CHAPTER 60 THE WISHED OF THE LADY
Ikatlong Persona
Sa gitna ng bumabagsak na niyebe't malakas na hangin ay pilit na inakyat ng dalagita ang bundok. Nanatili siyang nakatingala sa itaas kahit na mugto ang kaniyang mga mata't umaasa na mararating niya ang tuktok ng bundok na natabunan ng niyebe.
Kahit nanlalamig na ang mga hita niya'y pilit niya itong ginalaw upang humakbang at makaalis sa kaniyang puwesto. She held the old pouch attached to her belt tightly, hoping. . . thinking that her suffering right now will be paid off in the future.
''Please... just this once... please,'' bulong niya sa kaniyang sarili habang humihingal. Ginulo ng hangin ang mahaba't hanggang beywang niyang buhok.
Nanatili siyang nakatingala sa itaas upang tingnan ang tuktok ng bundok kung saan niya binabalak pumunta. Ang dalawang bilog na buwan ang tanging nagbibigay ng liwanag sa paligid. She greeted her teeth and endures the coldness. Niyakap niya ang kaniyang sarili't muling naglakad.
Pilit niyang ginagalaw ang mga paa niyang nanginginig sa lamig. Maging ang mga palad niya'y halos manigas na rin. She's been walking for one hour and hell she wanted to find is the mountain of wishes. Kahit na madaming nagsasabing ang kapalit na dapat mong ibigay sa pagpunta mo sa tuktok ay 'di na mababawi pa ay wala siyang paki.
Noong una niyang marinig ang tila'y isang haka-haka tungkol sa bundok na kung saan maari kang humiling na kahit ano ay hindi siya naniniwala. At sa huli'y hindi niya akalain na siya ay babagsak sa ganitong sitwasyon. . . kung saan siya naman ang naghihirap makarating sa tuktok ng bundok.
Tutol man ang malalapit niyang kaibigan sa plano niya'y pinilit niya ito dahil alam niyang 'di pangsariling interes ang dahilan kung bakit siya nandito ngayon... At handa siyang ibigay ang kahit ano kapalit ng hiling niya.
If Cattelin wants something, she'll risk everything to get it.
"F-finally..." sumilay ang ngiti sa mga labi ng dalagita nang makarating siya sa tuktok ng bundok. Walang tigil ang pagpatak ng pawis mula sa mukha niya't panay din ang kaniyang hingal.
Finally, our suffering is over...
Kinumpas niya ang mga kamay niya't sa isang iglap ay lumabas ang isang makapal na puting kumot. Ito'y nilagay niya sa likod niya't tinali sa kaniyang leeg. The thickness of her cloak is not enough. Humakbang siya at labis na nagtaka dahil sa kaniyang nakita.
She saw a red shrine on top of the mountain under the blizzard.
"O-oh, four gods of the u-universe..." Agad na napaluhod ang dalagita't nanginginig ang kamay niyang nilabas lahat ng kaniyang dala. Kahit na tila magsugat ang mga tuhod niya sa lamig ng niyebe'y 'di siya tumayo.
"From the palaces of the heavens... For the s-sake of those... here who worship you." Kinagat ng dalagita ang ibabang labi niya dahil nanginginig ang kaniyang mga labi. Sunod niyang
kinuha ang isang pulang pouch mula sa kaniyang bulsa. Tinapat ang kaniyang palad sa ere't lumitaw ang isang mahaba't kulay gintong tela sa harapan niya habang siya'y nakaluhod.
"Destroy all of the evil which threatens us. O-oh, with your mighty power. . . Save us and grant us our wishes."
Agad na nilabas ni Cattelin ang iba't-ibang mamahaling alahas mula sa pulang pouch na dala niya. Sunod niyang pinatong ang mga ito sa kulay gintong tela. Expensive and priceless pieces of jewelry such as diamond rings and necklaces made with precious materials like rubies and gemstones.
"Grant our desires. . . lord of the mountain of wishes." Lakas loob na hinablot ni Cattelin ang suot niyang kwintas hanggang sa ito'y maputol. Mahigpit niya itong hinawakan at tinutok ang pinakamatulis na parte nito sa dulo ng daliri niya't sinugatan ito. Nanginig ang kamay niya't tiniis ang sakit ng maliit na sugat.
Walang emosyon niyang tinitigan ang kwintas niyang ginto't halos kumupas na dahil sa kalumaan. The necklace is made of ruby and has a teardrop shape. Ito'y regalo sa kaniya ng ina niya noong siya'y walong taong gulang. She kept this necklace for a long time but now she is willing to sacrifice this too.
"O-oh, lord of the mountain of wishes hear my desire." Pinanood ni Cattelin ang pagpatak ng butil ng kaniyang dugo sa gintong tela. Suddenly, a silver light appeared. Pinalibutan siya nito't siya'y napapikit. Sa pagdilat niya'y nagbago ang paligid.
"W-what happened..." Ginala niya ang paningin niya sa paligid. Looks like she found herself in an empty room with a golden floor and wall. The room is only filled with a low silver table in the center with a luxurious red carpet. Sa baba ng mesa'y isang mahabang pulang carpet ang makikita.
"You're not a mortal..."
Isang boses lalaki ang narinig ni Cattelin kaya siya'y napaatras. Kabado siyang luminga-linga sa paligid at tanging isang malaking salamin lamang ang nakita niya sa kaniyang harap. Ang gintong tela kung saan nilagat niya ang mga mamahaling alahas ay ngayo'y nakapatong na sa mahabang mesa sa harapan.
"Why would a human possessing a magical power desire something?" Muli niyang narinig ang boses. She wondered where it came from and who is she talking to. The voice echoed deep and soothing as if it was a voice of a deity's.
"O-oh, guardian of the s-south. I-I offer you my adorn f-for thy power." Ramdam man ng dalagita ang kaba't pagdadalawang-isip ay lumuhod pa rin siya.
Ang tanging laman ng isip niya'y ang kaniyang pamilya. . . ang ina niyang naghihirap kumayod sa pagbebenta sa pamilihan araw-araw. Ang kambal niyang kapatid na nagtitiis maghati sa isang pirasong isda. Ang tahanan nilang maliit, masikip, mainit at gawa lamang sa pinagtagpi-tagping kahoy.
Ang tanging laman ng isip niya'y ang estado't buhay ng kaniyang pamilya.
"I-I offer you these, o-oh lord." Sunod na pinatong ni Cattelin sa sahig ang kwintas na hawak niya. At nilagay ang kaniyang palad sa dibdib. "Hear m-my desire..." Napalunok siya't pumikit.
Isang lumiliyab na apoy ang lumitaw sa harap at ito'y lumutang palapit sa mahabang mesa. At dinaanan lahat ng mamahaling alahas. Pagdilat ng dalagita'y nagtaka siya sa isang apoy na lumulutang sa ere. Siya ay napa atras nang ito'y lumapit sa kaniyang mukha't lumayo.
"I can see thy heart and know what ye desire thus these are not enough."
Napawi ang ginhawa sa puso ng dalagita sa kaniyang narinig at siya ay 'di nakapagsalita. Pakiramdam niya'y napunta lang sa wala ang lahat ng pinagdaanan niya upang makapunta rito. Nagtataka niyang tiningnan ang lahat ng mga alahas na nakapatong sa mesa. Sigurado siyang lahat ng ito ay mamahalin... Ano pa ba'ng kulang?
"I seek for two things that cannot be bought and matched no matter how much money."
Nakatulalang tiningnan ni Cattelin ang maliit na apoy na lumulutang sa ere. Sa 'di malaman ay alam niya agad kung ano ang ibig sabihin nito't isang bagay ang agad na pumasok sa isip niya. She heard a rumor that the god in the mountain wishes something in exchange for a wish and she thought that the lord asks for expensive things like what she brought but she was wrong.
Ilang minutong naghari ang katahimikan sa loob ng silid at nakatulala lamang ang dalagita sa kaniyang repleksyon sa malaking salamin sa kaniyang harap at tinitigan niya ang sarili niyang mga mata't napaisip.
Now she knew that she can offer. . . but is she willing to risk it?
''O-oh lord... I offer my left eye.'' saglit na tumigil si Cattelin sa pagsasalita't napalunok dahil nanunuyo na ang kaniyang lalamunan. Huminga siya nang malalim at taas noong hinarap ang diyos. There's no turning back. Kaya niyang ialay ang kaniyang mata para sa kaniyang pamilya.
''I can see other human's scandalous secrets w-with my l-left eye, oh lord...''
Pinikit ng dalagita ang mga mata niya't hinintay ang susunod na mangyayari. What she said is true. Ito ang kaniyang kapangyarihan at sa katunayan ay siya lamang ang may kapangyarihang ganito. Dahil sa kaniyang taglay na abilidad ay madali niyang nalalaman ang pagkatao ng isang tao. She thought that her ability is a gift... but she needs to give it tonight.
''That is not enough, human. . . I seek for more. . . think for what a woman can give.''
What a woman can give?
Muling napaisip ang dalagita't tinitigan ang kaniyang repleksyon. Kasabay nang walang tigil na pagtulo ng pawis mula sa kaniyang mukha ang mabilis na kabog ng kaniyang dibdib. Noong oras na 'yon ay gusto niya na lang tumayo, at tumakbo palayo ngunit nakatatak ang magandang buhay ng kaniyang pamilya sa kaniyang isipan.
Pagkatapos ng halos isang minuto'y isang bagay ang kaniyang napagtanto... dahil may isang bagay ang kayang ibigay ng babae... isang bagay na binibigay ng mga babae sa lalaking mapapangasawa nila.
''I offer you my maidenhood, oh lord. . . in exchange for my wish.''
Pinikit ni Cattelin ang mga mata niya't pinigilan ang sariling maluha't sa ngayon ay ayaw niyang maging emosyonal. Tinanggal niya na mula sa kaniyang isipan ang imahe kung saan kaniyang kasama ang lalaking mapapangasawa niya.
She reserved her virginity for her future husband because that is the greatest gift that she can give. . . but now she has nothing to give anymore . . . Now. . . she doesn't see herself marrying someone anymore.
''I hear thy wish, mortal...'' Ang lumulutang na apoy sa ere'y lumiyab at lumaki. The fire took shape of a man with a crown on his head, sitting on a throne. The spirit took away Cattelin's left eye's sight. And as it turned pale. . . let out a streak of white light glared from her left eye.
Sa pagdilat niya'y wala na siyang makita sa kaniyang kaliwang mata. Kumurap siya't nanginginig ang kamay na tinakpan ang kanan niyang mata gamit ang palad niya... And it's confirmed, she can't see anything with her left eye.
"Do not be afraid, child. It shall be done quickly." The spirit lord assured.
She saw her own naked appearance in front of the mirror and she was embarrassed, so she covered her body. As the smoke from the fire surrounded her, she then felt something tore inside her. Naramdaman ng dalagita na tila'y may pumasok sa kaniya. Humiyaw siya dahil 'di niya matiis ang sakit. Blood dripped down between her legs.
"Now that the deed is done, so is your wish. Your family need not suffer anymore. They now live in a luxury."
Tumulo ang butil ng luha mula sa kanang mata ng dalagita dahil sa kaniyang narinig. Sa wakas ay tapos na rin ang paghihirap ng kaniyang pamilya. Finally. . . her mother doesn't need to wake up early in the morning to sell in the marketplace. . . finally the twins can eat delightful foods. Finally. . . they can sleep peacefully at night.
Sa wakas ay nangyari rin ang matagal niyang inaasam... Ang magkaroon ng maginhawang buhay ang pamilya niya....
Sa pagdilat niya'y natagpuan niya ang kaniyang sarili na nakahiga sa niyebe. Pilit siyang tumayo't tumingala at sa huli'y natagpuan niya ang kaniyang sarili sa ibaba ng bundok. Sa gilid niya ay nakalapag ang gintong tela na puno ng mamahaling alahas. Well, she knew that the mountain of wishes doesn't need any material things.
What she gave in exchange for her family's primrose path can't be bought by money...
"F-finally... It's over... Finally..."
Pilit na tumayo ang dalagita kahit na may masakit sa pagitan ng kaniyang mga hita. Napasinghap siya't tiniis ito upang makalakad palayo. Pilit niyang tinitingnan nang diretso ang harap dahil siya'y nahihirapan sapagkat wala na siyang makita sa kaliwang mata. Bumuntong hininga siya't napahawak sa kaniyang puson.
Hindi man mababalik ng pera ang sinakripisyo niya'y wala siyang paki. Lahat ay gagawin niya para sa kaniyang pamilya. Sila lamang ang mayron siya ngayon... Sa wakas ay makakauwi siya nang may ngiti sa labi.
Finally... I'm home.
Cattelin looks at Siena and felt with unfairness due to Siena having her wishes come true in an instant while Cattelin had to sacrifice so much. She remembers what she went through in the mountain of wishes.
"I knew it..." Cattelin bitterly said. Nakatayo lamang ito sa gilid at siya'y humakbang palapit. "How did you find the sacred jewel?" dagdag nito at tiningnan siya mula ulo hanggang paa.
"You're just an ordinary woman with no background... right?" Kinumpas ni Cattelin ang mga kamay niya at sunod na lumutang ang papel sa ere. "Look... I can't see any information written about you in this piece of shit... Who are you?"
Tikom lamang ang mga labi ni Siena habang nakatingin kay Cattelin. She knew that she would attack her any moment. Sa ano ma'ng oras ay handa siyang itaas ang palad niya't bahala na kung ano'ng lalabas mula rito.
"Life is fucking unfair." Cattelin gritted her teeth and opened her palm. Lumitaw sa kamay niya ang isang sandata. The knife held by Cattelin is transparent and made out of ice.
Nanuyo ang lalamunan ni Siena at siya'y humakbang paatras hanggang sa tumama na ang likod niya sa glass wall. Halos tumigil ang pintig ng puso niya nang ibato ni Cattelin ang kutsilyo sa kaniya't wala siyang nagawa kundi itaas ang kaniyang palad. She swayed her hand and she saw how an air blade appeared.
Hinakbang ni Siena ang kanan niyang paa patalikod at sunod na binuka ang isa niyang palad. Lumiyab ang apoy mula rito't pinagtapat ang dalawa niyang mga kamay. Misteryosong nagsama ang hangin at apoy sa mga kamay niya't hanggang ito'y naging hugis kutsilyo.
Ito'y nanginginig niyang hinawakan at 'di niya ramdam ang init mula sa nagbabagang apoy ng kutsilyo. She doesn't know how can she do these but she wanted to save herself right now.
Tila bumagal ang paggalaw ng paligid sa mga mata ni Siena nang makita ang galaw ng binatong kutsilyo ni Cattelin. Ito'y tatama sa mukha niya kaya siya'y agad na yumuko upang iwasan ito ngunit naputol pa rin ang ilang hibla ng buhok niya. Pagkatapos ay umikot ito sa kaniyang likod at lumipad pabalik sa palad ni Cattelin.
Tumakbo palayo si Siena at pilit na binibilisan ang kaniyang takbo. Panay ang kabog ng dibdib niya't nanatili rin ang kaniyang hawak sa kutsilyo. She never knew that something like this will happen inside the ship.
"You can't run away from me!" gigil na asik ni Cattelin. Binuka niya ang isang palad niya't lumitaw ang limang kutsilyong gawa rin sa yelo. Ito'y mas malaki't matalim kumpara sa hawak niya sa kabilang palad. Agad na lumingon si Siena sa likod niya dahil ramdam niyang isang bagay ang paparating.
Tama nga ang hinala niya dahil isang kutsilyo ang bumungad sa kaniya't nanginginig ang kamay hinigpitan ang hawak sa kutsilyo niya. Her knife was transparent as glass and it was on fire. She hit Cattelin's knife that was made of ice but she didn't notice that there were still more knives coming at her.
Tila isang pamilyar na nakakasilaw na puting ilaw ang mabilis na dumaan sa harap niya. Pumikit siya at sa pagdilat niya'y bumungad si Errol sa kaniyang harap. Ito'y nakatayo nang tuwid habang hawak ang isang gintong espada't diretso ang tingin sa kaniya. Mula sa espada na hawak ni Errol ay naramdaman niya ang presensya ni Glo.
"Get the fuck out of here," matigas na sabi ni Cattelin habang blanko naman ang mukha ng lalaking lumitaw sa harapan niya. Isang matalim na tingin ang binigay niya rito dahil ang mga kutsilyo niya'y putol na't nasa sahig.
"Oh spirit of snow and winter..." Tinaas ni Cattelin ang palad niya't lumutang ang mga naputol niyang kutsilyo sa sahig at ito'y pumunta sa kaniyang palad. Air surrounded her palm. Sa isang iglap ay lumabas ang isang mahabang espada na gawa sa yelo't kumikislap pa.
Cattelin threw a small ball of crystal. Tama nga ang kutob niyang may paparating dahil siya'y may natamaan. Narinig nila ang malutong na mura ni Koen sa likod. At siya'y biglang lumitaw kasama si Flyn.
Hinihingal na hinawakan ni Koen ang taligiran niya't kinuha ang kaniyang pamaypay. Suminghap siya't tiniis ang hapdi't sakit ng balat dahil sa pagtama ng binato ni Cattelin. Labis niyang pinagtaka na 'di nalusaw ang suot niyang pang-itaas ngunit halos mamatay siya sa sakit ng balat niya. Looks like he suffered from a second- degree burn in instant.
"Putchangina niyan... Ano'ng nangyayari rito!" singhal ni Koen napakagat labi upang tiisin ang sakit.
Sa pagdating nila'y 'di niya maintindihan kung ano ba ang nangyayari. 'Di niya maintindihan kung bakit nanlilisik ang tingin sa kanila ni Cattelin. At hindi niya rin matukoy kung bakit tila kakaiba't lumiliyab ang hawak na kutsilyo ni Siena.
Pasimpleng sumandal si Flyn habang ito'y nakatayo sa tabi ni Koen. Patago niyang binuka ang palad niya't mula rito'y lumabas ang berdeng usok. He was secretly healing Koen's flesh. Natatakpan man ng tela ang balat niya'y sa paghinga't pustura ng katawan nito'y alam niya kung gaano kalala ang sugat na kaniyang natamo.
Halo-halong emosyon ang umusbong sa puso ni Cattelin nang makita niya kung paano lumitaw ang mga lalaki. Gusto niyang magtaka, matawa at sa dulo ng puso niya'y may inggit dahil pinagtataka niya kung bakit nila pinagtatanggol ang isang ordinaryong babae katulad ni Siena.
What's so special about her? Ano ba'ng meron siya na wala ako?
"You guys are freaking clowns. Nakakatawa kayong lahat." Natatawang sabi ni Cattelin at siya'y umiling-iling pa. Nakangisi niyang tinaas ang espada niya't animo'y nang-iinsulto pa.
"I know that you are just protecting her for your own benefit. Come on, admit it. . . You are doing this because you're really after the sacred jewel, right? Aminin ninyo sa inyong mga sarili."
Isang nagtatakang tingin ang naging tugon ng kalalakihang nakapaligid kay Siena dahil sa kanilang narinig. Lumawak ang ngisi ni Cattelin at tinagilid ang kaniyang ulo. 'Di niya matukoy kung 'di alam ng mga ito ang ang nadiskubre niya't o 'di nama'y baka nagkukunwari lang ang mga ito.
"Gosh. Stop pretending you-all look pathetic...." Pinatong ni Cattelin ang hawak niyang espada sa kaniyang kanang balikat.
Hindi naman mapigilan ni Siena na itapon ang hawak niyang kutsilyo't tinagilid lamang ni Cattelin ang ulo niya upang iwasan ito't nahulog sa sahig. Inis na binuka ni Siena ang palad niya't katulad ng nakita niya'y kusa ring lumipad pabalik sa palad niya ang kutsilyo.
"Manahimik ka! Ang ingay mo!" singhal ni Siena.
Nagtataka naman siyang nilingon nila Flyn at Koen na hanggang ngayon ay halos 'di pa rin pumasok sa kanilang isip lahat ng kanilang nakikita. They all wondered how could Siena do all of this?
"Why? Natatakot ka. . . hindi ba? Natatakot kang malaman kung totoo ba ang pinapakita ng mga kasama mo sa iyo! Natatakot ka na makita ang tunay nilang mga kulay 'pag nalaman nila ang totoo!" Halos manuyo ang lalamunan ni Cattelin sa kaniyang pagsinghal. Cattelin was amused at the sight of them become curious about what she said.
"Surprise, motherfuckers! Ang sagradong hiyas na hinahanap ng lahat ay nasa loob ng katawan ng babaeng 'yan!"
Nanlaki ang mga mata nila sa kanilang narinig at iba't-ibang klase ng tingin ang natanggap ni Siena. Ang mga kilay ni Koen ay magkasalubong habang nakatingin sa kaniya at tila'y naghihintay naman si Flyn kung may sasabihin siya o wala. Noong oras na 'yon ay 'di na nakapagisip ng tama si Siena dahil sa kaba't bigat ng dibdib.
Agad na hinakbang ni Errol ang paa niya't nawala sa kaniyang puwesto. Tinaas niya ang espada niya at akmang itatama niya na ito sa likod ni Cattelin nang isang gintong liwanag ang tumama sa kaniya. A man appeared and grabbed Errol's necklace. Tila tumigil ang mundo niya nang makita niya kung paano masira at matanggal ang kwintas mula sa kaniyang leeg.
Napaluhod si Errol at humiyaw dahilan upang mapatingin sa kaniya ang lahat. Umusok ang kaniyang katawan at unti-unting humaba at tumilis ang kaniyang mga tenga at kuko. His eyesight darkened, his senses heightened. His hair became spikey and then his eyes also became different. Ancient marks started appearing all over his cheeks.
"A-ano'ng nangyayari?!" nagtatakang singhal ni Koen at kahit na si Cattelin ay 'di maintindihan kung ano ang kaniyang nakikita. Isang nagtatakang tingin ang binigay niya sa binatilyong nakatayo sa kaniyang harap at hawak ang naputol na kwintas ni Errol.
Napako ang mata ni Cattelin sa pahalang na marka sa mga pisngi ni Errol. Tila pamilyar din ang tindig nito. Naningkit ang mga mata niya at tinitigan ang marka sa balat nito. It was like ancient seals. Tinitigan niya rin ang kwintas na hawak ng lalaking nakatayo sa kaniyang harap.
Now she knew it...
Cattelin then realized that Errol was the rumored demon that caused many deaths in Estrela long ago.