Chapter 28
Javi's POV
Today is the day we've been waiting for. The wedding.
"Kuya, kinakabahan ako," saad ko. Nandito pa kami nila Kuya sa bahay at inaayos yung damit ko.
Garden wedding is the theme of our wedding. Isa din to sa inaasikaso namin 3 months bago yung exam ko. I'm helping Louie about this, nagsabi pa ko sa kan'ya na kahit sa west lang muna dahil wala pa naman akong maiaambag but he insisted na ituloy yung balak namin noon na garden wedding and he doesn't care kunng may share ako o wala dahil s'ya daw ang lalaki at s'ya ang gagastos. So wala na kong magawa.
"Relax lang, Anak. Ang ganda ganda mo," saad ni Papa dahil si Kuya tinawanan lang ako.
"Oo nga, Javi! Ganda ganda mo oh! Relax lang," saad ni Kuya nang makarecover na s'ya sa pagtawa n'ya sa akin.
Nakakakaba kaya! Akala n'ya. Nag usap lang kami saglit bago umalis ng bahay. Kasama ko sa kotse si Jash at hawak hawak n'ya yung kamay ko. Tinignan ko yung itsura n'ya at natutuwa ako kasi nakangiti s'ya.
"Are you happy, baby?" tanong ko sa kan'ya. Tumingin naman s'ya sa akin at tumango.
"Yes, Mama. Finally we are complete!" saad n'ya kaya hinawakan ko yung kamay n'ya nang mahigpit.
Nakarating kami sa venue at do'n na ako mas kinabahan. Wala naman mas'yadong bisita. Mga Kaibigan ko lang nung college ako, ninong at ninang na pinili namin at syempre pamilya namin.
Pinababa na ko nang mag uumpisa na yung ceremony. Naglakad ako sa likod ng entourages namin. Nung nakitang handa na ako, do'n na nag umpisang maglakad yung nasa unahan ko. Nang maubos na do'n ko na nakita yung lalaking makakasama ko sa buhay at ang mahal ko. Ang tatay ni Jash na matagal naming inantay pareho, yung inakala kong hindi na namin makakasama ni Jash pero eto at nag hihintay sa akin para makipagpalitan ng 'I do'.
Nasa gitna sila Kuya, Papa at Jash. Silang tatlo ang maghahatid sa akin kay Louie. Mas'yado akong protektado ng tatlong to.
Pagdating namin sa harap, niyakap ako nila Papa at Kuya.
"May pamilya ka na! Pero nandito pa din si Kuya, okay?" usal n'ya kay tumango ako at ngumiti
After namin ni Kuya, hinawakan ni Jash ang kamay ko at iniabot sa Papa n'ya.
"Papa! Eto na si Mama," saad n'ya na nakangiti at inabot naman yun ni Louie.
"Salamat, baby," saad ni Louie sabay tingin sa akin tapos kila papa.
Nagpunta na kami ng harap at nag umpisa ang ceremony. We both exchange our I do's and saying our vows. While I'm saying my vows I got distracted because of Louie. Hindi s'ya nakatingin sa akin kun'di kila Kuya kaya nilingon ko din si Kuya pero pinigilan ako ni Louie.
"Just look at me, please.." nakangiting usal n'ya pero parang nakikiusap kaya ginawa ko.
Hanggang umabot kami ng 'you may now kiss the bride' iba yung pakiramdam ko. After that kiss, bumulong ako kay Louie.
"Why are you staring at Kuya Gelo?" tanong ko sa kan'ya. Ngumiti muna s'ya bago umiling. Pero ramdam ko sa ngiti na yun may tinatago at ayaw sabihin. Napatingin ako kay Kuya at nakangiti din s'ya sa akin.
Gusto kong ipawalang sabahala ko na lang pero sa nakikita ko kay Kuya may iba. Huminga muna ko nang malalim bago sagutin din yung ngiti ni Kuya.
Nagtuloy kami sa reception at nagsaya, kumain, nagtoss ng flower at iba pa pero hindi pa din mawala sa isip ko yung tingin ni Louie kay Kuya, he looks so bother and nag aalala.
"Hey! Kanina pa kita napapansin, tahimik. Pangiti ngiti ka lang," bati sa akin ni Kuya Liam nang lumapit s'ya sa akin dahil nasa table nila Kuya si Louie pero si Kuya Liam ang nagpunta sa akin dahil kanina kasi kasama ko yung mga college friend ko.
"Wala naman, Kuya. I'm just tired," saad ko at ngumiti.
"Kilala ko yan ngiti na yan. There's something bothering you. Tama? Talk to your husband. Dapat masaya ka," saad n'ya habang nakatingin sa akin.
"Masaya ako, Kuya. Sobra! Masayang masaya ako," saad ko dahil yun naman yung totoo. Masaya talaga ako pero hindi ko maexpress dahil may bumabagabag sa akin but I'm happy. To be with the man I love is the most happiest moment in my life.
"Alam ko naman. But there's bothering you, right?" paninigurado n'ya sa akin kaya tumango ako. Magsasalita sana s'ya nang pareho kaming napalingon sa table kung saan nando'n sila Kuya, Louie, Kuya Van at Kuya Kiefer.
"F*ck! Gelo! Wake up!" sigaw ni Louie ng biglang natumba si Kuya Gelo kaya kahit nakaheels ako sabay kaming tumakbo ni Kuya Liam.
"What happened?" tanong ko at agad na tinignan si Kuya.
I check his pulse rate and his eyes. Then I look at Louie.
"We need to go to the hospital!" madiing usal ko. "Louie!" sigaw ko sa kan'ya dahil nakatingin lang s'ya sa akin. Agad naman nilang binuhat si Kuya at nagmadaling pumunta sa kotse. Nag paiwan sila Papa at Daddy para magpaliwanag sa mga guest.
Habang nasa kotse, I keep on checking Kuya's pulse rate. Hindi dapat ako mataranta dahil yun ang turo samin at yun ang dapat kong gawin kahit alam kong tumutulo na yung luha ko dahil kuya ko ang walang malay at hindi ko alam ang nangyayari.
"Kuya, wake up!" naiiyak na usal ko habang nakahawak sa pulso n'ya.
Walang nagsasalita sa apat na kasama ko pero ramdam kong nakahawak sa bewang ko si Louie kaya tumingin ako sa kan'ya.
"Anong nangyari, Lou?" tanong ko sa kan'ya tinignan n'ya lang ako nang malungkot at magsasalita sana pero nauna si Kuya Van.
"Nandito na tayo, Jav," saad n'ya kaya napatingin ako sa labas at nasa labas na kami ng ER kaya agad na lumabas si Louie para tumawag sa loob pagbalik n'ya may mga nurse at doctor nang kasama at inilagay si Kuya sa stretcher, ipinasok na s'ya sa loob kaya sumunod kami.
Chineck si Kuya at may isang doctor do'n na may pinapacheck about sa brain n'ya. Neurosurgeon ako kaya alam ko ang tinutukoy n'ya.
"Wait! Bakit kailangan ni Kuya ng MRI?" tanong ko sabay tingin kila Kuya Kiefer na tahimik lang na nakikinig.
"Kailangan nating icheck yung brain n'ya because of his tumor. Mukhang hindi umeeffect sa kan'ya yung gamot na ibinigay ko sa kan'ya," saad nito kaya mas lalo akong nagulat.
"What?! Are you telling me that my brother has a tumor? Kailan pa?" tanong ko at humarap kila Louie. "Kailan pa?! Alam n'yo?!" tanong ko sa kanila pero nakatingin lang sila sa akin.
"Loe, please... Mamaya na natin pag usapan 'to," saad ni Louie sabay harap sa doctor. "Do what you need to do. Thank you," saad n'ya kaya tumango yung doctor at chineck na si Kuya.
Nong nakaalis na yung doctor para itest si Kuya. Naglakad ako palabas at alam kong nakasunod si Louie sa akin. Nung nasa parking na kami do'n ko s'ya hinarap.
"Alam n'yo?! Kailan pa?!" inis na tanong ko. Hindi s'ya sumagot at nakatingin lang sa akin. "Ptcha, Louie! Sagutin mo ko! Wag mo lang akong titigan! Kailan pa?!" inis na usal ko habang may luhang lumalandas sa pisngi ko.
"Last year. That was June. Nag punta ako sa bahay n'yo at naabutan ko s'yang sumisigaw sa sakit ng ulo at parang may hinahanap. Nuung nahimas-masan na s'ya dahil nakainum na s'ya ng gamot do'n n'ya sinabi sa akin lahat lahat. About sa sakit n'ya, about sa status nun. About sa pagpapacheck up n'ya, about sa lahat tungkol sa sakit n'ya," sagot n'ya.
Napahilamos naman ako ng mukha bigla dahil sa sinabi n'ya. Alam n'ya lahat! Alam n'ya yung tungkol kay Kuya pero hindi n'ya sinabi!
"All this time you know about his condition but you didn't bother to tell me? Kaya ba ganun na lang ang tingin mo kanina kay Kuya Gelo dahil sinasakitan s'ya ng ulo," malamig na usal ko sa kan'ya habang tumutulo ang luha.
"Gelo doesn't want me to tell you. And I respect that. Ayaw n'yang malaman mo lalo na at nasa internship ka nun, tapos mag eexam ka. Alam n'yang masstress ka pag nalaman mo. Ayaw n'yang mangyari sayo yun. Kahit gustong gusto kong sabihin sayo pero ayaw n'ya. Ilang beses ko s'yang tinanung pero ang lagi n'yang sagot 'ska na. Ayoko s'yang pangunahan. At oo, kaya ako nakatingin sa kan'ya dahil napansin kong sumasakit ang ulo n'ya," saad n'ya at akmang lalapit sa akin pero humakbang ako palayo.
"Don't! Alam mong si Kuya ang usapan dito kaya dapat sinabi mo sa akin kahit palihim lang, Louie! Kahit na ayaw n'ya sana man lang sinabi mo sa akin! Mawala na lahat sa akin wag lang kayo nila Kuya! Alam mo yan! Hindi ko kakayanin kung may mangyari sa in'yo! Kaya nga ako nagdoctor para sa in'yo! Tapos wala din pala akong magagawa! Dahil nilihim n'yo sa akin!" sigaw ko sa kan'ya. Ayoko man s'yang sigawan, ayoko man s'yang sisihin pero wala na nagagawa ko na, kinakain ma ako ng galit ko.
"Alam ko. Pero Loe, si Gelo a-" pinutol ko yung sasabihin n'ya.
"T*ngina! Inilihim n'yo na nga sa akin na nagkakilala kayo ni Jash pati eto! Pinalampas ko na yun dahil may karapatan ka naman pero etong pagkakasakit ni Kuya! Parang sinabi n'yo na wala akong karapatan na malaman yun! Hindi ba pamilya ang tingin n'yo sa akin?! Kapatid ko yun! Kuya ko yun!" sigaw ko sa kan'ya napapikit lang naman s'ya sa mga sinabi ko.
Sasagot pa sana s'ya pero hindi na n'ya nagawa dahil tinawag kami ni Kuya Liam, gising na daw si Kuya Gelo at hinahanap kami, kaya dali dali akong pumasok at hindi na inantay pa si Louie.
Alam kong mali, pero hindi ko alam. Magulo na ang utak ko. Iniisip ko si Kuya.
Pagpunta namin sa kwarto ni Kuya nakita ko s'yang gising at nakahospital gown na. Patakbo akong lumapit sa kan'ya wala na kong paki kung dress ako at kalat na ang make up ko.
"Kuya!" tawag ko sa kan'ya at yumakap sa kan'ya. "Why you didn't tell me? Bakit tinago mo!" maktol ko sa kan'ya.
"Shh.. wag ka na umiyak. I plan to tell you after ng bakasyon n'yo ni Louie but this happen. I'm sorry, I ruin your wedding, Javi," saad n'ya habang hinihimas yung ulo ko. Bumitaw ako sa kan'ya at tumingin.
"Wala sa akin yun, Kuya. Sana kanina mo pa sinabi na masakit ang ulo mo para nadala ka dito agad. Ceremomy pa lang sumasakit na yung ulo mo sana sinabi mo na," saad ko kay kinunutan naman n'ya ko ng noo.
"What are you saying? It's your day! It's your wedding day and I don't want to ruin it! Kaya ko naman. Special na araw sa in'yo to ni Louie kaya tiniis ko. And I'm okay now," saad n'ya pero hindi ako kumbinsido.
"No! I can turn my back kung sinabi mo agad. Kaya kong ipagpalit tong araw na t-" 'di ko na natuloy yung sasabibin ko nang sumigaw si Kuya sa akin.
"Javielle Lorraine! Are you hearing yourself?!" inis na sigaw ni Kuya sa akin sabay tingin sa likod ko kaya napatingin din ako sa likod ko kung saan nakita ko si Louie na nakayuko at pinaglalaruan yung daliri n'ya. Naramdaman n'ya ata yung mga tingin namin kaya nag angat s'ya ng tingin at ngumiti.
"Labas muna ko," saad n'ya pero ramdam ko yung lungkot at sakit sa boses n'ya kahit nakangiti s'ya hindi rin nakaligtas sa akin yung luhang lumabas sa mata n'ya nang tumayo s'ya.
"Lou, I didn't m-" pinutol n'ya yung sasabibin ko.
"No, It's okay. I understand. Labas na ko," nakangiti pa din usal n'ya at ngayon alam kong hindi na lang ako yung nakakita ng luha n'ya pati sila Kuya. Tuluyan na nga s'yang lumabas at tahimik naman kaming lima.
"Sundan muna namin si Louie. You two also need to talk," saad ni Kuya Liam at tumingin sa akin.
"Sundan namin yun baka kung anong gawin. Sayang ang sakripisyo n'ya. Kakakasal n'yo pa lang eh," saad naman ni Kuya Kiefer at seryoso ding nakatingin sa akin.
"Usap na muna kayong magkapatid," saad ni Kuya Van na seryoso ding nakatingin sa akin. "Jav, sana unawain mo si Louie. Saming apat s'ya ang pinakanahihirapan dahil naiipit s'ya sa in'yong dalawa ni Gelo" dagdag n'ya at tuluyan na nga silang lumabas.
Naiwan kaming dalawang magkapatid na tahimik at hindi nagsasalita. Hindi ko naman sinasadya yung sinabi ko. Sumobra ba ko?
"I don't like the word you said, Javi. Tama si Van, si Louie ang naghihirap dahil ipit s'ya sating dalawa. Gusto n'yang sabihin sayo pero pinipigilan ko lang s'ya. Walang kasalanan si Louie, Jav," saad ni Kuya at hindi man n'ya sabihin pero ramdam kong may inis sa bawat salitang binibitawan n'ya.
----------------