Chapter 60: THE GOLDEN ARROW

Ikatlong Persona

Nagising ang dalagita na basa ang mga pisngi. She wiped her left cheek as she felt tears rolling down on her face. Sa pagdilat niya'y bumungad sa kaniyang paningin ang puting kisame. Ang ulo niya'y nakapatong sa isang maliit na upuan at siya'y nagising na nakahiga sa isang mahabang upuan.

As usual, Cattelin dreamed of the moment when she came to a well-known mountain for a single wish.

Pilit niyang binabaon sa lupa ang ala-ala na iyon. Pilit niyang pinagpipilitan na walang naging kapalit ang payapa't maayos na buhay na nilalasap ng kaniyang pamilya ngayon. Araw-araw siyang nahihirapan ngunit iniisip niyang lahat ng sakripisyo niya'y para sa kaniyang mga magulang at kambal na kapatid.

But every time she sees her face in the mirror... it reminds her that she almost sacrificed everything for them, yet it is still not enough.

Umayos siya ng upo't mula sa malayo ay rinig niya ang ingay ng mga tao sa labas ng kaniyang silid. Dahan-dahan siyang umupo nang tuwid at binuklat ang palad. Katulad ng dati'y lumitaw sa kamay niya ang isang papel na kung saan lumilitaw lahat ng mga pangalan at impormasyon ng pasahero ng barko.

"So weird..." mahina niyang bulong at tinagilid ang ulo. Nagkasalubong ang mga kilay niya't sunod na tumaas ang isa. Pabagsak niyang pinatong ang papel sa mahabang mesa sa harapan niya. She gently spins while sitting on the cream-colored swivel chair. Ginala niya ang paningin niya sa loob ng silid at hindi niya maiwasang mapaisip.

Why am I here? I don't remember falling asleep.

"Berto!" diretso niyang sabi ngunit may mataas na tono. Pagkatapos ng dalawang segundo'y walang lumapit sa kaniya.

She looked outside the window irritated, but she hasn't seen Berto's figure. Unang tawag niya palang ay dapat natataranta ng naglalakad palapit sa kaniya ang matanda ngunit ngayon ay kahit bakas ng anino niya'y 'di niya makita.

"Berto!" muli niyang sigaw habang magkasalubong ang mga kilay. Agad niyang kinamot ang anit niya dahil sa pagkairita.

Dumako ang mga mata niya sa basong nakapatong sa gilid ng mesa. The tall glass was filled with water. Tipong hindi pa ito nagagalaw ng kung sino man. Out of a sudden, she felt confused. She doesn't remember that she brought a glass inside her room. Ni hindi niya rin natatandaang natulog siya rito. She felt something's not right...

What the hell is happening?

Napasapo siya ng noo't napayuko. Pumikit siya't pinigilan ang sarili niyang magwala. 'Di niya ma-alala kung ano'ng ginawa niya bago siya makatulog. 'Di niya rin alam kung bakit kahit ano'ng sigaw niya'y hindi dumadating si Berto.

Pakiramdam niya tuloy ay talagang minamalas siya tuwing na-aalala o  napapanaginipan niya ang pangyayari na 'yon...

"Yeah. Whatever. Past is past." She rolled her eyes and tried to ignore her heavy chest. Tila nanlalambot pa ang kanan niyang kamay nang kunin niya ang baso sa mesa't nilagok ang laman.

She wondered what her parents are doing right now... do they even think about her? Mahigit dalawang linggo na simula nang magpadala sila ng liham sa kanila. Agad naman siyang nagsulat ng liham bilang tugon ngunit bakit hanggang ngayon ay wala pa rin siyang natatanggap?

Mula sa malayo'y tiningnan niya ang isang maliit na salamin sa ibabaw ng kaniyang estante sa gilid. The mirror was small and round. It also had an elegant design of a golden wreath hung on a shelf. She thought that she needed to check herself sometimes so she bought this mirror.

Wala sa sarili siyang napahawak sa kaliwa niyang mata. She didn't notice that her one eye is covered with an eye patch for a long time. Tuwing nakikita niya ito'y na-aalala niya ang nangyari sa bundok na iyon.

Isang mapait na ngiti ang ginawa niya habang nakatingin sa repleksyon ng kaniyang isang mata. This eye patch reminds her about what she sacrificed in exchange for her family's better life. Not only that but she is bound to work as the lady of the ship with her whole life. It is like she is chained to work inside the ship even if it is supposed to be someone's job.

Oh, how it sucks to be me...

Natigil ang kaniyang pagmuni-muni nang makarinig siya ng katok mula sa pinto. Mula sa pagkahiga ay agad siyang umayos ng upo't kunot noong nilingon ang likod. She saw a tall man's figure but she is not sure who he is. Nanatili ang tingin niya rito.

"Ano'ng kailangan mo?" sigaw ng dalagita gamit ang matinis niyang boses. She raised her right hand and the single glass door immediately slide. Agad na bumungad sa kaniya si Berto habang nakayuko't nakalagay ang palad nito sa kaniyang dibdib.

"M'lady," bulong ni Berto habang nakatingin sa baba. Sa mukha nito'y mahahalata ang pag-aalinlangan kung sasabihin ba nito ang nasa isip niya o hindi. Samantala'y mas lalong nagkasalubong ang mga kilay ni Cattelin. She knew that he is hesitant. Why does he looks so nervous?

"Kanina pa kita tinatawag hindi ba? Ano nanaman bang kapalpakan ang ginawa mo't mukha kang kabado?" Iritadong sabi ng dalagita't ginulo ang buhok dahil sa inis. Nanatili ang ekspresyon ng mukha nito't nakakuyom ang mga palad habang nakatingin kay Berto.

"M'lady. The first class floor is in chaos," pabulong na sabi ni Berto at 'di mapigilan ni Cattelin na igulong ang kaniyang mga mata.

"May gulo uli? Ano pa ba'ng bago? Parang hindi ka nasanay sa mga bugok na tao sa first class," sarkastikong sabi ni Cattelin.

Iritadong tumayo ang dalagita mula sa kaniyang kinauupuan. Ngayon na nga lang siya makakapagpahinga'y naudlot pa dahil sa katarantaduhan ng kaniyang mga pasahero. The first class floor is such a pain in the ass. This group of people always gives her headache.

Nanatiling nakayuko si Berto sa labas habang hinihintay na lumapit ang dalagita. Bakas sa mukha nito ang pagkairita't bawat hakbang niya'y mabigat. Sa pustura rin ng katawan ng dalagita'y tila gusto nitong basagin lahat ng babasagin sa loob ng silid.

"Napapagod na ako kakasita sa mga tao na 'yan ha! Ang tatanda na nila pero kung umasta'y parang mga bagong silang na sanggol! Fucking nimwits!" Iritadong sabi ni Cattelin at panay ang kamot sa ulo. Kulang na lang ay pumadyak ito habang naglalakad.

Nilagpasan ni Cattelin si Berto at katulad ng dati niyang ginagawa'y pinauna niya itong maglakad. Nanatiling nakasunod ang matanda sa likod ng dalagita habang sila'y naglalakad. Kahit na hindi nagsasalita ang dalagita'y alam ni Berto na naiinis ito. He can't deny the fact that what she just said is true after all. Tunay ngang sakit sa ulo ang mga tao sa first class floor. Walang taon na hindi nagkakagulo ang mga ito at kailangan pang tawagin ni Berto si Cattelin.

''O, ano? May bagong kagaguhan nanaman ba'ng nangyari't sumugod ka sa akin?'' naiinip na sabi ni Cattelin ngunit bakas sa pagbigkas nito ang pagkasarkastiko nang sila'y lumiko.

Agad na napahilot sa sentido ang dalagita dahil bumungad sa kanila ang nagkalat na mga baso't bote sa ikalawang palapag ng barko. Isang malutong na mura ang kumawala sa mga labi niya at siya'y bumuntong hininga dahil kanina pa siya nagtitimpi.

Walang ganang tinaas ng dalagita ang daliri niya't sa ere gumihit ng isang bituin kawalan. Sa isang iglap ay agad lumutang ang mga bote sa mga pinanggalingan nito't pati ang mga upuan na natomba'y nagtago sa ilalim ng mga mesa. Masakit din sa paningin niya ang buong paligid dahil ito'y makalat. Cattelin couldn't help but smile bitterly.

Mabuti na lang ay 'di niya rin binigay ang lahat ng kapangyarihan niya kapalit ang buhay ng kaniyang ina.

"I'm sorry, M'lady. Hindi ko alam kung ano'ng gagawin sa bagong grupo na pumasok ngayon sa barko." Lalong nagkasalubong ang mga kilay ni Cattelin dahil sa kaniyang narinig.

"Bagong grupo?" pag-uulit ng dalagita at saglit na nilingon si Berto habang ito'y nakasunod lamang sa kaniyang rinig.

"Ang grupo ng taong nanggaling sa bansang Cantaga, M'lady. 'Di ko maipaliwanag ang nangyari ngunit nang madatnan ko sila'y isang gintong palaso ang nakita ko sa pader."

"Who fucking shot a golden arrow inside my ship? I'll kick that person's ass. Kapag ako 'di nakapagtimpi ay kakaladkarin ko siya palabas ng lumilipad kong barko. 'Wag niyang sagarin ang pasensya ko," walang preno't madiin na sabi ni Cattelin.

Napapikit siya dahil naramdaman niya uli ang pangangati ng anit niya.

"Fuck this skin! Fuck those idiots! Fuck this life! Fuck this duty! Fuck everything!" Cattelin's high-pitched voice echoed the second floor. "Who fucking shot a golden arrow? Sabihin mong ipagdasal niyang 'di niya ako makaharap." dagdag nito't gigil na gigil.

"I don't know, M'lady." mahinahon na tugon ni Berto. Ginulong naman ni Cattelin ang mata niya't ginulo ang kaniyang buhok dahil sa inis.

"Lecheng mga taong 'yan. Ang kukulit. Parang mga uod na binudburan ng asin!" reklamo ng dalagita. As much as she wanted to avoid chaos inside the ship, some rascals can't discipline themselves.

The golden arrow Berto mentioned became such an enigma to him. The people have no power on the first class floor, so how did this happen?

"I'm very sorry, M'lady. Ako'y nagulat din sa nangyari." Napailing na lang si Cattelin at 'di na umiimik. Baka'y magwala pa siya dahil sa inis. She raised her right hand and the paper appeared on the mid-air. Ito'y naiinip niyang tinapunan ng tingin at agad na hinahanap ang pangalan ng isang tao.

Siena Alxna Heinische.

"Heinische," mahina niyang bulong habang nakatitig sa papel. Mabilisan niyang tiningnan lahat ng pangalan sa papel at hinanap ang kasama ng dalagita. "Errol... Castor... Neo." sunod niyang bulong. Muling pumasok sa isip ni Cattelin ang nangyari nang nakausap niya sa silid ang grupo ng kalalakihang galing sa Cantaga.

Cattelin is sure that what she saw was real. She wasn't dreaming. She's certain that she saw a red barrier protecting her. She struggled to think about what that thing was because she knew the wind blades were not ordinary. Aside from the fact that it cannot be seen by the naked eye, with its sharpness, it could even split clouds.

Cattelin then realized that she was intrigued by Siena's power...

Sa kabilang dako naman ay 'di inalis ni Errol ang tingin niya sa paligid. Lahat ng tao'y nakatingin din sa kanila't bakas sa kanilang mga mata ang halo-halong emosyon. Gulat, takot, pagkabahala't kuryosidad. Isang malaking palaisipan sa kanila ang gintong palaso na hanggang ngayon ay nakabaon pa rin sa pader.

Errol is sure that the shooter's target is no other than Siena but he won't allow any person to harm her. Never.

"Kumalma ka nga't baka wala ng laman iyang baso 'pag inabot mo sa akin," sarkastikong sabi ni Flyn habang ang kamay niya'y nasa ere't nakatingin sa nanginginig na kamay ni Koen.

"Ano ba! Manahimik ka nga!" bulaslas naman ni Koen at siya'y pinagtinginan ng kanilang mga kasama. "Ibuhos ko sa iyo 'to nang 'di ka makapagsalita e!"  dagdag nito.

Pagkatapos ng nangyari'y nagpatuloy ang inuman ng mga tao ngunit kahit na hawak nila ang baso't inumin ay bakas sa mukha nila ang kuryosidad. Puno man ng sari-saring inumin at masasarap na finger foods ang paligid ay 'di pa rin mawala sa isip nila ang nangyari kanina.

The question is... who shot the golden arrow?

"Kumalma ka't walang mangyayari kung kakabahan ka lang. Tandaan mong maaring kasama natin sa lugar na ito ang salarin." Kalmadong sabi ni Tyler kay Koen at umupo sa kaniyang tabi. Sinandal nito ang kaniyang ulo sa sofa at dumikwatro pa ito.

"E, sino ba namang 'di kakabahan! Kakapasok lang natin dito'y ganito agad ang bungad sa atin!" sigaw ni Koen at inabot ang inumin kay Flyn. Nanatili ang tingin niya sa baso at pansin niyang ito'y inabot niya kay Siena. Napansin niyang masyadong madikit at malapit ang dalawa kaya siya'y napaiwas ng tingin.

"Hindi ba'y wala ka nang salapi? Saan mo nakuha ang inumin na iyan?" Mula sa gilid ng mahabang sofa kung saan sila nakaupo'y nagsalita si Glo. Nanatili ang tingin niya kay Siena at nais niya rin sanang abutan ito ng maiinom.

"Matagal na sa akin ang gamot na ito," maiksing tugon ni Flyn at mula sa malayo'y nanatili ang kaniyang tingin sa gintong palaso. "Sa ngayon ay gusto ko munang alamin kung may gasgas o sugat ka bang natamo," dagdag niya habang nakatingin sa dalagita. Isang diretsong tingin ang binigay ni Tyler may Siena. With just one glance, he knew that she's okay.

"Ayos lang siya't kumpleto ang buto!" Tyler raised his thumb. Ngumisi pa ito't tila nang-aasar sa mga taong nakatingin sa kanilang grupo.

"Oi! Sigurado ka bang ayos ka lang? Kanina ka pa tahimik diyan e. Tsk." Nagkasalubong ang mga kilay ni Koen nang tumingin siya sa dalagita. Isang pilit na ngiti naman ang ginanti ni Siena at tumango sa kaniya. Kanina niya pa kasi itong inoobserbahan at 'pansin niyang malalim ang iniisip nito.

"Ayos lang ako. Konting gasgas lang sa pisngi't malayo sa bituka," diretsong sagot ng dalagita at lahat sila'y tumango.

Samantala'y isang diretsong tingin ang binigay ni Errol kay Siena. She might tell other people that she's fine but he can feel that she's not. Habang tahimik na nakaupo't nagmamasid si Siena ay ramdam ni Errol ang kaba nito. Ramdam niya ang kabog ng dibdib nito't pati ang boses sa loob ng ulo ng dalagita'y naririnig nito.

'Wag kang mag-alala dahil nandito ako.

Nanlaki ang mga mata ni Siena dahil narinig niya ang boses ni Errol. Ito'y tinitigan niya't isang diretsong tingin ang ginanti ng binatilyo sa kaniya. Umiwas siya ng tingin at mula sa malayo'y napansin niya ang isang lalaking nakaupo sa wheelchair. Tahimik lamang si Siena habang nakatingin sa lalaki't pansin niyang palapit ito nang palapit sa kanila.

"Inumin mo ang gamot na ito." Lumipat ang atensyon ni Siena sa katabi nitong si Flyn. Tinapunan niya ng tingin ang shot glass na inaabot nito. Mula sa maliit na baso'y naamoy niya ang matapang na amoy ng gamot. Para itong dinurog na lagundi.

"Para saan? Ayos lang ako." Agad na umiling si Flyn dahil sa kaniyang sinabi.

"Kailangan mo ang gamot na ito dahil baka'y 'di kayanin ng katawan mo ang galaw ng barko sa himpapawid." Agad na sabat ni Flyn dahilan upang mangunot ang noo ni Siena.

She can't understand what he just said. 'Di rin niya maintindihan kung bakit panay ang bigay ng gamot sa kaniya simula nang siya'y magising. Hanggang ngayon ay wala pa rin siyang pinagsasabihan tungkol sa nadiskubre niya't siguradong magugulat ang mga ito 'pag nalaman nilang may kakaiba itong abilidad.

And now, the fact that someone is after her inside the ship makes her nervous as hell.

"Alam mo ba na binili ko ang natitira kong salapi upang may mainom kang gamot." Mapaglarong sabi ni Flyn habang nakatingin sa mesa't agad na lumutang ang isang tinapay na nakapatong sa platito. At ito'y lumapit sa harap ni Siena.

"Kailangan mong kumain." diretsong sabi ni Flyn sa dalagita kaya agad na lumingon sa kanila si Errol. Imbes na gumalaw ay nanatiling nakaupo ang dalagita sa kaniyang puwesto.

"Ayaw mo? E 'di 'wag. Akin na lang 'to." Walang sabing kinuha ni Koen ang tinapay mula sa ere't bago pa umiik si Flyn at agad niya itong kinagatan.

"Para kang bata! Nakakahiya ka!" singhal ni Glo mula sa gilid habang kunot ang noo.

"Nyenye!" bulaslas naman sa kaniya ni Koen at dumakdak kahit na siya'y ngumuguya.

"Excuse me..."

Lahat sila'y lumingon sa kanilang harap nang isang lalaking nakaupo sa wheelchair ang sumulpot. Itim ang buhok nito't nyebe ang puti. The guy has side parted hairstyle. At first glance, people could tell that he's rich because of his luxurious white suit and knee-length fur coat. Bago at wala ring gusot ang suot nitong pantalon.

"I just want to suggest that this ship provides medicines for its passengers." Nakangiting sabi ng lalaki't humawak sa gulong ng wheelchair. Kapansin-pansin din ang puti at kumpleto nitong ngipin. "My name is Tom Wyrle Huston." The seventeen years old boy added.

Nanatiling nakatingin ang grupo ni Neo sa lalaki't 'di alam kung ano ang kanilang sasabihin. Tom Wyrle looks harmless, but they wanted to be careful. The fact that he speaks in English proves his status in life. Sa katunayan ay ang wikang Ingles na tinuturing na wikang banyaga ay para lamang sa mga iskolar, nakapagtapos sa Akademya't mga mayayaman.

"Hindi niyo kailangang magdududa. Ang mga katulad namin ay walang mahika." Nilahad ni Tom ang palad niya sa kanilang harap, "People in the first class floor are just mortals and jerks." Natatawang sabi ni Tom at umiling pa't agad na yumuko si Flyn upang maging kapantay niya ito't tinanggap ang kaniyang palad.

"Mortal?" Pag-uulit ni Koen at muling kumagat sa tinapay. "Hindi ba'y kayo 'yong humihiling sa sikat na bundok sa Estrela?" dagdag niya kaya siniko siya ni Glo sa tagiliran.

"Umupo ka nga't manahimik! Alam mo nakakahiya ka," iritadong bulong ni Glo. Hindi naman nagpatalo si Koen at patuloy ang dakdak kahit na nakaupo na siya. Napasapo na lang ng noo sila Flyn at Glo dahil sa kaibigan.

"Are you talking about the mountain of wishes?" 'Di natanggal ang ngiti sa makapal at mapulang labi ni Tom. "Ang totoo'y tuwing sinasabi namin na kami'y mortal lamang at walang kapangyarihan ay lagi na lang iniisip ng lahat kami'y pumupunta sa Mt. Maharliko... ngunit ang katotohanan ay ang iba sa amin ay kuntento ng mabuhay bilang isang mortal."

"I can't deny the fact that there are mortals that seek for the sacred jewel to possess magic. . . to become powerful. . . to change their lives, but at the end, your greed will be your doom..."

"Kahit na gano'n ang tingin ng mga taong gumagamit ng mahika sa mga mortal. . . May natitira pa ring kuntento na sa kung ano ang meron sila... Meron ding mga tao na may hiling man sa bundok ay 'yon para sa kanilang mahal sa buhay at 'di sa sariling interest lamang." dagdag ni Tom.

"Pasensya na sa naging tanong ng aming kasama. Ang totoo'y ngayon lang namin narinig ang tungkol sa bundok na sinasabi mo." Mahinahon na sabi ni Flyn at minataan si Koen na ngayon ay parang isang batang nag mumukmok dahil pinagalitan.

Habang nasa harap nila si Tom at ginala ni Tyler ang paningin niya sa paligid. His eyes started to scan people, including their heartbeat, temperature and bloodflow. Dumako ang mga mata nito kay Tom. With his x-ray vision sight, he saw that his legs are broken.

Tyler was amazed at what he saw. Though Tom looked rich, why is he still sitting in a wheelchair?

A smile remained on Tom's face as he stared at Siena's group. For some unknown reason, his eyes were fixed on Errol's face. His smile immediately faded and his eyebrows met. His palms were cold and he could not move. He saw this face before.

He couldn't be wrong. He saw this face before. His face hasn't changed.

"You..." Nabitin sa ere ang sasabihin ni Tom habang nanlalaki ang mga mata niyang nakatingin kay Errol. Nang tumingin ito pabalik sa kaniya'y siya ay napalunok dahil sa kaba.

"W-why are you still alive?"

Tila napako si Errol sa kaniyang kinatatayuan dahil sa naging tanong ni Tom. Nagtatakang tumingin sa kaniya ang lahat dahil bakas sa mukha ni Tom ang takot. Nakahawak ito sa dalawang gulong ng wheelchair na animo'y handang lumayo sa puwesto niya.

"Ano ang ibig mong sabihin?" Nagtatakang sabi ni Siena kay Tom na 'di maalis ang tingin sa mukha ni Errol. Kung makatitig ito'y para siyang nakakita ng isang multo. 'Di rin maipinta ang mukha ni Errol.

"What the fuck just happened here?"

Natigilan ang lahat sa kanilang mga ginagawa nang marinig nila ang matinis na boses ni Cattelin. Ito'y nakahalukipkip at halatang kakapasok pa lang, at sa kaniyang likod ay nakatayo naman si Berto.

Lahat ng mata'y nakatuon sa gintong palaso na ngayon ay nakabaon pa rin sa pader. Cattelin opened her palm but the arrow won't float. Napakamot siya sa ulo dahil sa inis at huminga ng malalim. Lahat ng tao'y tiningnan niya at bakas sa mga mukha nito ang takot. No one wants to see her mad. Alam nila kung gaano katabil ang dila nito.

Sa pagdating ni Cattelin ay nanatiling tahimik si Tom Wyrle at kahit na tila naghihintay ang grupo ni Siena kung ano ba'ng ibig sabihin nito ay walang sabi siyang humawak sa gulong ng wheel chair at ginalaw ito upang talikuran sila.

He doesn't want to see the monster's face again...

"I'm sorry. I-I need to go." tila nahihirapang sabi ni Tom Wyrle at kinakabahang tinapunan ng tingin ang mukha ni Errol.

"Oi! Teka! Ano'ng sinasabi mo!" pagrereklamo ni Koen at napakamot na lang ng ulo. Tiningnan niya sila Fly at Glo. Sunod na dumako ang mga mata niya kay Errol na tahimik pa rin.

"Who fucking shot this bullshit!" Gigil na sigaw ni Cattelin at halos mamula na ang kaniyang mukha dahil sa inis. "Mga bingi ba kayo? Sagot!" dagdag nito habang naglalakad palapit sa gitnang bahagi ng silid at lahat ng mga mata'y nakatuon sa kaniya.

Tila nag-init ang mga mata ni Cattelin nang makita niya ang grupo ni Siena. Sa natatandan niya'y ang sabi ni Berto ay galing sa bansang Cantaga ang may pakana ng kaguluhan. Given the fact that Eaton and Errol entered her ship without paying is too much. Ito'y pinagbigyan niya ngunit sila ay sumosobra na. 'Di niya na kayang magtimpi pa.

"You." matigas na sabi ni Cattelin habang nakatingin kay Siena at saglit na lumipat ang tingin niya sa hawak nitong shot glass. "Looking for some medicine? Come with me." Isang diretsong tingin ang binigay ni Siena sa kaniya't pansin niyang pati ang mga kalalakihang kasama nito'y nakatingin din sa kaniya. Bakas sa mga mukha nila ang pag-aalinlangan.

"Why are you staring at me? Malaki na siya't 'di niya na kailangang may kasama tuwing may pupuntahan, rascals." Iritadong sabi ni Cattelin sa kanila.

"Saan kayo pupunta?" Nag-aalalang tanong ni Errol.

"Did I tell you to talk? Shut up," pambabara ni Cattelin. "I'm fucking mad right now. Isa sa pinaka-ayaw ko'y magkaroon ng gulo rito sa loob ng barko. I'll find the rat who shot the golden arrow and kick his or her ass. Wala akong paki kung umaandar ang barko sa himpapawid. You don't know me. Try me, people." Isang matalim na tingin ang binigay ni Cattelin sa mga tao at ang mga ito'y 'di makatingin nang diretso sa kaniya.

"Come with me," muling sabi ng dalagita at agad namang tumayo si Siena. Tiningnan niya sa mga mata ang mga ito na para bang sinasabi na hintayin lang siya. Tinalikuran niya ang mga ito't halata niyang gusto pa siyang pigilan ni Errol ngunit ito'y pinaupo ni Flyn sa sofa.

Nanatiling tahimik si Cattelin habang sila ay naglalakad. Ginala naman ni Siena ang tingin niya sa paligid at 'di niya maiwasang mapangaha. Mula sa malalaking bintana ng barko ay kita niya ang ulap na tila 'di gumagalaw. The wall is also full of vintage style paintings. May nadaanan din silang ginto't pilak na mesa.

"I heard that you are the golden arrow's target..." pabitin na sabi ni Cattelin at sila'y nakarating sa harap ng isang napakaluwang na silid. The room is filled with curtain walls. Mula sa labas ay makikita kung ga'no kaluwang ang loob. From afar, the room looks like a small office.

"Do you ever wonder why someone is after you?"

Tinaas ni Cattelin ang palad niya. In instant, the glass door slides. Sila'y pumasok sa loob at ang unang bumungad sa kanila ay isang malaking itim na cabinet. Nanahimik na lang si Siena kahit alam niya ang sagot sa tanong ni Cattelin.

"Mind telling me why my air blades won't work to a mere girl like you?"

Humakbang palayo si Siena dahil may naramdaman itong papalapit. At siya at nagulat dahil nakita niya ang tila isang air blade sa ere. Kumabog ang dibdib niya't tinapunan ng tingin si Cattelin na blanko ang mukha.

"Hindi ko alam kung ano ang sinasabi mo." Siena replied. Pilit niyang pinapakalma ang sarili niya ngunit tinapat lamang ni Cattelin ang palad nito sa kaniya. Natatarantang binuka ni Siena ang palad niya't sa isang iglap ay namuo ang isang maliit na air ball rito. Nanlaki ang mga mata ni Cattelin dahil bakas sa mukha ni Siena ang pagkataranta. It looks like that she doesn't know how to control her powers.

"I knew it-" Naputol ang sasabihin ni Cattelin dahil 'di sinasadyang naibato ni Siena ang airball sa direksyon niya. Tinapat ni Cattelin ang dalawa niyang palad sa ere't gamit ang kaliwang kamay niya ay gumihit siya ng isang malaking bituin. A magic circle appeared in front of her but it was too late.

Wala siyang nagawa kun'di ang umalis sa puwesto niya at kaniyang naramdaman ang tila pagdaan ng air ball sa gilid ng kaniyang isang mata.

Cattelin's eyepatch snapped a thread and fell to the floor then Siena saw her white eye that had no sense of sight.

"N-no... Don't look!" Agad na tinakpan ni Cattelin ang isa niyang mata't humakbang palayo. "Y-you didn't see anything!" Nanginig ang kaniyang mga labi. Siya'y nahiya't natakot dahil matagal na panahon niyang tinago ang tungkol dito. She failed... It looks like that covering her sight less eye is not enough.

Siena finally realizes that Cattelin is also one of those who climbed the mountain and asked for a favor in exchange for something important.