Chapter 30: Binuksang Peklat Sa Puso

Napasimangot si Lucian sa kaniyang cell phone. Si Reina na naman ang tumatawag sa kaniya. These past few weeks, parati na itong ginagawa ng kuwarenta y tres anyos na biyuda. She seemed to be hell-bent on pursuing him. Kahit na sinabi niyang girlfriend niya ang ipinakilala niya rito noon sa paboritong restoran ni Rowan nang magtagpo sila roon.

Naalala niya pang tumawag ito noong nasa reunion sila ng mga kaibigan ni Rowan. Wala siyang mapagpipilian sa oras na iyon. Hinintay niya ang tawag ni Rhenn dahil sa isang importanteng business deal kaya bukas ang linya ng telepono niya. Subalit si Reina ang tumawag at alam niyang hindi ito titigil kung hindi niya sasagutin.

Inimbitahan siya nitong kumain sa labas ngunit prinangkahan niyang kasama niya ang kaniyang nobya kaya hindi siya puwede at hinding-hindi niya ito pauunlakan kahit kailan. Ayaw niya kasing magkaroon ng hindi pagkakaintindihan sa pagitan nilang dalawa ng nobya kaya naman ay umiiwas siya.

“This is purely business this time, Lucian, I swear. I’ll drop by in your office in half an hour?”

Narinig niyang wika ng biyuda sa kabilang linya. Ngunit bago pa siya makapagsalita ay tinapos na nito ang tawag na iyon.

He glanced at his smartwatch with gritted teeth. Magkikita sila ni Rowan in an hour sa paborito niyang Korean restaurant. Ang pangalawang lugar kung saan sila nagkita na dalawa ni Rowan. Nagpa-reserve na siya kay Leah, ang waitress na suki niya roon. Alam na ng huli na nobya na niya ang dalaga.

“Rhenn, you can just go ahead and go home. May bisita pa ako mamaya,” habilin niya sa PA nang pumasok ito sa kaniyang opisina.

“Yes, sir.” Agad din itong umalis nang walang tanong-tanong.

Ilang minuto pa ang lumipas ay pumasok na sa kaniyang opisina si Reina. She looked so attractive in her dress, with her ample cleavage displayed. But he was not attracted to her at all, not ever. And lately, he never admired any woman besides his sweet girlfriend. He only had eyes for her. And he loved her more than he loved his own family⸺sina Lucas, Lee, Raya, at Baby Lance⸺or even his own life. He swore to himself he would always put Rowan above anything else.

“What business are we going to talk about, Reina?” tanong niya kaagad sa babae. Magkasalubong nang bahagya ang kaniyang dalawang kilay.

Nakatayo siya ngayon malapit sa dingding na gawa sa salamin. Sa baba ay nakikita niya ang parking space ng kaniyang gusali at pati na ang mga taong paroon at parito. Pumihit siya nang lumapit sa kaniya ang biyuda.

“I want some of your advice. Ever since Michael had left us, my son took over the company. I know, I was there to support him despite his being wet behind the ears. You said he’s still too young to handle it, but he does for a couple years now… Yes, I stood my ground, trying to prove to you and to everyone else that my son would do well… But then, I’ve just found out that… a huge part of the company money has been embezzled, and I don’t want the board of directors to find out that it was my son who did it, Lucian! We will lose everything if it happens! And I mean everything!” umiiyak na anito. Kita niya ang pagtulo ng mga luha sa pisngi nito habang nakatingala sa kaniya, nakatingin sa kaniyang mga mata.

Naaawa naman siya sa biyuda. Yumakap pa ito sa kaniya at nagpatuloy sa paghagulhol. Pagkatapos niyon ay hinawakan niya ito sa magkabilang pisngi.

“Reina, iyon na lang ang natitira ninyong mag-ina mula kay Michael. Nagkamali ang anak mo kaya dapat niyang panagutan iyon. He should learn to take responsibility for what he did.”

“Pero, Lucian⸺”

“Huwag mong kunsintihin ang anak mo, Reina!”

Napayuko ang biyuda at ngumiti sa kaniya nang malungkot. Marahan itong tumango habang napasinok-sinok.

“But I promise to look into it. I’ll do whatever I can in my power to save the company and your son! Okay?”

“It means a lot to me, Lucian. Salamat! Alam mo naman na ikaw lang ang tanging matatakbuhan ko ngayon at wala akong ibang pagkakatiwalaan kundi ikaw lang.”

Hawak pa rin ito sa magkabilang balikat ay napatingin lang siya sa desperadang mukha nito. Kung hindi lang ito biyuda ng kaniyang matalik na kaibigan noon ay nunca niyang pakikiharapan o kaya ay tutulungan ang isang babaeng wala nang ginawa simula noong namatay ang asawa nito nang dahil sa aksidente kundi ang akitin siya.

***

Nakangiti si Rowan nang bumaba ng kaniyang sasakyan. Sosorpresahin niya si Lucian sa opisina nito. Monthsary kasi nila ngayon at hindi siya makapaghintay sa susunod nilang date na magkatipan.

Napalis naman ang kaniyang ngiti nang mapasulyap siya sa itaas ng gusali. Mula sa kaniyang kinaroroonan ay nakikita niya ang opisina ng binata kahit na nasa second floor iyon. Natutop niya ang kaniyang bibig sa nakita. Sa anggulong kaniyang kinaroroonan, kita niya dalawang tao sa opisina ng katipan at batid niyang si Lucian iyon na may kasamang babae. Nagyakapan pa ang dalawa.

‘Ito ba ang dahilan kung bakit niya ako sinabihang sa restaurant na lang kami magkikita dahil may kalampungan siyang iba?’ sa isip niya.

Nabuhay ang masidhing pagseselos sa kaniyang puso na tila sinaksak nang maraming malulupit at matatalim na kutsilyo. Umagos ang luha mula sa kaniyang mga mata at nagsitakbuhan pababa sa kaniyang pisngi hanggang baba.

Ang sakit-sakit sa damdamin niya ngayon nang dahil sa nasaksihan. Bumalik sa kaniyang alaala ang ginawa ng kaniyang mga exes. Napakuyom pa siya ng mga palad at tumalikod na. Sumakay siyang muli sa kaniyang sasakyan. Nanlalabo ang kaniyang paningin dahil sa mga luha pero pinaharurot pa rin niya ang kaniyang van. Hindi niya nga lang alam kung saan siya pupunta.

Napuna na lang niyang huminto siya sa isang pamilyar na parking lot. Bumaba siya at pumasok sa madilim niyang opisina. Narinig pa niya ang pagtunog ng kaniyang cell phone. Nang tingnan niya ito ay si Lucian ang tumatawag.

Sugar Daddy calling… ang nasa screen ng aparato.

Inilagay niya ito sa mesita at napayakap siya sa kaniyang tuhod habang nakaupo sa leather na sofa.

‘God! How could I be so stupid! How could I trust men after what I’ve been through with my two exes? How could I trust Lucian of all people?’