Chapter 33
Nakahiga na ako dito sa higaan at alas dyis na ng gabi pero hanggang ngayon ay ayaw parin akong dalawin ng antok. Sandali ko ring sinulyapan ang lalaking kalapit kong sa tingin ko ay tulog na at pagkatapos ay naglabas ako ng buntong hininga.
"Makakaalis ka na" madiin at puno ng awtoridad na saad ni Zian kay DC na bugbog sarado na halos nanginginig na.
Lalapitan ko na sana si DC kaso bago ko pa lang gawin yon ay basta na lang ako hinigit ni Zian papasok ng bahay.
Habang nakatingin lang ako sa kisame ay napapaisip ako. Diba dapat masaya ako dahil totoo kaming kasal ni Zian? Pero bakit pakiramdam ko ay hindi dapat magdiwang ang damdamin ko? Parang parang umaasa akong may magaganap na bagay pero hindi naganap.
Muli akong naglabas ng buntong hininga. Sandali rin akong napaligon sa may aircon at pagkatapos ay sa may wall clock. Tatalikod na sana ako ng higa ng humarap sakin si Zian at niyakapos ako.
Ang init ng yapos nya na parang ligtas ako sa yapos nyang 'to. Bumaling na ako sa kanya ng tingin at ganun na rin ang pwesto ko at pinagmasdan ko ang kanyang mukha.
Diba ito ang parte nya na magustuhan ko? Ang mata nya na may mahahabang pilik mata, ang ilong nyang matangos at ang mapupula nyang labi?
"Alam mo, muntikan na akong maniwala na hindi totoo ang kasal natin kaya balak ko na sanang mag-move on sayo kaso ... ayaw ni Lord ee"
Muli kong pinagmasdan ang gwapo nyang mukha at pagkatapos kong sabihin yon ay ngumiti sya at basta na lang nyang nilapit ang mukha nya sa mukha ko at sandali nya akong hinalikan sa labi dahilan para mabigla ako.
Nanlaki ang mga mata ko sa bigla.
"Baby, matulog ka na. Or else, gusto mo bumuo tayo ng baby" natigilan ako sa sinabi nya at pagkatapos ay nagmulat sya ng kanyang mga mata at pilyo lang syang ngumiti.
"Ako na naman ba ang iniisip mo?" pilyo parin nyang ngiti.
"Hindi ah!" at tinalikuran ko na sya.
------
The Next Morning ...
Bumaba na ako ng hagdan at nadatnan ko si Zian na kumakain sa dining table. Lalapitan ko na sana sya ng basta na lang syang tumayo at basta nya akong niyakap dahilan para matigilan ako.
Sa loob ng dalawang taon ay ngayon nya lang ako niyakap sa umaga. Anong meron ?
"Ah. Zian ..."
"I know. You're not used to it. But please! Let me, hayaan mo akong punan ang nasayang na pagkakataon. Let me show you what you really mean to me, Akia"
Napangiti ako sa sinabi nya at niyakap ko rin sya.
At pagkatapos non ay hinalikan nya ako.
Nag breakfast kami na masaya at nagku-kwentuhan na which is never nangyari ngayon lang. Sinabi nya rin na nagquit sya ng showbiz because of me, syempre hindi ako naniwala pero kinulit nya ako ng kulit na in the end ay naniwala rin ako. Sinabi nya rin na ngayong araw na rin ang start ng trabaho nya sa company ng family nila.
Binigay sa kanya ang CEO position. Dahilan para matuwa at mayakap ko sya pero pagkatapos din ng ilang segundo ay humiwalay na rin ako dahil nakaramdam ako ng kahihiyaan. Hindi pa kasi ako sanay sa Zian na nakikita ko ngayon. Pakiramdam ko kasi, baka paggising ko bukas ay balik na naman sya sa dati.
"Ung binayad mo dun sa unit mo, kunin mo. Makakadagdag din sayo ang pera na yon. Maging ang binayad ko sa unit ko ay kukunin ko na rin" tumango tango na lang ako sa sinabi nya.
"And also, Gusto ko ako ang maghahatid sayo sa trabaho mo" natigilan ako sa sandali at nanlaki ang mga mata ko.
"Seriously?" nakataas kilay kong tanong sa kanya.
Hindi man lang nya ako tiningnan at patuloy lang sya sa pagkain ng breakfast nya.
"Yeah! It's my duty as your husband na ihatid ka" pakiramdam ko ay namula ako sa sinabi nya.
Bakit pakiramdam ko ay kina-career na talaga ni Zian ang pagiging asawa ko.
----
"Akia, bakit wala ka kahapon?" napalingon ako sa nagsalita at nakita kong si Finn pala. Nandito kasi ako dito sa may labas ng opisina ko at nakaupo sa silya katapat ng table.
"Sorry. May nangyari kasi, alam mo naman" at dinaan ko na lang sa ngiti. Dahilan para ngumiti din sya.
"You know what, It's okay . Siguro ay talagang busy ka kahapon. Anyway, If you want we can set another day kung gusto mo"
I was about to say yes ng ma-realize kong totoo ang kasal namin ni Zian at parang niloloko ko naman si Zian kung papayag ako sa sinasabi ni Finn. Because, I know it's a date.
"Ahh.. Finn, sorry to inform you pero .." nagkakamot pa ako ng batok kahit hindi man talaga makati.
"Ma'am, si Sir Zian po nandito" kumunot ang noo sa sinabi ng staff ko na lumapit sakin.
"Zian?" ulit kong patanong.
"Ma'am, ang sabi nya po asawa nyo daw po sya" and then bam, I realize na si Zian nga pero ang nakakapagtaka sa staff kong ito ay parang hindi sya nanunuod ng tv or showbiz man lang. Para kasing hindi sya sigurado sa sinabi nya e.
Tumayo na ako at sandaling nagpaalam kay Finn na pupuntahan ko lang si Zian. Pagkatapos non ay naglakad na ako papunta kay Zian.
"Baby, tara lunch na tayo" yaya nya sakin.
Kumunot ang noo ko at pagkatapos ay napalingon sa wall clock. Alas onse na pala hindi ko napansin.
"Ahh .. Zian ..." hindi ko na natapos ang sasabihin ko ng dumating si Finn na hindi ko na napansing nasa likuran ko.
"Zian, what a pleasant surprise, what brings my high school and college classmate here?" napalingon ako kay Finn, teka, magkakilala ba sila?
"Kung bang sabihin kong binabakuran ko ang teritoryo ko, maniniwala ka?" madiing saad ni Zian kay Finn habang nagtitiim bagang sya.
"Wala ka namang dapat bakuran dahil ang alam ko simula pa lang pinakawalan mo na"