Chapter 29
Javi's POV
Wala akong sinabi pagkatapos kong marinig yung sinabi ni Kuya. Ayokong magsalita dahil may point s'ya. Mahirap nga naman ang pinagdadaanan ni Louie. Kaibigan n'ya si Kuya at mahal n'ya ko. Nung nalaman n'ya pa may problema kami pareho.
"Jav, Walang kasalanan si Louie, hindi mo dapat sinabi yun," basag n'ya sa katahimikam naming dalawa.
"I didn't mean that Kuya. I didn't want him to get hurt," saad ko at yumuko. Hindi ko naman sadya yun mga sinabi ko. Aminado akong mali, kakasal lang namin tapos may away agad kami.
"You should think before you speak, Javi. Wala pang 24hrs na mag asawa kayo. Ayan nga at nakawedding dress ka pa. Tapos sasabihin mo sa harap ni Louie na kaya mong ihinto yung kasal n'yo na matagal n'yong hinihintay. Na matagal na n'yang pinagplanuhan. Wala pa kayo ni Jash dito, planado na yun. yung bahay na titirhan n'yo gawa na. Matagal n'ya kayong inantay ni Jash na makasama, nung natupad na biglang sasabihin mo na 'i can turn my back, kaya kong ipagpalit tong araw na to.' Jav, you hurt him," saad ni Kuya 'di ako ulit nagsalita dahil pinoproseso ko sa utak ko yung mga sinabi n'ya.
Planado na to? Matagal na n'yang gusto na makasama kami ni Jash? Does it mean na matagal na n'yang alam na may anak kami? Gusto kong itanong pero 'ska na yun.
"I'm sorry. I really didn't mean that. Masama lang naman ang loob ko dahil itinago n'yo sa aking lahat yung sakit mo. Kuya! You saw how I cried when Mama died because of the same condition you have kaya nga ako ng doctor e... Tapos itinago n'yo sa akin.." naiiyak na usal ko.
"Don't say sorry to me. Wala kang ginawang kasalanan sa akin, sa asawa mo ikaw mang hingi ng sorry," mataray na usal n'ya. "I know. I saw it. Kaya nga ayokong ipaalam sa'yo habang nasa state ka pa ng recovering ng mga nangyari sa'yo. Tapos nag exam ka. Ilang beses akong pinilit ni Louie na sabihin sa'yo dahil alam n'yang magagalit ka once na late mo na nalaman pa, he doesn't want you to cry na kung paano ka umiyak kay Mama kaya tinutulungan n'ya ako sa lahat ng aspeto at lahat ng kailangan ko. Sila ni Kiefer ang humahanap ng doctor sa korea para makapagpaopera ako," saad n'ya tapos hinawakan ang kamay ko.
"Magpapaopera ka? But anong sabi ng doctor? Is it's cancerous?" tanong ko dahil naguguluhan na ko.
"Jav, no. Hindi pa cancerous, Eto yung sinabi kay Mama noon. She need to undergo a surgery para maalis at maiwasang maging cancerous but Mom denied it at ayaw na niyang magpaopera kaya bandang huli naging cancerous yung tumor sa utak n'ya," sagot n'ya sa akin. "Ayoko na din sana dahil sinabi ng doctor na 40/60 ang chances. Pwedeng mawala pero babalik at mas malala pa. Pwede naman matanggal at tuluyang mawala. But Louie insisted na kailangan kong magpaopera para sayo dahil alam niyang kahit nandyan na s'ya, kuya pa din ang hanap mo."
"You know, Jav. I'm not always here for you, not because you are not my priority or because sawa na ko. But because I will have my own family who will need me. And you! You have your own family, husband who will prioritize you kahit anong mangyari, anak na mahal na mahal ka. But anything happens, I'm always one call away because you are my sister. Alam kong naiintindihan mo ko, Javielle because you are a smart, intelligent and wonderful woman. Know your priority, Jav," saad n'ya at ngumiti.
"Wag kang magalit kay Louie. Intindihin mo," saad n'ya, tumango lang ako kay Kuya habang iniisip si Louie at umiiyak. "Wag kang mag alala, magpapaopera ako. Hahanapin ko pa yung mag ina ko. ," saad n'ya na nagpagulat sa akin.
"May anak ka?!" saad ko at tumango lang s'ya. "Kailan pa? Kuya! Ang dami mong lihim! Wag mong sabihin na alam din ni Louie to?" usal ko, natawa lang s'ya sa reaksyon ko.
"Ahm. Matanda s'ya kay Jash ng isang taon siguro. Si Alice, nung despedida mo, buntis s'ya nun. Sinabi n'ya sa akin pero hindi pa ko handa akala ko babalik s'ya sa akin at sasabihin panagutan ko s'ya ulit pero hindi, kaya ako ang humabol pero pagkawala mo, s'ya din nawala. Hindi ko alam kung saan ko sila hahanapin, hanggang sa eto na at dinapuan na ko ng sakit kaya hininto ko na muna at kaya din ako magpapaopera para sa kanila. After ng operation, tutuloy ko na paghahanap ko," saad n'ya at ngumiti ng malungkot. "Wag ka ulit magalit kay Louie. Tinutulungan n'ya kong maghanap. Kapalit ng pagtulong ko sa kan'ya," saad n'ya.
Umiling naman ako. Tsk! Ang dami kong hindi alam.
"Kuya! Ano pang hindi ko alam? sabihin mo na para isahang gulat na lang," saad ko sa kan'ya.
"Sige, Louie kneel down to Papa para makita kayong mag ina nung araw na nanganak ka. Hindi mo pa alam na buntis ka, sigurado na s'yang buntis ka. Inayos ni Louie yung sarili n'ya para pag nagkita kayo ulit at naging maayos, makikita ni Papa na deserving s'ya para sayo. Louie always go to Korea para makita at malaman kung okay lang kayong dalawa ni Jash. Nagtatagal s'ya do'n ng week or 2 para masilayan kayong dalawa ni Jash," nakangiting kwento n'ya habang ako gulat sa nalaman ko.
Totoo?! Alam n'ya lahat bakit hindi s'ya nagpakita samin ni Jash?! Bakit hindi n'ya kinuwento!
"Bakit hindi s'ya nagpapakita samin?" tanong ko kay Kuya.
"Dahil yun ang kasunduan nila ni Papa. Makukuha ka lang n'ya kung matatapos mo na yung pag aaral mo," saad n'ya at ginulo ang buhok ko. "Madaming sakripisyo yan si Louie. Kaya hindi mo talaga dapat sinabi yun, Jav," saad n'ya pa.
Napatingin naman ako sa pinto kung saan lumabas yung apat. Mali talaga ako do'n. Hindi ko dapat sinabi un.
"Pero magbihis ka muna bago kayo mag usap. Mukha lang runaway bride. Joke lang!" natatawang saad n'ya.
"Kuya, magpaopera ka ha! Hindi pwedeng hindi. Para sa pamangkin ko! Hindi na para sa akin. Tutulong akong hanapin ang pamangkin ko! Tsk! Nambuntis kasi kayo tapos takot naman pala," saad ko at inirapan s'ya.
Hindi ko alam kung nasaan yung apat pero hindi ako makaalis dahil walang kasama si Kuya. Pero nung dumating si Papa at Daddy na may dalang damit ko, nagpalit na din ako. Aantayin ko yung result ni Kuya then I will call Dr. Jung if he can perform the surgery on Kuya.
Hindi pa din bumabalik sila Louie kaya naman nagpas'ya na kong lumabas at hanapin sila. Nagpunta ako ng parking at nakita ko silang apat. Si Kuya Liam at Kuya Van naninigarilyo samantalang yung dalawa, hindi. Nakatanggal na din yung mga suit nila at mga naka white long sleeve na lang na nakatupi hanggang siko.
"Dalawang oras na ang makalipas. Hindi pa ba tayo babalik do'n?" tanong ni Kuya Kiefer.
"Bumalik na kayo do'n. Baka kailangan kayo do'n. Dito muna ko. Pahuhupain ko muna yung sama ng loob ng asawa ko," saad ni Louie kaya nalungkot naman ako bigla.
"Huhupa din yun. Kilala naman natin si Javi. Nabigla lang din yun. Sumama ka na samin. Nando'n na din daw sila Tito Marcus at Tito Jerome," saad ni Kuya Liam na inapakan yung sigarilyo n'ya.
Wala namang ulit magsalita sa kanilang apat.
"May nahanap na ba kayong Doctor para sa operation ni Gelo?" tanong ni Kuya Van.
"Wala pa nga e," saad ni Kuya Kiefer. Tapos tumingala. "Ang hirap mag hanap lalo na at foreign country tayo sa kanila," dagdag n'ya pa.
Totoo yun. Mahihirapan ka talaga kung wala kang kilalang doctor sa ibang bansa.
"Si Javi na lang kaya. Nakapasa naman na s'ya e. Baka pwede na," saad ni Kuya Van. Bigla naman silang nagkatinginan at alam kong lahat sila sasang ayon kaya sumabat na ko.
"Hindi pa ko pwede dahil wala pa kong lisens'ya. Nakapasa pa lang ako pero wala pa kong oath taking at wala pang license na hawak," saad ko kaya lahat sila napatingin sa akin. Ngumiti naman ako. "Sorry sa mga nasabi ko. Gulat lang ako sa nalaman ko. But I didn't mean that," deretsong usal ko at nakatingin kay Louie na nakatingin sa akin.
"It's okay. Naiintindihan ko naman," saad n'ya at ngumiti ng malungkot. "I'm sorry. If I hide it to you," saad n'ya.
"Okay na yun," saad ko at lumapit sa kan'ya para yakapin s'ya. Malugod naman niya akong tinanggap para mayakap din. "Sorry, may pag uusapan pa tayo ah. Marami kang sekreto sa akin pero hindi ako galit," bulong ko sa kan'ya.
Natawa lang s'ya at naramdaman kong hinahalikan n'ya yung ulo ko. Tumingin naman ako sa kan'ya kaya napadikit yung labi n'ya sa labi ko.
"I love you," saad ko ng maghiwalay yung labi namin.
"I love you more," saad n'ya at nakarinig naman kami ng ubo at parinig kaya nagbitaw na kami.
"Anyway! About sa Doctor na titingin kay Kuya or gagawa ng surgery. I'll try to contact my senior doctor and my professor if they can do the surgery. Since do'n naman ako nag intern. Inaantay ko lang yung result ng MRI ni Kuya tapos isesend ko yun kay Dr. Jung," saad ko sa kanila
"Oo nga ano! Bakit hindi ka namin na isip agad?! Ikaw pala ang may contact sa mga doctor sa Korea!" saad ni Kuya Kiefer.
"Kayo kasi eh... Wala kayong tiwala sa akin.. " biro ko sa kanila kaya nakaramdam naman ako ng kagat sa tenga ko.
"Sorry na," malambing na usal n'ya pagkatapos n'ya kong kagatin.
"Joke lang yun pero totoo yun kokontakin ko sina Dr. Jung at Yoo San para sa operation ni Kuya," saad ko.
"Sige sige. Update us if anong sagot nila, Javi ah. Wag ka na mag alala sa gagastusin. Kami na bahala! Wag ng mahiya!" saad ni Kuya Kiefer.
"Opo, may isa pa!" Pasigaw na usal ko. "Kailan n'yo pa alam na may anak si Kuya?" tanong ko sa kanila.
"Sinabi na n'ya sayo?" tanong ni Louie na nakayakap pa din sa akin.
"Oo at marami pa siyang sinabi pero sa iba na yun. Gusto ko malaman yung about sa pamangkin ko," saad ko at humiwalay kay Louie at tinignan s'ya.
"Last year ko lang nalaman nung nalaman kong may sakit s'ya. Sinabi niya na gusto n'ya mahap yung mag ina n'ya para makabawi," saad ni Louie.
"Alam na namin una pa lang. nung umamin si Alice sa kanya na buntis to nando'n kami. Wala si Louie nun kasi umuwi na s'ya," saad ni Kuya Liam. Tumango tango lang ako sa kanila.
"Saan kaya natin sila pwedeng mahanap?" tanong ko pero nagkibit balikat lang sila.
"Hinanap na namin sa mga kaibigan n'ya pero wala. Hindi nila alam. Nagpakalayo layo daw nung nabuntis," saad ni Kuya Van.
"Tsk! Si Kuya kasi galaw nang galaw tapos pag nabuntis biglang hindi handa," saad ko na naiinis. Nasabi ko naman kay Kuya yan kaya okay lang kung isumbong nila ako pero nakarinig ako ng tawa sa kanila. "Kayo! Wag kayong gagalaw ng babae kung hindi n'yo sure na papanagutan n'yo pagnabuntis!" sermon ko sa kanila.
"Pinanagutan ka naman ni Louie ah! Bakit ba nagagalit ka? Pero sige. Hindi namin gagawin un," saad ni Kuya Kiefer. Inirapan ko lang naman s'ya tapos niyaya na silang pumasok sa loob ng hospital. Sumunod naman sila at sabay sabay na din kaming pumasok sa kwarto ni Kuya.
Lumapit lang yung apat kay Kuya at mag usap usap sila dyung lima, tapos ako naupo sa couch dahil napapagod ako.
"Pa, si Jash po?" tanong ko kay Papa na katabi ko lang.
"Nasa Mommy mo. do'n muna matutulog sa bahay nila Louie," tugon n'ya kaya tumango na lang ako. Tapos tingin do'n sa limang nag uusap usap. Tss! Mga masekreto!
Lumipas ang dalawang araw, nakauwi na din kami. Kinabukasan may flight kami pa Korea. Dr. Jung agreed to do the surgery. Kaya sobrang saya namin nung sinabi n'ya yun.
I will be one of his assistant like before. Pwede namam yun basta requested ng Surgeon mismo.
"Javi, ako na dyan. Asikasuhin mo naman un asawa mo," saad ni Kuya dahil inaayos ko yung gamit n'ya. "Kakakasal n'yo pa lang tapos wala man lang kayong loving loving. Sorry," saad n'ya kaya natawa ako.
"Naiintindihan naman ni Louie yun, Kuya," saad ni at ipinagpatuloy ang pag aayos ng damit n'ya sa maleta.
"Kahit na! Ako na dyan. do'n ka na. Simpleng bagay lang naman yan," saad n'ya tapos tinulak pa ko. "Dali! habang nakay Papa si Jash."
"Tsk! Tawagin mo ko pag may masakit sayo," saad ko na lang tapos lumabas na.
I check Jash kung tulog na, nung nakita kong tulog na 'ska ako pumasok ng kwarto namin.
Pagpasok ko nakita ko yung asawa ko na kakalabas lang ng shower room. Bango naman!
"Tapos mo nang ayusin yung gamit ni Gelo?" tanong n'ya, nang makalapit ako at yumakap sa kanya.
"Oom," tugon ko tapos sumiksik sa dibdib n'ya. Maayos naman na yung gamit namin kaya wala nang gagawin.
"shower ka na, love. Tapos pahinga na tayo," saad n'ya at yumakap sa akin.
Tinignan ko naman s'ya sa mata at ngumiti, baka pwede naman 'di ba? kahit isa lang, simula nga nung nangyari kay Kuya hindi na kami nakapag loving moment nitong asawa ko.
"Samahan mo ko magshower," saad ko. Nahalata ko naman na natigilan s'ya kaya hindi na ko nag atubiling tumingkayad para maidikit yung labi ko sa labi n'ya.
------------