Chapter 21
Javi's POV
After kong pagpantasyahan si Louie. Dun ko lang narealize na kasama pala n'ya ung tatlong Kuya.
"Dude, sorry but we came first. Kami ang unang nakakita sa mga hot girls na 'to. Kaya pwede back off!" saad nung binunggo ni Louie sa kan'ya.
"Do you think I care?" saad n'ya na nakatingin pa din nang tamad dun sa lalaki. "And don't call me dude, were not friends."
Whoo! The chills! Ngayon ko lang ulit s'ya nakitang gan'yan.
"Sorry mga pare. Mali kayo ng nakuhang babae. Sa'min kasi tong mga 'to. Kuha na lang kayo ng iba," mahinahong sabi ni Kuya Liam.
Ngumisi naman ung nasa kaliwa tapos humarap kay Kuya Liam.
"Pare, pwede din naming sabihin samin sila kaya sinong maniniwala sa inyo? Naunahan namin kayo kaya pwede umalis na kayo. Nakakasagabal kayo sa pagporma namin," saad n'ya kay Kuya Liam.
Bigla naman tumawa si Kuya Kiefer kaya parang nainsulto ung tatlo.
"Alam nyo, libre mangarap kaso kung sila ang papangarapin nyo. Hanap muna kayo mahihiraman ng mukha kasi mali kayo ng pinili," saad n'ya tapos tumawa ulit.
"G*go ka ba pare?! Kami nga nauna sa kanila. Kayo ang maghanap ng mahihiraman ng mukha," saad nung nasa gitna tapos akmang lalampasan si Louie para makalapit sakin kaya pinigilan s'ya ni Louie.
"Where do you think you're going?" tanong n'ya.
"Sa girlfriend ko," saad nun tapos tinanggal ung kamay ni Louie. Biglang natawa ung isa tapos hinila s'ya at binato sa buhangin at akmang susuntukin kaya naman sinigawan ko na s'ya.
"Lou! Si Jash," saad ko lang kaya tumingin sakin si Louie tapos hinagod ung buong katawan ko ng tingin kaya napatingin din ako sa sarili ko. Wala namang problema ah.
"Magpasalamat ka at andyan ang anak namin. kun'di kanina pa basag yang mukha mo. G*go! Asawa ko ung sinasabi mong girlfriend mo!" Sigaw n'ya tapos naglakad papalapit sakin. Mukha namang nagulat ung lalaki.
Anong asawa?!
"At asawa ko ung kursunada mo," gigil na saad ni Kuya Van dun sa lalaki sa kaliwa. Tapos lumapit kay Ate Nat.
Nangarap pa nga!
"Sabi kasi sa inyo iba na lang ang pangrapin nyo. Ayaw nyong magtigil. . Samin nga kasi tong tatlo," saad ni Kuya Kiefer at lumapit na din.
Nakasimangot naman si Louie nang lumapit sakin tas pinitik ung noo ko. "Kung saan saan kasi nakakarating," saad n'ya.
"Photoshoot lang kami eh. Malay ba naming may lalapit samin," nakangusong sagot ko.
"Tara na," saad ni Kuya Liam tapos tumingin dun sa tatlo na nakanganga. "Hanap na lang kayo ng iba," tapos lumakad kaya lumakad na din kami. Hinubad muna ni Louie ung damit n'ya tapos isinuot sakin.
"Hindi naman kita ung kurba ng katawan pero bakit nakaka attract pa din ng mga tarantado! Nakakainis!" saad n'ya habang isinusuot ung damit n'ya. Nung natapos na, inakbayan na lang n'ya ko at inilapit ng todo sa kanya kaya ung isang kamay ko iniyakap ko sa bewang n'ya. "Alam mo. Minsan iniisip ko, girlfriend na kita ulit," saad n'ya tapos tumingin sakin.
Naalala ko naman ung sinabi n'yang asawa n'ya ko. Biruin ko nga!
"Girlfriend? Sabi mo asawa mo ko? Alin ba talaga dun?" biro ko sa kanya. 'Di naman s'ya nagsalita at pinagpatuloy lang ung paglalakad naming dalawa.
Pagdating sa cottage, nakita kong nakaluto na pala sila. Si Kuya at Ate Myla ang naiwan dito kaya ayus na.
"May nabasagan ng mukha?" tanong ni Kuya.
"Muntikan, dude! Girlfriend daw si Javi, edi tinapatan ng asawa. Libre talaga mangarap!" natatawang kwento ni Kuya Kiefer. "Nainggit naman ung isa. Asawa din daw! Hayop na yan," dagdag pa n'ya.
Ung dalawa naman na nagsabing asawa daw kuno. Nakabusangot at gusto gustong murahin si Kuya Kiefer.
"Sayang! Tama na nga. Kain na!" yaya n'ya samin tapos naupo na, kaya naupo na rin kami.
"Jash! Tama na yan. Kain na," saad ko sa kan'ya pero walang talab. "Ano bang nilalaro mo?" tanong ko.
"Game po mama. Dalawa po kami ni Nalia," saad n'ya kaya tinignan ko si Ate Nat na pinagsasabihan din si Nalia.
"Stop na muna yan. Dalawa naman pala kayo. You can pause it then continue after we eat," saad ko pero parang wala pa din. Papagalitan ko na sana nang magsalita si Louie.
"Jashua," tawag n'ya kay Jash, tumingin naman si Jash sa kanya tapos dahan dahan na ibinaba sa lamesa ung phone ng Papa nya. Tapos tumingin sa pagkain n'ya.
Tinignan ko din si Louie at seryoso ung mukha n'ya na bumaling kay Ate Nat at Nalia na nagpipilitan din. "Nalia," tawag n'ya lang din tapos kung anong ginawa ni Jash ganun din ung ginawa ni Nalia.
Gusto kong tumawa kaso parang hindi dapat kaya kumain na lang din ako.
"Ayan! Takot pala kayo pareho e. Kami din kinakatakutan yan si Tito at Papa Louie pag seryoso," saad ni Kuya Gelo tapos kumain.
Hindi naman ako natatakot kay Louie pag seryoso kasi nasanay akong ganun s'ya mas kinakatakot ko pa nga dati pag nagiging mala Kuya Kiefer ung ugali n'ya kasi dun n'ya ko dinali.
"Tss! Isang tao lang naman ung walang takot sakin," saad n'ya pero nakain pa din. Hindi ako nagsalita pero alam kong ako tinutukoy n'ya.
"Ah! Hindi talaga takot yun. Ikaw pa nga ang takot eh," saad ni Kuya Liam kaya 'di ko na napigilang tumawa. Dahil dun nasamid samid ako kaya natawa na din sila. Ang sakit sa dibdib! putik!
"Guilty," saad ni Louie habang naglalagay ng tubig sa harap ko. Sinamaan ko lang s'ya ng tingin habang natawa sila Kuya.
Natapos kaming kumain, nagpahinga lang muna ung dalawang bata tapos lumusong ulit kasama si Leah at Kuya Liam, na feeling ko e, nag kakamabutihan na.
Nagligpit na lang kami. Mamaya na ko magpapalit pag check in, ilang oras na lang din naman.
Lumipas ang oras at nagcheck in na kami sa hotel, ung ibang gamit, inilagay na sa kotse ni Kuya. Nasa kotse din ung cooler kung saan andun ung mga inumin. Mamaya na lang daw kukunin.
"Hi! Reservation for Kiefer Martinez. Thanks," saad n'ya sa receptionist.
Kaya hinanap yun nung babae habang sumusulyap sulyap sa kan'ya.
"2 Deluxe rooms. 2 beds and 1 bathroom?" pagconfirm ng receptionist
"Yes," saad lang ni Kuya Kie.
"Okay! Here Sir, Room 351 and Room 352. Thank you! If you need assistance, kindly use the hotel room telephone for quick assistance," nakangiting sabi nung babae. Bigla naman s'yang namula ng kumindat si Kuya Kiefer. Hayop talaga to!
"Hi! Reservation for Engr. Fernandez," saad ni Louie na pinipigilan ang tawa. Wait! Anong sabi n'ya.
"Engr. Fernandez, wait lang po, Sir. I'll call my manager. Nabilin na po kasi yun," saad nung babae sabay dial ng phone.
"Yeah, sure" nakangiti din sabi ni Louie.
"Madaya si Louie!" natatawang sabi ni Kuya Liam.
"Hindi lang ako. Pati ikaw, wag kang magmalinis!" saad naman nitong isa.
"Bakit yun ung pakilala mo?" tanong ko sa kanya. Ngumiti lang sya tapos tinignan ung babae tapos sakin ulit biglang kindat. Tss...
"Engr. Fernandez, kanina pa po kayo dito? Pasensya na po," saad nung mukhang yun ung manager.
"No. It's fine, nandun naman kami sa beach," saad n'ya tapos ngumiti dun sa manager.
"I see. I hope you and your family enjoy the beach and the view. 1 Presidential suite as Mr. Villar said. And as requested, same floor po ng family nyo, Room 359. Thank you, Sir and hope you have a comfortable stay here," saad nung manager tapos nagbow pa.
"Thank you, Niel." Tapos kinuha ang susi. Sila Kuya naman naiiling lang, ako naamaze. "In love ka na naman sakin! Naku, Loe!" saad n'ya habang naglalakd kami papunta elevator.
"Sira! Bakit kilala ka dito? Pati parang special ka!" saad ko at hindi ko talaga mapigilang hindi mag tanong.
"Bukod sa kaibigan s'ya ni Mr. Villar. s'ya ang Engineer nitong hotel nung tinatayo."
Si Kuya Liam na ang sumagot kasi ung isa tumahimik lang habang pinapaikot ung susi ng kwarto namin sa kamay n'ya.
"Iba ang kapit natin, Engr. Fernandez! ," natatawang komento nila Kuya.
Tahimik lang naman ako habang katabi si Louie, kay Jash kasi s'ya nakaakbay.
"Minsan lang naman. Kaya gamitin na natin ung advantage. Si Liam din naman madaya!" natatawang usal ni Louie.
Nag asaran pa sila dun bago kami makapunta sa kwarto namin. May limang kwarto na pagitan ung amin nila Kuya kaya nauna silang makapasok kami nag lalakad pa.
Pagpasok namin. Ang ganda ng kwarto! Yayamanin! Char! Pero maganda talaga ung kwarto, ung kwarto namin may kwarto para sa bedroom, may living room at may kusina, kaya siguro nasa medyo dulo kami dahil malaki. Inilapag namin ung mga gamit sa couch.
"Jash, shower na then we can take some rest since mainit sa labas. Maya na ulit tayo magswim," basag ni Louie sa katahimikan.
"Sige po, Papa. I'm kinda sleepy din po," saad naman ni Jash kaya nagtuloy tuloy na sa bathroom.
"Hey! You okay? Bakit tahimik ka?" tanong niya sakin. Tumingin lang din ako sa kanya at ngumiti.
"Thank you, Lou." saad ko at hindi ko napigilang yumakap.
"Ahm! You're welcome pero para saan ang thank you?" natatawang tanong niya.
"Because you're giving us this kind of treatment. Akala ko hindi mangyayari tong makakasama ka namin. But it happens! Akala ko hindi mo kami magiging priority but look at this kasama mo kami dito," saad ko at hindi napigilang umiyak.
Naramdaman ko naman na umangat ako sa lupa meaning binuhat n'ya ko kaya kusa kong ipinulupot ung binti ko sa kan'ya.
"Lahat nang 'to ginawa ko para sayo. I want to be deserving for you. Ginawa ko to na ikaw ang inspirasyon ko, Lorraine. At isa pa kayo ni Jash ang priority ko kahit kanino. I should be the one thanking you because you let me live in my dream. You let my dream become reality. Mahal na mahal kita, Lorraine. Kayo ni Jash," saad n'ya at humigpit ung yakap ko sa kan'ya.
Tapos humiwalay saglit kaya nagkatitigan kami at unti unting lumapit ung mukha namin sa isa't isa pero nahinto yun at sabay kaming natawa dahil may maliit na boses ang tumawag samin.
"May extra na nga pala," saad n'ya habang natawa. Dahan dahan n'ya kong ibinaba tapos humalik na lang sa pisngi ko. "I love you," saad n'ya lang ta's sinundan na si Jash sa bathroom.
Nakangiti lang din akong sinundan s'ya ng tingin tapos kinuha ko ung gamit namin at dinala sa bedroom. Kumuha ng damit nila pareho tapos inilagay sa taas ng kama. Tapos inilibot na ung paa sa buong suite namin.
May mini chandelier sa gitna ng living room, tapos may malaking TV at ung couch nga. Tapos pumunta ako sa kusina at tinignan ko yun, kumpleto, may ref, may stove, may mga wine at pwede ka na talagang magluto agad agad. Tinignan ko ung ref kung may laman at meron din. . Pinaghandaan ata talaga to ni Louie-tots! May beer din dito.
Kumuha naman ako ng isa at binuksan un tapos uminom. Ganun ako naabutan ni Louie, nakabihis na s'ya tas basa ang buhok.
Louie's POV
"Hey! Makita ka ni Jash na umiinom dyan," saad ko at inagaw ung beer in can na iniinom n'ya. Shit! Uminom s'ya!
"Gwapo mo," saad n'ya at lumapit sakin sabay yakap sa leeg ko.
"Shit! Kaya ayokong umiinom ka ng beer ih. Bitaw na, baby. Baka makita tayo ng anak natin," saad ko pero nakayakap din sa bewang n'ya.
"Nasaan s'ya?" hanap n'ya kay Jash tapos kinuha ung beer n'ya at uminum ulit.
"Nandun at nagbibihis. Sige na, Magshower ka na din. Tabi na tayo magpahinga," saad ko at kinuha ulit sa kanya ung beer. "Enough with this. Mamaya na lang ulit," saad ko pero ngumuso s'ya. Ang cute!
"I want more," saad n'ya at parang ungol yun.
Shit! Nag init at nabuhay bigla ung matagal nang gustong kumawala pag nandyan si Loe.
"Fck! Lorraine! Go! Magshower na," saad ko at bumitaw na ng tuluyan sa kan'ya tapos inisang inum ung beer. "Ptcha! Ang dami mo ng nainum?!" saad ko nang mabilis kong naubos yun. Ngumiti lang naman s'ya sakin ng matamis tapos kinagat ung ibabang labi shit!
Gustong gusto ko tong side n'ya minsan lalo na pag mag iinit ako pero ngayon na may Jash na nag iintay samin sa kwarto hindi pwede. Naaalala n'ya naman to kasi hindi naman s'ya lasing pero after nito panigurado hindi n'ya ko papansinin ng isang bwan!
"Sabay tayo ligo," saad n'ya, good thing tapos na kaming maligo ni Jash.
"Jash and I already done. Ikaw na lang. Magshower na," saad ko at hinila s'ya papunta bathroom.
"Kiss mo muna ko," saad n'ya tas hinila din ako salungat. Tsk! I give her a peck on the lips but I know that she's not satisfied with that but I can't give her what she wants, nandyan ung anak namin.
"Love, please... Mamaya. I'll kiss you to death but not now," saad ko at hinila ulit s'ya. Pagpasok ng kwarto nakita ko si Jash na tulog na. Mukhang inaantok na talaga s'ya kanina eh. Kaya sabi ko mahiga na lang at tatabihan ko s'ya.
"His sleeping, Louie. Sabayan mo na ko maligo," saad n'ya at ngumiti.
"Loe! Pagdating ng shower panigurado papalabasin mo din ako. Sige na pumasok ka na," saad ko at tinulak pa s'ya sa bathroom.
"Then kiss me na lang ulit," saad n'ya kaya napabuga ako ng hangin sa sobrang kulit ng babaeng 'to pero kahit ganun mahal ko 'to. Kaya tanggap ko ung kakulitan n'ya.
"Fine!" saad ko at hinalikan ko nga s'ya nang mas matagal at mapusok. Fck! I miss her lips. She responded to my kiss kaya binuhat ko s'ya para magpantay kami and the next thing I knew, we were both naked under this running water from the shower.
Pero! Nakahubad lang kami. Hinubaran ako ng babaeng to e. I'm just hugging her and don't do anything kahit gustong gusto ko. Ramdam na ramdam ko ung init ng katawan n'ya at kitang kita ko ung kurba ng katawan n'ya. Lahat kita ko na at aaminin kong namiss ko tong ganto kami.
Mas naguguluham tuloy ako kung ano na talaga kaming dalawa.
"Okay ka na?" tanong sa ko kanya, tumango lang s'ya at sumandal sakin. "Hay! Paano kita paiinumin mamaya kung ngayon pa lang nakikita na kitang ganto? Baka mamaya kung ano na gawin mo," saad ko sa kan'ya kaya natawa naman s'ya.
"Nandyan ka naman. You can control me," saad n'ya kaya mas napangiti ako dun. Tapos bumitaw sa kanya.
"Wala akong ginawa sayo, Loe ah. You can still remember what we did 'di ba?" tanong ko sa kan'ya.
"Alam ko. Thank you," natatawang sabi n'ya tapos s'ya na mismo ang kumuha ng towel naming dalawa. "Here! Sorry. Nadoble tuloy ang ligo mo."
"It's fine. May makulit kasing babae na hinubaran ako e," saad ko kaya natawa s'ya.
"I'm sorry, Louie-tots," saad n'ya tapos nagtapis na. Ako naman nagpunas na lang at itinakip sa baba ko ung towel. Baka lang biglang magising si Jash at makita kami.
-----------