Chapter 21
"Ahh .. Ganun ba? s-sorry" nakatungo kong saad pero hindi man lang nya ako tiningnan at basta na lang syang pumasok sa loob ng kwarto nya at pabalibag nya itong sinara dahilan para mabigla ako.
Lalo tuloy akong naawa sa sarili ko. Desisyon ko to, paninindigan ko. Kailangan kong yakapin ng mahigpit itong desisyon na pinili ko.
Binuksan ko na itong pinto ng kwartong sinabi ni Thower na kwarto ko raw at maingat na dinala ang dalawa kong maleta dito. Itinabi ko muna sa may gilid ang dalawa kong maleta at binuksan ang cabinet na nandito.
Napangiti ako dahil mas malaki pa ito sa cabinet ko sa inuupahan kong bahay. Well, speaking of ng inuupahang bahay, kahapon ang pinakalast day ng binayaran ko ang renta ng bahay. Nalulungkot man ang landlord sa paglipat ko pero tinanggap nya parin at niyakap nya ako ng mahigpit bago ako umalis.
Matapos kong buksan ang cabinet ay isa isa ko ng nilagay ang mga damit ko dito. Pagkatapos kong mailagay lahat ay inayos ko ng konti ang table at umupo na ako ng kama. Nagpalit na rin ako ng damit.
Naglabas ako ng isang buntong hininga. Ganito pala ang buhay mag-asawa. Napaka-sarkastic pakinggan. Pero hindi ko mapigilan, akala ko kasi nung nangako sakin si Thower ay magiging happily ever after ang lahat kagaya ng mga napapanuod kong movies at korean novela pero nagkamali ako, bang laki pala ang pinagkaiba nito sa totoong buhay.
Muli akong naglabas ng isang buntong hininga at tumayo na ako at lumabas na ng kwarto. Kasabay ng paglabas ng kwarto ay nakasabay ko si Thower na bihis na bihis at mukhang may pupuntahan. Amoy na amoy ko rin ang pabango nya.
Biglang naging blangko ang ekspresyon ng mukha nya ng makita nya ako. "Anong kailangan mo?" bored nyang saad.
Napahiya ako sa sarili ko. Pakiramdam ko, sagabal lang ako.
"Ahh .. Ahh" hindi na nya pinatapos ang sasabihin ko at basta na lang nilagpasan ako at dumiretso sa pinto at pagkatapos non ay basta na lang syang umalis na hindi man lang nagpapaalam sakin.
Sabagay, ano nga ba naman ako sa kanya? Isang babaeng pinilit ang sarili na makasal sa isang Thower Wolfe. Biglang nakaramdam ako ng pagkirot ng bandang puso ko upon realising that.
Pabagsak na lang akong umupo sa may sofa nang biglang nagring ang phone kong nasa bulsa.
Starie Calling ...
"Oh, Starie" walang buhay kong panimula.
"Oy, babae, anong nangyari? diba dapat masaya ka dahil finally natupad na rin ang pangarap mong ikasal sa isang Cloude Thower Wolfe?" napatungo na lang ako. At hindi ko na rin napigilang paisa isang magsibagsakan ang mga luha ko.
"Dapat ba akong maging masaya? o sadyang dapat talaga ay hindi ko na lang tinuloy ang kasalang ito?" umiiyak kong tugon.
"Girl, wag kang nega! Ito pa lang naman ang unang gabi tapos nag-iinarte ka na agad?"
Nabalot ako ng sandaling katahimikan. Napatingin lang ako sa city lights view sa may bintana.
"Siguro. Tama ka"
PUMATAK ANG alas nuebe ng gabi at natulog na ako sa kwarto. Gusto ko mang hintayin si Thower kaso hindi ko na kayang magpuyat pa dahil pagod na rin ako at inaantok na.
Kinabukasan ay maaga akong nagising para magluto ng breakfast. Hindi ako kumuha ng leave of absence dahil hindi ko namang kailangan. Hindi naman kami katulad ng ibang mag-asawa na nagpapakasal dahil sa love dahil ito sa setup namin, ako lang naman ang nagmamahal. Saklap diba?
Pagkatapos kong nagluto ay inihain ko na ito sa lamesa. Pagkatapos kong ilapag sa lamesa ang niluto ko ay nagsimula na akong kumain. At wala pa ako sa kalagitnaan ng aking pagkain ay nakita kong bumaba na ng hagdan si Thower nakapambahay na sya.
Pumunta sya dito sa kusina pero nung nakita nya ang mukha ko at biglang nagbago ang timpla ng mukha nya. Gusto ko syang tanungin kung saan sya pumunta? anong ginawa nya dun ? at anong oras sya umuwi? pero hindi ko kaya. Alam ko sa sariling sa bawat araw na lilipas ay pagbabayaran ko ang halaga ng pagpapakasal namin ni Thower.
"T-thower, tara breakfast ka na!" pag-aaya ko sa kanya pero sinamaan nya lang ako ng tingin.
"Ayoko! Sa iyo na lang. Baka lasunin mo pa ako." at padabog na lang syang lumabas ng kusina. Napatungo ako at hindi ko na napigilang mapaiyak.