Chapter 32

Lumipas ang buong isang linggo ko na parang sinayang ko lang ang isang buong linggo. Kasama ko nga si Zian pero parang hindi rin dahil nagagalit sya sakin kada nakakausap ko si DC sa phone. Tinanong ko sya isang beses pero sinamaan nya lang ako ng tingin at pagkatapos ay iniwan na nya ako.

Hindi ko alam kung sinasadya ba ng tadhana na ipamukha sakin na mabuti na lang talaga na hindi totoo kaming ikinasal. Mabuti na lang. Pero ang pinagtataka ko, kung may nagugustuhan ng iba si Zian bakit ganun syang umasta sakin diba? He acted like he care or wost, he acted like he was jealous.

Pagkatapos ng lahat ng nangyari ay umuwi ako sa unit ko at si Zian naman ay dun sa bahay namin- no longer bahay ko kaya bahay na lang nya yon.

"Good morning, Ma'am" bati sakin ng staff ko pagkapasok ko sa restaurant. Papunta na sana ako sa opisina ko ng muling nagsalita sya.

"Ma'am, may naghahanap po sa inyo" nilingon ko sya.

"Sino daw?" at hindi na nagsalita ung staff ko bagkus ay may itinuro syang lalaking nakaupo sa isang table na malapit lang.

Nginitian nya ako dahilan para ngitian ko rin sya. Grabe, kung wala na talaga akong gusto kay Zian malamanh crush ko na ang isang 'to. Grabe naman kasi, ang gwapo gwapo nya. Teka, may girlfriend na ba sya? Pwede ba akong mag-apply --- Teka, ano ba 'tong sinasabi ko? Nakakahiya!

"Maiwan ko na po kayo, Ma'am" at umalis na ung staff ko na syang paglapit naman sakin ng napakagwapong lalaking 'to. Mygosh! Kinikilig ako. Pakiramdam ko, napakaganda ko ngayon dahil ang cute cute na nya, nakangiti pa sya sakin.

"Hello ..." nilahad nya ang kanyang kamay, sandaling kumunot ang aking noo.

"My name's Finn Florence" hindi lang talaga nakakahiya siguro ay napalip bite na ako. Grabe! Ang gwapo na nga nya, ang gwapo gwapo pa ng pangalan nya.

Nakipagkamay na ako sa kanya na may ngiti sa aking mga labi. Mygosh! Kinikilig ako!

"I-I'm Akia Megumi C-celestine" teka, bakit nanginginig ako? Ganito na ba ako kahalatang kinikilig ako? Oh! Please! Wag naman nya sanang mapansin.

"Wow! The Akia that the great Zian Auer's ex-wife" para naman akong sinampal dun sa sinabi nya. Wow! Note the sarcastic, ex-wife. Ang sakit ha.

Natahimik na lang ako dahil pakiramdam ko ay biglang naging awkward ang buong atmosphere pero sa hindi ko malamang kadahilanan ay sya na rin ang sumira ng atmosphere na 'yon.

"Anyway, lovely Akia, Nandito ako para gawing caterer ang napakagandang restaurant na 'to" Hindi ko alam kung saan ako nagblush, dun ba sa sinabihan nya akong 'lovely' o dun sa sinabi nyang napakaganda ng restaurant namin?

"G-ganun ba?" bakit ganun? Bakit pakiramdam ko, ngayon lang may nagpa-caterer sa restaurant namin gayung marami namang nagpapa-caterer samin?

Pumunta kami sa opisina ko para pag-usapan ung sinabi nyang catering stuff at nung natapos na ang aming pag-uusap ay nagkamayan kami.

"I was wondering .." napalingon ako sa kanya bago ako bumalik sa upuan ko.

"Yes?"

"Can I treat you to dinner later?" I suddenly blushed. Anu ba yan?

"Y-Yes -- I mean, ok lang, sige" ngumiti sya at naging mabilis ang pangyayari at sa isang iglap ay nanakawan agad nya ako ng halik sa aking labi na nagpatigil sakin at sandaling matulala.

Tuluyan na syang tumalikod pero bago sya umalis ay narinig ko syang nagsalita ng ...

"I'm pick you up at six" at pagkatapos non ay tuluyana na syang umalis.

Date? Did I just agreed to be with him in a date? At ninakawan nya pa talaga ako ng halik? At sa mismong labi pa? Sa buong buhay ko, si Zian lang ang nakahalik sa labi ko pero sya -- ganun ganun na lang kadali?

Lumipas ang ilan pang mga oras at dumating ang alas sais. Kinakabahan man ay tumayo na ako para umalis na ng restaurant ng maramdaman kong may humawak ng pulso ko. Nilingon ko un at nabigla ako sa nakita ko.

Halos hindi na maimulat ni DC ang kanyang mga mata dahilan para mabitawan ko ang hawak kong pouch at lapitan sya.

"DC, anong nangyari sayo? Sinong gumawa nito sayo?"

Halos bugbog na bugbog din ang katawan nya. Pero ang nakakapagtaka ay sino ang gumawa sa kanya nito dahil sa pagkakaalam ko ay wala naman syang kaaway diba?

"Akia, please. Ihahatid na kita pauwi sa inyo" kumunot ang noo sa sinabi nya.

"Ihahatid sa amin?" tumango tango lang sya at magtatanong pa sana ako sa kanya ng basta na lang nya akong hinila papalabas ng restaurant at pinapasok sa sasakyan nya.

Gulong gulo man ako ay hinayaan ko na lang. Naaawa ako kay DC, gusto ko mang magtanong pa sa kanya kaso baka hindi man lang nya sagutin kaya hindi na lang.

Matapos ang ilang minutong pagmamaneho nya ay tumigil kami sa isang pamilyar na bahay na kalaunan nung bumaba ako ng sasakyan ay na-realised ko ito ang bahay namin ni Zian.

"DC, bakit tayo nandito? Akala ko ba, ihahatid mo ako sa bahay ko?"

Hinihintay kong magsasalita si DC pero iba ang sumagot.

"Hindi ka na titira dun." napalingon ako dun sa nagsalita na nagmula sa may likuran. Si Zian, un ah.

"Bakit ako nandito?" tanong ko pero hindi nya lang ako pinansin at nilapitan nya si DC at sinamaan ng tingin.

Naguluhan naman ako at nakita ko kung gaano ang takot sa mukha ni DC, which is weird.

"Zian, bakit ganyan ka makatingin kay DC? May ginawa ba syang masama?" tanong ko kay Zian. Pinalipat lipat ko ang tingin sa kanilang dalawa.

"Go on. Tell her" lumingon naman ako kay DC na parang ayaw magsalita. At parang sa isang iglap ay basta na lang syang sinuntok ni Zian sa tyan dahilan para bumagsak si DC sa sahig.

Nakaramdam ako ng inis at sasaktan ko na sana si Zian ng nagsalita si DC na nagpatigil sakin sa balak kong gawin.

"Hindi totoo ang sinabi ni kuya Nico na peke ang kasal nyo. Totoo ang kasal nyo at nasa plano lahat ni kuya Nico na dumikit ako kay Akia para pagselosin kay Zian. Parehas lang kami ni Darren na sinali ni kuya Nico sa plano nya"