CHAPTER 61 THE DEMON OF THE SOUTH PART 1

Tasho

Habang hawak ko ang isang serving tray na puno ng mga pulutan ay tumalikod ako't nasagi ang isang baso. Natigilan ako't nagtaka dahil huminto ito sa ere. Pinatong ko ang hawak ko sa mesa't yumukod. Ako'y lumuhod habang nakapatong ang kanan kong kamay sa aking tuhod hanggang sa magtapat ang ulo ko't ang baso na 'di pa rin bumabagsak sa sahig.

Hindi ko maipaliwanag ang kabog ng dibdib ko't ako'y biglang kinabahan. Sunod akong natulala dahil isang kakaibang presensya ang aking naramdaman. Pag-angat ng ulo ko'y bumagsak ang baso sa sahig at ang paraan kung paano ito nabasag ay kakaiba. The glass were shattered like it was run over by a huge truck and almost turned into dust.

Tumayo ako't tinitigan ang paligid. Katulad ng dati ay puno pa rin ng mga tao ang sahig kung saan ako'y abala sa trabaho. Isang tao ang hinahanap ng aking paningin at ako'y nagtaka dahil kahit saan ako luminga ay hindi ko siya nakita.

"He should be here." Napasuklay ako ng buhok nang wala sa oras. Inayos ko ang kulay pilak na nametag sa suot ko kung saan nakaukit ang pangalang Asher.

Tinapat ko ang palad ko sa sahig at umangat ang tila buhangin ng bubog sa ere't pagkatapos ng ilang segundo'y naghalo ito kasama ng hangin. Ako ay tumingin sa aking likod at sa gilid.

Pakiramdam ko'y may mali dahil sa ganitong oras ay dapat kasama kong nagtratrabaho si Berto.

Sa hindi malaman na dahilan ay nagsitaasan ang buhok ko sa katawan dahilan upang mapayakap ako sa sarili. Nagtataka kong tiningnan ang paligid at hinanda ang sarili ngunit kahit saan ako tumingin ay tila normal ang lahat sa lugar na ito.

"N-nandito siya!" Mula sa dulo'y isang matandang lalaki ang biglang tumayo at pinagtinginan ng lahat. "N-nagbalik ang halimaw upang ubusin tayong lahat!" Pumiyok ang boses nito't puno ng pagbabanta at takot ang kaniyang tono. At mula sa kinatatayuan ko'y kita ko pa ang pagtulo ng pawis mula sa mukha niya.

Napuno ng bulungan ang paligid at ang iba'y kung tingnan ang lalaking puti ang buhok at may magarbong suot ay para itong isang baliw. Ilan sa kanila'y lumayo rito't tumakbo. Ang iba nama'y tila naniwala sa kaniyang sinabi't nanatiling nakatulala habang sila'y nakaupo sa harap ng bilog at magarbong mesa. Sa unang tingin pa lang sa kanilang mga mata ay kita ko ang pangangamba't takot.

"It's here... The demon has returned!"

Nagkagulo ang mga tao at sila'y nagtakbuhan na animo'y may lindol. Sinandal ko ang sarili ko sa pader at ito'y aking hinarangan. Hindi ko rin maiwasang mapamura dahil sa ingay ng mga tao. Lalo akong pinagpawisan dahil sa mga oras na ganito'y dapat kasama ko si Berto at ngayo'y hindi ko siya makita. Hindi ko alam kung bakit iba ang kutob ko ngayon.

Pakiramdam ko'y alam ko kung sino ang sinasabi nilang demonyo at ang tanging pinagtataka ko lang ay kung bakit alam nila ang tungkol rito. Ang pangyayaring iyon ay matagal na't pilit na binabaon sa nakaraan.

I'm sure that high class priests sealed the demon of the south decades ago.

"Kumalma ho muna tayo!" sigaw ko't ramdam ang panunuyo ng aking lalamunan. Tinaas ko ang palad ko kaya'y lumutang ang isang mesa papunta sa harap ng pintuan. Ngunit imbes na makinig sila sa akin ay mas lalo lang sila natakot.

Hindi ko sila masisisi. People from the first class floor don't have magical powers... They are mortals.

Inangat ko ang aking mga palad sa ere't lumutang ang mga mesa't upuan. Lahat ng tao'y tumingin sa akin na para bang isa akong kakaibang nilalang ngunit 'di ko sila pinansin. Sunod kong pinatong ang palad ko sa kabilang kamay ko't pinikit ang aking mga mata.

"Oh, spirit of the moon and stars... hear my desire."

Sa palad ko'y namuo ang hugis bituin na may gintong kulay. Inangat ko ang kamay ko sa ere't sunod na lumabas ang tila bituin sa itaas at ito'y mabilis na nilapitan ang lahat ng tao. Ang iba sa kanila ay tumakbo at natigilan dahil sa kakaibang gintong bituin na lumulutang sa ere. At nang dumapo sa kanila ang mga ito'y sila'y nawalan ng malay at bumagsak sa sahig.

It's no harm tho... I just put them into sleep.

Nanatili akong nakatayo sa aking puwesto habang ang isa kong kamay ay nakabulsa. Tinitigan ko ang mga tao na ngayon ay nakapikit lang sa sahig. Sinigurado kong lahat sila'y matatamaan ng aking mahika. Sa ganitong paraan ko lamang sila mapapatahimik. Pagkagising nila'y hindi nila matatandaan ang huling nangyari. Para sa ikabubuti rin ng lahat ang ginawa ko.

Ako'y napalingon sa likod at nanlaki ang mga mata kong tinagilid ang aking ulo't iniwasan ang gintong palaso na halos tumama na sa mata ko. Naestatwa ako sa puwesto ko't nilingon ang palaso na ngayo'y nakabon na sa paanan ko.

"Anak ka ng puta," malutong kong mura at 'di gumalaw sa aking puwesto. Alam kong kapag gumalaw ako ay lulutang ang palaso't susundan ako. Alam ko na ito rin gintong palaso na muntikang tumama kay Siena. I raised a brow when I noticed something. Ako'y napailing na lang sa huli't natawa.

The person you thought was good will stab you in the back when you least expect it. Looks can be deceiving...

"Huli ka, balbon." Nakangisi kong sabi habang nakatitig sa palaso. Sa unang tingin palang ay alam ko na kung sino ang may pakana nito't kanino galing. Lahat ng tao sa paligid ko'y nakahiga sa sahig kaya naman ay impossibleng isa sa kanila ang may pakana nito.

I raised my palm in front of my chest. Hinakbang ko ang kaliwa kong paa't tulad nga ng inaasahan ko'y gumalaw ang palaso papunta sa akin. Yumuko ako at sunod na tinaas ang aking palad upang magpalabas ng air ball.

Tumama ito sa palaso ngunit 'di pa rin ako nakuntento kaya'y gumuhit ako ng maliit na bilog sa ere. Agad na lumitaw ang isang nagbabagang apoy at ito'y tumama sa palaso dahilan upang agad ito maging abo.

Umikot ako at hinarap ko ang pader sa aking gilid. Paghakbang ko ay tumagos ako sa pader at lumitaw sa isang panibagong lugar. Isang lugar na 'di ko akalain na makikita ko ang isang nilalang.

"Asher?!" Muli kong narinig ang matinis at mataas na boses ni Cattelin. Sa harap niya'y nakatayo ang isang binatang lalaki't ako'y natigilan dahil hawak niya ang isang pamilyar na kwintas.

Isang nagtatakang tingin ang aking natanggap mula kay Siena at dumako ang aking paningin sa hawak niyang kakaibang armas. Ito'y yelo ngunit nagbabaga ng apoy. Lihim akong napangisi dahil natututunan niya nang kontrolin ang kapangyarihang bigay sa kaniya ng sagradong hiyas.

Sa gilid naman ay nakasandal si Koen sa pader habang hawak ang tagiliran. Sa tabi niya'y nakatayo si Flyn at tila'y handang harapin ang mga susunod na mangyayari. Halos nakanganga silang nakatingin sa akin at dahil siguro'y tumagos ako sa pader na parang isang multo.

Sa harap ko'y nakatayo ang isang 'di maipaliwanag na nilalang. Kakaiba ang tindig nito't lalong-lalo na ang nakataas at kulay pilak nitong buhok. With just one glance, you know that he is dangerous. I can see his dark overflowing aura.

Ang mga tainga niya'y mahaba at matulis. Nakabuka ang mga labi nito't kitang-kita ko ang matutulis niyang ngipin. Nanatili ang tingin ko sa mga mata niyang kulay itim lamang ang nakikita't aaminin ko na 'di ko ito kayang titigan nang diretso.

"Errol!" Mula sa gilid ay narinig ko ang singhal ni Koen na tila ba hindi makapaniwala sa kaniyang nakikita. I can see into their eyes that they try to deny what they can see right now.

Ang pinagdududahan ko sa lahat ay kung bakit hawak ng lalaking nasa harap ni Cattelin ang kwintas ni Errol. That necklace serves as his seal because if someone removed it, what happened in the past will happen again. 'Di ko akalain na sa barko na ito mangyayari ang kinakatakutan ko.

Ang tila asong ulol at mukhang demonyong nilalang na nakatayo sa aming harapan ay walang iba kun'di si Errol. Nanlilisik ang mga mata nito at isa-isa kaming tiningnan na para bang isa siyang tigreng ilang dekada nang hindi kumain. Nakataas ang mga palad nito't labas ang matutulis na kuko. Naglalaway din ito't may kung anong tunog na nagmumula sa mga labi niya na hindi namin matukoy.

That's right. This is Errol's true form.

Humakbang ito palapit sa akin at tinagilid ang ulo. Imbes na sugurin ko ito'y humakbang ako patalikod at nawala sa aking puwesto. Laking gulat ng lahat dahil ako'y lumitaw sa likod ng binatang lalaking nakatayo sa harap ni Cattelin.

"Hayop ka, Berto!" singhal ko rito't kinuyom ang aking palad. Sinalo niya ang palad ko't siya'y aking tinitigan. Bumaba ang tingin ko sa suot niyang kwintas kung saan nakatali ang isang singsing.

"W-what did you say? B-berto?" sambit ni Cattelin sa aking gilid ngunit wala akong paki sa kaniya. May oras din siya sa akin dahil kasalanan niya rin ang lahat ng ito. Imbes na sumagot ako'y sinamaan ko rin siya ng tingin.

"S-sino'ng tinatawag mong Berto?" Muli niyang sabi at pinigilan ang sarili kong gulungan siya ng mata't tinaasan niya naman ako ng isang kilay. Pasalamat siya't 'di ako pumapatol ng babae dahil baka'y kanina ko pa siya sinapak.

Sinubukan kong hablutin ang kwintas sa kamay ni Berto ngunit maliksi siya gumalaw. Napangisi ako't tinaas ang isa kong kilay bilang insulto. 'Di ko akalain na may mga tao talagang mapagkunwari. Malas niya't hindi niya ako naloko.

"Ibigay mo sa akin 'yan, bugok!" matigas kong sabi't nakipagtigasan ng tingin sa kaniya. Ngumisi lang siya sa akin kaya'y sinamaan ko siya ng tingin.

We stopped when we heared Errol's hisses around us. Suddenly, he attacked us directly. He was about to slash Cattelin with his claws but then Berto jumped in and intercepted his attack. Ako'y napangiwi dahil sa kadramahan nilang dalawa. Bilis kong hinablot ang kwintas sa kamay ni Berto at umikot ako't sinipa ang kaniyang hita. Muli akong umikot palayo sa puwesto nilang tatlo.

"What the hell!" Iritadong sigaw ni Cattelin habang nakatingin sa 'kin.

Isang nakakainsultong ngiti ang aking ginanti sa kanilang dalawa. Berto has features of a young man's. He pretended to be old for years to spy on. Ang singsing sa suot niyang kwintas ang patunay. May pangkat talaga ng mga tao na kayang gawing matanda ang kanilang pisikal na anyo at isa na ako sa mga 'yon.

And oh, I know someone close to my heart that can do this too.

"Ano ba'ng nangyayari't nalilito kami!" Nilingon ko si Koen na hanggang ngayo'y mukhang apektado pa rin sa sugat niya sa tagiliran. Dahil sa pagsigaw niya ay lumingon sa kaniyang direksyon si Errol. Ito'y humakbang at halos maglaway.

Nanatili namang nakatayo si Flyn sa tabi ni Koen at akmang tatakbo ako sa kanila nang harangin ako ni Berto. Sinamaan ko siya ng tingin at minura ng malutong. Pasalamat siya't wala akong karapatang kumitil ng buhay rito't baka kanina ko pa siya napatay.

"Maari ninyo ba'ng sabihin sa amin kung ano'ng n-nangyayari sa kaibigan namin!" Sa kabila ng kaba'y nagawa pa ring magsalita ni Flyn. Ako'y 'di nakasagot sa kaniya't tinaas ang palad ko sa direksyon ni Errol. Sa batok niya ay kita rin ang isang tatak ng ancient magic. So I was right... these are seals. The demon of the south was sealed by different highest priests.

Lakas loob na tinapat ni Flyn ang nanginginig niyang palad sa harap nito't sila'y natigilan dahil mabilis itong nawala sa puwesto't lumitaw sa kanilang likod. Nakataas ang kamay nito't sa huli'y umalingawngaw sa amin ang malakas na hiyaw ni Flyn dahil siya'y nakalmot sa pisngi. Pumatak ang dugo't tumulo sa kaniyang mukha.

"Flyn!" sigaw ko. I gritted my teeth. Napamura na lang ako sa loob ng aking isip dahil kasalanan lahat ito ng gagong si Berto. Kung 'di niya inalis ang kwintas sa leeg ni Errol ay 'di mangyayari ang lahat ng ito.

Humakbang ako ngunit ako'y nagulat dahil hinawakan ni Berto ang kamay ko't umikot siya. Napangiwi ako sa sakit dahil halos mabali ang buto ko kaya tinulak ko siya nang malakas at binawi ang aking kamay. I opened my palm and summoned a ball of fire.

Mabilis na binuhat ni Berto si Cattelin sa bisig niya't sila'y nawala at lumitaw malayo sa akin. Pinagharap ni Berto ang mga palad niya't mula ro'n ay namuo ang kulay gintong usok. Unti-unti itong kumalat hanggang sa naging hugis pana't palaso. Ako'y nanatiling tahimik sa aking puwesto dahil tama nga ang hinala ko.

The culprit behind the golden arrow is Berto.

Hindi ako nagdalawang isip na itama ang fireball sa direksyon ng dalawang ugok na ito. At pinakawala naman ni Berto ang ginto niyang palaso sa 'kin. Tinapat ko ang aking palad sa gilid at agad na lumutang papunta sa palad ko ang gintong espada na animo'y nakalimutan na ng lahat.

Tiningnan ko ang gintong katawan ng espada't nakita ko ang nakapikit na mukha ni Glo. Napabuntong hininga na lang ako dahil kumplikado ang sitwasyon ngayon. Sa oras na maging espada ang isang third class familiar ay 'di ito makakabalik sa anyong tao hanggang 'di ito nahahawakan ng taong tila nagsisilbing shielder nito. Sa madaling salita'y hindi magigising at magiging tao muli si Glo hanggang hindi bumabalik sa dati si Errol.

"Putagris kayong dalawa. Mga hindot." Matalim kong tiningnan sila Cattelin at Berto. At blanko lamang ang ekspresyon ng mukha ko nang makita ko kung paano sirain ng palaso niya ang fire ball ko.

"You pretended to be an old man for this moment," gigil kong sabi habang nakatingin kay Berto habang bakas ang gulat, pagkalito't pagtataka sa mukha ni Cattelin. "Hindi rin Berto ang tunay mong pangalan... hindi ba?" dagdag ko.

"I was born to protect My lady... Cattelin." tugon niya habang nakalagay ang kaniyang palad sa dibdib.

Hindi ko na sila pinagtuusan ng pansin at humarap sa direksyon nila Koen. Nakapikit ang isang mata ni Flyn dahil malaki't malalim ang natamo niyang sugat sa mukha. Nanginig ang kamay kong hinawakan ang gintong espada't tiniis ko ang init ng aking kamay.

Umusok man ang kamay ko'y hindi ko ito binitawan. Humakbang ako't lumitaw sa harap nila Koen. Tinaas ko ang hawak kong espada kahit na nanginginig ang aking mga kamay.

Right from the start, I knew that this sword will reject me. Tanging si Errol lang ang makakagamit nito. Ngunit kahit na gano'n ay pipilitin ko pa rin hawakan ang espadang ito upang maligtas sila kahit na malusaw pa ang buong braso't kamay ko.

Taas-noo kong hinarap ang mukha ni Errol at akmang tatamaan ang balikat niya nang biglang lumitaw sa aming harap si Siena. Her arms are wide open and I can sense fierceness in the way she look. Bakas sa mga mata nito na 'di siya papayag na masaktan si Errol. Nanginginig man ang buong katawan niya'y buong tapang siyang nakatayo sa aming harap.

"Umalis ka rito! Hindi ka dapat nandito!" singhal ko't hinawakan ang espada gamit ang dalawa kong mga kamay.

Halos tumigil ang takbo ng oras ko nang nakita ko kung paano kong sinakal ni Errol si Siena at ang katawan niya'y lumutang sa ere habang hawak ang leeg nito. Baon na baon din ang kaniyang mga kuko sa leeg niya't 'di na siya makahinga.

Humakbang ako't lumitaw sa gilid nila't tinamaan ang taligiran ni Errol ngunit laking gulat ko nang bitawan niya si Siena. Tumalsik ang katawan ni Siena at halos hindi ko na ito masundan ng tingin. Pinagpawisan ako't agad kong iniwasan ang suntok ni Errol.

"Si-siena!" Koen appeared behind Siena while they were in the air. Tumama ang likod ni Koen sa wall glass at ito'y nabasag. Nanatili ang yakap niya kay Siena at 'di inintindi ang mga maliliit na sugat sa buong katawan niya dala ng paghulog ng mga bubog.

"Demon of the south..." mahina kong sabi.

Halos 'di ako makagalaw nang makita ko siya nang harap-harapan. His eyes are as black as night, fangs as sharp as daggers, skin as scaly as a serpent, and his face was covered with seals. Kung saktan niya kami'y parang hindi niya na kami nakikilala't wala siya sa katinuan.

Ako'y napatigil dahil isang pamilyar na presensya ang aking naramdaman. Paglingon ko sa gilid ay ako'y hindi nakagalaw sa aking nakita. The necklace Siena was wearing lit up a bright gold light around us. A tiny ball of gold light beamed upwards and turned into huge flower bud. As it was about to bloom, a woman emerged.

Halos tumigil ang takbo ng mundo ko nang makita ko ang isang babaeng may pula't mahabang buhok. Sa gitna ng kaluguhang nangyayari ay nangibabaw ang kagandahan niya.

Sumabay ang galaw ng hangin sa kaniyang buhok. Natatakpan ng manipis na tela ang mala-bote niyang katawan. 'Di ako nakagalaw sa aking puwesto nang magtama ang aming mga mata. Gusto kong sampalin ang sarili ko para malaman kung totoo ba ang nakikita ko o hindi.

She's back. The person I've been waiting for all this time. She... Emiria has returned.