CHAPTER 57 THE FIRST CLASS FLOOR PART 1
Ikatlong Persona
Inis na hinawi ni Cattelin ang buhok niya habang naglalakad. As usual, the first-class floor is full of people while holding different kinds of glass with unique shapes on their fingers. Hindi na nila kailangang maghanda ng mga banga na magiging sagabal sa biyahe.
The first-class floor provides anything they need. With space surrounded by huge expanses of curtain walls and chaise lounge. Stylish and elegant cocktail tables full of various bottles of wines. Arched shape windows for a great view of clouds and sky. What more could they ask for?
"Good afternoon, Miss Cattelin! Cheers!"
Isang pilit na ngiti ang ginanti ng dalagita sa isang matandang lalaki sa gilid. He raised his glass in the air and smiled widely at her. As expected, there's a young and sexy woman standing next to him. Nakasuot ito ng hapit at pulang kasuotan. Nakahawak naman ang matanda sa kaniyang beywang. Hindi mapigilan ni Cattelin ang mapailing.
The most famous person on the first-class floor is no other than Rodrigo Asuer Campbell for young girls sticks around him for his money. Cattelin can't help but roll her eyes. This floor is the nosiest and dirtiest. Puno ito ng mga tao kung gaano kalinis at kaayos ang panglabas na itsura'y ganoon kabulok at kadumi ang kalooban.
Lust and greed will be people's downfall.
Familiar faces greeted her but she just displayed a fake smile. Pili ang mga tao sa lugar na ito. Some people tried to bribe her but they failed. They thought that she's as greedy as them but they were wrong. Cattelin can easily reject money, she doesn't care about money totally. Ang sabi ng iba'y magbabago ang ugali niyang ito kung siya'y nakahawak ng malaking pera. In the end, she just laughed at their faces because their words backfired.
Money does not change people, it only exposes them.
Binaba ni Cattelin ang suot niyang pulang talukbong. Paghakbang niya'y nawala siya sa kaniyang kinatatayuan at lumitaw sa panibagong lugar. As expected, she saw her face shape's reflection on the black glasses wall. She sighed and sit on her modern red egg chair. Hiniga niya ang kaniyang ulo sa maliit na unan sa tuktok na ito't pumikit. She knew that this day will be long and tiring again. . . she knew that she will force herself to mingle with people.
She wants to rest, but others don't understand that she's also human and gets exhausted. She wanted to take a nap but she had to monitor a piece of paper. She needs to be awake for the entire duration of their trip to the stars. She did nothing but count the names that would appear on the paper.
Yeah, that's right, this is the cycle of my life. It sucks to be Cattelin Fleur Blanche.
Sa pagdilat niya'y bumungad sa kaniya ang kisame ng barko. The upward chandelier that she bought last week lights the whole room. She laughed sarcastically when she realized one thing.
Ang pilak na pinaghirapan niya sa loob ng limang buwan na para sana sa kaarawan ng kambal niyang kapatid ay gagastusin niya rin pala para sa barko. Ang pera na galing sa pagbabantay niya sa barko'y sa barko niya rin gagastusin. She thought a thousand times that what she's doing right now is nonsense.
''Fuck this life,'' she cursed. What choice does she even have? Nothing.
She raised her pinky finger and a small air ball formed above it. Huminga siya nang malalim at ito'y lumaki sa ibabaw ng kaniyang hinliliit. Ito'y pinalutang niya sa ere't kahit ano'ng pilit niya'y hanggang kasinglaki lamang ng palad niya ang kaya nitong abutin. She has sacrificed so much yet nothing was left for her.
From the moment she saw Errol's face, she felt something nostalgic. She felt like she saw him when she was young. Oh, that's odd... Hindi rin mawala sa isip niya na para bang may kakaiba sa kanilang grupo. Their unfamiliar faces trigger her curiosity. She never saw them before.
Natigilan siya't napakunot noo nang isang bagay ang na-alala niya. Muntik niya na itong makalimutan sa dami ng iniisip niya. That is right. Her wind blades are the sharpiest. . . but how could a sleeping woman beat it?
What was that red barrier that she saw? What's protecting her? Who is she?
"What the hell was that?" Nagtataka nitong sabi. Tinaas ni Cattelin ang kanan niyang kamay. She opened her palm and a burgundy glass appeared. It was full of red wine. . . Cattelin's favorite. She takes a sip and the bitter taste of wine meets her tongue. The bitter yet sweet taste of her favorite cabernet sauvignon makes her forget about her pathetic life for a while.
"Cheers, M'lady?" Napatalon ang dalagita't halos mahiwalay ang kaluluwa niya sa kaniyang katawan dahil sa gulat. Muntik pang mabuhos ang wine sa hita niya kaya ito'y binitawan niya at agad naman itong lumutang sa ere.
"What the heck!" singhal ni Cattelin at inis na tinapunan ng tingin ang kaniyang likod. Mas lalong nagkasalubong ang mga kilay niya nang makita ang mukha ni Asher. "What the hell are you doing here!" dagdag nito.
"You should be greeting and escorting customers right now, what the hell are you doing here?" Iritadong sabi ni Cattelin. She holds the floating burgundy glass in the air. Padabog niya itong nilapag sa ibabaw ng mesa sa harap niya.
"You look lonely, M'lady. What's bothering you?" Naigulong na lang ni Cattelin ang kaniyang mga mata. Kahit kailan talaga'y hilig mangialam ni Asher sa kaniyang buhay.
If she wouldn't need waiters inside the ship, she kicked him a long time ago. Hindi lahat ng trabaho sa loob ng barko'y kayang gawin ni Cattelin. . . she doesn't have a choice but to recruit people and deal with their shits.
"Why would I tell my sentiments to you anyways? Go back to your work," madiin na sabi ni Cattelin. Isang ngiti lamang ang ginanti ni Asher at imbes na umalis ito sa harapan niya ay nanatili itong nakatayo. He is standing straight while holding a serving tray full of shot glasses with her right hand.
"Cheers, M'lady Cattelin." Mula sa bakanteng kamay ni Asher ay lumitaw ang isang bagay. It was a flute-style glass full of sparkling blue wine. Ang kulay nito'y kakaiba't nakakabighani. It's a wine pack with all of the delicious dark fruits of plum. After seconds, the drink changes color and turned red. Binitawan ni Asher ang baso sa kaniyang kamay dahilan upang ito'y lumutang sa ere at pumunta sa harapan ng dalagita.
Hindi maiwasan ni Cattelin ang magtaka dahil sa kaniyang nasaksihan. Tagilid ang ulo nito at nakataas kilay pa nga habang nakatingin sa mukha ni Asher. She didn't expect that he knew magic. Asher is just a typical man and so she thought.
"What was that? You can do magic?" Hindi makapaniwalang sabi ni Cattelin. Imbes na kunin ang lumulutang na baso sa harap niya'y tinitigan niya ito upang suriin. She never thought that Berto hired someone like him, and wondered what Asher is more capable of.
Imbes na sumagot ay isang ngiti lamang ang naging sagot ni Asher. Kinumpas niya ang kaniyang mga kamay at muling nagbago ang kulay ng inumin sa harap ni Cattelin. From red, the drink turned peach. Pati ang baso nito'y naging kulay asul.
"Hey! Stop it," matigas na sabi ni Cattelin. Mas lalong nagkasalubong ang kaniyang kilay at kinuha ang baso. Isang matamis na amoy ang bumungad sa ilong niya. Saglit niyang tinitigan ang inumin at nanlaki ang mga mata ng dalagita ng isang bagay ang kaniyang napagtanto.
This is not a wine. This is just a mere ordinary drink for kids. How can he do this?
"Who are you?" matigas na sabi ni Cattelin at sa gilid ng kaniyang mata ay isang bagay ang napansin niya. Saglit itong umiwas ng tingin. She crossed her legs and sips the drink made by Asher's magic.
Cattelin's men are required to wear red suit paired with a vest. Everyone's vest is marked with the ship's symbol printed with a silver color. Sa paraan na ito'y alam ni Cattelin kung nasaan sila. Well, the truth is she can track her men. And each symbols is unique and meant for only one person.
"I wonder why you are wearing Tasho's vest." Nanatiling blanko ang mukha ni Cattelin habang nakatingin sa kawalan. She crossed her one arm while holding the drink and takes a sip. From her peripheral vision, she can see Asher's expression. He is smiling but she can see something into his eyes.
"Nakalimutan mo na bang hindi pa kita binibigyan ng uniporme?" Taas-kilay na lumingon si Cattelin kay Asher. Nanatili naman itong nakatayo at nakangiti sa harapan niya. Mula sa palad ng dalagita'y isang gintong compass ang lumitaw at ito'y naiinip niyang tinapunan ng tingin.
Right from the start, she noticed something odd. She never saw Tasho and Asher in the same place.
"I wonder why..." muling bulong ni Cattelin habang nakatingin sa compass. With just one glance, she can see six blinking red lights. It was her men's locations. The odd thing is, she can see Asher and Tasho in one location, near the blue light, her location.
"I wonder why you act like you've been inside this ship for a long time." Tinaligid ng dalagita ang kaniyang ulo.
Unang beses palang ay nagtaka na ito. How can Asher know everything about the ship for only two days? Paanong nagagawa nitong 'di maligaw sa laki't luwang ng barko? Nakakapagtaka na alam niya agad ang pasikot-sikot ng barko.
"No one can fool a woman like me. You can't fool me," matigas na sabi ni Cattelin at matalim na tiningnan si Asher.
"You and Asher are-"
Naputol ang sasabihin ng dalagita nang mawala si Asher sa kaniyang puwesto. A purple magic circle appeared on the floor and lights the whole room. Huli na nang itaas ng dalagita ang kaniyang kamay dahil nasa likod niya na si Asher.
"What are yo-" Muling naputol ang sasabihin ni Cattelin dahil sa mga susunod na nangyari. A levitating green smoke appeared on Asher's palm. Ito'y mabilis na lumaki sa ibabaw ng palad niya't kumalat sa paligid ng dalagita.
Cattelin raised her right hand and formed a wind barrier but it's too late. Sunod niyang binuka ang palad niya ngunit maliit na bolang kristal lamang ang kaya niyang gawin. Napamura na lang siya't hinawakan ang isa niyang mata na tinatakpan ng eye-patch.
Yeah, that's right. She nearly forgot that she almost sacrifice all her powers in that mountain.
"I'm sorry, M'lady." Ang berdeng usok ay naging hugis ahas sa ere't ito'y pinalibutan ang katawan ng dalagita.
In instant, this memory of her was deleted. Pagkagising niya'y hindi niya na ito ma-aalala. Pagkagising niya'y iisipin niyang nakatulog siya dahil sa pagod.
Masyadong malakas ang mahika ni Asher at 'di ito nakayanan ng dalagita
dahilan upang mawalan ito ng malay at bumagsak sa mga bisig ni Asher.
"Hindi ko gustong madamay ka," bulong ni Asher habang nakatingin sa maputi't makinis na mukha ni Cattelin. Sa malapitan ay doon niya lang napansin ang matangos na ilong nito't mapulang mga labi. Hindi niya maiwasang mapangiti.
He underestimate her. He never thought that she will notice every details. Kahit ano'ng tago niya ay nabisto pa rin siya nito sa huli. He never thought that the lady of the ship is a wise and savage one.
Ngunit hindi niya ito papalapagpasin. Sa oras na malaman ng iba na siya ay nagpapalit ng itsura at pangalan ay may malaki itong epekto sa istorya. He will never let that happen and he will do his role until she comes back.
Until he sees Emiria's smile again...
Sa kabilang banda naman ay hindi nawala ang ingay ng mga tao sa loob ng barko. As usual, the first class floor is full of chatting, giggling, and drinking people. Sa ganitong lugar ay umaalis si Neo at pipiliin niya na lang umuwi ngunit 'di niya ito magawa sa mga oras na ito. Nanatili na lang ang tingin niya baso na inabot sa kaniya.
At first, he didn't know how to handle it right, so he observed other people who have different kinds of glass with unique shapes. Neo kept staring at the blue wine and suddenly, the glass' side formed like a chilly ice. Ito'y agad niyang hinawakan at tinikman.
"Oi! Panghimagas!" Napalingon siya sa gilid nang marinig niya ang boses ni Koen. May inabot itong serving tray. It was full of grilled oyster with garlic butter. Nagtatakang kumuha ng isa si Neo at nilagay sa maliit na platito sa kaniyang harapan.
It looks new. Everything around them looks odd.
"Ang sabi sa akin ay galing 'yan sa karagatan." Nakahalukipkip na tumabi si Flyn kay Neo at mula sa malayo'y tinuro niya si Berto na abala sa pagbibigay ng mga inumin sa mga bisita. People in the first class floor are heavy drinkers. Karamihan din sa mga mang-iinom ay mga bata pa't gusto magaliw.
"Hindi ba'y may dugong banyaga ang babae ng barko?" bulong ni Koen sa kanila. "Rinig ko'y iniwan niya ang pamilya niya upang pumunta sa isang kilalang bundok upang humingi ng isang kahilingan." dagdag nito.
Parehas na nagsalubong ang mga kilay ng dalawa dahil sa kanilang narinig. Koen leaned closer. Nakataas pa ang isang daliri nito't tumatango sa kanila. Hindi na nakapagtataka dahil alam nilang tsismoso ito.
"At saan mo naman narinig ang bagay na 'yan?" Nakataas kilay na sabi ni Flyn at uminom sa kaniyang baso.
"O, e aba. Sinabi lang sa akin. 'Di ko naman akalain na mapapakwento 'tong si manong!" tugon ni Koen at mula sa malayo'y tinaas niya ang kaliwa niyang kamay at sumigaw. "Hoy, manong Berto! Ang gwapo mo!" singhal nito't lumingon naman ang matanda sa kanila't natatawang kumaway.
"Bundok?" Nagtatakang tugon ni Neo at tumingin sa nakangiting mukha ni Berto. 'Pansin niyang matanda na ito at payat ngunit nakakaya niya pa ring magbuhat ng mga mabibigat na bagay. Hindi rin ito nalilito sa dami ng mga tao sa loob.
"Hmmm. Isang bundok na matatagpuan sa Estrela. Ang sabi sa akin ay isang makapangyarihang tao raw nasa tuktok na kayang ibigay ang kahit ano'ng kahilingan mo." Koen place his finger on his chin. "Ngunit ang bawat hiling ay may kapalit!" dagdag niya.
"Ano'ng itsura ng taong sinasabi mong nasa tuktok ng bundok?" Hindi maiwasang mapaisip ni Flyn.
"E, ang sabi sa akin ay siya'y isang kakaibang nilalang! Dahil sa itsura niyang kakaiba'y siya'y natatakot sa paningin ng mga tao! Ngunit kahit na gano'n ay dinadagsa pa rin siya. Rinig ko nga kay manong Berto ay mabigat ang naging kapalit ng hiling ng babae ng barko!" Walang prenong sabi ni Koen at muling uminom. Flyn tried to find Cattelin in the crowd, but she is nowhere to be found.
They wondered what that mountain is. The lady of the ship looks fierce and normal woman. They wondered why she went to a far mountain for just one wish.
"Teka, nagising na ba si Siena? Tsk. Ano ba kasing nangyari't ayaw magsalita no'ng ugok na Eaton na 'yon?" Napakamot sa batok si Koen.
"Maghinay-hinay ka sa pananalita mo dahil kung wala sila ay siguradong hindi tayo makakasakay sa barko na ito," tugon ni Flyn at 'di niya maiwasang umiling dahil sa matabil na dila ng kaibigan.
Nanatiling tahimik si Neo sa kanilang tabi. Pasimple itong nakikinig sa kanila habang nakatingin sa mga tao. Ang totoo'y gusto niyang umalis sa lugar na ito ngunit alam niyang kahit saan siya magpunta'y puno ng mga tao ang barko. Mahigit sampung minuto pa lang sila nakasakay ngunit pakiramdam niya'y tatlong oras na sila sa loob. Hindi niya akalain na ganito kabagal pala talaga ang oras sa loob ng barko.
"Neo." Naputol ang iniisip ng binata nang marinig niya ang boses ng kaibigan. Ito'y nilingon niya habang blanko ang kaniyang mukha.
"Maari mo bang puntahan si binibining Siena?" Kinumpas ni Flyn ang kamay niya. A shot glass appeared full of transparent liquid.
"Kailangan niyang inumin ito sa kaniyang paggising," dagdag ni Flyn. Maingat niyang ang inabot ang inumin kay Neo. Nagtataka niyang tiningnan ang inumin ngunit nang maamoy niya ang baso'y naintindihan niya kung ano ang laman nito.
"O. Ano naman ang bagay na 'yan?" Nilapit ni Koen ang ulo niya sa hawak na shot glass ni Neo. Taas kilay nitong tiningnan ang inumin. Wala siyang ideya kung ano ito dahil siya'y 'di naman nakapag-aral ng medisina.
"Ang inumin na ito ay gawa sa katas ng bulaklak na kryniosa." Hindi maiwasang napakamot ni Flyn sa kaniyang ulo. "Alam kong mahina lang epekto niyan ngunit wala na akong ibang magagamit. Kailangan niya itong inumin upang pagkagising niya'y hindi mabigla ang katawan niya. Mabagal ang daloy ng oras sa loob ng barko't tiyak na maninibago ang katawan niya. Pasensya na't ito lang ang kaya kong maitulong... Nagkulang ang pilak kong pambili." dagdag nito.
"Ha? P'wede ka namang humingi ng pilak kay Glo. Sus, alam naman nating madami siyang pilak at ayos lang sa kaniya ang gumastos," komento ni Koen kaya agad siyang tiningnan ni Neo dahilan upang manahimik ito.
"O. Bakit? Totoo naman a. Ang totoo'y ako ang kasama niyang magbigay ng mga pilak sa mga nangutang sa kaniya! Hindi ako natutuwa sa kanila!" Koen rants like a madman. Panay din ang lagok nito sa alak na tila isang brokenhearted sa inuman.
"At bakit naman?" Nakataas kilay na sabi ni Flyn dahil kaibigan niya man si Glo ay kapag usapang pera ay labas siya rito.
"Kapag nangungutang, mabait! Kapag sinisingil, galit! Awit!" singhal ni Koen dahilan upang mapalingon sa kanila ang iba. Napasapo naman ng noo si Flyn at inabot na ang shot glass kay Neo.
"Pakiabot naman kay Siena," mahinahong sabi nito't agad na tumango ang kaibigan.
"Oi. 'Wag kang maligaw ha! Magpasama ka kay manong Berto kung gusto mo! Akong bahala sa iyo! Malakas ako sa kaniya!" walang prenong sabi ni Koen habang ngumunguya. Inabutan naman siya ng tissue ni Flyn dahil para siyang isang madungis na bata kung kumain.
"Hindi na kailangan. Kaya kong mag-isa," tugon ni Neo. Tumango ang mga ito sa kaniya sila'y kaniyang tinalikuran.
Ang maingay na paligid ang bumungad sa kaniya. Pinilit niya ang sarili niyang sumiksik sa mga tao nang hindi nabubuhos ang kaniyang hawak. Humakbang siya't sa isang iglap ay lumitaw sa kinaroroonan ng dalagita. Sa pagtapak niya sa silid ay bumungad sa kaniya ang grupo ni Tobias na nag-uusap at may hawak name wine glass.
"Yo!" masiglang bati sa kaniya ni Eaton at kumaway. Isang tango naman ang ginanti niya rito. Bakas naman ang kuryosidad sa mga mata ni Castor habang sa hawak niyang shot glass. At blanko naman ang mukha ni Neo at walang sabing lumapit kay Siena habang nakapikit pa rin ito sa isang mahabang sofa.
The room is composed of neutral tones like white, gray, and black. High-class red curtains and floor mats can be seen everywhere too. Sa gilid ay matatagpuan ang mahaba't kulay gintong mesa na may kapares na maliit na upuan. Long cream sofas are everywhere with a small side table.
Tahimik na naglakad si Neo at hindi niya maiwasang mapatingin sa baba. Ang puting sahig ay malinis at makintab at halos makita niya na ang repleksyon niya rito. Diretso lamang ang lakad niya habang palapit nang palapit kay Siena. He doesn't know why he felt nervous. He doesn't know why that moment, he felt like taking care of her is now his responsibility.
Hindi niya alam kung bakit ang simpleng pag-abot ng inuming gamot sa kaniya ay nakakakaba.
"Siena," he tried to call her but as expected he heard no response. Ang dalagita'y nanatiling nakahiga't nakapikit sa sofa. Nang makita niya itong bumalik sa kanila'y ganito na ang kaniyang kondisyon.
Tila hindi siya mapakali dahil sigurado siyang may nangyari. Pakiramdam niya'y may tinatago ang mga ito sa kanila. Pakiramdam niya'y may malaking dahilan kung bakit hanggang ngayon ay hindi pa rin nagigising si Siena. He felt like he can't do anything to help her.
Sinugurado niyang hindi siya makakagawa ng kahit konting ingay habang nakatayo sa gilid ng dalagita.
Maingat niyang pinuwesto ang kamay niya sa malaking puting mesa sa harap niya upang ipatong ang inumin ngunit nang ibalik niya ang tingin niya sa dalaga, ay halos mabuhos niya na ang laman nito dahil sa kaniyang nakita. Neo's eyes grew wide out of fear.
Suddenly, scaly-feathers like of a phoenix's emerged from Siena's forearm. The first time he saw it he knew what it meant...