Chapter 22

Javi's POV

After ng nakakahiyang ginawa ko kay Louie. Nagbihis at nahiga kami pareho sa tabi ni Jash. Ang kaibahan nga lang magkatabi kaming dalawa kaya yakap na yakap n'ya ko. Si Jash kasi sa dulo humiga.

Paggising ko, wala na sila pareho ulit sa tabi ko. Kaya tinawagan ko si Louie at sinabi niyang nasa hotel room s'ya nila Kuya at si Jash nasa hotel room nila Leah. Kaya naman naghilamos lang ako tapos lumabas at pumunta sa room nila Leah.

Nagkwentuhan lang kami dun tapos kumatok yung lima sa kwarto para kumain dahil madilim na din kasi. Kakain daw muna kami bago magswim ulit. Hindi ko alam pero biglang hindi ako dinidikitan ni Louie. Kay Jash s'ya dumeretso tapos ngumiti lang s'ya sakin.

Kaya naman kay Kuya ako dumikit at tumabi hanggang kumakain nasa gitna namin si Jash pero hindi n'ya ko pinapansin. Nilagyan n'ya lang ako ng pagkain sa pinggan tapos wala na ulit, hindi na ko pinansin. Hanggang sa mag swimming daw ulit. Hindi na ko nagpalit wala ako sa mood. Binihisan ko na lang si Jash, si Louie naman nagbihis din. s'ya ang sasama kay Jash.

Tumambay na lang ako sa may lounge chair kasama sila Kuya, Ate Nat, Kuya Liam at Kuya Van.

"Okay ka lang?" tanong ni Kuya sakin. Tumingin lang ako sa kanya tapos ngumiting tumango pero nakalimutan ko na kuya ko nga pala s'ya at simula pagtanda kasama ko na sya kaya hindi s'ya maniniwala. "Anong problema? Okay lang ba kayo ni Louie? Kanina ko pa kayo hindi nakikitang nagdidikit ah. May problema?" tanong niya sakin.

Kaming dalawa lang naman ang nakakarinig dahil kaming dalawa lang ang magkatabi.

"I don't know, Kuya. Pag gising ko wala na silang dalawa ni Jash tas nung kumatok kayo sa room nila Ate Nat. Hindi na s'ya dumidikit sakin, pero at least si Jash dinidikitan n'ya. Pinapansin naman n'ya ko pero hindi na dumidikit katulad kaninang umaga," saad ko at tumingin kila Jash at Louie na nag lalaro.

"Hm! Ano bang nangyari bago kayo matulog? May nangyari ba? Nag away kayo?" tanong n'ya. Umiling naman ako.

"Wala naman kaming away. Ahm.. actually feeling ko nagalit sya kasi... I forced him to have a shower with me," saad ko at yumuko. Nahihiya ako 'no!

"Uminom ka ng beer?! Wild Javi!" saad ni Kuya kaya tumango lang ako. May ugali akong ganun, kahit konting beer lang nagiging wild ako. Alam ko naman yun. Kaya nga nahihiya ako eh.

"Oo, Kuya ih. Nakuha ko yun dun sa kusina ng kwarto namin may ref at may laman na beer. Natakam ako, uminom ako. Ayun! Una sinabi kong halikan n'ya ko, sumunod ayun at niyaya kong samahan ako maligo tapos magkayakap lang kami. Nahimasmasan na ko kaya ako na mismo ang kumuha ng towel namin. Nagbihis kami nang sabay, nahiga nang magkatabi at magkayakap tapos ngayon kahit kalabitin hindi na ginagawa sakin," saad ko na parang magtatampo.

"Aminin mo nga sakin Javielle. Ano ang relasyon nyong dalawa?" tanong ni Kuya. Tumingin ako sa mata n'ya at nagkibit balikat. "See! You two make things like that, even saw each other's bodies, kissing each other but no proper relationship. Hindi porket may Jashua kayong dalawa eh, gagawin nyo yan. Linawin mo, linawin nyo sa isa't isa kyung ano talaga kayong dalawa. Mahirap ang walang label, Javielle. Pareho kayong naguguluhan. Ikaw?! Ano bang gusto mong mangyari?" sermon n'ya at tanong niya sakin.

"I actually don't know, Kuya. Hindi ko na alam kung anong gusto kong mangyari. Gusto kong tapusin muna yung exam ko but how?! Tuwing sasabihin n'yang mahal n'ya ko, mahal n'ya kami ni Jash. Gusto ko siyang sagutin pero pakiramdam ko pag ginawa ko yun. Tapos na ang pilit kong pinipigil. Paano ako mag titimpi kung s'ya minsan ang gumagawa ng dahilan para wag na kong magpigil," saad ko at tumingin kay Kuya.

"Why are you stopping yourself to love and to be loved, Bunso? It is because of what happened long time ago? I thought you already moved on. Pero bakit parang hindi pa. Akala ko okay ka na sa paliwanag n'ya. Kaya nga pinakilala mo na si Jash," saad n'ya at inakbayan ako.

"No, Kuya. Okay na ko dun pero gusto ko lang i'gain ulit muna yung sarili ko. I'm scared... Gusto ko ibalik yung self confidence ko," saad ko

"Then gain that confidence with the person you love. Sasamahan ka n'ya, Javi. And stop questioning yourself if you are worthy of this and that because YOU ARE WORTHY OF ALL THIS. Wakatta?" saad nya kaya napangiti ako at tumingin sa kanya.

"Thank you, Kuya. I don't know what will happen to me if you're not around. I love you," saad ko at yumakap sa tagiliran n'ya. Ginulo n'ya lang yung bubok ko.

"Mahal din kita, Javi. Be strong okay," saad n'ya at parang pinapatatag yung loob ko. Hindi ko alam kung para saan yung be strong pero malaking bagay ata yun ngayon para sa pagdedesisyon ko.

"Pahangin lang ako, Kuya," saad ko kaya binitawan n'ya ako 'ska ako tumayo.

Naglakad lang muna ko sa dalampasigan para mag isip isip. Tama naman si Kuya. I can gain my confidence with Louie. Malaking tulong na nandyan s'ya sa tabi ko habang inaayos ko yung sarili ko. He is my weakness but he's also my strength, silang dalawa ni Jash. Magandang linawin kung anong meron kaming dalawa. Si Jash din ang mahihirapan sa set up namin.

Naupo ako sa medyo maliwanag na parte ng seashore. Tapos tinanaw yung buwan na nag rereflect sa tubig dagat.

"Mind if I join?" tanong ng kung sino paglingon ko si Ate Nat pala kaya ngumiti ako.

"Sure po," tugon ko kaya naupo s'ya at inabutan ako ng in can. Nagdalawang isip naman akong tanggapin at mukhang nahalata n'ya yun.

"No worries. Juice lang yan. Nasabi ni Gelo na wag kang paiinumin ng beer if Louie's not around," saad n'ya kaya kinuha ko yun at tinignan. Juice nga lang!

"Thanks" saad ko at binuksan yun sabay inum. Masarap. Sandali kaming matahimik at siguro masarap lang talaga ang katahimikan pag nasa dagat.

"Ahm! I know it's too late to say this but I'm sorry for ruining your relationship with Louie," basag n'ya sa katahimikan namin.

"Okay na po yun. Tapos naman na po and napaliwanag na po ni Louie sakin yung nangyari kaya okay na po yun. Pero kumusta na po kayo? yung relationship nyo po sa parents nyo?" tanong ko sa kanya.

"Thank you. Tito Marcus was right. You are a good woman. Hm! My mother abandoned me after lumabas ung totoo na sinet up nila si Louie. My father, sumakabilang bahay. Kami naman ni Nalia. We're good sa tulong nila Van, lalo na si Louie. I ruined his life but he helped me to move forward, he gave me his condo unit na binili n'ya para sa inyo pero kami ni Nalia ang nakikinabang at malaki ang pasasalamat ko dahil dun," saad n'ya kaya napatingin ako sa kan'ya. Nakangiti s'ya habang nakatanaw s'ya sa malayo.

"I'm happy to hear that you still keep moving even though nangyari yun sayo," saad ko sa kan'ya kaya napatingin s'ya sakin.

"Yeah, kailangan para kay Nalia. s'ya na ngayon ang priority ko. Ikaw din naman, you're a strong and brave woman, Javi," saad n'ya kaya napangiti ako. "Nakaya mong buhayin at palakihin si Jash kahit hindi ka sigurado na makikilala n'ya yung Papa n'ya. Nakakainggit ka nga lang sa part na tanggap ng family mo si Jash," saad n'ya at ngumiti ng mapait.

"Yun ata ang pinaka malaking advantage ko nung nabuo si Jash. Hindi ako pinabayaan ni Kuya at Papa," saad ko at tumingin ulit sa malayo.

"Alam mo. I see how Louie loves you." basag n'ya ulit saming dalawa. "Simula nung kinasal kami, walang gabi na hindi s'ya umiiyak and calling your name. I really felt guilty that time. Because of my mom's selfishness, someone's life ruined. Dahil lang takot s'yang masira sa mga kaibigan n'ya nanira s'ya ng relasyon ng iba. Gustong gusto kong sabihin kay Louie lahat pero natatakot akong baka hiwalayan n'ya ako agad at mapahamak si Nalia. Kaya kahit alam kong huling huli na ako nagsisinungaling pa din ako dahil ayokong mapahamak si Nalia." Kwento n'ya. Hindi ako nag salita dahil gusto ko siyang pakinggan.

"Matagal ko nang kilala yan si Louie because of my mom, bff sila ni Tita Laila. Pero hindi din naman kami gaanong nagkikita dahil pag nandun kami, laging kasama ni Louie sila Gelo tas nasa kwarto lang. Nung nag college kahit nasa iisang school kami, hindi din kami gaanong nag kikita dahil hindi naman kami magkakilala talaga. Tapos lagi din sila nasa inyo. Dahil nga dun na sila natambay. Wait! Ikaw ata yung pinaka kinakaingitan sa school eh! Ikaw nga yun?! Kasi ikaw lang daw ang bukod tanging nakakakita ng ngiti ng isang masungit at tahimik na Louie. Madaming inggit sayo sa school dahil Kuya mo si Angelo Lance Manliquez. Aaminin ko, isa ako sa inggit na yun." natatawang saad n'ya kaya natawa din ako.

Totoo yun! Mga sikat nga kasi sila! Kala mo kegagwapo! Charot!

"Ewan ko ba bakit sikat yan sila Kuya. Kepapanget naman. Charot!. Kaya minsan hindi ako nasabay sa kanila kasi baka bigla nalang may humila ng buhok ko." natatawang saad ko din.

"Masakit un," saad n'ya at parang naramdaman n'ya. "Minsan ka na rin na kwento sakin ni Louie. Nung isang beses na sinamahan ko siya dahil nag iinum na naman s'ya. Nasabi n'ya dun kung paano kayo nagkakilala. Kung gaano ka kapursige na maging doctor, kung gaano ka n'ya kamahal. Dun ko mas narealize na napakasama nang ginawa ko, nang ginawa namin. Habang kinukwento n'ya kung paano s'ya nag antay, nagtiis at nag patingin tingin lang sayo, umiiyak s'ya na nakangiti. Kaya alam kong mahal na mahal ka n'yan. At hindi ka n'ya sasaktan," saad n'ya tapos ngumiti sakin. "I'm really sorry for what happened, Javi. But please give Louie another chance," saad n'ya at hinawakan yung kamay ko.

"Meron pa naman talaga, Ate. Gusto ko lang ayusin yung sarili ko. Nung naghiwalay kami sobrang bumababa yung self confidence ko. Asking myself kung anong kulang sakin... Kaya gusto ko pag pumasok na ko ulit sa relasyon namin, yung buo na ko at alam ko sa sarili kong wala akong kulang. Hindi ako magkukulang," saad ko lang.

"I understand. I know Louie will help you by that. Ako nga nakaya n'yang tulungan, ikaw pa kaya na mahal na mahal n'ya. Mas matutulungan ka n'ya. Just allow him to do that," saad n'ya sabay pisil sa kamay ko.

Just allow him to do that. Allow him to help me... Baka nga si Louie talaga ang susi para mabalik ko yung confidence ko.

"Salamat, Ate. You are a good woman too. Wala ka bang natitipuhan sa mga Kuya ko?" Pag iiba ko ng topic dahil gusto ko siyang chikahin about dito.

"Actually... I like Gelo but I also like Van. That's why Van is currently courting me now. Hindi ko talaga natypan yang si Louie. Masungit kasi! I mean si Gelo din naman pero sobra un kay Louie," saad n'ya biga kaya natawa ako.

"Totoo yan, Ate! Laging salubong ang kilay n'yan! Pero hindi naman ako takot sa kan'ya kasi nga siguro ngumingiti s'ya sakin. Pero wait! So Kuya Van is currently courting you?! May pag asa ba ang Kuya Vanjo ko? Taray may lovelife pala ang loko!" saad ko tapos nagkwentuhan lang kami ng iba't iba pang nangyari noong wala ako. Medyo lumalalim na ang gabi kaya nung nakaramdam kami ng ginaw pareho na kaming bumalik sa pwesto nila Kuya kanina at nandun pa din sila.

"Tagal nyo nag usap! Ano pinag usapan n'yo?" saad ni Kuya Kiefer.

"Yeah! Things like how to ruin Kuya Kiefer's lovelife kaso napagod kami kakaisip kasi wala nga palang love life," saad ko sa kan'ya kaya natawa sila Kuya.

"Barado ka na naman ni Javi, Kie!" saad ni Kuya Van na umakbay na kay Ate Nat. Ayiie!

"To si Javi kaya walang lovelife eh! Masama ugali!" saad n'ya kaya naman automatic na napalingon ako sa pool kung saan nahuli ko si Louie na nakatingin sakin pero nag iwas din agad.

"Yiiie! Namimiss na n'ya yung akbay at yakap ni Louie," pang aasar n'ya sakin.

"Tsss! Inggit ka lang kamo!" saad ko at nilapitan na sila Louie dahil late na at baka magkasakit sila Jash. "Louie. Ahm... Pagbanlawin na sana si Jash, malamig na masyado," saad ko tumingin lang naman s'ya sakin tapos tumango

Inantay ko lang sila tapos sabay sabay na kaming umakyat. Pagpasok namin sabay sila nagshower tapos ganun ulit, ako naghanda ng damit nila tapos inantay sila lumabas. 'Di pa din ako pinapansin ni Louie-tots!

Sabay silang lumabas at pareho din silang nakatapis. Tumatawa tawa pa yung dalawa.

At shems! Ang ganda talaga ng katawan ni Louie! Yummy yummy! Okay! Javi! Ang halay! Bago pa ko mabuko na pinagnanasaan yung katawan niya. Umiwas na ko ng tingin.

"Ahm! Bihis na kayo. Labas lang ako," saad ko at tumayo. Tatabihan muna kasi namin si Jash bago kami lumabas ulit.

Naupo muna ko sa couch at nagpaypay pa ng sarili kong kamay. Nag init ako kay Louie!

Nung natapos na silang magbihis. Pumasok na ko at humiga na din. Ngayon nasa gitna na namin si Jash.

"Good night po," saad n'ya at humalik sa pisngi namin ng Papa n'ya. Madali din nakatulog si Jash dahil siguro sa pagod kakalangoy.

Ewan ko pero parang na awkwardan kami pareho ni Louie kaya bago kami lumabas hinawakan ko yung kamay n'ya.

"Lou. May problema ba tayo?" tanong ko sa kanya. Bahagya s'yang natawa at tumingin sakin.

"May tayo ba, Loe?" tanong n'ya kaya hindi ako nakasagot agad. "See... Wala naman 'di ba? So wala naman tayong problema," saad n'ya tapos naunang naglakad palabas.

Ang tagal ko bago nakabawi dun sa sinabi n'ya. Oo nga naman Javi! Walang naman kayo! Bakit ganun yung tanong mo?! Wala namang linaw! Bakit kayo mag kakaproblema?

Huminga muna ako nang malalim bago napag pasyahan na bumaba na din ulit.

Nauna sakin si Louie kaya pagdating ko dun nakatingin sakin si Kuya na halatang nag aalala. Kaya ngumiti lang ako tapos tumabi kila Leah at Ate Nat. Si Louie naman nasa gitna ni Kuya at Kuya Kie. Ako nakagitna dun sa dalawang babae na katabi yung si Kuya Liam at si Kuya Van.

Nung nakitang kumpleto na kami, 'ska naglabas si Kuya Kie ng in can at nilagyan kami tig iisa sa harap namin.

Binuksan naman nila yun lahat pero yung akin hinawakan ko lang at tinitignan.

"Jav, hindi yan mabubuksan ng gan'yan," saad ni Kuya Kie pero tinawanan ko lang at pinagpatuloy yung pag iikot nun bago ko napagpas'yahan na buksan. Akmang iinumin ko na nang agawin ni Louie.

"Don't!" saad n'ya kaya tumaas ang kilay ko.

"Paki mo," saad ko at kinuha ulit yun sa kanya at uminom nang nakatingin sa kanya. At ngumiti nang natapos akong uminom. Pabagsak s'yang umupo sa tabi nung dalawa habang nakatitig sakin.

Nagkwentuhan lang sila at ako tahimik lang.

"Hoy! Van at Natalie! Kayo bang dalawa anong meron sa inyo?" tanong ni Kuya Kie kaya nabaling yung tingin namin sa kanila na sobrang sweet na.

"I'm currently courting her," saad ni Kuya Van.

"Taray! May lovelife!" saad ni Kuya Kiefer. Tapos bumaling kay Leah at Kuya Liam. "Eh kayong dalawa?" tanong n'ya.

"Dating," mabilis na saad ni Kuya Liam.

"Aba! May pag dating dating pang nalalaman ah!" saad n'ya at tumingin sakin tapos kay Louie. "LQ kayo?" tanong n'ya samin.

"Hindi," Ako yung sumagot habang inapaikot yung dulo ng daliri ko dun sa ulo ng in can.

"Ow! Eh bakit magkahiwalay kayo?" tanong niya ulit.

"Trip lang," saad ko at patuloy pa din sa ginagawa ko. Natawa naman si Louie pero alam mong naiinis. Uminom na lang ako ulit.

"Kayo, Javi ni Louie. Anong relasyon nyo?" tanong ni Kuya Kiefer.

"Wala!" Sabay kaming sumagot ni Louie. Kaya nagkatitigan kami. Ngumisi lang ako sa kanya kaya bigla siyang napaayos ng kwelyo n'ya.

"Okay! Ayoko na magtanong," saad n'ya tapos uminom na lang ulit kami. Nagkwentuhan lang sila doon pero ako tahimik pa din.

Naubos ko na yung isa kaya ang Kuya Kiefer suportado ako at inilagyan pa ang tapat ko ng isa kaya binuksan ko ulit. Iinumin ko na'ng may umagaw sakin.

"Enough, Lorraine! Pangalawa mo na yan!" inis na saad n'ya.

"Paki mo?! Wala akong gagawin iba na ikakainis mo. Akin na yan, Louie," iritableng saad ko. "Hindi mo ko kailangang bantayan kaya ko sarili ko. At isa pa nandyan naman si Kuya," dagdag ko pa kaya bigla n'yang binagsak yung hawak n'ya at biglang lumapit sakin.

"Mag usap tayo!" inis na saad n'ya. Pero tinignan ko lang s'ya. Napatingin naman s'ya sa taas na parang frustrated sa nangyayari. yung mga kasama namin nakatingin at nakangisi. "Tumayo ka na please. Mag usap tayo," mahinahong saad n'ya

"Ayoko makipag usap sayo," saad ko at kinuha yung inumin ko pero mabilis n'yang inagaw at ininum tapos hinalikan ako nang may beer sa bibig n'ya at ipinainum sa akin iyon. Pag hiwalay n'ya napatingin lang ako sa kan'ya.

"Now! We need to talk!" gigil na saad n'ya tapos hinila ako patayo at palayo kila Kuya.

-------------