Chapter 36

Javi's POV

Humahagulgol ako nang iyak habang dahan dahan na lumalapit sa hospital bed na nirerevive. Louie naman bakit naman iniwan mo kami agad. Iiyak na sana ako ulit nang biglang tapikin ni Kai ung balikat ko.

"Doc, kilala nyo po ba ung nirerevive?" tanong n'ya sa akin kaya tinignan ko s'ya nang masama.

"Asawa ko yung nirerevive diba?! Ano ba Kai!" inis na sabi ko. Tapos bumalik ulit ung atensyon ko do'n sa hospital bed.

"Ha? Eh ayun si Engineer," saad n'ya kaya mas tumingin ako sa kan'ya nang masama tapos tumingin do'n sa tinuturo n'ya.

At mukha akong tanga! Dahil nakikita ko ung asawa ko na natatawa kasama si Nurse Joy at Val na natatawa din.

Tinignan ko naman ulit si Kai nang masama habang nagpupunas ng luha. "Bakit hindi mo agad sinabi?! Kai naman eh! Mukha akong tanga!" saad ko at hinampas pa s'ya.

"Bigla ka kasing tumakbo dito. Hindi ko naman alam na yun ung akala mo," natatawang sabi n'ya habang sinasalag ung hampas ko.

"Ewan ko sayo," saad ko tapos nag lakad papalapit kay Louie. Nakita ko na may mga galos din s'ya at may arm sling sa kanan n'yang braso.

"Sinong iniiyakan ko do'n, love?" tanong n'ya sa akin ng makalapit na ko. Inirapan ko naman s'ya! Aasarin pa ko!

"Sira ulo ka! Akala ko iniwan mo na kami nila Jash," saad ko at yumakap na umiiyak sa kan'ya.

"Hey! I won't do that," saad n'ya at hinimas ung buhok ko gamit ung kaliwa n'yang kamay.

"Sabi kasi ni Val may tatlong engineer na napuruhan! Akala ko kasama ka," saad ko at humiwalay sa kan'ya tapos tumingin kay Val.

"Meron naman talaga pero hindi ko naman sinabi na si Louie yun," saad n'ya at nagkamot. "Akala ko malapit kayo nung nirerevive, Jav," saad pa n'ya. Sinamaan ko lang s'ya ng tingin ulit.

Mukha akong tanga do'n! Kainis talaga. Tapos humarap ulit ako kay Louie.

"Ayos ka lang naman? Eto lang ang masakit sayo? San ka tinamaan?" tanong ko sa kan'ya.

"Ayos lang ako. Sayo lang naman lang naman ako tinamaan nang matindi," saad n'ya at kumindat sa akin. Natawa na lang sila Val sa sinabi n'ya.

"Hambalusin ko kaya tong braso mo 'no?! May bali 'to?" tanong ko pa din. Habang chinecheck yun.

"Na'xray na yan para malaman kung may bali pero sa palagay ko wala naman pero masakit," saad n'ya at tinignan ung arm sling n'ya. "Isesemento daw pag may nakitang bali. Sa ngayon benda at arm sling muna. Mamaya maya lalabas din ung result kaya dito muna ako," saad n'ya at hinimas ung pisngi ko na may luha.

"Akala ko talaga kung anong nangyari sayo. Natawagan mo na sila Daddy about dito?" tanong ko sa kan'ya. Umalis na din sila Val at Joy dahil titignan daw nila ung ibang pasyente.

"Natawagan na si Dad kanina baka papunta na yun," saad n'ya at humilig ung ulo sa unan.

"Okay, magpahinga ka muna. Ipalipat na kita ng kwarto... May inaantay pa tayong result kaya magpaadmit ka!" singhal ko at pinanlakihan s'ya ng mata.

"Opo na," saad n'ya. Tapos pumikit, mamaya ko na tatanungin kung anong nangyari bakit biglang may nagbagsakan.

"Love, tignan ko lang ung ibang pasyente ah. Palipat na din kita," saad ko, dumilat naman s'ya at tumango sa akin tapos pumikit ulit. Inayos ko lang ung kumot n'ya tapos sinara ung curtain.

Pumunta muna ako sa admission para sabihin ipapaadmit ko ung asawa ko. Tapos pumunta na sa ibang pasyente. Ung nag 50/50 kanina, narevive at inoobserve ulit. Ung tatlong engineer na napuruhan, under observation din.

"Dr. Fernandez, ililipat na po namin si Mr. Fernandez sa katabi pong room ni Mr. Manliquez," saad nung nurse kaya tumango ako at sinundan sila.

"Love, gising. Lipat ka na ng kwarto," gising ko sa kan'ya. Nagdilat naman s'ya at humawak sa ulo n'ya. "Masakit ulo mo? Natamaan ba to?" tanong ko.

"No, biglang gising lang. But I'm okay, baby," nakangiting sabi n'ya. Kaya ngumiti na din ako. Sakto naman na inaayos ung paglipat n'ya dumating sila Mommy, Daddy at Louis.

"Louie! Are you okay?" nagmamadaling tanong ni Mommy tapos humarap sa akin. "Javi, how's Louie?" tanong n'ya sa akin.

"He's okay, Mom. Inaantay lang po ung result ng xray sa braso n'ya para makita kung may bali o wala but he's fine. Ipapaadmit ko na din po para makasigurado," saad ko at mukha namang nakahinga s'ya nang maayos.

"Ow Thank God!" singhal n'ya at ngumiti. "Sasama na kami maghatid sayo, ijo... Your Kuya? Is he okay?" tanong n'ya sa akin.

"Opo, magkatabi lang po ung kwarto nilang dalawa pwede nyo pong dalawin, nando'n din po ung dalawang makulit," nakangiting sabi ko tapos humarap do'n sa nurse. "Sige na. Dalhin nyo na s'ya sa room," saad ko at ngumiti sa asawa ko. "Punta ko do'n after ko dito. Love you."

"I love you too," sagot n'ya tapos umalis na sila. Naiwan do'n si Daddy dahil chineck n'ya ung mga tauhan nila na nasugatan.

"Dad," tawag ko kaya tumingin s'ya sa akin at lumapit. "May 4 pong under observation dahil po kanina may nag 50/50. The rest po, sugat at bali po. At pwede nang lumabas," inform ko sa kan'ya.

"Hay! Hindi ko alam kung anong nangyari pati si Louie muntikan na. Tinanung ko kanina ung mga tao do'n, mukhang aksidente ang nangyari at lahat hindi inaasahan," saad n'ya. Tumango na lang ako at sumabay na sa kan'ya sa pagpunta sa room ni Louie. Force leave pa din naman ako kaya hindi ako required na pumunta do'n, kanina lang dahil sa code blue.

Pagdating namin do'n. nando'n na ung dalawa at kinukulit ung papa nila. nando'n din sila Kuya Van pati si Papa.

"Sinong nasa kabila, Pa?" tanong ko habang hinuhubad ung gown na suot ko.

"Si Alice at Lance, ang bantay ng Kuya mo," sagot n'ya sa akin saglit tapos nakipag kwentuhan na kay Daddy.

'Di naman magtagal sila Mommy do'n sa hospital at umuwi din dahil may mga aasikasuhin about sa nangyari. Sila Papa naman umuwi muna kasama sila Lev. Bali ako, sila Kuya Kiefer ang kasama ko.

Habang ikinukwento ni Louie ang nangyari sa site nila pumasok ung ortho na tumingin sa braso n'ya.

"Mr. Fernandez. Ay! Hi Javi, husband mo?" tanong ni Tony kaya tumango akong nakangiti. "Oww... Anyway.. kailangan icast ung braso n'ya because we saw crack sa bone in his arm. Hindi madadala sa benda and once na magbuhat s'ya ng mabigat or malimutan n'yang bawal pala sa magbuhat may tendency na mabali," saad n'ya

"kailan gagawin ung cast, Tons? As soon as possible ba pwede?" tanong ko sa kan'ya.

"Yep! Actually pwede na s'yang ischedule for casting mamaya," saad nito at chineck ung braso ni Louie.

"Sa clinic mo ba?" tanong ko sa kan'ya. Tumingin naman s'ya sa akin at ngumiting tumatango.

"Yep! Tawagan mo ko kung anong oras kayo pupunta. Para mapahanda ko ung gagamitin," saad n'ya

"Sureness! Thank you," saad ko.

Nagpaalam naman na s'ya kaya kami na lang ulit. Nagpaalam naman ung tatlo na babalik na lang at uuwi muna dahil nga naman kanina pa sila dito. Pag alis nung tatlo kaming dalawa na lang na mag asawa.

Tumabi ako sa kan'ya pahiga. Kas'ya kami kaya naging magkatabi kami. Sa kaliwa ako humiga dahil sa braso n'ya. Sabihin ko na nga ung balita ko.

"Love," tawag ko sa kan'ya. Tumingin naman s'ya sa akin.

"Hm? Bakit? Okay ka lang?" tanong n'ya. Tumango naman ako at kinagat ung ibabang labi ko.

"Ahm... May sasabihin kasi ako. Dapat paglabas na ni Kuya kaso... Gusto ko sabihin sayo," saad ko tapos tumingin sa kan'ya.

"Ano ba un? Na buntis ka," saad n'ya kaya nagsalubong bigla ung kilay ko. s'ya naman natawa. "Love. I know you and I have a copy of your monthly visit," dagdag n'ya pa.

"Teka! Andaya!" singhal ko tapos ngumuso na lang.

"Katulad ng sabi ko, you're being too sensitive nitong mga nakaraan. That's why I keep on asking you if you're pregnant because I knew it already and I saw your pt results sa trash bin ng bathroom natin," paliwanag n'ya ulit kaya mas ngumuso ako. "Hey. Don't be upset," saad n'ya

"Pero hindi kita nasurprise," saad ko at mas humaba pa ung nguso..

"Nasurprise mo ko. Nung nakita ko ung pt results mo," saad n'ya at parang nag iisip. "Seryoso yun. Nabigla ako nun at napa yes! Kasi another blessing and of course magkakapagstay ka na muna sa bahay. Hindi sa ayokong magdoctor ka, suportado kita do'n. Pero alam ko din na pagod ka na. Kaya makakapag pahinga ka na," paliwanag n'ya sa akin.

Napangiti lang ako at yumakap ng mahigpit sa kan'ya. "'Ska na natin sabihin sa kanila pag okay na si Kuya. Sa celebration na ng birthday ng panganay mo," saad ko.

"Ow yeah! Magbibirthday na pala ang binata natin," saad n'ya.

"Baby ko pa din un! Binata ka dyan!" inis na sabi ko at umupo sa bed n'ya kaya naupo din s'ya.

"Okay fine," sagot n'ya lang tapos hinimas bigla ung tyan ko. "Nakapagpacheck up ka na?" tanong n'ya.

"Hindi pa. Mamaya din ung sched ko," saad ko. Tumango tango naman s'ya.

"After na lang ng casting ko para kasama ako," saad n'ya at humiga na ulit.

"Okay, matulog ka na ulit. Puntahan ko lang si Kuya," saad ko naman at dahan dahang bumaba ng kama habang nakaalalay din si Lou.

"Ingat, baby," saad n'ya nung nakababa na ko. Inayos ko na lang ung kumot n'ya 'ska s'ya hinalikan sa labi.

"I love you. Tulog na, paggising mo punta na tayo kay Tony," saad ko at ngumiti.

"I love you too. Kumain ka na ng lunch mo ah," saad n'ya at pumikit.

Tinignan ko na lang muna s'ya hanggang makatulog. 'Ska ako lumabas at pumunta kay Kuya.

-------------