Chapter 27
Clark Zian Auer
"Do you know what's the meaning of these?" at pinakita nya pa sa akin ang mga papeles na hawak nya na hindi ko alam kung saan nangaling.
Hindi ko na lang pinansin si Robert at kinuha ko na lang phone ko sa bulsa ko at nag-open ng app na makakatulong sakin para matagpuan si Akia using my phone's gps.
"Zian. Wala na ba talagang halaga ako para sayo? You're just gonna let me down like that? Paano na lang ako? Ung mga schedules mo, guesting, interview ang dami ng nakapila pero ikaw---"
Naramdam na ako ng inis sa sinabi nya at tumayo ako at nilapitan ko sya.
"Hindi mo ba talaga naiintindihan ang sinabi ko sayo?"
Diretso lang akong nakatingin sa kanyang mga mata.
"Diba ang sabi ko, iiwan ko na ang career ko just to win Akia back" at pagkatapos ay tinalikuran ko na sya at muling binalik ang atensyon ko sa phone ko na ngayon ay nalocate na kung nasaan si Akia.
Bigla akong nakaramdam ng kakaibang kasiyahan sa aking sistema. Isang kasiyahan na parang ako na ang pinakamaswerteng lalaki sa buong mundo.
Iniwan ko na lang basta si Robert dito sa sala samantalang ako ay basta na lang pumunta sa may kwarto at sandaling nagpalit ng damit.
"Guard this home, Robert" at pagkatapos kong sabihin yon ay dumiretso na ako sa pinto at lumabas na ng bahay pero bago ako tuluyang makalabas ng bahay ay narinig kong sinabi ni Robert.
"Kung hindi ko lang talaga kaibigan ang kuya mo, paniguro unang araw ko pa lang biglang manager mo ay nag-quit na ako.
Napangiti na lang ako at pagkatapos ay pumunta na sa garahe at sumakay na ng sasakyan at pinaharurot ko na ito.
Naging mabilis ang aking byahe dahil wala gaanong traffic at mukhang nakikiayon sa akin ang tadhana kaya hindi maalis alis sa aking mukha ang kasiyahan.
Nagtanong ako dito sa information kung saang unit si Akia at mabuti naman at sinabi sakin. At mabuti na lang din at isa daw syang fan kaya sinabi nya sakin dahil usually daw ay hindi daw nila sinasabi kung kani-kanino.
Nang makarating na ako sa floor ay naglakad na ako papunta sa may harap ng pinto at kakatok na sana ng napansin kong medyo umiikot ang door knob kaya naisipan kong magtago sandali.
"Maraming salamat ha. Pasensya ka na talaga at hindi na naman ako papasok bukas. Gusto ko muna kasing kahit papaano ay makahinga" nakangiti at medyo nahihiyang saad ni Akia.
Hinintay ko kung sino ung kausap nya at nung tuluyan ng lumabas ng unit nya ung kausap nya ay napakuyom na ako ng kamao. Nagtiim na rin ako ng bagang dahil sa inis.
Kung sa hindi mo naman inaasahan oh! Kaagaw mo na nga nung bata pati ba naman ngayon nasa akin na nawala pa.
Pinilit ko na lang ang sarili kong magpigil at para na rin hindi ako mahalata na nagtatago lang ako dito sa may gilid.
"Ok lang yun, besides, alam kong may pinagdaanan ka. I was surprise dahil ngayon ka nagsabi ng ganyan. Sana maging masaya ang 2 weeks mo, Akia"
At hindi ko inaasahan ang sumunod na nangyari, niyakap ni Caleb si Akia dahilan para tumayo na ako ng tuwid at susugurin ko na sana sila ng ma-realise kong hindi tama itong gagawin ko kaya hindi ko na nalang tinuloy.
"Sana nga. Sana matupad na ang matagal ko ng pangarap. Sana this time maging totoo na" nakangiting saad ni Akia na nagpakunot ng noo ko.
Anong sinasabi nyang sana totoo na? Anu un?
"Sana nga. Magiging masaya talaga ako kapag natupad na yon" nakangiting saad ni Caleb kay Akia dahilan para magwala na ako dito sa gilid.
Gustong gusto ko ng balatan ng buhay si Caleb. Anu yung sinasabi nya? May balak ba silang dalawa? May balak ba silang dalawang magpakasal? Sinadya ba nila ang lahat para sila ang magkatuluyan sa huli?
At nagpaalam na sila sa isa't isa at pagkatapos ay muling niyakap ni Caleb si Akia at pagkatapos nito ay umalis na sya.
Hindi ko na napigilan ang sarili ko dahil nung nakaalis na si Caleb ay basta na lang akong naglakad ng mabilis at basta na lang hinila si Akia papasok ng unit nya at nilock ung pinto.
Bakas sa mukha ni Akia ang pagkabigla.
Siguro hindi nya inaasahan malalaman ko kung saan sya lumipat.
"Zian, ano ba? bakit ka ba nandito?" nakatungong tanong ni Akia dahilan para mas lalong mabuo ang conclusion ko.
"Sa tingin mo ba hindi ko malalaman na nandito ka?" lumayo na ako sa kanya at cold ko na lang syang tiningnan.
"Z-zian .." nang-angat na sya ng mukha at nakita ko ang napakaganda nyang mukha na kung hindi ko pipigilan ang aking sarili ay yayakapin ko at hahalikan sya.
"Sabihin mo nga, natupad ba ang plano nyo? Plano nyo na sinali nyo pa si Nico sa kalokohan nyo? Natupad bang ihampas nyo sa pagmumukha ko ang pekeng marriage contract para maging kayo ni Caleb ng palihim?"