Chapter 29
Sa hindi ko malamang kadahilanan ay kanina ko pa naririnig ang nakakairitang katok na yan. Alas singko pa lang ng umaga ha? Bat naman ang aga naman manggising nung kumakatok na yon. Nagtaklob ako ng kumot at ipagpapatuloy na sana ang pagtulog ko ng lalo pang lumakas ang pagkatok sa may pinto dahilan para agad akong tumayo mula sa aking pagkakahiga without seeing myself on the mirror at binuksan ang pinto.
Bumungad lang naman sakin ang asar na asar at iritadong pagmumukha ni Thower. Ugh! I hate him!
"Ano bang kailangan mo?" iritado kong saad habang kinakamot ng may pagkairita ang batok ko.
"Natutulog ka pa ba? Hindi mo ba alam na ngayon ang first shooting day ng reality show natin?" saad nya na pinagwalang bahala ko lang ay tuluyan ng lumabas ng kwarto ko at naglakad papuntang kusina.
"And then? What's up with that? Diba kahapon parang ako lang ang may pakialam dun?" walang buhay kong saad. Pagkarating ko sa kusina ay napangiti ako dahil may luto ng kain at ulam. Kumuha ako nun at kumain na. Sinusundan lang ako ni Thower.
"Have you gone mad? Naisip ba ng utak mo na kailangan ko ito? I need this. The people need to see who Cloude Thower Wolfe is!"
"Whatever!" I heard him scream in frustration. Dahilan para mapalingon ako sa kanya.
"Look, let's just put this way. I need this show and you need me, kailangan mo akong bumalik sa dating Thower na minahal mo and to make this work ay kailangang sundin mo ako." natigilan ako sa sinabi nya. Yeah! He's right. I want him to change back to his old self.
"And you know what, what I want?" tanong nya.
"What?" nanatili lang syang nakatingin sakin with that grin in his face. Hindi ko maintindihan kung bakit sya gumanon.
"Quit on your job!" Cool na saad nyang parang wala man lang syang masasaktan.
Ganyan ba sya ka-insensitive para hindi maramdamang i need this job and I love ny job that ipapatapon na lang nya sakin ng ganun lang kadali? I work hard to achieve this job. Hindi nya alam kung gaanong paghihirap ang pinagdaanan ko. Even though naging OJT ako ng company ay hindi lang yon ang dahilan dahil nagsumikap ako tapos he just wants me to quit just like that? How unbelievable!
"Naririnig mo ba ang sinasabi mo, Thower? Out of nowhere, you want me to quit my beloved job?" He just nod like he doesn't hurt anyone at nagagawa nya pa talagang ngumiti. Naku! Kung hindi ko lang talaga gustong bumalik sya sa dating Thower ay hindi ko ito gagawin.
"I can hear you perfectly and clearly and I said quit your job. Wala akong pakialam kung ano pang reason mo, ang mahalaga sakin ay malaman ng tao na mahal na mahal ko ang asawa ko at ako ang makita nilang nagpo-provide sayo. The people know that I married you because I love you pero ang hindi nila alam ay kaya lang naman kita pinakasalan ay dahil naaawa ako sayo. Naaawa akong wag tuparin ang pangakong pinaghawakan mo"
His words felt like my heart is broken into tiny little pieces na sa sobrang liit kaya unti unti mo itong pulutin ay imposible na mabuo pa ito muli. I started to cry, hindi ko na rin natapos ang kinakain ko at tumayo na ako at dumiretsong kwarto. I dialed Sir Calvin's number and quit my beloved job.
Pigil na pigil ko ang pahinga ko wag lang akong humagulgol. Kahit mahirap ay tinanggap ko ang sinabi ni Thower. Masyado ko syang mahal kaya kahit alam kong sinasaktan ko na ang sarili ko ay tinutuloy ko parin. Pagkatapos ng ilang beses na paulit ulit na reasoning kay Sir Calvin ay pumayag na rin sya.
Walang lakas na nabitawan ko ang phone ko at niyakap ang tuhod ko habang umiiyak. I feel like I'm a loser right now. I crying. Umiiyak ako pero ung taong mahal ko, alam kaya nyang mahal ko sya?
Nasa kalagitnaan ako ng pag-iyak ng biglang bumukas ang pinto. Alam kong si Thower yan kaya hindi na ako nag-abala pang mag-angat ng mukha. Naramdaman kong nilapitan nya ako sa upuan which is nakakabigla. Bakit nya ba ako nilalapitan?
"Thower ---"
"Shh. Mahal ko, wag ka ng umiyak ." kumunot ang noo ko at pasimpleng nag-angat ng ulo. Ah. Kaya naman pala. Ito ba ang ibig nyang sabihin na ibabalik nya ang dating Thower, sa pamamagitan nito? He's really using me huh? Ganun ha! Natatakot kang makita nila ang tunay na imahe ng isang Cloude Thower Wolfe, pwes, tingnan natin kung hanggang saan ka tatagal sa pagpapanggap.
You want to play a game called acting. Well then, let's play!
Pinagpatuloy ko ang aking pag-iyak at mas humagulgol pa ako. Tingnan lang nating Thower. Tandaan mo, mahal kita pero minsan pag maso-sobrahan na ako na mismo ang tatalo sa sayo sa larong mismong ikaw ang nagsimula.
"Tama na. Wag mo akong natawag tawag na mahal mo ako. Thower, tama na. Sabihin mo na lang kasi. Hindi mo ako mahal" nag-angat na ako ng ulo at tumayo na ako. Nakita ko ang director at iba pang crew na ivi-video kami. Pinagwalang bahala ko na lang ang nakita ko.
At aalis na sana ako ng naramdaman ko ang mainit na yakap sakin ni Thower. Natigilan ako at naramdaman ko ang mainit na likido na bumabagsak sa balikat ko. "Please. Hindi ko naman gustong gawin yon. Autumn, mahal na mahal kita. I want you to be with me. Sorry"
Hindi ko inaasahan na bigla nya akong ihaharap sa kanya at isang iglap ay hinalikan nya ako. Natigilan ako sandali at wala sana akong balak na tumugon sa paanyaya ng kanyang mga labi kaso nahuli na ang lahat at natagpuan ko na ang sarili ko na tinutugon ang bawat halik na ibibigay nya sakin.
Tell me, am I dreaming or am I awake in a dream?