CHAPTER 55 THE LADY OF THE SHIP PART 2
Ikatlong Persona
Taas kilay na sinalubong ni Koen ang mga tao sa maliit na pamilihan na kung tawagin ay Feronia. Aligned bamboo huts can be seen everywhere. This market is popular with the ladies for the hair accessories they sell, such as silver hair comb and dragon jade binyeo.
''Oi. Ano'ng ginagawa natin dito sa pamilihan para sa mga babae?'' bulaslas ni Koen. He folds his arms behind his head openly while walking. Samantala'y nakatayo naman nang tuwid si Flyn sa kaniyang tabi at ang mga kamay nito'y magkahawak sa kaniyang likod habang naglalakad.
''Tumitingin ng regalo.'' maikling tugon ni Flyn dahilan upang taasan siya ng kilay ni Koen. Isang ngiti ang ginanti niya rito dahil alam niyang magrereklamo ito pagkatapos ng ilang segundo.
''Ang init dito sa labas! Bakit ba hindi na lang tayo maghintay ng balita tungkol sa kanila!'' Hinugot ni Koen ang pamaypay niya't pinaypayan ang kaniyang sarili. Magkasalubong ang kilay niyang tiningnan ang dalawang taong naglalakad sa kanilang harap. It was none other than Castor and Eaton. Alam niyang sila ang may pakanan kung bakit sila naglalakad sa labas ngayon.
Gustuhin niya mang magreklamo'y hindi siya makapalag sa paraan kung paano tumingin sa kaniya si Castor. For him, Castor is a scary guy. At pansin niyang pati ang mga kasama nitong si Tobias ay 'di umaangal tuwing siya ang nagsasalita't sa bawat utos nito'y pinapakinggan siya.
''Ikaw? Tumitingin ng regalo? Para kanino? Sa nobya mong iniwan ka't pinagpalit sa matalik mong kaibigan? Tsk, tsk. 'Wag mong pahirapan ang sarili mo. Hindi na siya babalik sa piling mo.'' Walang prenong sabi ni Koen at sa lakas ng boses nito'y napalingon ang mga matatandang babae na dumadaan sa harap nila.
Sa sinabi niya'y napalingon sa kanila sila Castor at Eaton. Tinaasan niya naman ito ng isang kilay na para bang wala itong paki kung nababastusan man ang mga tao sa kaniya. Isang mapait na ngiti naman ang ginanti sa kaniya ni Flyn. The truth is your first love isn't the first person you give your heart to, it's the first one who breaks it.
"O bakit hindi ka umiimik diyan? Galit ka? Ang tunay na kaibigan sinasabihan ka ng masasakit na salita harap-harapan!" bulaslas ni Koen. At hindi pa ito nakuntento't nagsalita uli. He knew that Castor and Eaton is still looking at him and wishes him to shut up but hell he care. Sasabihin niya lahat ng gusto niya upang matauhan ito.
"Hayaan na natin siya. Kung masaya siya sa piling ng iba'y masaya ako para sa kaniya. Siguro'y nagkulang ako." Pain is written all over Flyn's eyes. He couldn't even face Koen himself because he's ashamed of his past mistakes.
Naningkit naman ang mga mata ni Koen dahil hindi ito kuntento sa sinabi niya. Nakikita niya sa mga mata nito ang kalungkutan tuwing binabanggit niya ang babaeng nakilala nila sa Akademya.
He knew him well, that's what he thought.
Nasaksihan niya kung paano ito magbuhat ng mabibigat na sako na puno ng buko tuwing umaga bago pumasok. He witnessed how Flyn delivered milk in different markets just to earn money for the girl he used to love. Sinabihan niya ito na kung talagang mahal siya ng babae ay tatanggapin nito kung ano ang kaya niyang ibigay ngunit 'di siya nakinig.
"Sus. 'Yan din ang sinabi mo sa akin noon ngunit tuwing gabi'y umiiyak ka." He rolled his eyes and crossed his arms. "Sinabi ko na sa iyo na 'di lahat ng babae'y kuntento sa pagsisikap. Karamihan sa kanila'y mas pipillin ang lalaking madaming salapi." pagdidiin nito. Isang matalas na tingin ang binigay sa kaniya ni Castor at ito'y hindi niya pinansin.
Koen wanted to say more. Muling umusbong ang pagkairita sa sistema niya't siya'y napakamot na lang sa ulo. Ang totoo'y nasaksihan niya lahat ng pinagdaanan nito't ayaw niyang maulit pa. Two years ago was Flyn's darkness moment. Well, you can't blame him. If you're giving your all to someone and it's not enough, you're giving it to the wrong person.
Halos kalaban na ni Flyn ang mundo dahil tutol ang magulang at mga kaibigan nito sa babae. . . ngunit matigas ang ulo niya't 'di nakinig sa mga bilin na binigay sa kaniya. Minsan nga'y nagawa niyang tumakas ng gabi upang makipagkita sa babae ngunit ito'y nakita niyang may kahawak kamay na ibang lalaki.
As expected, Flyn turned a blind eye, as if he didn't see anything. He made a fool of himself.
"Nandito tayo upang tumingin ng kakainin." Pinutol ni Flyn ang pagrereklamo nito't sila'y lumiko. Nanatili namang tahimik sila Eaton at Castor sa kanilang harapan.
Tumaas ang kilay ni Koen dahil sa kaniyang narinig. Pakiramdam niya'y dahil sa kaniya ay naging tahimik sila. Ang mga kubo'y pinipilahan ng mga dalagita't ina. 'Di lamang mga ipit sa buhok ang binebenta sa Feronia. Rice cake is popular among females. Pinaniniwalaang ito'y hindi mabigat sa tiyan at magandang kainin kung ika'y nasa biyahe.
"Pinagloloko mo ba ako? Ang daming p'wedeng bilhin sa pamilihan. At dito pa talaga tayo nagpunta. Ang daming babae't ang iingay nila. Ang sakit sa tainga!" Pagrereklamo ni Koen at tinakpan ang kaliwa nitong tainga.
Ang matinis na boses ng mga kababaihan ay masakit sa kaniyang panrinig. Ang totoo nga'y kanina pa tinitiis ni Koen ang ingay mula sa paligid. For him, his extraordinary hearing ability is a curse. Sa gusto niya man o hindi'y kahit ang paglapag ng mga hairpin sa mesa'y naririnig niya.
"Ang mga pagkain na nandito ay para sa mga kababaihang ayaw ang mabigat sa tiyan." diretsong sagot ni Castor at isang malamig na tingin ang binigay nito kay Koen. "Samantalang ang mga pagkain na hinanda namin ay para lamang sa agahan."
Tila hindi naintindihan ni Koen ang pinapahiwatig ni Castor. 'Di niya rin alam kung bakit kailangan nilang maghanda ng madaming pagkain. Lalo na't sasakay lang naman sa isang espesyal na barko ang kanilang gagawin.
"Mabagal ang daloy ng oras sa loob ng barko." Tobias raised his finger to emphasized what he said. Sa sinabi niya'y agad na nanlaki ang mga mata ng dalawa.
"Ang dahilan kung bakit naghahanda tayo ng mga putahe't kanin ay dahil pati ang pagpatak ng bawat segundo'y napakabagal sa loob ng barko. Ayon sa mga naging pasahero nito ay karamihan sa kanila'y nakaranas ng matinding uhaw at gutom sa barko." binalik ni Tobias ang tingin niya sa harapan.
"O? Maliit na problema! E p'wede naman tayong bumili ng isang sakong tinapay at isang dosenang itlog!" tugon ni Koen.
"Kung ayaw mong sumama rito'y hindi namin kasalanan kung namatay ka sa gutom." malamig na sabi ni Castor at ito'y nakatingin lamang sa harap.
Nanahimik sa kanilang likod si Flyn at sinenyasan na 'wag nang sumabat si Koen. Noong maabutan ni Flyn na nagtratrabaho ang grupo ni Tobias kasama si Owen ay labis niya itong pinagtaka. They prepare a stock of foods like they are taking off on a one-week vacation.
Now, he knew the reason behind it. The flow of time inside the ship of the high sea is different.
"Kung rito'y isang oras palang ang nakalipas ay tiyak na mahigit dalawang oras na ang nakalipas sa loob ng barko. Sa bagal ng daloy ng oras ay siguro'y walang ginawa ang mga tao sa loob kun'di matulog at kumain." mahabang sabi ni Tobias at binulsa ang magkabilaan niyang kamay.
Huminto sila sa isang kubo't tinitigan ang mga rice cakes na nakabalot sa isang manipis na candy plastic. Ito'y ginagawang pambalot sa nayon. Candy plastic are edible and come in different colors. One crazy fact is that young girls directly eat rice cakes wrapped in candy plastic. Ang sabi ng iba'y dagdag trabaho raw ang pag-alis ng candy plastic sa rice cake.
"Siguro'y mabuti ring kumuha tayo ng ruganamas at dansoy." Flyn's suggestion made Tobias and Castor nod their head. Nilagpasan nila ang mga rice cakes and binabalak na balikan maya-maya. Sila'y muling lumiko at kumpulan ng mga tao ang bumungad sa kanila.
"Nandito na muli ang barko!" sigaw ng lalaki sa gilid habang ito'y buhat ang isang banga na naglalaman ng kaniyang paninda.
Na-alerto sila Castor dahil sa kanilang narinig at tila ba'y nakalimutan nila ang dapat nilang gagawin. Nawala sa kanilang isip ang pagbili ng mga pagkain at maiinom na tubig. Isang tingin ang binigay ni Tobias kay Flyn... Ito'y senyas na sunda lamang sila't 'wag mawala sa kanilang likuran.
"Ang barko! Ang barko!" muling sigaw ng lalaki.
The crowd became wild. Nagsiksikan ang mga tao na para bang uulan ng pera. Napuno ng ingay ang paligid dahilan upang humiyaw sa sakit si Koen habang tinatakpan ang mga tainga niya. Ang mga tao'y nagkagulo upang makita ang isang barko.
Finally, it's here, the ship that they waited for almost half and a year came back to their village. It was their only hope.
Sa kanilang pagtakbo'y isang babae ang nakabanggaan ni Koen. Isang impit na hiyaw ang kumawala sa makapal nitong mga labi. The red hood covering her hair slid down, causing her long silky hair to move freely with the wind. And her pale face turned rosy red, exposed by the sun's radiant light.
"Ouch! Watch out! Are you freaking blind?!" iritado nitong sabi habang magkasalubong ang mga kilay at hindi naman nagpatalo si Koen sa kaniya't tinaasan ito ng kilay.
The girl immediately covered her hair. She also fixed the white eye-patch on her eye. It seemed like she's also covering her arms inside her red cloak too. Little did she know, Flyn noticed the wounds on her flesh. She didn't look like the average typical girl. Sa unang tingin ay mukha itong masungit.
Mula sa malayo'y agad na tumakbo pabalik sila Castor at Tobias papunta sa posisyon ng dalawa. Naabutan nila ang isang dalagita at siya'y mukhang banyaga. Sa mukha nito ay 'di maganda ang kaniyang timpla.
"Kung hindi ka marunong tumingin sa dinadaanan mo ay huwag kang maglakad sa gitna ng daan." madiin nitong sabi't pinagpag ang kaniyang cloak. Hindi pa 'to nakuntento't tiningnan mila ulo hanggang paa si Koen.
"Napakahambog mo naman! Kita mong tumatakbo kami! Ikaw ang tumabi!" singhal ni Koen dito. Panay ang senyas ni Flyn sa kaniyang tabi ngunit ito'y tinaasan niya rin ng kilay. Isang tingin ang binigay nito sa dalagita na para bang humihingi ng paumanhin sa inaasta ng kaniyang kaibigan.
"A woman like me won't adjust for a man like you." matigas nitong sabi na mukhang hindi naintindihan ni Koen.
"Pasensya na." agad na sabi ni Flyn dahil naintindihan nito ang sinabi ng dalagita. Yumuko ito't nilagay ang palad niya sa kaniyang dibdib. Sunod na tiningnan ng dalagita ang mga kasama nito't binalik ang tingin mula sa malayo. Sa direksyon na ito niya nilagay ang barko. Sa isang bakanteng lote na sakto ang haba ng barko.
"Looking for a ship?" The girl confidently said. Sa reaksyon ng mga lalaki na kaharap niya'y napangisi siya. She knew it. Unang tingin palang sa mga ito'y alam niyang grupo rin sila ng mga taong nais makasakay sa kaniyang barko.
Oh, how she loves watching people beg to ride on her ship.
"Yes." Lumipat ang kaniyang tingin kay Castor. Tipid lamang ang tugon nito't makita mo lang ang kaniyang mukha'y masasabi mo na minsan lamang ito magsalita. With his jet black hair and outfit, she knew that he speaks less and thinks more.
"Good. Isn't today your lucky day?" Mapaglarong sabi ng dalagita't binuka ang kaniyang palad at lumitaw sa ibabaw nito ang isang kumikinang na mahabang papel. Lumawak ang ngisi sa mga labi ng dalagita't kasunod nito ang paglitaw ng mga gintong letra. Looks like she is making a deal today.
"Do you know this person by the way? If you do, tell me and I'll give you a free ride. Oh, I'm the lady of the ship by the way and lying to me means meeting hellfire."
Humakbang ito palapit sa kanila't seryoso ang mukha. Unti-unting lumitaw ang isang pangalan sa papel. Nanatiling seryoso ang mukha ng dalagita habang nakatingin sa kanila. She didn't even blink to show that she is serious as hell.
Eaton's full name was written in golden letters. They realized where they've been stranded by Errol. Napagtanto nilang nakasakay na sa barko sila Eaton at Errol. They don't have to worry anymore because they are inside the ship.
But why is she asking if they know him?
Tasho
Umikot ako't nagbago ang aking itsura. Ang buhok ko'y naging kulay itim at ang parehas ng mata ko'y kulay kape. Ang itsura ng katawan ko't tangkad ay hindi nagbago. Nagbago lang ang tindig ko dahil sa kulay ng aking buhok. Tinagilid ko ang ulo ko't tinitigan ang repleksyon ko sa maliit na salamin na nakadikit sa pader.
Today, my name will be Asher.
Kinumpas ko ang kamay ko't isang puting apoy ang lumitaw sa ibabaw ng aking palad. Isang diretsong tingin ang binigay ko kay Errol habang ito ay nakatalikod. If this doesn't help him, I will do another thing. I know that moment will come and we should prepare for it.
"Vim extermina." bulong ko at mabilis na lumutang ang ilaw na ito papunta sa kaniyang direksyon. Ito ay kumalat at pinalibutan siya't pumasok sa kaniyang kwintas. The moment that light entered his limiter, his power will be in control.
Yumuko ako't nagkunwaring nag-aayos ng mga baso. Humakbang ako patalikod dahil alam kong may nanonood sa akin mula sa malayo. Agad akong lumingon sa aking likod at nakita kong nakatayo si Berto.
"Asher. Nasaan si Tasho?" Natataranta nitong tanong sa akin. At pansin ko ang pagtulo ng pawis sa pisngi nito.
Sa itsura niya'y sigurado akong 'di maganda ang timpla ni Cattelin.
"Si Tasho? Lumabas saglit dahil sabi niya'y masakit ang kaniyang tiyan at tinatawag siya ng kalikasan." Nakangisi kong sabi't nagkibit-balikat. Nasapo naman ng noo si Berto at alam kong iniisip na nito ang irarason niya.
"Huwag kang mag-alala. Mamaya ay babalik na si Tasho." Makahulugan kong sabi't binalik ang tingin sa hawak kong papeles. From my peripheral vision, I saw Berto sighed. Lumawak naman ang ngisi sa labi ko nang tumalikod ito sa akin at siya'y naglakad palayo.
Binalik ko naman ang aking tingin sa taong inoobserbahan ko sa malayo. Nakatayo lang ito sa gilid na para bang isang batang nawawala sa loob ng isang maluwang na mall. Ngumisi ako't inayos ang mga wine glass.
Sinadya kong magpakilala sa kanila sa pangalang Tasho. Ngayon naman ay iba uli ang aking itsura't pangalan. Iniwan ko si Errol sa gilid at agad na nagpalit ng itsura. Ang totoo niyan ay naisipan kong magtrabaho sa barko na ito sa dalawang katauhan; ang tunay kong pangalan na Tasho. At ang pangalan na 'di totoo na Asher.
Magkaiba ang mga itsura't pangalan na pinili ko kaya ibig sabihin ay dalawa ang trabaho ko. Ang isa'y bartender ng mga pasahero't ang isa naman ay nag-aayos ng papeles.
Dala ang isang puting bimpo na nakapatong sa braso ko't hawak ang dalawang wine glass sa kanan kong kamay ay lumapit ako kay Errol. Isang matamis na ngiti ang binigay ko rito. Isang diretsong tingin naman ang binigay niya sa akin at grabe ang pigil kong ngumisi sa kaniya.
Wala talaga itong paki sa ibang tao't kay Siena lang meron.
"Ano'ng hinahanap ho nila?" sabi ko sa magalang na tono. Tiningnan niya ako ng mata sa mata't ako ay hindi naman kumurap. I know that he's hesistating to talk to me for I am a stranger.
"Ako'y nagtratrabaho sa barko na ito." Panimula ko't binato ang isang baso sa ere. I flipped the wine glass on the air and catched it. Pagkatapos ay pinunasan ko ang mga ito gamit ang bimpo. Isang ngiti ang ginanti ko dahil nakikita ko pa rin sa mga mata niya ang pagdududa.
"Ako'y may hinihintay. Ang pangalan niya'y Tasho." Nanlaki ang mga mata ko na para bang nagulat ako sa sinabi niya. Pinigilan ko ang sarili kong matawa. I'm proud of myself. I don't need to join an acting workshop.
"Ika'y tinakasan niya. Siya'y nag-paalam sa akin upang lumabas. Ang sabi niya'y masakit ang kaniyang tiyan." Umiling ako't inayos ang aking mga hawak. "Pasensya na't siguro ay babalik din siya maya-maya." Ako'y yumuko sa kaniya. Tumingin ako sa kaniya't iniwasan kong titigan ang mga niya dahil baka'y makita niya ang tunay kong itsura.
Mahirap na dahil ang totoo'y hindi ko alam kung ano pa ang mga kaya nitong gawin. Oh, yeah. Dealing with a Class A Familiar is a pain in the ass.
Tumalikod ako rito't naglakad palayo. Nang ako'y malayo na sa kaniya ay nagtago ako sa isang pader. Pinatong ko ang mga hawak kong baso sa mesa. That is right. Sinadya kong sabihin na hintayin niya si 'Tasho' upang 'di siya umalis sa kaniyang pwesto dahil 'pag nakita niya ang gagawin ko mamaya ay baka katapusan ko na.
Ako'y napailing na lang at ngumisi. Look at these people, they don't even realize that Asher and Tasho are only one person. Humakbang ako't sa isang iglap ay ako'y bumalik sa ikatlong palapag ng barko. Sinuklay ko ang buhok ko gamit ang aking kamay at tinitigan ang dalawang babaeng nakahiga sa mga sofa. Siguro akong ang isa sa kanila'y si Shaja.
Ang malamig na simoy ng hangin ang bumungad sa akin. Mula sa baba'y tanaw ko ang mga maiingay na tao. Ginala ko ang aking paningin at sa unang tingin palang ay ayaw kong kami'y nasa Nokkan. The lady of the ship is nowhere. Siguro'y nagpalipas siya ng oras dito sa labas.
"Let's see what happened." mahina kong bulong at tatlong hakbang palang ay mabilis ako't agad na nakarating sa kaniyang harap.
Siena is sleeping peacefully but glancing from her head for just two seconds, I realized that something is wrong. Ako'y napakunot ang noo dahil hanggang ngayon ay hindi pa rin siya gising. She should be awake right now. They should arrive in Estrela this week. Nanlaki ang aking mga mata't dumako ang paningin ko sa kaniyang balat.
"It can't be..." bulong ko't lumapit sa kaniya.
She just had her first wish.
Tinapat ko ang palad ko sa kaniya't ako'y natigilan nang isang kakaibang enerhiya ang aking naramdaman. At ako'y hindi makagalaw. Sinubukan kong ikumpas ang mga kamay ko't walang nangyari. I knew it. Someone just threw an invisible energy chain at me.
"Ika'y hindi ba tinuruan ng mga magulang mo na 'wag hawakan ang isang dalagitang mahimbing na natutulog?" Mula sa malayo'y tumayo si Eaton habang ito'y nakahalukipkip. Tinagilid niya ang ulo niya't ako'y nanahimik na lang. 'Di ko akalain na may nanonood sa akin mula sa malayo.
At that moment I felt that they were observing me like they knew who am I. They already know what she is capable of.