Chapter 23

Kahit naguguluhan ay pumunta ako sa lugar na nakalagay sa pinabigay sakin. Nagpalit din ako ng damit. Kinuha ko na rin ang phone ko sa may bag ko pero nung pinindot ko ang power button nya ay ayaw umilaw.

Bigla ko tuloy naalala na hindi nga pala ako nakapag-charge kanina.

-----

Clark Zian Auer

Kanina ko pa sya tinatawagan pero wala. Hindi nya parin sinagot and worst nakapatay na ang phone nya.

Napasabunot ako sa buhok ko at naibato na lang sa may pader ang phone ko at nasira ito. Umupo ako sa may lapag papasandal sa pader.

Hindi nya ba alam kung anong isinakripisyo ko para lang makauwi ng maaga pero sya.

Gusto ko mang tawagan si Darren kung alam nya ang phone number ng restaurant ni Akia ay hindi ko magagawa dahil sira na ang phone ko.

"Anong ginagawa mo dyan?" agad akong napalingon dun sa nagsalita.

Agad akong tumayo at sandaling inayos ang sarili ko at kumuha na ng isang libro at umupo sa may sofa.

"Don't act cool, Zian, I saw everything." natigilan ako sa sinabi nya pero hindi ko ito pinahalata at kunyari ay pinagpatuloy ko ang pagbabasa na parang wala akong pakialam sa kanya.

"So, kumusta ang anniversary nyo ni Akia?" sa hindi ko malamang kadahilanan ay basta ko na lang syang sinamaan ng tingin na hindi nya pinansin at ngumiti-ngiti pa sya.

"Woah! Mukhang great ha!" sarcastic nya pang saad pagkaupo nya sa sofa.

Naaasar na ako dito kay Nico. Ang ayoko sa lahat ay ung may mang-aasar sayo gayung inis na inis ka na.

"Hindi ko kailangang ng opinyon mo, kaya makakaalis ka na" diniinan ko talaga ang bawat salitang ginamit ko para makaramdam naman sya ng nais kong iparating.

"Believe me, brother, kapag narinig mo ang sasabihin ko magmamakaawa kang bawiin ung sinabi ko" hindi ko na lang sya pinansin at pinagpatuloy ko na lang ang aking pagbabasa.

Wala rin namang mangyayari sakin kapag papansinin ko pa ang isang 'to.

----

Akia Megumi Celestine- Auer

Nagkaroon kami ng isang masayang dinner ni Dc. Dahil daw masyado na akong nagtatrabaho.

"Ok lang yon, Alam mo naman kung anong nangyari diba?" biglang lumingkot ang mukha ko at biglang nagflash back sa isipan ko ang lahat.

Kaya para kahit paano ay makalimutan ko ang pangyayaring nawalan ako ng anak ay ginugol ko na lang ang atensyon ko sa trabaho.

Naramdaman kong pinatong nya ang kamay nya sa kamay ko dahilan para mag-angat ako ng tingin at pinilit na mapangiti.

"Salamat" I said in a very sincere note. Mabuti na lang talaga at nagkaraon ako ng kaibigan na kagaya ni Dc.

Pagkatapos ng isang oras ay naisipan ko na ring umuwi. Si DC na rin ang nagprisintang ihatid ako kaya pumayag ako.

"Salamat ha" out of the blue-ng saad ni Dc habang nagmamaneho at habang nakatingin sa daan.

Nilingon ko sya. "Hmm?"

"For letting me have a dinner with you.." sandali nya akong nilingon at pagkatapos ay binalik nya muli ang tingin sa daan.

"Alam kong anniversary nyo ni Zian ngayon yet niyaya kita para sa isang dinner. Sorry, Akia it's just that gusto kitang makasama. Bonding natin kumbaga" napangiti ako sa sinabi nya at napasalamat.

"Salamat ha. For being there, alam mo namang kailangan kong mag move on"

---

Pagkababa ko sa may tapat ng bahay ay sandaling nagpasalamat ako kay DC, gusto ko man syang papasukin muna sa loob para kahit papaano ay mapainom ng inom ay hindi ko na lang gagawin dahil ayokong mangyari ung nangyari the last time.

Pagkapasok ko sa loob ay nakita kong nagbabasa lang ng libro si Zian with that bored look in his face habang nakaupo sa sofa at si Kuya Nico na nakakatakot na nakangiti sa akin.

"Kuya Nico, bakit ka po nandito?" tanong ko pagkasara ko nung pinto.

Tumayo sya mula sa kanyang pagkakaupo at may kinuhang brown emvelope na mukhang kanina nya pa nilagay sa may table.

Kinuha nya ang bond paper na may typewritten na nakasulat mula sa may brown emvelope at may kung akong binasa sya duon ng tahimik at pagkatapos ay iniharap nya sakin ung papel.

"Hindi talaga kayo kasal ni Zian. Walang bisa ang lahat dahil in the first place ay hindi naman kayo nakaregistro. Nakasulat sa papel na 'to na hindi valid ang kasal nyo"