Chapter 30

Hindi ko alam pero bakit parang may nagsikip dito sa lalamunan ko? Bakit parang hindi ako makalunok?

Napangiti na lang si Zian at pagkatapos ay nagkwentuhan sila dahilan para magpaalam ako na aalis ako sandali. Hindi ko naman alam kung narinig ba nila ang sinabi ko dahil masaya silang nagkukwentuhan.

Dito lang ako pumunta dito sa veranda. At parang bawat segundo ay nagpa-flash back sa utak ko ang narinig ko.

Hindi naman ako dapat matuwa diba dahil hindi ako ang asawa nya dahil hindi naman talaga kami tunay na kinasal diba? Napakagat na lang ako sa lower lip ko at hindi ko na napansing bumabagsak na pala ang mga luha ko.

Pinunasan ko ito at pagkatapos ay itinuon ko na lang ang atensyon sa magandang view.

Wala naman talagang kami ni Zian diba pero bakit ganito sya sakin?

Hindi naman nya ako gusto diba?

----

"Akia ..?" napalingon ako dun sa nagsalita mula sa may likod. Napalingon ako dito at napangiti ako at sa sobrang saya ko ay niyakap ko ng mahigpit si Zian at hindi ko na rin napigilan ang sarili kong maluha.

"May problema ka ba? Anong ginagawa mo dito sa Tagaytay? May kasama ka ba?" umiling iling lang ako habang patuloy ko parin syang kayakap.

"M-may tinutuluyan ka ba dito, Dc?" tanong ko para kahit papaano ay mailayo ko ang topic sakin.

"Oo, malapit lang dito ung hotel na tinutuluyan ko. Naisipan kong maglakad lakad tapos nakita kita dito. Teka, ano nga bang ginagawa mo dito?" kumalas na ako ng yakap sa kanya at hinarap na nya ako sa kanya. Hinawakan na rin nya ang magkabilang pisngi ko.

"Ang sakit palang marinig na asawa ang tingin ng iba kahit na ang katotohanan ay wala naman talagang kayo" iyak lang ako ng iyak dahilan para yakapin na ako ni Dc.

"Sinaktan ka ba nya?" naging seryoso na si Dc sa tanong nya pero umiling iling lang ako.

"Anong ginagawa mo dito!" madiing saad ng isang pamilyar na boses dahilan para kumalas ako sa yakap ni Dc at lingunin kung sino ung nagsalita.

"Z-zian .."

"Caleb, bakit ka nandito?" hindi pinansin ni Zian ang sinabi ko bagkus ay diretso at parang nag-aalab nya lang na tingnan si Dc. Pero si Dc ay cool lang na nakatingin kay Zian.

"Zian, ano bang ginagawa mo ba? May ginawa bang mali--"

"Labas ka dito, Akia!" matigas at puno ng diing saad ni Zian dahilan para matigilan ako at tumigas na parang semento dito sa kinatatayuan ko.

"Zian, wala kang karapatang pagsalitaan ng ganyang si Akia!" at sa isang iglap ay basta na lang sumugod si Zian kay Dc at pinagsusuntok ito. Hindi nya ito tinitigilan na parang may malaking atraso si Dc sa kanya.

Bumagsak na sa sahig si Dc pero nananatiling sinisipa at sinusuntok parin ni Zian si Dc dahilan para lapitan ko na si Dc para tulungan.

"Zian, tama na. Wala ka bang mga mata para makita na hindi na nya kayang lumaban pa? Masyado ka na bang manhid para hindi maramdam ang nararamdaman ni Dc?" naluluha na ako habang sinasabi ko yon.

Parang hindi ko na talaga kilala si Zian. Parang sa isang iglap bigla na lang syang nagbago. Hindi ko na sya kilala.

Basta na lang sya pinagsusuntok si Dc. Basta na lang nyang pinagsusuntok ang bestfriend ko.

"Hindi mo alam kung anong sinasabi mo, Akia kaya I suggest na tumahimik ka na lang" masama parin syang nakatingin kay Dc at sisipain na nya uli ito ng tumayo na ako at humarang na.

"Ako na lang. Ako na lang ang saktan mo. Kulang pa ba ang pananakit mo? Gusto mo pa bang manakit? Ako! Ako na lang ang saktan mo" umiiyak na ako habang sinasabi yon.

Pero imbis na makita ko ang awa sa kanyang mga mata ay basta na lang nya akong hinila. Hinila nya ako at pinabayaan na lang nakahiga sa daan si Dc.

"Saan mo ba ako dadalhin?" nagpupumiglas na ako habang hinihila nya ako pero masyado syang malakas dahilan para kaht anong force ang gamitin ko ay hindi parin ako makalaya.

"Diba ang sabi mo, ikaw na lang ang saktan ko. Kaya sige, sayo ko na lang ibabalik ang galit at inis ko sa taong yon"

Bigla akong nanigas sa sinabi nya. Nakaramdam ako ng takot. Wag mong sabihing sasaktan nya talaga ako?