Chapter 22

Tumungo na lang ako. Masakit man ang sinabi nya sakin pero buong buo ko itong tatanggapin. Hindi mapipigilan ng pagmamahal ko sa kanya ang lahat. Naniniwala ako, naniniwala ako mababalik ang dating Thower na mahal ko at mahal ako.

---

Kahit masama ang loob ko dahil sa sinabi ni Thower ay pinili ko paring pumasok. Ayokong magpa-apekto sa nararamdaman ko. Kasi alam ko naman ko sa sarili ko na kinasal nga kami ni Thower pero ang lahat ng yon ay dahil sakin dahil pinagpilitan ko lang naman ang sarili ko sa kanya.

Halos buong araw ay itinuon ko ang atensyon ko sa trabaho. Na kahit ung mga papeles na ang deadline ay malayo pa ay agad ko na ring tinapos para lang mailayo ang isipan ko sa nangyari kaninang umaga.

"Monique, are you okay?" tanong sakin ni Sir Calvin pagkapasok ko sa opisina nya. Kanina kasi ay pinatawag nya ako. At dahil sa medyo bakas pa sa mukha ko ang lungkot ay sandali muna akong nag-retouch.

"Sir, Yes Sir. Okay lang po ako" I faked a smile. Alam kong kahit anong patong ko ng make up dito sa mukha ko ay hindi maaalis ang lungkot dito sa mga mata ko.

"Your eyes says the opposite" diretsong saad ni Sir Calvin dahil para mapatungo ako. Pumikit ako at naglabas ng isang buntong hininga.

"I know. It's all my fault" nakatungo kong saad. Nagsimula na ring mangilid ang mga luha ko at nagsimula na ring uminit ang mga mata ko.

"Sinong nagsabi na kasalanan mong magmahal?" nabigla ako sa sinabi ni Sir Calvin kaya nag-angat ako ng ulo. At natagpuan ko na lang sya na nakatayo dito sa harapan ko at basta na lang akong niyakap. Natigilan ako.

"Siguro huli na rin ako sa byahe o sadyang hindi man talaga ako bida sa love story ng buhay mo, Monique pero tandaan mo nandito ako. Nandito ako para ibigay ang balikat ko para iyakan mo. Handa akong masaktan, wag ka lang masaktan" hindi ko na napigilan ang sarili ko at isa isa ng nagsibagsakan ang mga luha ko.

Natagpuan ko na lang ang sarili ko na yakap yakap si Sir Calvin.

"I already acknowledge myself as a loser in this battle. Pero kung bibigyan mo ako ng pagkakataon, let me be a friend to you. " sincere nyang sabi.

Tumango na lang ako at slight na ngumiti.

"S-sige, Sir"

Kumalas na sya sa yakap at iniharap nya ako sa kanya. Pinunasan nya ang mga luha ko gamit ng panyong nasa bulsa nya.

"Pakiramdam ko, kalahati ako sa may kasalanan kung bakit umiiyak ka ngayon kaya kung papayag ka, pwede ba tayong magkaroon ng friendly date? Para kahit papaano naman ay napangiti kita. And don't worry, It's my treat"

-----

Pumayag ako sa sinabi ni Sir Calvin na dinner date. Naging masaya naman ang lahat. At hindi ko inaasahan na mas makikilala ko pa pala si Sir Calvin dahil sa dinner date na ito.

Ikinuwento nya na nung playboy pa sya ay hindi daw mabilang na babae ang lumalapit sa kanya na dumating na sa puntong halos araw araw na syang nakakagalitan ng mga magulang nya until one day ay nakilala nya ako and then the rest is history. Hindi naman daw nya pinagsisihan na magbago dahil lalo nyang napatakbo ng maayos ang company at mas nakilala pa ito.

"Sir, kung hindi ka magagalit, gusto ko sanang itanong ang tungkol kay Yamie" nakita kong sandaling tumigil si Sir pero pagkatapos din ng ilang segundo ay muling binalik nya ang ngiti sa kanyang mga labi.

"What about her?"

"Gusto ko lang itanong, kung matagal ka na palang gusto ni Yamie at matagal mo na rin syang inaayawan ay bakit hanggang ngayon ay gusto ka parin nya?" diretso kong tanong kay Sir Calvin na nagpaalis ng ngiti sa kanyang mukha. Bigla tuloy akong nakonsensya, sana pala hindi ko na tinanong pa.

"A-ahh, Sir, okay lang kung aya--"

"Matagal ng may gusto sakin si Yamie but I kept on rejecting her. Boto sa kanya ang family ko dahil dating business partner ang mga magulang namin. Kaya nung binalak akong pakasalan ni Yamie ay hindi tumanggi ang mga magulang na parang gustong gusto nila akong ipamigay kay Yamie" nakatulala na si Sir Calvin sa pagkain na nasa harapan nya habang sinasabi nya yon.

Malungkot lang akong nakatingin sa kanya. Siguro ay much deeper pang kwento sa sinasabi ni Sir Calvin. I can see it in her eyes. May rason sya kung bakit lagi nyang ni-re-reject si Yamie at hindi ako maniniwalang ako ang dahilan dahil kasasabi nya lang na dating business partner ang parents nila kaya may possibilidad na matagal na nilang kilala ang isa't isa.

---

Calvin Manuel

Sandali akong natulala sa pagkain habang sinasabi ko yon. Siguro ay kahit matagal na panahon na ang lumipas ay hindi parin maghihilom ang sugat ng nakaraan. Kung hindi lang talaga nangyari ang araw na yon.

"Calvin, ang ganda ganda naman dito. Ikaw ba talaga ang nagpagawa ng bahay na ito?" manghang saad ni Caroline habang nililibot ang kanyang mga mata sa loob ng bagong bahay na pinagawa ko para sa aming dalawa.

Na kahit isa akong playboy ay tinanggap nya ako ng buo.

"Syempre naman." masaya kong tugon.

"Teka lang ha, may ipapakita ako sayo, wait lang ha" saad ko at pumunta ng kusina. Maingat ko ng kukunin sa may oven ang roasted chicken ng may narinig akong malakas sa sigaw na tingin ko ay kay Caroline kaya dali dali akong lumabas ng bahay pero huli na ang lahat. Nababalot na sya ng dugo.

Dugo sa may bandang puso nya markang binaril sya. Kasabay ng pagtangis ko ay nakatanggap ako ng isang text message mula kay Yamie.

From: Yamie Alcantara

How my anniversary gift? Pasensya ka na ha? Naging madugo ang lahat. Ikaw kasi masyado kang matigas ang ulo may namatay tuloy. Anyway, I really like the house, kelan mo ba ako pakakasalan ha, baby?

Pinakulong ko si Yamie pero dahil sa pera ang pinakilos nya ay nakalaya agad sya.

Yan ang dahilan kung bakit ayaw ko kay Yamie at kaya siguro nagustuhan ko si Monique dahil naaalala ko si Caroline sa kanya. At dahil na rin sa nasaktan ako ng lubos ay bumalik uli ako sa dati ... sa pagiging playboy hanggang sa nakilala ko si Monique.

----

Autumn Monique

Alas otso na ng gabi ako nakauwi. Alam kong magagalit si Thower dahil gabi na ako nakauwi. Kaya takot na takot at maingat kong binuksan ang pinto at maingat na aakyat na sana sa ikalawang palapag papunta sa kwarto ko ng biglang dumarating si Thower. Natigil ako sa aking paglalakad, blanko lang syang nakatingin sakin at para lamang akong hanging nilagpasan nya at dumiretso na sa kanyang paglalakad.

Natigilan ako at napatungo. Nakaramdaman ako ng pagkirot dito sa parteng puso ko. Ganito na lang ba talaga? Ganito lang ba ako? Kanina umaasa akong pagagalitan nya ako at sasabihan ng masasakit na salita pero nagkamali ako parang mas masakit pa ata ito sa verbal na pangungusap.

Hindi ko na rin napigilan ang sarili ko at umiyak na ako at patakbong pumasok sa kwarto ko.