Chapter 37

Javi's POV

Ilang araw lang ang nilagi ni Kuya at Louie sa hospital, nung araw na lumabas si Kuya ganun din si Louie dahil okay naman na s'ya. Ung braso n'ya babalik na lang namin after 2 weeks.

Ako naman tapos na ang force leave at balik trabaho na naman. Ayoko pa nga pero wala akong magagawa dahil tapos na ang leave na binigay sa akin. Pinilit na lang din ako ni Louie dahil magreresign na din naman ako.

Pero ngayong araw nagpaoff ako dahil it's Jashua's birthday. Sinabi ko sa mga kasama ko na wag akong tatawagan dahil birthday ni Jash kaya sumang ayon naman sila. And now I'm baking his favorite chocolate cake. Kakauwi ko lang galing hospital.

Tinignan ko ung oras it's just 5am in the morning. Pero magbebake na ko para pag gising n'ya he will blow his cake. Mamaya din ung dinner namin dito sa bahay and isasabay din namin sa announcement about sa baby no. 4 namin ni Louie.

So I prepare all the ingredients needed then nagstart na. Habang nagmimix ako ng batter bigla naman may yumakap sa gilid ko at alam ko naman kung sino yun, dahil isang kamay lang ang nakayakap. Kanina hindi pa gising 'to. Ang lakas ng radar eh!

"Ang aga namam n'yan, Mama," saad n'ya at humalik sa pisngi ko.

"Maaga kasi magising ang panganay mo kaya kailangan maaga," saad ko habang nagmimix pa din. "Ikaw? Bat gising ka na? Tulog ka pa kanina ah," saad ko at naglagay na sa pan ng batter.

"Eh kasi may naramdaman akong magandang babae na nagbibihis sa harap ko kanina kaya nagising ako," saad n'ya at natawa pa tapos bumitaw sa akin dahil ilalagay ko na sa oven ung pan. Inilagay ko muna yun bago s'ya harapin at sagutin.

"Hindi naman kaya ako sa harap mo nagpalit. Assuming!" nakangising sabi ko tapos bumalik sa tabi n'ya. Dahil ganache naman ang gagawin ko.

"Ah basta may naramdaman akong magandang babaeng nagpapalit kaya nagising ako," saad n'ya tapos hinarap ako sa kan'ya at biglang lumuhod at hinalikan ung tyan ko. "Hi Baby. I love you..," saad n'ya at hinalik halikan ung tyan ko tapos tumayo nang maayos.

"I love you too daw, Papa," saad ko at niyakap s'ya patagilid. Natawa na lang s'ya tapos hinalikan ako sa ulo.

Nung nagpacheck up kami sa OB nung nakaraan, We actually nervous maybe we don't want to hear any bad news like before... But when my OB announced that our baby is fine. We both relieved, kaya din itong isang 'to alaga sa akin minsan kahit s'ya ang dapat alagaan dahil sa braso n'ya.

Napag usapan na din namin na magreresign ako in my 2nd trimester. So mga 4 months or 5 months na ung tyan ko nun.

Nagtuloy na lang ako sa paggawa ng cake habang si Louie. Nadukot sa chocolate na ginagawa ko. Nagtalo na nga kaming dalawa dahil imbis na tumulong kinukuhaan n'ya.

"Louie! Paano ako matatapos dito kung kinukuhaan mo! Kainis naman to ih!" singhal ko tapos tinawanan lang naman n'ya ko kaya sinamaan ko s'ya ng tingin kaya ung kaninang natatawa n'yang mukha napalitan ng pag aalala.

"I'm just kidding, Loe. Don't cry," saad n'ya at lumapit sa akin at pinunasan ung luha ko. Hindi ko nga napansin na umiiyak na ko.

"Ang kulit mo kasi e. Mamaya nandyan na si Jash. Hindi pa tapos 'to," inis na sabi ko at hinayaang punasan n'ya ung luha ko. "Tapos tinatawanan mo pa ko!"

"Okay, hindi na. What can I do?" tanong n'ya habang hinihimas ung pisngi ako. Ngumuso naman ako.

"Wag mo na lang kuhaan para matapos tayo," saad ko at tumingin sa kan'ya. Ngumiti naman s'ya at tumango.

"Okay," nakangiting sabi n'ya kaya naman tinuloy ko na ung paggawa.

Sakto naman na narinig na namin ung boses nung dalawa, natapos na ung cake at nakapaglinis na din ng mga ginamit. Kaya naman ang Louie, kinuha ung lighter at sinindihan ang candle at sabay na lumabas sa kitchen.

Nung nakita kami ni Jash agad nagliwanag ung mga mata n'ya sa tuwa.

"Blow! Blow! Blow!" sigaw naman ni Lev kaya natawa kami lahat. Kinuha naman ni Louie si Lev sa yaya n'ya.

"No, Lev. Kuya Ja is the one who will blow first. It's Kuya Ja birthday," saad n'ya kay Lev kaya naman sumimangot ung isa.

"Sing ka na lang kay Kuya ng Happy Birthday then after I blow, you will also blow," pagpapagaan ng loob ni Jash sa kapatid n'ya kaya biglang ngumiti ulit si Lev.

"Okay. Let's sing," saad ko at kinantahan nami si Jash ng Birthday song. And he close his eyes and wish. I guess?

"What did you wish?" tanong ko at ngumiti.

"I wish to have a baby sister, Mama," masiglang sabi n'ya na puno ng pag asa. . Gwapo talaga ng batang to. Dahil naman sa sinabi n'ya nagtinginan kami ni Louie at nagngitian.

When he blows the candle. Louie and I tell him the good news we have.

"Mama is pregnant," sabay naming sabi ng Papa n'ya kaya nanlalaking ang matang nagpalipat lipat samin. Tapos umiyak... Kaya pareho kaming nag alala.

"What's wrong? I thought you want to have a baby?" tanong ko sa kan'ya nang malapag ko ung cake at nilapitan s'ya.

"I want it, Mama. I'm crying kasi I always pray to have a baby sister or brother. And He answered my prayer! I'm happy!" naiiyak na sabi n'ya tapos yumakap sa akin. 'Di ko din mapigilang hindi maiyak kasi naman... Jash is always sweet, mula noon hanggang ngayon.

"Aww... You always pray pala.. kaya pala binigyan tayo nila Papa ng baby eh," naluluhang nakangiting sabi ko. Lumapit na din samin sila Louie at Lev na nagpabuhat sa akin.

"Thank You, Bud. For always praying. You really a great Kuya ever," saad naman ng Papa n'ya nahinalikan s'ya sa ulo.

Maasahan si Jash pagdating kay Lev. Pagwala s'yang ginagawa, he always with Lev, nakikipaglaro.

"Kuya! Kuya! Blow!" singhal naman ni Lev at umarte pang nagboblow s'ya. Nung nakita yun ni Jash napatawa s'ya. Nakitawa na din kaming mag asawa.

"Thank you, Mama. You are the best Mama in the world. I'm happy that I'm your son," saad n'ya and yumakap ulit sabay kiss sa tyan ko. "I love you, baby... Love ka ni Kuya Jash at Kuya Lev," saad n'ya kaya nakangiti lang kami sa kan'ya.

After ng yakapan naming apat. Kinain din namin ung cake. Maliit lang naman. Kasabay na din namin kumain ung dalawang helper at ung yaya ni Lev. Mamaya magboblow ulit si Jash ng candle n'ya dahil alam kong hindi papayag ang mga lola at lolo na hindi sila kasama sa pagblow ng candle.

Ngayon nasa playpen silang dalawa ni Lev at naglalaro. Sakto nga at walang pasok ngayon kaya makakapag enjoy si Jash.

Kung magtataka kayo bakit walang children's party na nagaganap, yun ay dahil ayaw ni Jash ng ganun. Nasanay nga kasi s'ya sa korea na kami lang nila Papa ang kasama n'ya at dinner, movie hang out lang ang ginagawa.

Nagpaalam na lang muna ako sa kanila na matutulog dahil wala pa talaga akong tulog dahil galing mga ako ng duty ko.

Nakatulog agad ako paghiga ko ng kama namin at hapon na ng nagising ako. Kung hindi pa ata ako ginising ni Louie. Sorry na! Masarap matulog.

"It's already 5pm. Dinner ka na kumain," saad n'ya nang tanungin ko kung anong oras na.

"Gosh! Totoo ba? Sino nang nandyan?" tanong ko sa kan'ya nang makaupo ako at nag inat.

"nandyan na sila Mommy at Papa. Sila Gelo din pala tas si Kiefer. Ang dalawang pamilya na lang ang wala," saad n'ya habang inaayos ung buhok ko.

"Ligo lang ako. Tas baba na din," nakangusong sabi ko sa kan'ya kaya nakatanggap ako ng halik sa labi.

"Go, I already prepared your warm water," nakangiting sabi niya kaya napangiti na din ako.

"Aww... Thank you, they always say na sa akin nakuha ni Jash ung pagiging sweet hindi nila alam sayo yun," saad ko na lang.

"Only to the people I love," saad n'ya tapos ginulo ang buhok ko. "Sige na. Maligo ka na. Hintayin kita sa baba."

Tinanguan ko lang naman s'ya, 'ska na naglakad papasok at nakita ko ung tub punong puno ng bula at mainit ang tubig. Ang sarap magbabad.

After kong magbabad sa bathtub, nagbanlaw at nagbihis na ko tapos bumaba na. Nakita ko sila Papa na nag uusap sa mga business. About dyan sa business na yan. Iba ang hahawak n'yan pag nagretire na si Papa. Pero may shares pa din kaming makukuha. Ayaw ipilit samin ni Papa yun dahil pareho kaming may propesyon ni Kuya.

Lumapit na ko kila Papa at bumati. Ganun din kila Kuya tapos lumapit na ko kila Leah para makipag kwentuhan. Ung mga bata nando'n daw sa play house at naglalaro. Pero nakita ko sila Nalia, Jash at Lance na magkakasama at may sariling mundo ung tatlo.

'Di naman nagtagal at sinabi nung helper na nakahanda na ang pagkain kaya sabay sabay na din kaming nagpunta ng dining. Alam nyo ba?! Ung table namin. Humahaba to! Ewan ko kung paano basta humahaba to. Share ko lang. Baka kasi nagtataka kayo na bakit ang dami namin at kung kas'ya pa ba kami sa table.

Tuloy lang ang kwentuhan habang nakain. May mga usapang napupunta sa kasal, sa trabaho, business tapos napunta sa pagkakaroon ng anak.

"Ilang buwan na ulit ang tyan mo, Leah?" tanong ni Papa kay Leah na katabi ang asawa n'yang si Kuya Liam.

"9 na po. Kabwanan ko na din po. Next next week po ang due date ko," saad n'ya nung nakita n'yang mukhang nag alala sila papa

"Ow... Goodluck sa paglabas ng bata. Nakadalawa na si Liam pati si Van. Si Louie nakatatlo na, si Gelo naka isa," saad ni Daddy sabay tingin kay Kuya Kiefer. "Si Kiefer? Hay.. baka maunahan ka pa ni Louis n'yan," pang aasar n'ya kay Kuya Kiefer.

Nagtawanan lang naman kami. Si Kuya Kie naman nakikipag sabayan do'n sa mga oldies. Gusto ko sana icorrect ung 'si Louie nakatatlo na' hindi po s'ya nakatatlo. Nakaapat na po. Kaso Jash wanted to announce that e. So s'ya nag magsasabi sa aming mga bisita.

'Di naman nga nagtagal at ipinalabas na ni Mommy ung cake na dala nila for Jash. Kaya si Lev na buhat ng Lolo Marcus n'ya. Ngumiti bigla at nagsisigaw na naman. See! Kaugali ng tatay nasa loob ang kulo.

"Okay! Make a wish," saad ni Mommy. Tinignan naman kami ni Jash at ngumiti nang malapad. Tapos pumikit then he blow his second candle.

"What did you wish for, Apo?" tanong ni Papa. Chismoso to si Papa! Joke!

"Ahm.. Maging safe po si Mama habang pinapalaki ung baby sister namin ni Lev sa tyan n'ya," saad n'ya kaya natawa kami pareho ni Louie. Ang sweet pero ang cute.

Sila Papa naman gulat na gulat sa sinabi ni Jash at tinignan kami pareho.

Nakayakap lang ako sa gilid ni Louie habang tinatawanan ung reaksyon nila.

"Buntis ka, Jav?" basag ni Kuya Kie sa katahimikan nila. Tumango lang ako na nakangiti. "Ptcha! Nakaapat ka na Louie! Teka nga at maghahanap na ko ng babae! Baka sakaling mahabol kita! Ang bilis ang hayop!" histerikal n'ya kaya ung gulat nila Kuya napalitan ng tawa.

"Bagal mo kasi! Naturingan matinik sa chiks noon, wala pa rin niisa ngayon. Tsk!" sagot naman ni Louie. Nakaramdam naman kami ng presens'ya sa gitna namin at nakita namin si Jash na nakayakap samin ni Louie. "Ganda ng pakakaannounce mo, Anak," bati n'ya kay Jash at ginulo ung buhok.

Agad naman akong nilapitan nila Papa, Daddy at Mommy tapos nagtanong kung kumusta at kung bakapagpacheck up na ko. Sinagot ko namang lahat kaya mas tuwang tuwa sila at gusto din nila ng Baby girl.

Nagkakasiyahan pa kami about sa pagbubuntis ko nang biglang sumigaw si Leah. Kaya nabaling ung atensyon namin sa kan'ya.

"Ahh!" sigaw n'ya at mukha s'yang nahihirapan. "Ung panubigan ko... Pumutok na ata," pagkasabi n'ya nun agad akong napatakbo sa kan'ya at oo nga! Pumutok na ung panubigan n'ya.

Nataranta lahat ng nasa paligid namin kahit si Kuya Liam ng biglang sumigaw ulit si Leah.

"Ang sakit... Javi... Nararamdan ko na s'ya," saad n'ya kaya napamura ako bigla.

"Shit! Kuya Liam. Buhatin mo si Leah! Dalhin mo dyan sa kwarto sa kaliwa. Dito na natin ipaanak yan. Kesa sa daan," saad ko at lumakad papasok. "Love. Un-" naudlot ung sasabihin ko ng sumulpot s'yang dala ung medical tools ko. Napangiti na lang ako. "Thank you," ngiti na lang din s'ya

"Ano pang need?" tanong n'ya.

"Damit at pranela. Alcohol, mainit na tubig... Diaper ng baby. New born," saad ko at nag madaling pumasok sa kwarto.

Nakita ko do'n si Leah at hirap na hirap.

"Leah, surgeon ako at hindi OB pero may alam naman ako dito. Wag kang iiri ng may tunog mas mahihirapan ka," saad ko habang naglalagay ng gloves. nando'n na din lahat ng kailangan ko. Mainit na tubig at alcohol. "Okay. Leah. Start na tayo."

Saglit lang ang itinagal at nakalabas na ung baby girl nila. Pati ako napagod. Nakatawag na din sa emergency team kanina kaya papunta na yun.

Agad na kinuha si Leah nang dumating ang ambulansya. Nagbilin lang ako para sa pusod. Tumango naman sila. Kasama sa loob ng ambulansya si Kuya Liam at Kuya Kiefer.

Medyo nakakakaba ung pagpapaanak. Mas matindi pa naman ung ginagawa ko do'n at naranasan ko na ding manganak pero iba pala pag actual na nagpapaanak. I hope Leah is fine and her baby.

-------------