CHAPTER 56 THE LADY OF THE SHIP PART 3

Ikatlong Persona

Isang mahigpit na yakap ang sumalubong kay Shaja sa kaniyang pagbaba mula sa barko. Sa kumpulan ng mga tao'y nanatili ang kaniyang tingin sa mukha ng nakatatanda niyang kapatid na si Antonio. Siya'y humihingal pa't pinagpapawisan.

She can see that his whole body is in dark blue color. It means that he is scared as hell. Halata rin sa itsura nito na ilang oras ang inabot niya sa paghahanap sa kaniya. Ang kulay niya nito ay ang pinakamatingkad sa lahat ng tao sa paligid.

''Akala ko'y napahamak ka na,'' bulong ni Antonio habang yakap ang kapatid. Pinigilan niya ang sarili niyang humagulgol. It is unusual to see a muscular man crying in public. Pumikit na lang siya't hinigpitan ang yakap nito kay Shaja. Hindi rin siya kumain kakaisip kung nasaan ito't ano ang kaniyang kalagayan.

Aamin niyang simula nang dumating ang grupo nila Tobias at Neo ay madaming nangyari sa kanilang nayon. Gusto niya sanang hindi sila madamay ngunit malapit na ang loob ng kanyang kapatid kay Siena.

Pansin niyang lagi itong nakabuntot sa kanila't isa sa kinababahala niya'y 'di niya alam kung ano ang nangyari sa kanila. The first time he glanced at Shaja's face, he knew something went wrong. Puno ng galos ang katawan nito't ang itim at hanggang beywang niyang buhok ay magulo.

"Ano'ng nangyari sa iyo?" bulong ni Antonio. Sunod niyang hinawakan ang magkabilang balikat ng kapatid. Samantalang nakatikom ang mga labi ni Shaja habang nakatingin sa kaniya. She remembers everything. She knew what she just saw but she decided to keep it to herself.

The world has been a mystery to her but now she realized why everyone is obsessed with the sacred jewel.

Ever since she was ten, she heard the story about the lost sacred jewel. Ang sabi naman ng mga matanda'y ito'y wala na ngunit may mga nagsasabing ito'y nasa loob ng katawan ng isang tao. She was young back then so she didn't understand but now she does.

"Hindi ka umiimik." Naudlot ang nasa isip niya nang muling magsalita si Antonio. Hinawi nito ang buhok niya at nakita niya ang pagbabagong kulay nito. Now she sees him in blue color that is equal to sadness. Isang pilit na ngiti ang binigay niya rito. His color immediately changed.

''Ayos lang ako," mahinang tugon ni Shaja sa kapatid at tinapunan ng tingin si Eaton. Ito'y nakahalukipkip sa tabi niya't mukhang nakikinig sa kanilang usapan.

Hindi niya masabi ang kaniyang nasaksihan dahil possibleng kumalat sa kanilang nayon. Ayaw niyang manlaglag ng kapwa. She didn't even talk while walking with Eaton few minutes ago. 'Di man nila nasaksihan ang buong pangyayari'y pakiramdam niya'y alam na ng mga ito ang tungkol kay Siena.

After all this time, the sacred jewel is inside her body.

"Ayos lang? Puno ng galos ang katawan mo tapos sasabihin mong ayos ka lang?" Muling tinikom ni Shaja ang mga labi niya sa naging tugon ng kapatid. Saglit niyang tinapunan ng tingin ang lalaking nakatayo sa kanilang gilid. It was Eaton. And she knew that he is observing them for she can see his color.

Tahimik man ito't may kalayuan sa kanila ay alam niyang nakikinig ito. She felt like he was waiting for something. Parang may hinihintay itong marinig. Kaya'y iniisip muna niya kung ano ang mga sasabihin niya. Tinapunan niya ng tingin ang barko mula sa kalayuan at 'di niya maiwasang mabahala. She hopes that they will ride safely and no one inside the ship will discover the truth.

"Ilang oras na kaming nakahiga?" Lakas loob na hinarap ni Shaja si Eaton. At agad na nagtaka si Antonio dahil sa kaniyang narinig. He didn't know that she was asleep.

"Nakahiga?" nagtatakang sabi ni Antonio. His color turned into light purple. He feels anxious and scared. Ramdam niya ang kabog ng kaniyang dibdib dahil sa narinig. 'Di niya maiwasang mag-isip ng kung anu-ano.

"Ano ba talaga ang nangyari sa kapatid ko't bakit mukhang ayaw niyang magsalita?" diretsong sabi ni Antonio habang nakatingin ito kay Eaton. Bakas sa mukha nito ang pamumuo ng pawis mula sa kaniyang noo. He looks very scared and nervous too.

Hindi masisisi ni Shaja ang naging reaksyon ng kapatid. She knew that her brother will react this way. Maging maingat man siya sa pagsasalita't magpanggap na ayos lang ay 'di 'yon uubra sa kapatid. He knew her very well. Alam niya kapag may tinatago ito.

"Ano ba'ng nangyari?! Naligaw ka ba? May nakaharap ka bang mga bandido at gusto kang ibenta? Baka naman ay may ginawa sa iyo ang lalaking ito!" Walang prenong sabi ni Antonio at dinuro pa si Eaton. Sa lakas ng boses niya'y narinig ito ng mga tao.

Eaton raised his palm like he was surrendering to the cops. He was smirking as if he's the most wanted criminal teasing the cops. Ang hindi alam ni Antonio ay may utang na loob pa ang kaniyang kapatid dito.

Mahigit isang oras ang nilakad ni Eaton habang buhat si Shaja at 'di niya ito binitawan kahit na nangawit ang kaniyang mga kamay. Nang magising ito ay siya rin ang naghatid sa kaniyang pababa ng barko. He wanted to talk but Eaton being Eaton, he just remained silent while smirking.

''Hindi! Wala silang ginawa sa akin!'' tugon ni Shaja at kumapit pa sa kaniya. ''Ang totoo'y sa tagal na wala akong malay ay pagkagising ko'y nasa barko na ako," dagdag nito.

Antonio can't help but comb his hair by his fingers because of frustration. Napasapo ito ng noo at hindi na malaman ang gagawin. Naiinis na rin ito. His sister won't talk, Eaton won't talk. Kahit siguro'y magwala siya sa daan ay hindi pa rin magsasalita ang mga ito.

He knew that his sister is hiding something for she talks less. He knew it. Kung ano man ang tinatago nito ay sana ay hindi nila ipakahamak.

"Kung ayaw mong magsalita'y hindi kita pipilitin." Napahilamos na lang ng mukha si Antonio at napakagat labi ang kaniyang kapatid.

Isang diretsong tingin ang binigay nito kay Eaton at agad niyang nilihis ang tingin. Na-alala niyang muntik pa niyang sapakin si Castor dahil siya ay kinakabahan na't nilamon ng emosyon. Masyado siyang nag-aalala kaya'y mainit ang kaniyang ulo.

Isang pilit na ngiti ang naging tugon ni Shaja rito't lumingon siya sa likod upang makita ang barko mula sa malayo. The ship of the high sea is parked in a vacant lot. Inisip niya na ito marahil ang dahilan ang kaguluhan sa labas. Ang barko na ito'y isang beses sa isang taon lang bumaba mula sa kanilang nayon.

Ito marahil ang dahilan kung bakit dinagsa ng mga tao ang lugar na ito. Ito ang dahilan kung bakit kung magtulakan sila'y akala mo'y may isang diyos na bumaba mula sa langit.

"Halika na't kailangan mong kumain," mahinang sabi ni Antonio. At agad niyang hinawakan ang pulso ng kapatid. He noticed that she looks hesitant to move. Napapikit na lang siya't napabuntong hininga.

"Sandali lang." Sa wakas ay nasabi rin ni Shaja ang nais niyang sabihin.

"Bakit?" Isang ngisi ang ginanti ni Eaton habang nakatingin sa kaniya. Alam niya na kung ano ang mangyayari ngunit gusto niyang makita ang reaksyon nito. He knows that she is going to give something. He knew everything but he prefers to keep it to himself. He knew every person but he won't tell.

Bumuntong hininga si Shaja at hinanda ang sarili sa mga sasabihin. Sunod siyang humakbang at taas-noo niyang hinarap si Eaton. The truth is she doesn't talk to strangers, but this is not the time to be silent. Sa tingin niya'y ito ang kaya niyang maitulong.

"May nais akong ibigay kay A-re." Isang bagay ang kinuha ni Shaja mula sa kaniyang bulsa. It was a pocket mirror. Ito'y maliit at hugis bilog.

Different patterns of constellations are scattered, designed with gold linings. It looks expensive at first glance and at the same time, it looks old. Staring at it feels odd. Shaja opened it to show the mirror. It was surrounded by green gemstones. On top of it, the symbol of an eclipse can be seen.

Eaton noticed that Shaja was avoiding the mirror as if she doesn't want to see her own reflection.

"Sabihin mo na ang bagay na ito'y regalo ko sa nalalapit niyang kaarawan. Pakisabi na sana'y 'wag niyang tanggalin ang salamin na ito sa kaniyang bulsa saan man siya magpunta." Inabot ni Shaja ang salamin kay Eaton at ngumiti.

"Mauuna na kami," mahinang sabi ni Antonio. At hindi niya maiwasang mapaisip sa salamin na inabot nito. He never saw the pocket mirror before. It looks unusual to him. Malaking palaisipan din ang binilin ng kaniyang kapatid.

"Saan mo nakuha ang salamin na 'yon?" Hindi mapigilan ni Antonio ang magtanong. Kung kikimkimin niya ang kuryosidad niya'y tiyak na baka'y mabaliw siya kakaisip. Isa pa ay tila kakaiba ang kinikilos ng kapatid.

She never gave something to people. That mirror could be very useful.

"Bigay ng isang maestro na nagturo sa nayon dalawang taon na ang nakalilipas," diretsong sagot nito at tumingin sa kaniya. "Ang bilin niya rin sa akin ay 'wag kong tatanggalin ang salamin sa aking bulsa saan man ako magpunta." dagdag nito.

"Isang maestro na nagturo sa nayon?" Taas kilay na sabi ni Antonio.

"Oo," agad na sagot ni Shaja sa kaniya. Lumingon ito sa likod at tinaas ang kaliwa niyang kamay. Winagayway niya ito sa ere bilang pagpapaalam kay Eaton. Sa kabila ng malawak na ngiti niya'y malakas ang kabog ng kaniyang dibdib.

Ang totoo ay hindi pa rin mawala sa isip niya kung ano ang kaniyang nakita. Hindi siya makapaniwala na ang isang tulad niya na wala namang interes sa sagradong hiyas ang makakadiskubre kung nasaan ito.

Halos lahat ng mga nakasalamuha niya'y iisa ang tungkulin kun'di mahanap ang sagradong hiyas. She knew that some people's mindset is so fucked up so she knew the danger that Siena might face in the future.

Nasa puso niya ang lungkot dahil 'di man lang niya nagawang magpaalam kay Siena. Samantala'y panatag din ang loob niya dahil alam niyang makakarating sa kaniya ang salamin.

Habang ginagalaw ng hangin ang itim at mahaba niyang buhok ay hinawi niya ito. Sa kanilang paglalakad ay iisa lamang ang panalangin niya.

Sana ay walang mangyaring masama sa kanila.

Samantala'y nanatili ang tingin ni Neo sa kaniyang mga kasama sa loob ng barko. The chairs were arranged in a curve and they all sat in front of each other. Tulad ng dati ay pinili niyang umupo sa sa pinakadulo. Malayo man siya'y naririnig niya pa rin ang sinasabi ng babae sa kanilang harap.

Ang silid ay maluwang at moderno ang itsura. Ito'y kakaiba sa kanilang paningin. The whole room is surrounded by black acrylic walls. The girl in front of them is sitted on a cream upholstered chair. There are two console tables on the corner of the room filled with cylinder vases.

Nakikita nila ang mga taong naglalakad sa labas ngunit sila'y hindi nakikita ng mga 'to. Isang patunay na ang silid kung saan sila nakaupo ay para lamang sa mga bisita ng dalagita.

"Be thankful that you are given a chance to ride in this ship for free," matigas na sabi ni Cattelin. She leans her back on her comfy sofa chair like a Queen.

"Akala ko'y dalawang tao lang ang nakasabit sa barko ko. Apat pala," pagdidiin nito't ginulong niya ang kaniyang mga mata. Tinapunan niya ng tingin si Errol at 'di pa siya nakuntento't tiningnan niya mula ulo hanggang paa. Ito'y nakasalubong niya sa ikalawang palapag na parang isang tao ang hinihintay. He looked like a fool in Cattelin's eyes.

"Would you wake up that woman? Naiirita ako sa pagmumukha niya." Sunod na kinamot ni Cattelin ang tainga niya't hinawi ang kaniyang buhok. Isang matalas na tingin ang binigay niya sa babaeng natutulog sa mahabang sofa. She has the guts to sleep inside my ship? What a thick face.

"Errol..." bulong ni Flyn at sinenyasan ang grupo ni Castor na nakaupo sa kabilang sofa. They all look clueless. 'Di rin alam nila Neo kung bakit 'di gumagalaw si Errol at nakaupo lang. Saglit niyang tinapunan ng tingin si Siena habang ito'y natutulog pa rin.

No, he can't wake her up. No one can.

"Hindi mo ba ako narinig? Ang sabi ko'y gisingin mo siya," muling pagdidiin ni Cattelin at kinamot ang kaniyang ulo sa inis. This is why she hates dealing with people, they only bring stress.

Naputol ang kanilang usapan nang dumating ang tao na kanilang hinihintay. Ito'y walang iba kun'di si Eaton. Everyone looked at him but as usual, his signature smirk remained on his face. Nagawa pa nitong tingnan nang diretso si Cattelin dahilan upang lalong mairita ang dalagita.

"Oh. Nice meeting you, Eaton." sarkastikong sabi ni Cattelin at diniin ang pangalan nito. Binuka niya ang palad niya't lumutang ang papel na nakapatong sa kaniyang hita.

Isang malawak na ngisi ang natanggap niya mula kay Eaton. Ginulungan niya ito ng mga mata dahil ayaw niyang mag-aksaya ng laway. Sa unang tingin palang rito'y alam niyang lokoloko ito.

The way Eaton dressed made her irritated. 'Di niya rin maintindihan kung bakit puno ng singsing ang bawat daliri nito. Yeah, right. Even Cattelin's right eye is covered with a patch, she can still see from afar.

The letters started to appear on the paper with Eaton's full name. Sunod na lumitaw ang pangalan nila Errol at Siena. Blanko lamang ang mukha ni Cattelin habang nakatingin sa papel. Siya'y nakahalukipkip at nakasandal sa kaniyang upuan at nakataas noo.

"Eaton Cedrick Lancaster. Errol Zeco Nixon." Nanatiling blanko ang mukha niya habang binabasa ang mga pangalan na lumilitaw sa papel. At tumaas ang isang kilay niya nang lumitaw ang pangalan ng babae na hanggang ngayon ay natutulog pa rin sa kaniyang sofa.

"Siena Alxna Heinische." Dumako ang mga mata niya rito't lumipat ang kaniyang tingin sa mukha ni Eaton. Binitawan niya ang papel at ito'y kusang lumutang sa ere. Sinundan niya ng tingin si Eaton habang ito'y naglalakad palapit sa kanila. He even did a peace sign to her and swear she wanted to punch him right now.

"Would you mind to tell me how you get inside my ship? This guy won't talk. Is he mute?" Iritadong sabi ni Cattelin at dinuro si Errol. Mas lalo siyang nairita nang ngumisi si Eaton bilang tugon. Isang blankong tingin man ang natanggap ni Eaton mula kay Castor ay alam nitong sermon ang ireregalo nito sa kanilang pagkikita.

"Pasensya na't naipit lang kami sa sitwasyon." Nagkibit balikat si Eaton at sa reaksyon niya'y 'di maiwasan ni Castor ang mapasapo ng noo. Ito'y tiningnan niya sa mga mata't nakita niya kung ano ang nangyari't paano sila napunta sa loob ng barko.

"Pasensya na sa pagsabat ko dahil hindi ko na matiis ang katangahan ng aming kasama." Humalakhak si Cattelin dahil sa sinabi ni Castor. Ito'y umiling pa't ngumisi.

"What's your name?" Cattelin raised a brow. Muli niyang hinawakan ang papel dahil mas mabilis pa sa kidlat na nagsulputan ang iba't-ibang pangalan dito.

"Castor," maiksi nitong tugon sa kaniya.

"Oh. So you are Castor Sigan Sebastian." Interesado nitong sambit. "Hindi mo kailangang humingi ng pasensya sa katangahan ng kasama ninyo." diniin ng dalagita ang salita na nagpatawa sa kaniya kanina.

"Ang totoo'y sila'y nahiwalay sa amin at sa mahigit isang oras nilang nawala ay hindi namin alam na sila ay nakarating na rito sa barko," sabi ni Castor. Blanko lamang ang mukha nito't pati ang boses niya'y parang walang emosyon.

"Oh."

"Kami'y kasalukuyang naghahanda ng mga pagkain at maiinom dito sa loob." Kinumpas ni Castor ang mga kamay niya't lumitaw sa gilid ang mga banga. "Ito ang patunay na kami'y nagsasabi ng totoo't kung ano man ang kapalpakan ng aming kasama'y humihinga kami ng pasensya."

"Oh. So you're aware about the flow of the time inside my ship. That's good. Noong nakaraang taon kasi ay may mga sumakay ng barko na hindi alam ang tungkol sa oras sa loob. Ayon, nagutom sila at ako ang sinisi sa kanilang katangahan." Cattelin raised her hand. Sa isang iglap ay lumutang ang wine glass dito na 'di matukoy kung saan galing.

"So If you're going to tell me how you got inside this ship without paying a ticket maybe I can be considerate this time. Kung hindi mo sasabihin ay itatapon kita paalis ng barko. Well, throwing you is basic anyways." Ngumisi ang dalagita at tinagilid ang kaniyang ulo.

Ang mga mata nila'y dumako kay Eaton. Isang sulyap naman ang binigay sa kaniya ni Errol. Alam nilang dalawa na hindi nila dapat sabihin ang buong pangyayari. No one should know about the last thing they saw before Siena lost consciousness.

"Isang matalik na kaibigan ang mayron ako't pinilit ko siyang bigyan ako ng ticket." Sumandal sa upuan si Eaton at dumekwatro. "Siya'y dating nagtratrabaho sa loob ng barko."

Unang rinig palang ni Cattelin ay alam niya na kung sino ang tinutukoy niya. Of course, she knew who it is. It was the man who used to be her friend. Ito ay umalis ng barko dahil nakabuntis ito. Cattelin never thought that this man is Echo's friend too. She never saw him and all these people before. Sa ilang beses niyang pumunta sa Nokkan ay ngayon niya lang nakita ang kanilang mga mukha.

Nanatili ang kaniyang tingin kay Siena habang natutulog ito sofa. No matter how loud she laughed, she won't wake up. No matter how many air balls she threw, it won't hit her. She knew it for the moment she saw her face, she felt something odd about her.

Ang totoo'y kanina niya pa ito tinatamaan ngunit wala itong epekto sa kaniya. Cattelin never waste her time. The truth is she's talking to them for reason. The truth is she is trying to wake her up with her air blades without noticing.

Binaba ni Cartellin ang kamay niya. She secretly raised her pinky finger and an thin air blade flew on Siena's direction. To her surprise, she saw a red barrier appeared and her air blade vanished. Napatayo siya kaya lahat ay nagtaka sa kaniyang inasta.

Now, she knew what is happening. Something was protecting her.