CHAPTER 58 THE FIRST CLASS FLOOR PART 2

Ikatlong Persona

Siniksik ng dalagita ang kaniyang sarili sa gilid habang nakaupo sa sofa at tiniis ang ingay ng paligid. Ginala niya ang paningin niya't pakiramdam niya'y mahihilo siya sa dami ng tao. She can smell the various scents of alcoholic drinks too. Napahilot na lang siya ng sentido't napapikit. I already have no clue what's going on, and my head hurts from the noise around me. Crap.

Sa kumpulan ng mga tao'y tanging ang grupo lamang ni Tobias ang kilala niya. Napasapo siya sa noo dahil tila pakiramdam niya'y napasobra ang kaniyang tulog. Sa natatandaan niya ay isang gubat siya huling napunta. Sunod niyang ginala ang paningin niya sa paligid at hinanap si Shaja ngunit ito'y 'di niya makita.

Hindi niya maipaliwanag kung saan siya napadpad. All she can see are curtain walls and expensive chairs. Elegant cocktail tables and red curtains. Maluwang ang lugar kung saan siya napadpad at puno rin ng gintong mesa ang paligid. Kailangan niya pang tumingala para makita ang kumikinang na mga kisame sa taas. Lumingon siya sa malaking bintana ngunit siya'y nagtaka nang makita niya ang mga ulap.

What was that? Are they in the sky? Ilang oras na nga ba siyang nawalan ng malay?

"Hi, Miss. Are you okay? Isang mababang boses ng lalaki ang kaniyang narinig. Napalingon ang dalagita sa kaniyang likod. "Cheers?" He enthusiastically jest. Nakalahad ang palad nito sa kaniya at mukhang iniimbintahan siyang tumayo.

"My name is Chin by the way. Where are you from?" Nanatili ang ngiti ng lalaki sa kaniyang harapan, at sunod niyang hinampas ang kaniyang mga kamay. Lumitaw sa palad nito ang isang carbernet glass. Puno ito ng kulay asul na inumin at ito'y biglang nagbago ng kulay.

Isang blankong mukha lamang ang ginanti ni Siena sa estranghero. At nanatili ang tingin niya sa inumin na hawak nito. She doesn't accept drinks from strangers and doesn't talk to strangers too. Nanatili lamang siya nakaupo sa kaniyang puwesto. As usual, William Chin Vanderbilt will approach her.

Sa kakaibang suot ng dalagita ay mainit siya sa paningin ng iba. Samantala'y ang lalaki naman sa kaniyang harapan ay may kulay berdeng buhok at abong mga mata. William Chin is wearing a white top paired with a luxurious black coat. Halata rin sa bago't mamahalin nitong suot na sapatos ang estado niya sa buhay.

"Cheers?" Nakangiti man ang binata'y bakas ang pamimilit sa kaniyang mga mata. Nilapit nito ang hawak niyang inumin sa harap ng dalagita. 'Di pa ito nakuntento't pinalutang ang baso sa ibabaw ng kaniyang palad. Doing this will impress whoever chick he is tryin' to get and so he thought.

"No, I'm good." Nanatiling nakasiksik si Siena sa gilid at umiling. Samantala ay napawi ang ngiti sa mukha ni Chin at siya'y humalakhak. No one rejected him before. He was known as the mayor's favorite nephew. Who is this woman and why is she rejecting his drink?

Nanatili ang tingin niya sa maputing mukha ng dalagita at dumapo ang kaniyang tingin sa makinis nitong leeg. Ang itim at bagsak na buhok nito'y agaw atensyon sa kumpulan ng mga tao. He can smell sweet cherry scent coming from her. 'Di niya mapigilan ang sarili niyang mapalunok nang bumaba ang tingin niya sa mapulang mga labi nito.

"I bet you don't know me," umiling ang binata ng sinuklay pataas ang kaniyang boses. Napataas naman ang kilay ng dalagita. Isa sa pinakaayaw niya sa lahat ay ang taong mapilit.

"Hey," muling bulong ni Chin. Nakita niya ang pagkairita sa mukha ng dalagita na mas lalo niyang kinatuwa. He saw this before, girls ignore him at first, but the truth is they are easy to get. Nagmamatigas lang sa una ang mga ito.

"Hindi ako tumatanggap ng inumin sa mga taong 'di ko kilala. Pasensya ka na." Iritadong sabi ni Siena at tumayo sa kaniyang kinauupuan. Iniisip niya na nga kung paano siya napunta sa lugar na ito'y dadagdag pa ng sakit sa ulo ang lalaking nasa harapan niya.

"Hey, hey. I just wanted to give you a drink." Mas lalong siniksik ni Chin ang sarili niya dalaga. With his six flat height, he covered her. Hanggang dibdib niya lang ang dalagita at ito'y kaniyang hinarangan. Napangisi siya dahil sa kaniyang naisip. Sigurado siyang walang nakakakita sa kanila mula sa sulok.

"Hindi mo ba narinig ang sinabi ko?" pabalang na sagot ng dalagita sa kaniya ngunit sadyang mapilit ito.

"Shhh. Hey. . . hey," pabulong na sabi ni Chin ngunit nagmatigas si Siena. Pilit nitong nilalapit ang hawak niyang inumin. Nagkasalubong ang mga kilay ng dalagita't tiningnan siya mula ulo hanggang paa. The fact that he is forcing her to drink makes her think that it's dangerous to take his offer. It looks like that this place where she woke up is dangerous after all...

"Lubayan mo ako," diretsong sabi ng dalagita nang dumistansya sa kaniya ang binata.

Siena raised her palm in front of the wine glass causing it to break. Ang ingay mula sa pagbasag nito ay nakuha ang atensyon ng lahat ng tao. Tumulo ang dugo mula sa palad ni Chin at magkasalubong ang mga kilay na tiningnan ang dalagita. Tumigil ang lahat sa kanilang ginagawa't tiningnan ang dalagita.

"What the hell?" Chin gritted his teeth. Ramdam niya ang hapdi ng kaniyang kamay dahil sa bubog ng baso. The cabernet glass that shattered into pieces was hella expensive too.

Agad na binaba ni Siena ang kaniyang palad at sinalubong ang tingin ng mga tao sa loob. Sa 'di malaman na dahilan ay ramdam niya ang kuryosidad ng mga ito habang nakatingin sa kaniya. Pumasok sa isip niya ang isang bagay na nangyari bago siya nawalan nang malay.

Chin was about to grab Siena's arm, but then Eaton appeared on their side and grabbed the young man's hand to restrain him and Chin looked him straight in the eyes as if he was threatening.

"Don't you dare think about laying your filthy fingers on her," matigas na sabi ni Eaton at nakipagtigasan naman ng tingin sa kaniya si Chin.

Lahat ng tao'y pinagmasdan sila't 'di mawala ang kanilang tingin kay Siena. People became more curious because of Eaton's green eyes and how he appeared of nowhere. Malaking palaisipan din sa kanila ang pagbasag ng isang mamahaling baso.

"You know nothing of me," nakangisi at kampanteng sabi ni Chin.

Isang mas malawak na ngisi ang ginanti ni Eaton rito't tiningnan siya mula ulo hanggang paa. Tinitigan nito ang kaniyang suot. There's a lip mark, stained on the left side of his collar.

"You're young, wearing fancy clothes, meaning you have strong connections. And your drunkenness and pathetic behavior means you have a problem... probably because you've done something serious. I'm guessing because of attempting to bring a woman back to your place. Pray tell, am I correct?" Lumawak ang ngisi sa mga labi ni Eaton dahil sa naging reaksyon ni Chin. Nanlilisik ang mga mata nito't halos lumabas ang mga ugat sa kaniyang noo.

"Fuck you!" malutong na mura ni Chin at tinaas ang kamao sa ere. He was about to punch Chin but he stopped because there was ice forming on his fist. Nagtilian ang mga tao sa paglutang ng mga mesa't mga bote sa ere.

Sa isang iglap ay lumitaw sa kanilang gilid sila Neo at Flyn. Isang diretsong tingin ang binigay ni Neo kay Siena dahil nakasiksik ito sa pader at nakangisi naman sa gilid si Eaton na animo'y nang-aasar. Nagtataka namang tiningnan pabalik ni Siena sila Neo habang magkasalubong ang mga kilay nito. At pansin niyang 'di ito makatingin sa mga mata niya't panay ang tingin sa kaniyang pulso.

She wondered why wasn't Neo and the others were with her after waking up.

"Ano'ng kaguluhan ang nangyayari rito?" Natigilan ang lahat dahil lumitaw si Berto sa gilid. Tinaas nito ang panturo niya sa kisame't pinaikot dahilan upang bumalik sa ayos ang mga mesa't upuan. Ang mga tao'y bumalik sa kanilang mga ginagawa't yumuko. 

''Chin,'' mahinang sabi ni Berto at tinapunan ng tingin ang binatilyo na ngayon ay nakayuko na. Gustuhin niya mang sumabat ay hindi niya magawa. Berto is his closest relative. Ito rin ang dahilan kung bakit madali itong nakapasok sa loob ng barko ni Cattelin kahit na'y siya'y wala pa sa edad.

''Ginalit nila ako't pinagtulungan,'' pagpapalusot ni Chin ngunit ay hindi siya nakatakas sa matalas na tingin na binigay sa kaniya ni Neo. 'Pansin niyang ang tatlong lalaking na lumitaw upang ipagtanggol ang dalagitang natipunan niya'y nagpipigil na sapakin siya.

''Pinagtulungan? Ang hina mo namang gumawa ng rason,'' matigas na sambit ni Siena ngunit ito'y hinawakan lang ni Eaton sa braso upang patahimikin. She wanted to say more. Sa katunayan ay gusto niya pa itong sampalin. Hindi siya makapaniwala na nagagawa pa siyang baliktarin kahit na siya naman ang kinukulit na uminom sa binibigay nitong inumin.

Kahit sila Neo at Flyn ay nagpipigil ring magsalita. Ang nasa isip nila'y hindi nila alam ang buong nangyari ngunit sigurado silang ang lalaki ang nangungulit kay Siena. Halos daganan na rin nito ang dalagita sa pader kanina.

Tinapunan ng tingin ni Berto ang namuong manipis na yelo sa kamao ni Chin at unti-unti itong natunaw sa kanilang harapan. Sa kabilang kamay niya'y kaniyang hawak ang isang serving tray. Ito'y lumutang sa ere't lumipad papunta sa pinakamalapit na mesa sa kanila.

Berto gave Siena an apologetic look. Ang totoo ay mahigit sampung beses niya nang naabutan sa ganitong sitwasyon ang kaniyang pamangkin na si Chin ngunit 'di niya inaasahan na pati ang dalagitang galing sa Cantaga ay matitipunan nito.

''Humingi ka ng tawad sa kanila. Sila'y mga bisita rin katulad mo." Seryoso man ang mukha't boses ni Berto ay 'di mapigilan ni Chin na matawa dahil sa kaniyang narinig.

"Humingi ng tawad? Nagpapatawa ka ba?" Maangas nitong sabi't isa-isang tiningnan ang tatlong lalaki na lumitaw sa kaniyang harapan. At napako ang tingin niya sa dalagitang kunot-noong nakatingin sa kaniya.

Chin thought that he won't lie low for a basic chic like her but what just happened bothers him.

Binulsa ni Chin ang isa kaliwa niyang kamay kung saan nabasag ang wine glass kanina. Ang totoo'y mainit ang wine nang ito'y tumulo sa kaniyang kamay. At ramdam niya ang hapdi nito't walang nakahalata ng pamumula ng kaniyang kamay dahil lahat ng atensyon ay nasa dalagita.

The glass he was holding wasn't simply broken. The wine heated from the inside, then the glass broke.

Katulad ng dati niyang ginagawa ay hindi niya na pinakinggan kung ano man ang sasabihin ni Berto. He can say whatever he wants. Nakabulsa lamang ang isang kamay nito habang naglalakad palayo sa kanila. Chin won't care. Gusto lamang nito ang magsaya sa kaniyang buhay. Kahit ano ang sabihin nito't 'di magtitino ang kaniyang pamangkin.

"Pasensya na," muling sabi ni Berto at tinapunan ng tingin ng dalagita ang baso na nabasag kanina. Pakiramdam niya'y nakuha niya ang atensyon ng lahat ng tao sa kanilang paligid dahil sa nangyari kanina. She doesn't know how can she can break a glass without touching it.

Tinapad ni Berto ang kaniyang palad sa sahig at unti-unting lumutang ang mga bubog sa ere. Magically, the broken wine came back to its original form. Naging buo muli ito at walang bakas ng pagkabasag ang makikita. Hinawakan ni Berto ang baso at siya'y labis na nagtaka dahil ito'y mainit, kaya naman ay binuka niya ang kaliwa niyang kamay dahilan upang lumutang papunta sa kaniya ang isang puting tela. At 'yon ay pinatong niya sa baso upang 'di mapaso ang palad niya sa baso.

"Pasensya na rin po kung masyado kaming agaw atensyon." Napakamot sa batok si Flyn dahil pansin niyang hanggang ngayon ay madami pa ring nakatingin sa kanila. At hindi niya matukoy kung siya ba ang tinitingnan o si Siena. Hindi niya rin alam kung bakit kung tumingin ang mga tao sa kanila ay tila unang beses nilang makakita ng mahika.

Samantala'y isang diretsong tingin naman ang binigay ni Neo sa dalagita. Hanggang ngayon ay hindi niya ito matabihan at 'di niya pa rin maibigay ang salamin na pinapabigay ni Shaja rito. Suddenly, his instinct kicks.

He felt like he really needs to give her the mirror.

"Ayos lang. Ibig niyo bang magikot muna sa barko? Nais kong makabawi sa ginawa ng aking pamangkin," nakangiting sabi ni Berto. 'Tulad nga ng inaasahan niya'y bakas ang halong pagtataka at gulat sa mukha ng grupo ng dalagita dahil sa kaniyang sinabi.

"Pamangkin?" Pag-uulit ng dalagita't isang ngiti ang ginanti ni Berto.

"Ang mga magulang ni Chin ay galing sa isang malayong lungsod ng Estrela. Isang lungsod na walang mahika at ang mga tao'y nabubuhay lamang sa pamamagitan ng pagpapalago ng kanilang mga posisyon sa gobyerno at salapi." Tumalikod si Berto sa kanila at naglakad habang nakatingin sa kawalan.

"Ang sabi ng iba'y ang bansang Estrela raw ay kilala dahil sa mahika. Ang akala ng iba'y sa Estrela matatagpuan ang lahat ng klase ng iba ngunit ang 'di nila alam ay may isang lugar kung saan ang mga tao'y mga mortal." saglit na tumigil si Berto at pinunasan ang mga palad niya gamit ang hawak niyang tela. ''Mortal ang tawag sa mga taong walang abilidad o kahit ano'ng klase ng mahika. Limang porsyento ng populasyon ng Estrela ay mga mortal at napabilang sa mga 'yon ang aking pamangkin na si Chin. Karamihan sa mga mortal ay 'di maiwasang mabigla o 'di naman katakutan ang mga may mahika.'' Lumiko sila't bumungad ang isang panibagong silid na puno pa rin ng mga tao hanggang ngayon.

''Ang iba naman sa kanila'y naghahangad na magkaroon din ng mahika at kapangyarihan kaya naman ay pilit na hinahanap ang sagradong hiyas.''

Dumako ang paningin ni Eaton sa dalagita na tahimik na nakikinig kay Berto. At blanko man ang mukha nito'y isang emosyon ang nakita niya sa kaniyang mga mata.

Nais na sabihin ni Eaton ang katotohanan tungkol kay Siena sa mga kasama nito ngunit nangako siya kay Errol na hindi niya sasabihin kahit kanino kung ano man ang nakita niya. Isa pa'y iniisip niya rin na ang mga maaring mangyari kung sakaling kumalat na nasa loob ng katawan ng dalagita ang sagradong hiyas.

Dumako ang paningin ni Eaton kay Neo at nagkasalubong ang kaniyang mga kilay. Sa paraan ng pagtingin nito sa dalagita'y may kakaiba. Wala mang ekspresyon ang mukha niya'y bakas sa mga mata nito ang pag-aalala para sa kaniya. Tumitingin din ito sa mga tao sa kanilang paligid na tila ba inoobserbahan kung may nagmamasid ba sa kanila o wala.

''Matigas man ang ulo ng pamangkin ko't hindi marunong makinig sa iba'y panatag ang aking loob dahil hindi siya kabilang sa mga taong naghahangad ng sagradong hiyas.'' Napabuntong hininga si Berto. ''Ang mga tao'y sadyang mahilig umasam ng mga bagay na hindi nila kayang makamit... kaya'y umuusbong ang kanilang pagkasakim.'' dagdag nito.

''Ang mga mortal ba sa Estrela'y madalas magpunta sa isang kilalang bundok?'' Saglit na lumingon si Berto dahil sa naging tanong ni Flyn. Ito'y pinagtinginan din ng kaniyang mga kasama't bakas sa kanilang mukha ang pagtataka.

"Ang bundok ng Maharliko ba kamo?" Tinapunan ng tingin ni Berto si Flyn upang tingnan ang kaniyang mukha.

"Opo, rinig ko sa aking kaibigan na ang mga tao'y pumupunta sa lugar na 'yon upang humingi ng kahilingan," diretsong sagot ni Flyn dahilan upang titigan siya ni Eaton. The truth is Eaton knew about Mt. Maharliko because he lived for more than two decades but wondered how everyone knew about it today.

"Hindi ko akalain na alam ng mga taong galing Cantaga ang tungkol sa bundok na 'yon." Napailing si Berto. "Ngunit sasagutin ko ang tanong mo... May mga mortal na 'di lamang mahika ang hinahangad. Karamihan sa kanila'y mapayapang buhay o 'di naman ay kaligtasan ng kanilang mga mahal sa buhay." Mt. Maharliko is always mistaken as a place where you can wish for magic.

"Wala bang kapalit ang mga hiling nila?" komento ng dalagita dahilan upang siya naman ang pagtinginan ng kaniyang mga kasama. Bakas sa mukha niya ang pagtataka. At naiintriga rin siya. 'Di niya akalain na pagkagising niya'y ganitong kwento ang kaniyang maririnig.

"Mayron." maiksing sabi ni Berto. "Lahat ng bagay sa mundo'y may kapalit." Isang ngiti ang ginanti nito sa dalagita. Maamo man ang mukha nito't mahinhin gumalaw ay may kakaiba itong nararamdaman dito.

The truth is Berto can feel an unexplainable magic emitting from the girl's body.

"Ang mga kabayaran na bininigay ng mga tao sa bundok na iyon ay hindi mapapantayan ng kahit ano'ng laking salapi..."

Naghari ang katahimikan sa kanila habang sila'y naglalakad. Sila ay nakasunod lamang sa likod ni Berto. Mula sa malayo'y isang kakaibang tingin ang natatanggap ni Siena mula sa mga tao. Hindi ito nagdalawang isip na salubungin ang mga mata ng lahat ng mga tumitingin sa kaniya.

May kung anong kabog ang dibdib niya't 'di niya maiwasang kabahan sa bawat hakbang niya. Muling pumasok sa isip niya ang nangyari bago siya mawalan ng malay. Na-alala niya rin ang sinabi sa kaniya ng lalaking ahas.

Kung inakala mong makakatakas ka ay doon ka nagkakamali. Ika'y hahabulin ng mga taong sakim sa kapangyarihan...

"Nandito ang iba ninyo pang kasama." Naputol ang iniisip ng dalagita nang muling magsalita si Berto. Nakangiti ito sa kanila't 'di nila namalayan na sila'y nakarating na pala sa ikalawang palapag. Mula sa malayo'y tanaw nila sila Glo, Koen, Tyler at Errol na nakapalibot sa isang bilog na mesa.

"Nais mo bang bumalik sa iyong mga kasama?" Muling sabi ni Berto at tinapunan ng tingin si Eaton. 'Di makapaniwalang tinuro ng binatilyo ang sarili habang nakanganga. How could Berto know that Eaton doesn't belong to Neo's group?

"Ha? Nako, ayos na ako rito. May kailangan pa akong bantayan," kampante't makahulugang sabi ni Eaton habang nakatingin kay Siena. Isang tango naman ang tugon ni Berto at yumuko sa kanilang harap bago ito tumalikod at naglakad palayo.

Samantala'y lumipat ang tingin ni Eaton kay Errol at nahuli niya itong nakatingin kay Siena. No... scratch that... All of them are looking at her. Nakatingin ang mga ito sa dalagita na para bang matagal itong nawala sa kanilang paningin. Agad na lumapit si Glo rito't panay ang tanong kung ano ang nangyari sa kaniya.

Isang pilit na ngiti ang ginanti ni Siena rito. Alam niyang 'di tama ang pagngiti niya sa kanilang sitwasyon. What can she do? She can't tell everything that happened yet. Gusto niya munang siguraduhin kung tama ba ang kutob niya o hindi.

Mula sa malayo'y isang kakaibang presensya ang naramdaman ni Errol kaya siya'y naalerto. Sa gitna ng ingay ng mga bote at mga tao ay nangibabaw ang kakaibang presensya na 'yon. Tumingin si Errol sa gawi ni Eaton at pansin niyang nagmamasid din ito sa paligid na tila'y naramdaman din nito na may mali.

Mula sa malayo ay nahagip ni Errol ang isang gintong bagay ang papunta sa direksyon ni Siena. Nanlaki ang mga mata niya't walang sabing tumakbo papunta sa kaniya. Isang impit na hiyaw ang kumawala sa mga labi ng dalagita nang hawakan ni Errol ang mga balikat niya't hinila palayo sa kaniyang kinatatayuan.

Hindi sinasadyang naitulak ni Errol ang dalagita sa pader dahilan upang sila'y pagtinginan ng lahat. Sa isang iglap ay may hapding naramdaman ang binatilyo sa kaniyang pisngi at unti-unting tumulo ang dugo mula rito.

Hinihingal na tinapunan ng tingin ni Errol si Siena na hanggang ngayon ay 'di makagalaw sa kaniyang puwesto. Unexpectedly, the arrow shoots the wall where she is leaning. Imbes na tumama ito sa puwesto niya kanina ay sumunod ito sa kaniya na para bang may sarili itong isip.

Namuo ang pawis mula sa noo ni Errol dahil isang bagay ang napagtanto niya. Mukhang nangyari na ang kaniyang kinatatakutan.

Then he realized that only he noticed the golden arrow and someone inside the ship is after her.