiliit sa kaniyang paningin.

Even if they got through with everything that has happened on the ship. . . She knew that everyone will still and never stop chasing them.