Chapter 31
Note: This chapter has MATURE SCENES.
Pagkapasok namin sa kwarto ay basta na lang nya akong ibinagsak sa may kama dahilan para matakot ako. Kita ko ang galit sa kanyang mga mata dahilan para umatras ako.
"Zian, please!" halos nagmamakaawa na ako dito. Hindi ko alam kung anong maaari nyang gawin sakin. Natatakot ako.
"Alam mo ba kung anong nararamdaman ko ngayon, Akia? Alam mo ba kung gaano ako naiinis ngayon?"
Nanatili lang akong tahimik habang nakatingin sa kanya in that scary aura.
"Akia, alam mo ba kung anong nararamdaman ko ngayon? Tapos makikita ko na lang na nagyayakapan kayong dalawa?"
"Z-zian, it's not what you think" Hindi ko alam kung bakit ako nage-explain ngayon. Marahil siguro dahil sa natatakot ako sa kanya.
"Alam mo ba kung gaano ako nasasaktan ngayon? Kung gaano mo ako pahihirapan?"
Kumunot ang noo ko sa sinabi nya.
"Anong sabi mo?" unti unti na akong lumalayo sa kanya dahil unti unti rin syang lumalapit sakin hanggang sa dahil sa pag-atras ko ay sumandal na ako sa pader.
"Zian ..."
"Nagseselos ako! Nagseselos ako kapag kasama mo sya. Ang gusto ko, ako lang! Ako lang dapat, Akia" at naging mabilis ang pangyayari dahil basta na lang nya nilapat ang labi nya sa labi ko.
Ang mga halik nya ay parang isang asong ngayon lang nakakain matapos ang dalawang araw. Hindi ko alam sa sarili ko kung bakit nagre-respond ako sa bawat gutom na halik na pinararamdam nya sakin.
May kumawalang isang ungol sakin dahilan para ako sya ay mapangisi at buhatin ako at dahan dahang ibinaba sa kama without breaking the kiss.
Hindi ko alam kung ano bang mararamdaman ko. Matutuwa ba o maiinis?
Hinawakan nya ang magkabilang kamay ko at lalo nya pang idiniin ang bawat halik na binibigay nya na naging marahan na kalaunan. Hindi ko alam kung bakit parang ang saya saya ko sa pagkakataong to. Marahil siguro ay masama ako dahil kasama ko si Zian na hindi ko lang talaga maamin sa sarili ko.
And the next thing I knew was we are becoming one. Hindi ko pinagsisisihan na ibigay ko muli sa kanya.
Hindi man sapat na dahilan ang pagmamahal ko sa kanya ay tatanggapin ko muna .. for now.
---
Init na sumisinag sa aking mga mata ang nakapagpagising sakin. Pinagmasdan ko lang ang lalaking kalapit ko. Nananaginip lang ba ako? O sadyang totoo ang lahat ng ito?
"Wake up! You're sleeping like a death person" nabigla ako ng may sumigaw sa may gilid ko dahilan para magising ako. Sandali kong kinusot kusot ang aking mga mata at nag-angat ng tingin at nakita ko ang nakasimangot na mukha ni Zian dahilan lara kumunot ang noo ko.
"May problema ka ba?" tanong ko sa kanya pero tiningnan nya lang ako at pagkatapos ay iniwan na lang ako basta.
Sa inaasta nyang 'to, nanininiwala akong isang panaginip lang ang nangyari kagabi.
Tiningnan ko rin ang sarili ko under the sheet at nakita kong nakadamit ako. Mahina akong napatampal sa noo ko, confirmed! Isang pananginip lang ang lahat.
Tumayo na ako at sandaling nagsuklay at pumunta sa may dining area kung saan nakita ko si Zian na busy sa pagbabasa ng isang libro.
Gusto ko sana syang lapitan kaso bigla akong nakaramdam ng kahihiyan kaya dito na lang ako sa may dulo pumuwesto. Pakiramdam ko kasi masyado akong nag-a-assume na totoo ang lahat ng nangyari kagabi. Guess, I'm wrong. Super wrong!
"What are you doing there?" agad akong napalingon dun sa nagsalita. Nakasimangot si Zian na nakatingin sakin. Nag-iwas lang ako ng tingin pero wrong move dahil hindi parin nya inaaalis ang tingin na yon sakin.
"Have you gone deaf?" Hindi parin nililingon si Zian dahilan para nagtaas na sya ng boses. Nabigla at natakot ako kaya napalingon ako sa kanya.
"Bakit ka ba nagagalit sakin ha? May ginawa ba akong mali? Pagkagising ko ganyan ka!" nagtaas na rin ako ng boses pero tiningnan lang ako ni Zian at pagkatapos ay tumalikod na sya at may narinig pa akong binulong nya pero hindi ko naintindihan.
"Paano ako hindi magagalit. Gusto ko kasi ikaw ang kasama ko kanina nung magsa-sunrise pero hindi nangyari dahil tulog mantika ka" at dire-diretso na sya sa kanyang pag-alis.
Naguluhan naman ako sa inaasta nya. Ano bang ginawa ko dun sa taong yon?