CHAPTER 53 THE SHIP OF THE HIGH SEA
Ikatlong Persona
Nanginginig ang kamay ni Antonio nang buksan niya ang doorknob ng pinto. Napalunok siya't ramdam niya ang panginginig ng kaniyang mga tuhod at halos sumabog na ang puso niya sa lakas ng kabog nito.
Pumikit siya't bumuntong hininga at pilit niyang pinapakalma ang sarili niya kanina. How could he keep calm on a situation like this? His younger sister is missing!
Lahat ng dalagita sa lugar nila'y nakausap niya na ngunit wala sa isa sa mga 'to ang nakakita kay Shaja bago ito nawala. Pagbukas niya ng pinto ay bumungad sa kaniyang ang mukha ni Koen habang ito'y nakatayo sa kaniyang harap. Sila'y parehas na napatalon at bumuglagta sa mukha ng isa't-isa.
"Putcha naman! Aatikihin ako sa pagmumukha mo!" singhal ni Koen at napahawak sa kaniyang dibdib. At lingid sa kaniyang kaalaman na nawawala rin ang kapatid ni Antonio. Sila'y parehas na hapo't nag-aalala.
"Nawawala ang aking kapatid." Hinihingal na sambit ni Antonio at pinunasan ang namumuong pawis sa kaniyang noo.
Napakamot naman sa batok si Koen at sinuklay nito ang kaniyang buhok na basa sa pawis. Ang totoo niyan ay pinasok niya na ito't nagbakasali na naging anyong pusa lang ang kaibigan at naligaw. Ngunit hanggang ngayon ay 'di pa rin niya mahanap ito.
"E, paano iyan! Nawawala rin ang kasama namin!" Natatarantang sabi ni Koen na parang isang batang iniwan ng ina sa loob ng isang grocery store. "Hindi ko alam kung sa'n lupalop ng gubat ko siya hahanapin!" dagdag nito.
"Baka'y nasa kusina't tumutulong sa mga kakabaihan na magluto. Ang mga dalagita'y 'di pinapayagan na makalabas dito sa nayon ng walang kasama." tugon ni Antonio at tumalikod.
Deep inside, he is hoping to see his sister giggling while chopping onions with other maidens. Sa bawat hakbang niya'y umaasa siya na makikita ang kaniyang kapatid na nasa kusina't abala sa pagtulong sa ibang kababaihan ng kanilang nayon.
Samantala'y hindi naman makapali sa kaniyang likod si Koen. Tinakasan niya ang kaniyang gawaing magsibak ng kahoy at balak sanang yayaing dumiretso si Errol sa isang ilog upang magpahangin at humiga sa damo. Ngunit kahit saan siya pumunta'y hindi niya ito mahanap.
Lumiko sila't dumiretso sa kusina ngunit ang bumungad sa kanila ay isang grupo ng kalalakihan na nakatayo sa kusina. Ang mga ito'y abala sa sarili nilang ginagawa. Pansin nila ang isang banga na buhat ni Tobias at sa unang tingin palang ay alam nilang puno ito ng karne.
"Saan ang pinakamalapit na balon rito? Kailangan naming kumuha ng maiinom." Kalmadong tanong ni Tobias at naglakad sa kanilang harapan habang buhat ang banga. Ito'y dumiretso sa harap ng mesa.
Sa luwang ng kusina'y tama ang espasyo para sa mahigit limang tao. Sa bawat kubo ng kanilang nayon ay ang kusina ang binibigyang luwang dahil madalas na aktibo't nagsasama ang mga tao sa pagluluto.
"Nawawala ang aking kapatid." Tila 'di narinig ni Antonio ang tanong ni Tobias sa kaniya. His mind is occupied and he can only think of his sister right now. 'Di niya rin pansin na tila may isang nawawalang myembro ng grupo ni Tobias. The truth is if they were inside of a sinking titanic, Antonio will ignore thousands of people and will only save his sister.
"Nawawala rin ang kasama namin! Nasaan ba sila Glo!" bulaslas ni Koen na animo'y hari ng tondo. Ginala niya ang kaniyang paningin at 'pansin niyang abala ang grupo ni Tobias. Sila'y tila mga langgam na nagiipon ng pagkain sa darating na ulan.
Tinapunan ng tingin ni Tobias si Castor ngunit ito'y nakatitig lang sa karneng binabalot niya sa isang manipis na tela. Siya'y naka dekuwatro't pinuno ng asin ang binabad niyang isda sa suka kagabi.
"Wala kaming pake." malamig na tugon ni Castor dahilan upang sugudin ito ni Antonio. Napakapit na lang si Koen sa laylayan ng dulo ng damit ni Antonio habang siya'y nakakunot noo. He knows that Tobias' group sticks together.
Nanatiling magkasalubong ang mga kilay ni Koen habang nakatingin may Castor. Bakit mukha itong kalmado kahit halatang nawawala rin ang isa nilang kasama?
"Castor!" tumaas ang boses ni Tobias. He gave Antonio and Koen an apologetic gaze. "Kumalma kayo dahil sigurado kaming kaya ni Eaton ang sarili niya. At kung nawawala man sila'y sigurado akong ligtas siya dahil kasama niya si Eaton."
Isang matalim na tingin ang binigay ni Antonio kay Castor at agad na lumipat ang kaniyang tingin sa mukha ni Tobias. Napabitaw na lang si Koen dahil pansin niya na ito'y kalmado na. Napasapo na lang siya ng noo't pumasok si Flyn sa kusina na may dalang isang malaking banga.
"Hoy!" bulaslas ni Koen. Agad na naningkit ang mga mata ni Flyn.
"Hoy ka rin!" singhal pabalik ni Flyn. "Iniwan mo ang sinisibak mong kahoy kanina! Tumakas ka uli! Ang tamad mo talaga!" dagdag nito. Ito'y dumiretso sa mahabang mesa't pinatong ang banga na dala-dala nito.
"Hoy ka uli! Nawawala si Errol!" tugon ni Koen at ito'y 'di nagpatalo. Agad na lumingon dito si Flyn dahil sa kaniyang narinig. Buong akala nito'y kasama ni Errol si Glo sa pag-aayos ng mga banga.
Ginala ni Flyn ang paningin niya sa paligid at isang tao ang hinahanap niya. Labis din siyang nagtaka dahil hindi kasama nila Tobias si Eaton. Bukod doon ay nakakapagtaka rin dahil nagtratrabaho si Owen sa gilid. Ito ang unang beses niyang makita siyang naghihiwa ng karne.
Sumagi sa isip ni Flyn na kung ano man ang pinaghahandaan nila Tobias ay siguradong importante ito.
"Hindi ba kasama mo si Siena? Masyado akong abala sa gawain sa kusina't hindi ko napansin ang pag-alis niya." Muling ginala ni Flyn ang paningin niya sa kanilang kasama. Pansin niyang tumingin pabalik sa kaniya sila Tobias at Owen. Nanatili namang abala si Castor sa kaniyang ginagawa na para bang may sarili itong mundo.
"Ha? Iyong babae ba? Hindi pa siya pumupunta rito sa kusina e." tugon ni Owen at sila'y nagkatinginan ni Tobias. Ang mga mata nila'y nag-uusap. When he heard what Flyn said, they knew what was going on. All of them was missing. At alam nilang may malaking dahilan ang pagkawala nilang apat.
Kumplikado man ang pagkawala nila ay malaki ang tiwala nila kay Eaton. Ito'y 'di ordinaryo. Given the fact that he can copy someone's ability and manipulate people's memories prove that he is not easy to deal with.
Problemadong nakaupo si Antonio at puno man ng uling ang kanan niyang kamay ay wala siyang paki. Imbes na maghugas ng kamat ay pinili niyang umupo't magmukmok sa pagkawala ng kapatid. Ito ang unang pagkakataon na mawala ang kaniyang kapatid.
"Ang kapatid ko'y minsan lang magkaroon ng kinakasama't kausap dahil siya'y mapili sa mga tao. Kaya 'di na 'ko nagtaka nang makita kong para siyang isang tuta kung sumunod kay Siena." umangat ang ulo ni Antonio at tumingin sila. "Kaya sigurado akong nawawala silang dalawa."
"Apat." mahinang bulong ni Castor habang ito'y nakatingin sa hawak niyang dahon. Lahat ay tumingin sa kaniyang ngunit hindi man lang ito kumurap at nanatiling nakdekuwatro na animo'y hari.
Imbes na mataranta ito't mag-alala sa nawawala nilang kasama'y nakaupo lang ito. Parang ang isip nito ay naglalakbay sa sarili nitong mundo. Kahit siguro lumindol ay wala itong paki sa iba. Castor is the complete definition of an introvert.
"Apat silang nawawala." Castor raised his four fingers. Sa ginawa nito'y tila nang-iinsulto pa ito. Lalong nangunot ang noo ni Antonio at maangas na tumayo sa kaniyang kinauupuan.
"Kanina ka pa! Bakit parang ang laki ng problema mo?!" singhal ni Antonio. His deep voice echoed in the kitchen. Kanina pa ito nagtitimpi. But one of their village's dearest visitors is testing his patience.
Ang totoo ay mahaba ang pasensya ni Antonio. Sa haba ng pasensya niya ay kaya niyang maghintay ng isang oras habang nakatayo sa isang pila. Ngunit nagbabago ang timpla niya kung ang nakakabatang kapatid niya ang pinag-uusapan.
Kanina niya pa iniisip kung ano ang kalagayan nito't 'di siya mapakali. They told him not to worry because Shaja is with Eaton. But did they think that saying that was enough?
Imbes maalerto sa pagtaas ng boses ni Antonio ay nagawa pang ngumisi ni Castor sa kaniyang kinauupuan. Huminto ito sa ginagawa niya't tinaasan ng kilay si Antonio.
"Sinabi ko bang may problema ako?" sarkastikong tugon ni Castor. With that, Antonio totally lost his temper. Nawala ito sa kaniyang puwesto't lumitaw sa likod ni Castor. Kuyom na kuyom ang kamao nito't handang suntukin ang kaniyang likod.
Na-arleto't tumayo naman sila Tobias at Owen. Akmang hahakbang na ang mga ito nang sinulyapan sila ni Castor. With one gaze, they stood still in their position. Sa isang tingin na binigay ni Castor at alam nila kung ano ang ibig sabihin nito.
Let him be, don't move. Let's see what will happen.
Mabilis na tumakbo sila Flyn at Koen upang harangan ang gagawin ni Antonio. Ngunit sila'y nagtaka dahil nanatiling nakangisi lamang si Castor. He knew that Antonio was behind him, but he didn't dare to look behind. Kung umasta ito'y parang alam niya na ang mga susunod na mangyayari.
"Oi! Kumalma ka!" bulaslas ni Koen ngunit nanatiling nakayukom ang palad ni Antonio ngunit ito'y parang walang narinig. Inangat nito ang kamay niya habang nanlilisik ang kaniyang mga mata. His fist is shivering because of madness.
Hindi nagdalawang isip si Antonio na suntukin ito kahit na ito'y kalmadong nakaupo. To their surprise, thin smokes sorround them and Castor teleported beside Antonio. Hinawakan pa nito ang kamao ni Antonio habang kalmado itong nakatayo.
Malaki ang kamao ni Antonio ngunit hindi man lang nila nakitang nanginig ang kamay ni Castor. Nagtalsikan ang mga maliliit na banga na kanilang hinanda't pati na rin ang mga baso na halos isang oras nilang inayos.
What was that? It was no other than Antonio's ability! Kung tumama man ang kaniyang kamao kay Castor ay siguradong tumalsik na ito palabas ng pinto. This is Antonio's hidden ability. This is what Castor wanted to see.
That is right! Antonio is Nokkan's one punch man!
''Minsan ay matuto kang 'wag magpadala sa emosyon.'' Nanatiling blanko ang mukha ni Castor ngunit ang boses niya'y tila isang guro na dinidisiplina ang kaniyang estudyante.
His voice is cold yet full of authority. Nalilitong binaba ni Antonio ang kamay niya't huli na nang napagtanto niyang nakakahiya ang inasta niya kanina. One of the teachings in their village is to greet with a smile and be calm whenever they talk to their guests. He wanted to apologize but he was swallowed up by embarrassment because they were all staring at him.
Castor raised his pointing finger and drew a small circle upward. In an instant, the debris scattered on the ground started to float in the mid-air, then it suddenly came back to their original state. The broken vases became whole again.
Hindi maiwasang mapanganga ni Koen dahil sa kanilang nakikita. Ang mukha ni Castor habang nakatingin kay Antonio ay blanko't makikita sa kaniyang mga mata ang otoridad. How could he do these? What is he?
''Kumalma ka't magtiwala sa mga sinasabi sa amin. At magtiwala ka sa aming kasama dahil hinding-hindi niya papabayaan ang kapatid mo, lalong-lalo na ang dalaga.'' diretsong sabi ni Eaton at lumipat ang kaniyang tingin sa mukha nila Flyn at Koen.
With what he said they knew what he meant. The truth is Eaton will do everything to protect Siena for Tobias' group discovered earlier what is inside her. . . And they witnessed the wickedness of people decades ago.
Errol
Humakbang ako't napahinto nang makita ko ang tawanin. Napako ang aking mga matay sa bulubundukin at matatayog na puno. Mula sa aming kinatatayuan ay tanaw ang mga kubo't mga bato na mas malaki pa sa tao.
Lumipat ang aking tingin sa katabi ko't ako'y sumandal sa puno dahil nangangawit na ang mga kamay ko. Mahigit isang oras ang nilakad namin papunta rito't sa buong durasyon ay hindi ko naisipang magpahinga't bitawan si Siena.
''Ang lugar na ito'y tinatawag na Arkala. Ito ang pinakadulong bahagi sa nayon ng Nokkan.'' diretso niyang sabi at katulad ko ay bitbit niya sa kaniyang bisig si Shaja. Hanggang ngayon ay wala isa sa kanila ang nagigising kaya mas lalong lumalaki ang aking pag-aalala. Ano ang buong nangyari bago kami dumating ni Eaton?
Gusto kong sisihin ang aking sarili dahil pakiramdam ko'y nahuli ako ng dating. Kung mas maaga sana akong lumitaw ay hindi sana nangyari ang lahat ng ito.
Lumipat ang tingin sa akin ni Eaton at siya'y napangisi na tila nababasa niya kung ano ang nasa isip ko. Wala itong sinabi't nanatili akong nakasunod sa kaniyang likod. Sa paglalakad namin ay sumalubong ang sariwang hangin.
Ang mga kubo ay makulay dahil ito ay napinturahan ng kulay puti, dilaw at asul. Ang matatayog na puno'y may dekorasyon na sadyang kakaiba sa aking paningin. Ang mga tao'y nakangiti sa amin marahil halata sa aming kasuotan na kami'y dayo sa lugar na ito.
Ngunit kahit na sila'y nakangiti ay kitang-kita ko rin ang kuryosidad at pagtataka sa kanilang mga mata dahil sa paningin nila'y nakapagtataka ang isang dayo na may buhat na walang malay na dalagita.
"Buenas tardes, Amigo!" Masiglang bati ni Eaton sa isang malaking lalaki. Matipuno ang katawan nito't kalbo. Sa mga braso niya'y may mga tinta na animo'y isang papel ang kaniyang kutis na pinuno ng sining. Kahit na siya'y nakakatakot sa unang tingin dahil sa kaniyang itsura'y malawak itong ngumiti sa akin.
"Buenas tardes. Apat na tau pa ra barko?" Iisang salita lamang ang naintindihan ko sa sinabi niya kaya ako'y agad na lumingon kay Eaton. At mas lalo akong nagtaka dahil ito'y tumango. Nahuli ko ang sikretong paglitaw ng apat na pirasong papel sa palad ni Eaton. At ang paglitaw ng isang bilog na pitaka sa kamay ng lalaki na aming kausap.
"Bago pagtakip-silim ay dapat nasa loob na kayo ng barko." bilin sa amin ng lalaki't ito'y tumango bago kami talikuran. Sa paghakbang ni Eaton ay agad akong nagsalita. Hindi ko maintindihan kung ano ang ginagawa niya. Hindi ba dapat ay lahat kami'y sabay-sabay na pupunta sa barko?
"Ano'ng ginagawa natin? Hindi natin sila maaring iwan." pagtututol ko. Lumingon siya sa akin at sa mukha niya'y tila inaasahan niya na kung ano ang magiging reaksyon ko.
Kung 'di namin kasama ang iba ay gugustuhin ko pang maghintay ng isang linggo sa susunod na sakayan ng barko.
"Sinabi ko bang iiwan natin sila? Tayo ang mismong susunod sa kanila." sa sinabi niya'y hindi ako nakapagsalita dahil sa pagtataka. Inipit niya ang apat na papel sa pagitan ng dalawa niyang daliri't pinakita sa akin.
"Ang kausap natin ay matalik kong kaibigan. Ang totoo'y isang dekada na kaming magkaibigan. Dahil malaki ang utang na loob niya sa akin ay hindi naman siguro masama kung hihingi ako ng isang maliit na pabor sa kaniya. At dahil dati siyang nagtratrabaho sa espesyal na barko'y 'di naman masama na humingi ng libreng tiket sa kaniya... Hindi ba?"
Nakangising tumingin sa akin si Eaton at sa mga sinabi niya'y 'di na ako nakapagsalita pa. Nanatili ang mga papel sa pagitan ng kaniyang mga daliri't ito'y lumutang sa ere at napalibutan ng kulay berdeng tanglaw.
"Cuatro." Lumutang ang mga papel at ang mga ito'y kusang napunit sa gitna. Humakbang ako't sa isang iglap ay natagpuan ko ang sarili ko sa isang panibagong lugar. Ako'y nasa tuktok ng isang lumilipad na barko. Nalula ako nang tumingin ako sa baba dahil nagmistulang mga langgam sa liit ang mga kabahayan.
"O, baka'y mahulog ka. Kalma mo lang." mapanuksong sabi ni Eaton. Tumingin ako sa paligid at sa taas ay halos kita ko na ang mga ulap. Ako ay umupo sa maliit na upuan at tinitigan ang mukha ni Siena.
Hinawi ko ang buhok niya upang masilayan ang maamo niyang mukha. Nanalangin ako sa itaas na sana'y walang mangyaring masama sa aming paglalakbay. Sana'y walang mangyaring masama sa kaniya. Sana ay maging mapayapa ang aming pagpunta.
Hindi man ako naging mabuti sa mundong ibabaw na ito ay gagawin ko ang lahat para sa iyo. . . Pangako.