Chapter 25

Javi's POV

Pagbukas ng pinto, bumungad sa akin ang lalaking may hawak ng bulaklak habang nakangiti.

Dahan-dahan akong hinila ni Jash papasok ng kwarto at papalapit sa Papa n'ya. Nang tumapat kami sa harap nito. Inilahad n'ya yung kamay ko kay Louie.

"Papa, ingatan n'yo po si Mama. I don't want her to cry every night because she missed you. I don't want her to cry and question herself if she's worthy to be my mama because she is worthy and I'm so proud of her. s'ya lang po ang gusto kong maging Mama. I love her so much," saad ni Jash na nagpaluha sa akin bigla. Naririnig n'ya yun?

Lumuhod si Louie para mapantayan si Jash.

"Baby, iingatan ko si Mama at ikaw. I will not let her cry again. And yes! She is worthy to be your mom. Doctor man s'ya o hindi. She is worthy because I love her so much at wala na akong ibang gagawing mama mo dahil kay Mama palang sobrang love na ang natatanggap natin. Thank you for giving me your mom's hand, Jash and Thank you for taking care of your mom when I'm not around," saad n'ya kay Jash at hinalikan si Jash sa pisngi. Tapos tumingin sa akin si Jash.

"Mama, I want to have a sister. I love you!" saad n'ya at sumen'yas ng kiss kaya bumaba ako para ikiss s'ya. Pero nakasimangot ako.

"I love you too, Anak. Pero wag muna baby sister ah," saad ko na ikinatawa ni Louie. Pero ikinahaba naman ng nguso ni Jash.

"Sige na, baby. Go to Tito Gelo. Thank you," saad n'ya kaya naman nagmadali nang lumabas si Jash at naiwan kaming dalawa ni Louie.

"Ano to?" nakangiting tanong ko sa kan'ya habang inaalalayan n'ya ko patayo.

"Ahm... Congratulations for passing my beautiful physician. I'm so proud of you! I told you, you are more than enough. Mas more pa ngayon kasi doctor na ang asawa ko," saad n'ya habang inaabot yung flowers sa akin. Napangiti naman ako dahil sa sinabi n'ya.

"Thank you for believing that I'm more than enough," nakangiting sabi ko, bigla nyang kinuha yung kamay ko at hinawakan.

"I will always believe that you are more that enough. Thank you for giving me the opportunity to be the father of our son, Loe. Thank you for giving me second chance," saad n'ya at huminga nang malalim. "Lorraine. I'm really sorry for hurting you last 6 years ago. I'm sorry for letting you feel worthless, sorry for abandoned you and sorry kasi hinayaan kong mag isa kang magpalaki kay Jash. Alam ko sobrang hirap, sobrang sakit, at hindi madali kaya I'm sorry," naiiyak na sabi n'ya at humalik sa likod ng kamay ko.

"But now, I promise to be by your side whatever happens. I will not leave you, sasamahan kita sa lahat ng hirap at saya na mangyayari sa buhay natin at ng magiging anak natin. I know it's too late to do this but it's better late than never," saad n'ya at dahan dahang lumuhod habang hawak yung kamay ko. "Loe, ang dami na nating pinagdaanan, ang dami na nating sakit na naranasan. All I want to do is to make you happy. I want to stay by your side and hold your hand and never let go. I want you to be the mother of my children and like what I promised to you last 6 years ago. Ikaw ang ihaharap ko sa altar at magiging asawa ko. And I'm not doing this because you passed but because im so in love with you," saad n'ya at 'ska may kinuha sa bulsa n'ya na isang small red box at binuksan yun at tinapat sa akin. "Javielle Lorraine Manliquez, will you be my wife?" mahabang litan'ya n'ya habang lumuluha at nakaluhod.

Ako naman, nakatingin lang at lumuluha din. Sobrang saya ko kasi pinangarap kong mangyari 'to. Eto na at nangyayari.

"I dream about this. Makapasa sa PLE at etong posisyon natin ngayon. I never regret to love a man like you, Louie. Masakit sa una, sobrang sakit. Pero hindi ako nagsisisi na mahal pa din kita hanggang ngayon. Mula noon hanggang ngayon. You're still the Man I love. I'm happy and willing to be your wife, to be yours forever, Lou," saad ko at hindi na din napigilang hindi umiyak.

Nakita kong nagliwanag yung mukha n'ya at pumikit.

"That's a yes, right?" tanong n'ya at dumilat. Natawa ako kasi naman nakaprepare na nga yung kasal namin next week. Umupo ako para mapantayan s'ya.

"Lou, ikakasal na talaga tayo next week kaya yes," saad ko at pinunasan yung luha n'ya. Bahagya din s'yang natawa sa sinabi ko.

"Baka kasi takbuhan mo ko. Kaya naninigurado lang, Doc!" saad n'ya at kinuha yung kamay ko at inilagay yung singsing na nakalagay dun sa box. "I love you, Lorraine," saad n'ya at hinalikan pa yung kamay ko na nakasuot ng singsing.

"I love you too, Louie" nakangiting sagot ko at dun kami nakarinig ng iyak at sigaw. Paglingon namin pareho, nakita kong nakabukas ang pinto at nakatayo dun yung mga taong importante samin pati ang anak namin.

"Sa wakas!" saad ni Kuya Liam at Kuya Kie.

"Congrats!" bati nila samin at yumakap na din.

Nagdinner lang kami ng sabay sabay at nagkwentuhan. Bago sabihin ni Louie na gusto kaming mameet ng family n'ya.

"Love, can we have our dinner tomorrow sa bahay? They want to meet you and Jash," tanong n'ya sa akin kaya napabaling yung tingin ko sa kan'ya. Kinakabahan man, but I agree! I miss them naman na.

"Sige, I actually miss them na nga e. Lalo na si Louis," nakangiting tugon ko sa kan'ya.

"Okay, Thank you," saad n'ya at kinurot ng unti yung pisngi ko.

"Tamang tama! Ikakasal na kayo next week! Mamanhikan na! Kasama ba kaming lahat o sila Javi lang?" tanong ni Kuya Van.

Kaya napatingin kami sa kan'ya. Katabi n'ya si Ate Nat at Nalia. Nakikita ko sa mata ni Ate Nat na she's happy being with Kuya Van.

"Yeah, lahat tayo. Miss na rin kayo nila Dad. Simula nung umalis si Loe, hindi na tayo nagagawi sa bahay. Kaya he invites us to have a dinner together," saad ni Louie. "At'ska sakto din na uuwi si Tito bukas dito diba?"

Pagkasabi naman n'ya nun, nagtinginan kami ni Kuya at sabay na tumawa! Nakalimutan ata namin pareho.

"Ah! Oo nga pala?! Uuwi pala si Papa bukas, Javi! Nakalimutan natin! Loko ka!" saad n'ya kaya natawa yung mga tao sa paligid.

"Ikaw yung kausap ni Papa kanina ah! Kinalimutan mo. Buti pa si Louie naalala," saad ko at umiling na lang na natatawa.

"Nagpapalakas kay Papa yan kaya natatandaan n'ya," biro ni Kuya kay Louie kaya naman mas nagtawanan kami.

Natapos ang gabi namin na masaya. Bukas naman mamimeet namin yung kabilang side. Kami kami pa din naman. Dagdag mo lang si Papa at yung parents ni Louie.

Kinabukasan, maaga kaming nagising nila Kuya, Louie, dahil kami yung susundo kay Papa sa airport. Si Jash hinayaan na lang namin na tulog muna. Binilin na lang muna namin s'ya kay Leah. Buti nga at kahit jowa na ni Kuya Liam si Leah, 'di pa umaalis si Leah bilang taga alaga ni Jash pero nasabi ni Kuya Van pumasok daw si Leah sa company nila para may work pa din s'ya. Okay lang din naman samin kung dito pa din siya sa bahay titira.

Pagdating namin ng airport, ilang minuto lang ang inantay namin at nakikita ko na si Papa kaya patakbo ko s'yang nilapitan.

"Papa! I miss you so much!" saad ko at yumakap sa kan'ya. Mahigpit din naman akong niyakap ni Papa.

"I miss you too, Princess. Congratulations!" saad n'ya at humalik sa tuktok ng ulo ko.

Naramdaman ko na din naman sila Kuya sa likod ko kaya bumitaw na ko.

"Pa, kumusta?" bati ni Kuya tapos yumakap.

"Okay lang. Kumusta ka?" rinig kong tugon ni Papa kay Kuya.

"Okay lang din po," tugon n'ya at bumitaw tapos tumingin si Papa kay Louie. Si Louie naman nakangiti lang.

"Tito, kumusta po ang byahe?" bati nito at nagmano.

"Nakakapagod pero okay lang naman para sa prinsesa namin," saad n'ya kaya ngumiti ako nang malawak.

"Thank you po," saad n'ya. Ngumiti muna si Papa tapos tinapik yung balikat ni Louie.

After ng batian, sumakay na kami ng kotse ni Louie tapos umuwi na. Nagpaluto na din kami kay Ate Myla ng food para pag uwi makakain na din agad.

Pagdating ng bahay gising na ang batang makulit kaya naman pagpasok pa lang ni Papa, tumakbo na agad s'ya at yumakap sa lolo n'ya.

"Papalo!" sigaw ni Jash kay Papa.

"Naku! Namiss ko ang apo kong makulit at gwapo," tugon naman ni Papa habang yakap yakap si Jash.

After ng exciting na batian ng mag lolo. Kumain kami ng agahan habang nagkukwento si Jash kay Papa ng mga nangyayari samin dito. Kinuwento din n'ya yung nag outing kami pati yung kila Ate Nat. 'Di naman na kami nahiya about dun dahil alam ni Papa yun.

After nun, nagpahinga lang si Papa dahil nga mamayang gabi meron kaming family dinner kila Louie. Kaya si Louie umuwi na din muna at susunduin na lang daw n'ya kami mamaya.

Buong araw akong kinakabahan dahil sa mangyayari mamaya. Hindi ko rin maintindihan bakit ako kinakabahan.

Kinahapunan bandang alas singko dumating si Louie at nakadamit nang katulad ng kay Jash. Binili nila ito nung nakaraan. Mukha tuloy silang kambal.

"Mama! Suot mo din yung iyo!" saad ni Jash kaya naman wala akong nagawa kun'di suotin din yung akin. Oo nga pala! Meron din akong katulad ng color nilang suot. It's a navy blue summer dress. Sila naman Navy blue polo shirt. Kaya pare-pareho kami ng color.

"Okay na ba, anak?" tanong ko nang masuot ko na yung dress.

Nakangiti silang tumango ng Papa n'ya kaya sabay-sabay na din kaming lumabas ng kwarto at pumunta sa sala kung saan nag iintay sila Papa, Kuya at Leah.

"Wow! Ang cute nyo tignan!" bati ni Kuya samin nang makababa kami.

"Salamat, Kuya. Tara na po at anong oras na," saad ko at niyaya na sila.

Sa kotse kami ni Louie sasakay ni Jash, sila Papa sa kotse ni Kuya. Kaya naman pagkasalay namin ng kanya kanya nilang sasakyan. Umalis na din kami.

Medyo matagal ang byahe kaya naman nagpakwento si Jash about sa mga lolo, tito at lola n'ya sa side ni Louie.

"Hm... They are good people. Si Lolo, kamukha ni Papa, so kamukha mo din halos si Lolo. Si Tito Louis naman, his a good guy too. His a teacher. Si Lola naman, she's a good person too," saad n'ya. Nakangiti lang naman ako pero alam kong may hindi tama dun sa huli niyang sinabi.

Hindi sila in good terms ni Tita Lailah. Alam ko naman yun dahil nung nagkwento s'ya sa akin.

"I'm excited to meet them, Papa," saad na lang ni Jash. Ngumiti lang naman kami pareho ni Louie.

"They also excited to meet you, baby," saad ni Louie sabay sulyap sa akin. "You too, love," saad n'ya at hinawakan pa yung kamay ko. Ngumiti lang din ako sa kan'ya.

Nang makarating kami sa bahay nila, agad namang pinark ni Louie yung kotse n'ya ganun na din si Kuya. Napansin ko naman na nandun na din yung kotse nung tatlong Kuya pero paglabas namin 'ska din sila lumabas.

"Kanina pa kayo?" tanong ni Louie kila Kuya Kie.

"Hindi naman. Halos sabay sabay kami. Mga 10mins na. Pinapasok lang kami ng guard n'yo tas 'di muna kami lumabas," tugon ni Kuya ta's tumingin kay Papa. "Hi Tito!" bati n'ya dito.

Bumati na lang pabalik si Papa. At binati din s'ya nila Kuya Liam at Kuya Van pati nila Ate Nat at Nalia.

"Tara na po sa loob," yaya ni Louie samin at nauna pa kaming maglakad. Buhat n'ya si Jash at hawak naman n'ya yung kamay ko. Nakasunod lang naman samin sila Kuya habang papasok.

"Manang, nasaan po sila Dad?" tanong n'ya nang makapasok kami.

"Nasa likod bahay na po, Sir Louie," nakangiting sagot nung maid nila.

"Sige, salamat" saad lang ni Louie kaya nagtuloy tuloy na ulit kami sa lakad. "Sa garden po tayo," saad n'ya kay Papa. Si papa naman tumango lang.

Pagdating namin ng likod bahay nila. Nakita ko ang mahabang lamesa at magagandang mga fairy lights, mga designs sa lamesa at iba pa.

"Mukhang pinaghandaan nila Tito at Tita ah," rinig kong sabi ni Kuya Liam.

"Oo, tagal na nilang inaantayi 'to. Tara po. Lapit na tayo," yaya n'ya ulit kaya naglakad na kami.

Mukha namang naramdaman ng mga tao dun ang presensya namin kaya nag silingunan sila samin.

Agad namang lumapit samin si Louis at yumakap pa sa akin kaya niyakap ko din s'ya.

"Ate Javi! I miss you! Miss na miss kita," saad n'ya habang nakayakap sa akin. Nakiss ko din tong batang to. 22 lang to, tatlong taon ang tanda ko sa kan'ya.

"I miss you too, Louis. Congrats pala sayo! Teacher ka na! Nakakatuwa, natupad mo yung gusto mo," saad ko at tinapik tapik pa yung balikat n'ya.

Nakwento kasi n'ya nuon na gusto n'ya ng Educ kasi gusto n'ya magturo kaya ayan! Natupad na.

"Salamat, Ate Javi," saad n'ya at bumitaw na sa yakap. "Ikaw nga din natupad mo na yung dream mo, to be a doctor! Congratulations, by the way.. so proud of you, Ate! Really!" saad n'ya tapos matamis na ngumiti.

"Salamat din, Sir Louis!" biro ko kaya natawa kami pareho. Dun ko lang napansin na kausap na'ng iba yung parents ni Louie. Pati si Papa. Si Louie naman kasi nadikit lang sa akin. Kaya nabaling tingin ni Louis kay Jash na nakatingin din sa kanya.

"s'ya si Jash 'di ba? Kamukha ni Kuya!" saad ni Louis kaya natawa ako pati si Louie. "Hi, baby Jash. I'm Tito Louis, brother of your Dad," bati n'ya kay Jash na nakatitig lang sa kanya. "Kaugali pa nga ata ni Kuya," komento ulit ni Louis.

"Medyo! Jash, he's Tito Louis, kapatid ni Papa," saad ko kaya tumingin si Jash sa akin tapos tumingin kay Louie.

"Is he your brother, Papa?" tanong niya kaya tumango lang si Louie. Tapos tumingin na si Jash kay Louis at ngumiti. "Hi, Tito Louis, I'm Jashua Lawrence Manliquez Fernandez but you can call me Jash," pakilala n'ya sa sarili n'ya naikinangiti namin parehong tatlo.

"Ang cute! Kamukha mo na s'ya pag nakangiti, Ate Javi!" masayang sabi ni Louis tapos niyaya n'ya ng yakap si Jash kaya binaba ni Louie at nagyakapan sila.

Habang nagyayakapan naman si Louis at Jash, nakita kong lumalapit si Tita Lailah kaya ang Louie hinapit ako sa bewang. Hindi pa din talaga s'ya komportable.

"Javi, ija. Kumusta ka na? Mas gumanda ka. Congratulations for passing the Licensure Exam," saad n'ya na nakangiti. Ngumiti lang din naman ako.

"Salamat po, Tita"

Ayun lang yung nasabi ko. Nagkaroon ng katahimikan sa pagitan naming tatlo bago basagin ni Jash yun kaya napunta sa kanya yung tingin ni Tita.

"Mama, sino po s'ya?" tanong n'ya at tumingin pa kay Tita Lailah. Nagkatinginan muna kami ni Louie bago s'ya lumuhod para mapantayan si Jash.

"Anak, s'ya si Lola Lailah. Mommy ni Papa. Say hi to her," saad ni Louie at ngumiti. Ngumiti na lang din si Jash at humarap kay Tita.

"Hi po. Ako po si Jashua Lawrence Manliquez Fernandez pero pwede n'yo po akong tawaging Jash," nakangiting bati n'ya. Nagulat naman kami ni Louie at Louis nang may luhang lumabas galing kay Tita habang niyayakap si Jash.

"Hi Jash. Ako si Lola Lailah. I'm sorry if ngayon lang tayo nagkita. Ang gwapo gwapo mo, apo," saad n'ya habang nakayakap kay Jash.

Bigla naman humawak ng mahigpit si Louie sa kamay ko at nakikita ko s'yang naluluha. Alam kong may sama pa s'ya ng loob kay Tita kaya gan'yan s'ya. Isa si Tita sa sinisisi n'ya kaya kami maghiwalay at kaya hindi n'ya rin kami nakita pareho ni Jash ng ilang taon. Pero sa akin ayos na yun. At least ngayon eto kami at mag uumpisang muli nang magkakasama.

Nakita kong bumitaw si Jash at pinunasan yung luha ng lola n'ya.

"Wag na po kayong umiyak, Lola. Masaya po akong makita kayo," saad ni Jash kaya napangiti si Tita. Napansin ko na din na nakalapit na pala samin yung ibang tao.

"Javi," tawag sa akin ni Tito Marcus at yumakap sa akin. "It was nice seeing you again, Anak. And congratulations. I'm really sorry for what happened back then but I'm happy because the two of you are together again. Thank you for giving my son a second chance," saad n'ya at tinapik pa ko sa balikat bago bumitaw.

"Salamat po Tito. Worth it naman po," saad ko lang. Nagngitian lang naman kami bago n'ya binaling ang atensyon kay Jash. Katulad ng pagpapakilala ni Louie kila Tita at Louis. Ganun n'ya rin pinakilala si Tito at tuwang tuwa ang bata dahil dalawa na daw ang lolo n'ya.

Tahimik kaming kumakain at walang magsasalita. Nung matapos na kami at nagpapahinga na lang, ska nagsalita si Tito Marcus.

"So next week will be the wedding. Salamat, Pareng Jerome na pinaunlakan n'yo kaming makasama kayo sa hapag ngayon gabi at syempre ang makilala ang apo namin at makita ulit si Javi," saad ni Tito.

"Wala yun, Pare. Para naman sa prinsesa ko at sa apo ko. Noon pa man yan ang gusto kong mangyari, ang magkaroon ng buong pamilya si Jash," saad naman ni Papa.

"Ayun naman talaga ang nais ng isang ama sa anak. Nagkaproblema man pero silang dalawa pa rin talaga sa huli," saad ni Tito Marcus ngumiti lang si Papa at tinignan kaming pareho ni Louie.

"Totoo yan at pareho na silang deserving para sa isa't isa," tugon ni Papa habang hindi pa din inaalis yung tingin samin.

"Tama! Anyway, Javi! Congratulations sa Licensure exam mo," saad ni Tito.

"Salamat po ulit," saad ko lang nakita ko naman na natatawa sila Kuya Kie. Mga abnormal!

"So, nandito na din naman tayo... Madami bang invited sa kasal n'yo?" tanong ni Papa.

"To be honest po. Tayo tayo lang din po yung bisita. We just invites other to be our ninong at ninang," saad ni Louie.

"Hm.. that's good then," saad ni Tito Marcus. "Mukhang okay naman na ang lahat at date na lang talaga ang hinihintay." Dagdag n'ya pa.

"Yes po. Naibigay na din naman po yung mga invitations kaya ayun na lang po talaga ang inaantay namin," saad ko habang nakangiti.

Nag usap pa kami ng about sa wedding bago napagpas'yahan na umuwi pero nagrequest yung Dad ni Louie na kung pwede dito kami matulog ni Jash dahil gusto pa nila makabonding yung apo nila. Pumayag naman si Papa kaya pumayag na din ako.

Pagdating ng kwarto. Nagkatinginan kami ni Louie.

"Wala kaming damit ni Jash," saad ko at ngumiwi.

"May damit kayo dito," saad n'ya at lumakad papunta sa walk-in closet n'ya. Kaya sumunod kami pareho ni Jash. May kinuha s'yang mga damit.

"Si Jash lang pala. Damit ko na lang suotin mo, love" saad n'ya tapos sinabihan si Jash na magshower na. Kaya naman pumunta na yung isa sa shower room.

Yumakap naman yung isa sa akin at ibinaon yung mukha n'ya sa leeg ko.

"Susunod nito, sa bahay na natin," saad n'ya at hinalikan ako nang mabilis sa labi.

"Salamat, Louie. I love you," saad ko lang at yumakap sa kan'ya.

"I love you too, Loe," saad n'ya.

Sakto naman pag hiwalay namin dumating si Jash at pinagbihis na namin. Hindi pa man natapos si Jash na magbihis may kumatok sa pinto. Pagbukas namin tumambad dun si Tito Marcus

"Louie, pwede bang sa kwarto namin matulog si Jash?" tanong ni Tito kaya nagtinginan kami ni Louie.

"Ahm, sige po, Tito. Okay lang naman po." Ako na yung sumagot.

Sinabihan lang namin si Jash at he said yes sa sinabi namin, kinuha na ni Tito si Jash kaya kaming dalawa na lang ang magkasama sa kwarto. Bigla akong nailang at parang hindi mapakali dahil dun.

"Love, Shower na. Eto na lang suot mo," saad n'ya sabay abot sa akin ng boxer at plain white shirt n'ya. Kinuha ko un at dali daling pumasok ng shower room at nilock un.

-----------