Chapter 26

Louie's POV

Natatawa tawa na lang ako nang nagmamadaling pumasok si Loe pagkaabot ko sa kan'ya ng damit. Ang cute lang talaga ni Lorraine.

Wala naman akong balak sa kan'ya na masama pero kung gusto naman n'ya pwede naman. Joke lang!

Medyo matagal si Loe sa shower, mukhang ayaw lumabas pero nang lumabas s'ya parang ako naman ang ayaw pumasok ng shower dahil she looks so f*cking hot in my clothes. Yare!

"Magshower ka na. Wag mo kong tignan ng gan'yan!" inis na turan n'ya dahil nakatitig lang ako sa kan'ya.

"Sorry, yeah! Shower na ko," saad ko at nagmadali ding pumasok ng shower room. Shit! Nag iinit na naman ako.

Pwede naman na ulit pero ayoko. Malapit na din naman ang kasal namin kaya mag iintay na lang ako.

Nag babad lang ako sa shower at pinahupa yung init ng katawan ko. Dahil kung hindi baka hindi na din ako makapag antay.

Tinapos ko na yung paliligo ko at nagbihis tapos lumabas. Pero paglabas ko ng shower. Wala si Loe. Asan yun? Lumabas na naman siguro.

Lumabas na lang din ako ng kwarto at hinanap s'ya sa baba, baka kasi uminom lang pero pagdating ko ng kitchen nandoon s'ya at kausap si Mommy. Kanina ko pa nararamdaman na gusto siyang kausapin ni Mommy pero nahihiya lang s'ya.

Kanina kasi habang nagdidinner kami nakikita kong nakatitig si Mommy sa kan'ya at parang kumukuha lang ng bwelo.

"Everything was my fault, Javi. From the start, kung hindi lang ako nabaon sa casino, hindi magkakaganito. When I found out that Louie and you have a son. Masayang masaya ako, kasi magiging masaya ang anak ko at ikaw. After what I did, nagpapasalamat ako kasi kayong dalawa pa rin talaga ang magkakatuluyan. I'm really sorry for what happened. Sana mapatawad n'yo ako ni Louie, sana mapatawad mo ko, Javi," rinig kong turan ni Mommy. Naririnig ko lang sila dahil nasa labas lang naman ako ng kitchen.

"Tita, okay na po yun. Nagpaliwanag na po ni Louie at napaliwanag n'yo na din po kanina. Aaminin ko pong nagtampo po ako sa inyo nung nalaman kong isa kayo sa may dahilan pero wala na po yun. Wag po kayong mag alala, I'll talk to Louie about sa pagtatampo n'ya. Sapat na po siguro ang 5 taon na pagtrato n'ya sa inyo ng malamig, lalo na din po at okay na din naman kami. Nangyari na din po yun kaya hindi na dapat balikan," rinig ko namang turan ni Loe.

Alam ko naman na sobra na yung 5 years na pagiging malamig kay Mommy but siguro pride ko na lang ang pumipigil sa akin maging maayos kami.

"Salamat, anak pero hayaan mo na muna si Louie, ayoko siyang pilitin na maging maayos kami. Deserve ko naman ang pagiging malamig n'ya sakin. Nasaktan ko kayo, lalo na s'ya. Muntikan nang hindi maging masaya ang anak ko dahil sakin. Pero salamat sayo at napatawad mo ako. Maging masaya kayo, Javi. Congratulations ulit sayo. Gusto ko din malaman mo na umpisa pa lang na pinakilala ka ni Louie samin, boto na ko sayo. Napakabait at reponsable mong bata, alam kong mahal na mahal mo ang anak ko kaya masayang masaya talaga ako na ikaw ang mapapangasawa n'ya," saad ni Mommy.

"Salamat po, Tita. Masaya din po ako at sa altar din ang tuloy naming dalawa pagkatapos ng mga nangyari. Hayaan nyo po, bukas makalawa, magiging okay na din kayo ni Louie. Napatawad naman na po n'ya kayo panigurado. Mapride lang po yun minsan pero madali din po yun magpatawad lalo na po mommy n'ya kayo," saad ni Loe at may point s'ya dun.

Tumahimik sila saglit bago mag salita si Mommy ulit.

"Ahm. Pwede bang mommy na ang itawag mo sakin? Ikakasal na din naman kayo ni Louie," rinig kong basag ni Mommy sa katahimikan.

"Ahm. Sure po, Mommy. Matagal ko na pong gusto ulit mag ka mommy kaya hindi ko po tatanggihan yan," magiliw na turan ni Loe.

Narinig ko namang tumawa si Mommy at nag usap na ulit sila about sa wedding ay kung ano pang gagawin napangiti na lang ako habang nakikinig. Gusto talaga ni Mommy si Loe una palang, naalala ko nung pinakilala ko s'ya. Sobrang tuwang tuwa si Mommy, nakikita n'ya daw na sobrang bait ni Loe at mahal na mahal ako. Which is totoo naman!

Dahil tingin ko, magtatagal pa sila, umakyat na ko sa kwarto pero habang nasa hagdan ako nakita ko si Dad na nakatingin sakin.

"Dad, tulog na po si Jash?" tanong ko.

"Yeah, napagod ata kaya mabilis lang din nakatulog," saad n'ya at sumulyap sa kusina. "Alam kong narinig mo ang usapan ng Mommy mo at ni Javi. Tama si Javi, Louie, 5 years enough. Hindi mo pa din ba napapatawad ang Mommy mo?" tanong sa akin ni Dad.

"No, I already forgive her but yung pride ko ang nangingibabaw, alam kong mali pero hindi ko maiwasan. Gusto kong si Mommy mismo ang lumapit sakin at unang kumausap," tugon ko kay Dad.

"How can your mom will talk to you first kung lalapit pa lang siya sayo nakasalubong na yang mga kilay mo sa kanya pero bahala ka na. Ikaw pa din naman ang masusunod," saad ni Dad at tumalikod na sakin. "Be wise, Louie. Walang magagawa ang pride," saad n'ya at tuluyan ng naglakad paakyat.

"Alam ko," pabulong kong turan tapos naglakad na din papuntang kwarto.

Pagpasok ko humiga na din ako agad dahil parang napagod ako sa pag iisip at pakikipag usap kay Dad.

Maybe I should talk to Mom. Tama si Dad, hindi ko naman narinig ang paliwanag ni Mommy nung nangyari yun dahil sobrang lumayo yung loob ko sa kan'ya. She tried to approach me pero dahil sa sama ng loob ko hindi ko s'ya pinapansin at binabaliwala lang.

"Love," nabaling ang tingin ko sa pinto nang pumasok at tawagin ako ni Loe. Kakaisip ko hindi ko s'ya napansin na pumasok.

Hindi rin naman ako nakasagot agad dahil napatingin ako sa kanya. Shit! Ang ganda ng asawa ko!

"Huy! Gising ka pa pala. Bakit hindi mo ko sinasagot?" saad n'ya kaya napakurap ako ng ilang beses sa kan'ya. Nasa gilid na s'ya ng kama.

"Ah! Wala may iniisip lang. Saan ka galing?" tanong ko sa kanya nung medyo nakabawi na ko sa pagtitig sa kan'ya.

"Sa baba. Ahm.. nauhaw kasi ako kanina kaya bumaba ako tapos sakto nandun din si Mommy kaya nag usap kaming dalawa.. She explain what happened last 6 years ago kaya medyo tumagal. Sorry," saad n'ya at naupo na din sa higaan.

"Ow, okay na kayo?" tanong ko sa kanya. Habang sumasandal sa headboard. Ginaya ko lang s'ya kasi nakasandal din s'ya.

"Hm, yeah. Okay naman na sakin yun. Inamin ko naman sa kan'ya na nagtampo ako pero okay na yun. Since okay naman na tayo at ikakasal na. Wala nang puwang ang tampo. Magiging masaya naman tayo. Kaya ikaw! Babaan mo yan pride mo! Mas'yadong mataas, love!" singhal n'ya sa mahinahong tono. Napatingin naman ako sa kan'ya at hindi nagsalita.

"Alam ko namang sating dalawa, ikaw ang pinaka nagdusa dahil ipinakasal ka, ipinaako sayo yung batang hindi sayo, hindi pinakinggan at higit sa lahat inilayo ka sa babaeng mahal mo pero love, 6 years is enough to make Mommy suffered because of your coldness treatment. Let her explain her side to you. Try to talk to her, walang mawawala and okay na naman na tayo. Ikakasal na nga ih." dagdag n'ya pa sakin pero hindi nakatitig dahil nagsusuklay s'ya. Ako naman kasi nakatitig lang sa kan'ya.

"I already forgave her," mahinang turan at tumingin ng deretcho sa unahan ko. Hindi naman s'ya sumagot kaya hindi ako nagsalita.

Nilingon ko s'ya dahil ilang minuto na s'yang tahimik, paglingon ko nakatitig lang s'ya sakin.

"Pero hindi mo pa din s'ya kinakausap," saad n'ya habang nakatitig sakin.

"Hindi naman na required na kausapin ko s'ya 'di ba? Basta napatawad ko na s'ya," saad ko pero taliwas lahat sa naiisip ko dahil gusto kong kausapin si Mommy.

"Of course! How will you know her side kung hindi mo s'ya kakausapin? Kung hindi mo papakinggan yung explanation n'ya. Yes, you forgave her but there still a hole in that forgiveness you gave, kasi nga hindi mo pa s'ya napapakinggan," saad n'ya ng nakatingin pa din sakin.

"I want to," pabulong kong turan, bigla naman s'yang ngumiti at sinakop yung mukha ko ng dalawang palad n'ya.

"Then do it. Walang mawawala, Lou. Mas magiging masaya tayo kung malaya tayo sa galit at sama ng loob," saad n'ya habang nakatitig sa mukha ko. Tapos nagulat na lang ako nang halikan n'ya ko ng mabilis at ngumiti. "Nasa kusina pa si Mommy. Pwede mo s'yang puntahan," dagdag n'ya pa.

Napangiti na lang din ako at ako naman ang humalik sa kan'ya nang mabilis.

"Thank you. Wait for me, okay?" turan ko at bumaba ng kama.

Lumabas ako ng kwarto at nagmadaling bumaba papuntang kusina. Pagpasok ko ng kusina nakita ko si Mommy na nakaupo sa center island at umiinum ng tea. Huminga muna ko ng malalim bago magsalita.

"Ma."

---------------