Chapter 24
Louie's POV
Month has passed and 1 month to go PLE na ni Loe. Then after ng ilang weeks na lumabas ung result, I decided to marry her. Napag usapan na namin yun nung nag outing kami but I also told her na ako na bahala sa lahat and all she need to do is focus on her exam.
"Louie," tawag sa'kin ni Dad habang pababa ako ng hagdan ng bahay. Umuuwi pa naman din kasi ako dito pero madalas talaga kila Lorraine na ko natutulog.
"Yes, Dad? Bakit po?" tanong ng makababa ako at matapatan s'ya.
"Kailan ko makikilala ang apo? Kailan namin makikita ulit si Javi?" tanong niya habang paupo sa living room.
Alam na kasi nila na may anak ako at si Lorraine. Nung nalaman ni Dad, agad n'ya kong kinausap at sinabing gusto n'yang mameet yung dalawa. Kahit sila Mommy na medyo hindi kami in good terms nalaman n'ya din and she wants to meet my son and my beautiful fiancée.
I just told them na saka na pag okay na kami ulit ni Loe pero that was 6 months ago I guess. Nung pareho pa kaming magulo ni Loe.
"I'll try Dad but I can't promise. Lorraine is busy reviewing for her exams and I don't want to distract her," sagot ko at alam ko namang maiintindihan ni Dad yun. Dahil minsan din s'yang dumaan sa pagkuha ng lisensya.
"Okay, I understand. Mahirap ang PLE but please after her PLE before the two of you get marry, makita naman muna namin sila," saad n'ya.
Yep! I told my Dad about our plans and he agreed to it. Mas maganda daw yun dahil may Jash na kami.
Ow! By the way. Jash is already a Fernandez. Habang inaayos ko ang mga documents namin ng mama n'ya. Inaayos ko din yung apelyido n'ya. Aba! Hindi ako papayag na hindi n'ya dalhin ang surname ko, pati si Mama n'ya syempre.
"Thanks, Dad. Don't worry po after ng PLE. I'll talk to Loe to have dinner here," saad ko, tumango lang s'ya kaya naman nagpaalam na ko. "I have to go Dad. Kila Lorraine po ako matutulog ngayon."
"Okay! Ingat sa pag da-drive, Anak. Always remember that you already have a family waiting for you. Okay?" paalala n'ya kaya napangiti ako.
I already have a family.
"Noted, Dad. Bye!" saad ko na lang at lumabas na ng bahay.
Sumakay na ko ng kotse ko at magpunta sa bahay nila Loe. Pagdating ko dun nakita ko na si Jash na nagkocolor sa books n'ya. Assignment siguro n'ya.
"Hi, baby!" bati ko sa kanya.
Agad naman s'yang napalingon sa'kin at lumawak ang ngiti.
"Papa!" sigaw n'ya at patakbong lumapit sa'kin. Niyakap ko naman agad s'ya at humalik pa sa pisngi n'ya.
"Ano ginagawa mo, Anak?" tanong ko sa kan'ya nang makalapit kami sa inuupuan n'ya kanina.
"I have an assignment po, Papa. I know how naman po kasi Ate Leah, tough me how," saad n'ya kaya tinignan ko yun at tumango.
"Good job, Jash," saad ko at ginulo pa yung buhok n'ya. "Asan si Mama?" tanong ko sa kanya.
"Nasa room po. Nagrereview po s'ya ulit," saad n'ya tapos ngumuso. "Papa, Mama didn't eat lunch po," saad n'ya. Hindi nag lunch.
"Huh? Why? Hindi s'ya lumabas ng room kaninang lunch?" tanong ko. Dahil dalawang beses na nangyari yun. Tumango lang si Jash. "Sige, I'll order food for us, merienda. What do you want to eat?" I ask him kaya napangiti s'ya.
Nag order na lang ako ng food para samin. Habang inaantay ko yung pagkain, nilalaro at tinulungan ko na lang muna si Jash sa assignments n'ya.
'Di naman nagtagal dumating na din yung pagkain na inorder ko. I gave my baby what he requested tapos inayos ko lang yung food na para kay Loe at umakyat na sa taas.
Pagtapat ko sa kwarto namin, kumatok muna ko bago buksan yung pinto. Pagbukas ko nakita ko yung fiancée ko na nakatutok sa libro n'ya at nakasalamin. Ganda!
"Love, kain ka muna. Hindi ka daw kumain ng lunch," tawag ko sa kan'ya kaya inangat n'ya yung ulo n'ya sa'kin at ngumiti.
"Hi! Sorry, anong oras na ba?" tanong n'ya habang tinatanggal n'ya yung salamin n'ya at nilalagay sa tabi.
"It's already 3pm, baby," saad ko habang inilalapag sa table yung pagkain na dala ko at umupo sa tabi n'ya.
Mukha naman s'yang nagulat dahil sa sinabi ko.
"Si Jash kaya kumain na? Tsk! 'Di ko na naman naasikaso yun," saad n'ya at hinilamos yung kamay sa mukha.
"Hey! It's fine. Kumain na s'ya at'ska nandyan naman si Leah. Ikaw nga ang inaalala nun kasi hindi ka daw kumain ng lunch," saad ko at hinimas ang ulo niya. "Kumain ka muna. Relax! Masyado mong pinipressure sarili mo. Relax lang," dagdag ko pa.
"Kinakabahan ako. Napapabayaan ko ata si Jashua," saad n'ya at tumingin sa'kin.
"Ssshh. Don't say that. Naiintindihan naman n'ya," saad ko at niyakap na lang s'ya. "Okay lang si Jash,"
Isa to sa lagi naming scenario nung mga nakaraang month. Dahil nga sobrang busy n'ya. Feeling n'ya hindi na n'ya naaalagaan si Jash but we already explained it to Jash about the situation of her mom, and he understood it. Kaya din hindi ko muna isisingit yung pagpapakilala nila sa family ko dahil alam ko ngang busy s'ya.
Javi's POV
"Javi, eto na thermal bag mo. May sandwich at water na dyan. Goodluck! Kaya mo yan," saad ni Ate Myla habang inaabot ang pagkain ko na prinepare n'ya.
"Thank you, Ate. Pagpray nyo ko. At'ska pabantay na lang po muna kay Jash ha. Thank you," saad ko naman tapos sinuot na yung bag ko. Tumango lang s'ya tapos nag punta na ulit ng kusina.
"Let's go," saad ni Louie.
Tumango lang ako tapos lumabas na. Ihahatid kasi nila ko sa pagdadausan ng exam ko.
Yep! Today is my exam day! At kinakabahan ako ng todo. Though confident naman ako dahil alam kong nag review ako. Nakakakaba pa din.
Sila ang mag hahatid sa'kin. Gusto daw kasi nilang i'goodluck ako at'ska matagal daw nilang pinaghandaan 'to kaya nagkasundo na sila ang mag hahatid sa'kin.
Pagsakay naming anim. Ako na yung nasa unahan ta's yung apat ang nasa likod. Si Louie-totos ang magdrive.
"Wala ka ng nalimutan, love?" tanong n'ya habang kinakabit yung seatbelt n'ya. Tumango lang ako at ngumiti. "Seatbelt mo," tanong n'ya kaya nag okay sign ako.
Pagdating dun sa lugar kung saan ako mag e-exam. Lahat kami bumaba. Dahil sa uniform ko, pinag titinginan ako, pang korean kasi dahil yun yung required na isuot.
Nag goodluck hug lang sa akin ung lima at sinabing kaya ko naman itong exam.
Nagpahuling yakap lang din ako kay Louie at Kuya tapos ay mabilis na naglakad papuntang room ko.
Lumipas ang ilang oras at natapos ang first day ng exam ko. Kampante naman ako na nasagutan ko lahat ng nasa exam sheet ko. Paglabas ko, nakita ko na agad yung anim na mga lalaki sa buhay ko. . Ang supportive naman.
"Mama! How's your exam po?" tanong ni Jash nang makalapit ako.
"Okay lang naman. Bukas ulit," saad ko habang nakangiti.
"Tara! Kain tayo sa labas! Libre ni Liam," saad ni Kuya Kie kaya yung isa naman nagulat pero sumang ayon.
Bukas ulit! Exam na naman. Tapos after a week or 2, ilalabas ang result at dun ko malalaman kung nakapasa ako o hindi. Pero kahit anong mangyari! Alam kong makakapasa ako dahil ginawa ko yung best ko. Malaki ang tiwala ng mga tao sa paligid ko kaya dapat lakihan ko din ang tiwala ko sa sarili ko.
2nd Day of exam. Si Louie na lang ang naghatid sa akin. Bago ako bumaba he gave me a goodluck kiss and hug me tight. Tapos punta na ko sa room assignment ko. Katulad kahapon, ilang oras ang inabot bago natapos ang exam namin. Naglakad na ko palabas at nang makita ko si Louie, hindi ko napigilang hindi umiyak at patakbong lumapit para yumakap sa kanya.
"Hey! Why?" nag aalalang tanong niya.
"Tapos na. Makakapagpahinga na ko. Maalagaan ko na ulit kayo ni Jash. May oras na ko sa inyo. Makapasa man o hindi. Mahal ko kayong dalawa ni Jash," saad ko at humigpit ang yakap sa kan'ya.
"You did a good job, Lorraine. Makakapasa ka. Okay? I love you. Tara na at umuwi para makapag pahinga ka na at alam kong kulang na kulang ka sa tulog," saad n'ya kaya inalalayan n'ya ako sa sasakyan n'ya papasok.
-------------
Louie's POV
"Waaaaaah! Wait! Kinakabahan ako! Wait lang!" tili ni Loe habang kinoconnect namin yung laptop sa tv nila. Dahil dun namin titignan yung result ng PLE. .
"Relax lang, Mama. You passed! Wag ka pong mag alala. Doctor na ang mama ko!" saad naman ni Jash at parang sigurado na s'ya.
"Salamat, Anak! Pero kinakabahan talaga si Mama, baby," saad n'ya at ngumuso.
Ngayon kasi ang labas ng result ng Licensure Exam n'ya nung nakaraang week, kaya nandito kami sa bahay nila Loe. Lahat kami!
"Ano oras daw ba? 5pm na oh," saad ni Kiefer.
"5pm daw po sabi sa notice," saad ni Loe kaya naman ako tinype ko na yung website ng result n'ya. Kaso bigla akong hinampas. "Wait lang naman! Mamaya na," saad n'ya at ngumuso. Kaya inabot ko s'ya at hinalikan. Katabi ko naman silang dalawa ni Jash sa magkabila kong gilid eh.
"Relax ka nga. Nakapasa ka! Tiwala lang," saad ko naman sa kan'ya. "Ready?" tanong ko sa kan'ya. Tumingin muna s'ya sa paligid tapos huminga ng malalim tapos tumango.
Si Tito Jerome tinawagan din nila para kasama naming makita yung result pero tahimik lang dahil nasa office ata s'ya at may meeting.
Nagtype na ko ulit at pumunta nasa PLE Result. Nang makarating kami dun. I type her name pero bago ko pindutin yung search, I look at her and she's closing her eyes kaya biniro ko.
"Love, ayan na," saad ko habang pigil yung tawa kaya naman dahan dahan n'yang binuksan yung mata n'ya at tumingin sa screen ng tv but nothing is there kaya naman nakatikim ako ng hampas at kurot galing sa kan'ya. Ang cute kasi!
Nakarinig na lang din kami ng tawanan sa paligid pati sa papa n'ya.
"Isa pa talaga, Louie! Mag isa kang magpakasal!" inis na sabi niya kaya naman napaayos ako.
Kasal na namin ang usapan kaya dapat seryoso na.
"Sorry na. Pikit ka na ulit. Seryoso na," saad ko at nakita ko s'yang pumikit ulit kaya I tap the enter button to search her name. Medyo matagal dahil madaming nakapasa ngayon pero 'di nagtagal lahat kami pigil hininga nang makita yung result. Walang nagsasalita at wala din tumili. While Gelo pinakita sa Papa n'ya yung result.
She passed! Nakapasa si Lorraine! My wife is now a Physician! Not just she passed but she's in the top 10 top notcher in PLE. She's in the top 9! Kumilos na din kami ni Jash habang nakapikit pa yung mama n'ya. We prepare something for her. Na kahit hindi s'ya makapasa o makapasa s'ya. We will give this surprise for her.
Javi's POV
Minute has passed pero walang nagsasalita sa mga kasama mo. Mas kinakabahan ako, kasi hindi sila nagsasalita.
"Jav! Wait lang ha. Matagal lumabas yung result kasi mukhang maraming nakapasa ngayon," saad ni Kuya Kie.
"Eh.. Kinalabahan ako.. Sabihin nyo kung nandyan na yung pangalan ko ha! Please.." saad ko.
"Yep! We will," rinig ko namang sabi ni Kuya.
Minuto ulit ang lumipas pero wala pa din ngasasalita kaya naman magsasalita na sana ko ulit ng biglang may tumapik ng balikat ko.
"Open your eyes, wifey," saad ni Louie kaya nag dahan-dahan akong dumilat.
Tapos tumingin muna sa baba bago dumako yung tingin ko sa TV at nanlalaking mata kong nilapitan yung TV namin at tinuro yung pangalan ko tapos tumingin sa mga taong nasa paligid ko habang nakatakip yung bibig.
"Ako to?!" tanong ko sa kanila. Tumango naman sila kaya unti unting lumabas yung luha sa mata ko! Waaaaaaah! Tinignan ko ulit yung pangalan ko at ako nga to!
Top 9: Manliquez, Javielle Lorraine Ko 87. 55%
"Nakapasa ako! Top 9 ako! Waaaah! Kuya! Nakapasa ako.... Physician na ko! Kuya..." tawag ko kay Kuya na palapit sa'kin at niyakap ako. "Kuya! Neurosurgeon na ko! Kuya!!!" iyak ko habang nakayakap sa kanya.
"Congrats! You made it! Sabi sa'yo makakapasa ka eh! Doctor ka na!" saad ni Kuya at alam kong umiiyak din s'ya..
"Kuya! Si Papa?" tanong ko sa kan'ya at bumitaw. Pagbitaw ko agad na pinakita ni Kuya si Papa sa phone n'ya. "Papa! Nakapasa ko!!!!" iyak na sabi ko kay Papa.
[I know princess! Congrats! Papa is so proud of you. And I know Mama is also proud of you, baby] sabi niya kaya mas naiyak ako. Si Mama.... Dahil sa kan'ya kaya ako nagdoctor.
"Thank you papa... Sobra!" naiiyak pa nasabi ko pero nagpunas na ko ng luha. 'Ska ko naalala sila Jash at Louie. Kaya hinanap ko yung dalawang taong mahalaga sa'kin. "Nasaan si Jash at Louie?" tanong ko kay Kuya.
Bigla s'yang ngumiti at may inabot na rose. "For you my beautiful physician sister. There's a note there. 'Ska mo mahahanap yung mag ama mo," saad n'ya at ngumiti sa'kin.
"Salamat Kuya," saad ko at binasa ko yung nasa stem ng rose.
'Go to the place where I got your first kiss.' - Louie.
Tinignan ko naman si Kuya tapos tumango. Nagpunas muna ko ng mukha at nag ayos ng sarili bago ko gawin yung sinasabi sa note. Naglakad na ako papuntang kitchen.
Habang naglalakad ako kinakabahan ako. Hindi ko alam kung bakit pero pakiramdam ko dapat akong kabahan. Pagdating ng kitchen nakita ko dun si Ate Nat, Kuya Van at Nalia. Nakakatuwa kasi they look like a family. Si Nalia nasa unahan ni Kuya Van at Ate Nat magkaakbay.
"Javin Congrats! So proud of you! I saw your hard work and you really deserve this, bunso. I know Tita Aki is so proud of you. I love you, bunso," saad ni Kuya Van tapos yumakap.
"Thank you Kuya Vanjo," saad ko 'ska bumitaw. Si Ate Nat naman ang lumapit sa'kin at yumakap.
"Dr. Javi. I know gasgas na to pero sorry for what happened last time. And thank you for accepting me as your friend. Congratulations!" saad n'ya
"Wala na yun Ate. Thank you and please... Be happy. Forget the past na po ah," saad ko 'ska s'ya bumitaw. Dun naman na lumapit sa'kin si Nalia at inabot yung rose na may note din.
"Be happy Tita Javi. Thank you po," saad n'ya kaya ngumiti ako sa kan'ya.
"Thank you din, Nalia," saad ko at humalik sa pisngi n'ya.
Ngumiti ako sa kanila at binasa ung note na nandoon sa bulaklak.
'climbing trees is one of our bonding nung nagkakilala tayo, may mga panget na mag iintay sa'yo doon'
Pagkabasa ko nun natawa ako, dahil alam ko kung saan un. Sa likod bahay namin. May puno ng mangga dun, madalas kaming umaakyat doon para kumuha ng mangga pang papak.
Nagpaalam na lang ako kila Kuya Van tapos nagpunta na sa likod bahay namin.
Pagdating ko dun nakita ko yung dalawang Kuya!
Para silang nag popose?! Lalo na si Kuya Kiefer!
"Kuya," tawag ko sa kanila nang makatapak ako dun sa lugar na yun.
"Javi!" Sigaw nilang dalawa. Tapos yumakap pero bumitaw din agad.
"Jav! Congrats, Doctor Javielle! Taray! May kapatid na akong doctor! I know hindi madali ang pinagdaanan mo. Pero eto na Javi! Doctor ka na at masayang masaya ako para sayo. Proud Kuya ako!" saad ni Kuya Kiefer at hinaplos pa yung pisngi ko.
"Ako naman! Javi! Alam ko lahat ng hirap at sakripisyo mo dito. Kaya naman proud ako na nasaksihan ko yun. Javi! Please! Be happy and stay strong. Alam kong matapang ka, Bunso," saad ni Kuya Liam
"Thank you sa inyong dalawa.. Thank you sa pagsama sakin pag wala si Kuya Gelo," saad ko at yumakap sa kanila.
"Mahal ka namin, Javi" sabay na sabi nila.
"Mahal ko din kayo, Kuya," tugon ko naman, sabay nilang inabot ung rose ko kaya napangiti ako.
'I love you and I don't want to lose you, my love. That's why I made our handsome Jashua. Please.. Go to the place where we made a lot of memories and where we made our son. Again, I love you, Lorraine.'
Natawa ako at napangiti sa nabasa ko sa note. Of course! Sa kwarto ko yun. Ano kayang meron dun?!
"Halika! Hatid ka na namin sa totoo mahal mo," saad ni Kuya Kiefer at hinawakan yung kamay ko. Habang si Kuya Liam naman, inakbayan ako.
Nang makapasok kami ng bahay. Napahinto ako dahil puno na ng petal yung pathway. Wala yun kanina ah! Bakit meron na ngayon?
Naglakad na lang kami nang tuloy tuloy hanggang sa makarating kami sa hagdan. Nagulat pa ko kasi nakita ko sila Kuya at yung pamilya, tapos nabaling ang tingin ko sa anak ko na may hawak na rose habang nakasmile sa'kin.
"Sige na! s'ya na pala maghahatid sayo. Be happy Javi," saad ni Kuya Kie at pinisil yung kamay ko.
Lumapit na ko kay Jash at pinantayan s'ya.
"Mama! Congratulations for passing and being on the top! I'm so proud of you. I'm happy because I'm the son of Doctor! Saranghae, Eomma!" saad n'ya at yumakap sa'kin.
Nawalan ako ng tiwala sa sarili ko pero eto si Jash ang laging nagpapalakas ng loob ko. s'ya yung naging inspirasyon ko para magpatuloy.. Si Jash ang dahilan kaya ako nagsipag at pakatatag.
"Thank you, Jashua. Mama did this for you. Thank you, anak. I love you too," saad ko at hinalikan s'ya sa pisngi. s'ya naman pinunasan yung luha ko at humalik sa pisngi ko. Tapos inabot yung rose.
'I didn't regret that I made Jashua and I will make a lot of Jashua. Be ready!'
Sabi dun sa note kaya napangiti ako at bahagyang natawa.
"Mama, Papa is waiting upstairs. Let's go," saad n'ya at hinawakan yung kamay ko. Tumingin ako kila Kuya na nakaokay sign.
Naglakad na nga kami ni Jash paakyat at tumapat sa pinto ng kwarto ko dati. Tinignan muna ko ni Jash at ngumiti.
"Ready Mama?" tanong n'ya sa'kin.
Nakangiti akong tumango sa kan'ya kaya naman dahan dahan n'yang binuksan yung pinto.
------------