Chapter 28

-- Akia Celestine's Pov --

"A-anong ...?" hindi ko na natapos ang itatanong ko kay Zian ng basta na lang sya sumabat. Dahilan para mapatakip ako ng bibig dahil sa sinabi nya.

"So tell me, ilang taon na? Matagal na ba kayo? Kasing tagal ba ng dalawang taong naging kasal tayo?" natahimik ako at hindi ko alam kung paano ako magre-react sa sinasabi nya ngayon.

Hindi ko alam kung saan nya nakuha ang ganyang ideya para isipan ang ganitong mga bagay.

"Look, Zian ..." and for the second time ay hindi na naman nya ako pinatapos sa aking pagsasalita.

"Don't you dare deny it. Nakita ng dalawang mata at narinig ng dalawag tenga ko. So, C'mon, Akia, ano ba pa ang tinatago mo na balak mo ng sabihin sakin?"

Gusto kong magsalita at magprotesta pero hindi ko nagawa. Ang tanging nagawa ko na lang ay umupo sa may sofa at napaluha habang nakatakip parin ang aking bibig. Natulala na rin ako. Hindi ko inaasahan na ganito ang sasabihin ni Zian.

"Sa tingin mo ba ay totoo ang lahat ng narinig mo?" napapaos kong tanong sa kanya habang nagpupunas ng aking mga luha.

Narinig ko syang nagbuntong hininga. "Oo" madiin at puno ng paninindigan nyang saad dahilan para lalo akong masaktan. Napakagat ako ng aking labi at tumayo na ako para sana palabasin a sya ng unit ko ng magmatigas sya at diretso sa mata nya akong tiningnan.

"Isa siguro talagang pagkakamali na pumayag akong magpakasal sa isang katulad mo. I even let go of everything tapos ganito lang pala ang mapapala ko. Sana nagpukpuk na lang ako bato sa ulo ko" madiin at puno ng galit na saad nya at pagkatapos ay umalis na sya.

Napahagulgol na lang ako nung nakaalis na sya. Ang sakit sakit nyang magsalita. Muli na lang akong umupo sa sofa at patuloy lang sa pag-iyak.

Sana kung noon pa lang ...

Nalaman ko na peke pala ang lahat ng hindi na ako nasasaktan ng ganito.

---

Ang buong akala ko ay magagamit ko ang 2 weeks vacation ko para maalis ang isipan ko sa problema ko kaso nagkamali ako. Dahil kung aasarin ka nga naman ng tadhana.

Dahil pagkapunta ko sa may sala ay nakita ko si Zian na nandito at nagbabasa sya ng libro na sa tanya ko ay nasa mga last pages na sya. Kailan pa sya dyan?

"Zian .."

"Good you're awake. Now, pack your bags we're going somewhere" para akong biglang binuhasan ng napakalamig na tubig sa sinabi nya.

Aalis kami? Tapos kagigising ko lang? Anong ?

"What? are you crazy?" bigla akong nairita sa sinabi nya kaya nagsungit na ako at medyo nagsalubong na ang kilay ko. Idagdag mo pa ung bagay na kagigising ko lang ay hindi pa ako nakakapag-ayos.

Aaminin ko, hinanap kong makikita ko si Zian sa unit ko pero kailangan ko ng mag-adjust dahil hindi naman talaga kami kasal. At in the first place ay wala naman talaga kami.

"If you're indicating to someone. Well, you can say that" at pagkatapos non ay tumayo na sya habang suot suot ang ngisi sa kanyang mga labi papunta sa may kusina.

Someone? Don't tell me, meron na agad? Biglang kumulo ang dugo ko sa boiling point, iniisip ko pa lang naiinis na ako. Ayokong makakarinig ng ganun.

Kaya ang ginawa ko ay hindi ko sinunod ang sinabi ng lalaking to at tumambay na lang sa may sala at nanuod ng tv. Wala akong pakialam sa lalaking yan lalo na't ngayon ay pinaghihinalaan nya akong matagal na kami ni DC ganyung sya pala ang may gf behind my back.

Wala sa sariling kinuha ko ang magazine na nakapatong sa may center table at marahas itong pinagpupunit.

Nakakainis! Bakit naman kasi ganun sya? Makapagsalita sya sakin ganyun sya naman yon. Ang sakit nyang magsalita.

"Gf pa lang ha! Sinungaling ka!!" at marahil dahil sa inis ko ay pati ung paperback cover ng magazine ay pinunit ko na nagresulta ng kalat dito sa may sala pero wala akong pakialam.

Tumayo na lang ako na parang walang nangyari at pumunta na ng kwarto ko at naligo at pagkatapos ay nagsuot ako ng medyo sexy-ng damit. Gusto kong makasama ang bestfriend ko ngayon.

Kailangan ko munang makahinga. Ayoko dito sa bahay dahil lalo lang kukulo ang dugo ko pag maiisip kong may iba si Zian.

Dahan dahan akong lumabas ng bahay at pagkatapos ay tahimik na pumara ng taxi. Mahirap na kasi baka ako'y mahuli pa ni Zian.

Nung ako'y nakasakay na ng taxi ay nagtext na ako kay Des na magkita kami.

Pagkarating ko sa lugar yung itinext sakin ni Des ay agad ko syang nakita dahilan para yakapin ko sya ng mahigpit at hindi ko na rin napigilang umiyak.

"T-teka, Akia, ano bang nangyari bat ka umiiyak?" Hindi ko sinasagot ang mga tanong nya bagkus ay patuloy parin ako sa pag-iyak.

"Akia ..."

"Si Zian ... He has a girlfriend and ... Hindi ko matanggap sa sarili ko na special talaga ang babaeng yon kaysa sakin"