Chapter 7
Aiden's Point of View
Sabay kaming bumalik ng classroom ni Wyatt. Lahat ng mata ng mga kaklase namin ay nasa amin ang tingin, ngunit tulad ng dati ay hindi ko iyon pinagtuunan ng pansin. Umupo ako sa upuan ko at gano'n din si Wyatt. Ilang minuto pang lumipas ay narinig ko ang boses ni Wyatt sa malapitan. Nang lingunin ko ang katabi ko sa upuan ay nakita kong nakatayo sa gilid niya si Wyatt. Teka, h'wag mong sabihin na makikipag palit siya ulit ng upuan ngayong okay na kami? Nang mapansin ako ni Wyatt na nakatingin sa kaniya ay nginitian niya ako. Hindi ko alam pero bigla na lang ako umiwas ng tingin.
"Let's exchange seats, hmm?" Sabi ni Wyatt sa katabi ko.
Tumunog ang upuan, siguro ay tumayo ang nakaupo sa tabi ko. Para malaman kung tama nga ba ang nasa isip ko ay lumingon ako ro'n. Ngunit imbes na mukha ng seat mate ko ang makita ko, ang mukha ni Wyatt ang sumalubong sa'kin. Malapad ang ngiti niya sa labi, ilang segundo pa akong nakatitig sa kaniya hanggang sa bigla ko ulit maramdaman ang pagbilis ng tibok ng puso ko.
Oh, gosh. What's happening to me?
Dumating na ang prof namin para sa next subject kaya nagkaroon ako ng dahilan para iwasan ang titig ni Wyatt.
Ano bang nangyayari sa'kin? Itong nararamdaman ko ngayon ay parang pareho sa mga novels na nabasa ko. Naisip ko pa no'n ay parang ang OA naman dahil pwede mo 'yun maramdaman sa lahat ng tao lalo na kapag nasa panganib ka. Ang tinutukoy ko ay 'yung pagtibok ng mabilis ng puso nila sa pagtitig lamang sa isang tao at ang ibig sabihin no'n ay in love ka— No, no, no way! We're both men so that's impossible... No, it's not really impossible since may couple na parehong lalaki. Arg!
Hindi maaari. Hindi pwede maging totoo ang iniisip ko, siguro dahil lang ito sa halik na 'yon. Tama! Ang halik na 'yon ang may kasalanan. Simula noong magkiss kami ni Wyatt ay nakaramdam na ako ng ganito. Kaya siguro nangyayari sa'kin 'to dahil siya ang first kiss ko. Tama! Dahil mukhang okay naman kay Wyatt ang lahat, parang wala lang sa kaniya ang kiss. He's not acting strange like me, hindi siya umiiwas ng tingin ngayon okay na kami pareho. Kabaligtaran pa nga ang ginagawa niya, kahit nasa klase kami ay sa'kin lang siya nakatingin. Samantalang ako ay hindi man lang makatingin sa kaniya at feeling ko ay lalabas na ang puso ko dahil sa sobrang bilis ng tibok nito.
I must be crazy.
Kaya siguro mukhang okay lang kay Wyatt ang lahat dahil hindi ako ang first kiss niya, samantalang ako naman ay nagkagaganito dahil siya ang first kiss ko. Haa, wow.
Lumipas ang isang linggo pero gano'n pa rin ang nararamdaman ko. Walang pinagbago. Si Wyatt ay lagi na ulit pumupunta sa condo at do'n natutulog. Bumalik sa dati ang turingan namin pero ang normal na pagtibok ng puso ko ay hindi na bumalik.
Kahit aksidente lang na mahawakan ni Wyatt ang kamay ko ay hindi na mapakali ang puso ko. Nakakaramdam pa ako na parang may electricity na dumadaloy sa buong katawan ko tuwing yayakapin niya ako mula sa likod na lagi naman niyang ginagawa sa'kin dati. Dahil sa mga weird na nararamdaman ko ay lagi ako na akong umiiwas na magkaroon ng physical contact sa kaniya.
"Aiden," he uttered my name while we're watching TV.
Lumingon ako sa kaniya, "Hmm?"
"Galit ka pa rin ba sa'kin?" He sighed, "Fine. Hindi na kita hahalikan so stop avoiding me."
Hindi naman 'yun ang dahilan kung bakit ko iniiwasan ang physical contact. At hindi naman talaga siya mismo ang iniiwasan ko, kun'di 'yung paghawak niya sa'kin.
"I'm not avoiding you though," sabi ko.
His left brow arched, "You're lying. Akala mo ba hindi ko na hahalata? Tuwing yayakapin kita lagi ko ang tinutulak tapos kahit aksidente ko lang na masanggi kahit isa lang sa daliri mo ay pinapalo mo ang kamay ko."
"Hindi naman pag-iwas ang tawag do'n," sagot ko.
"If that's not it, then what?" He crossed his legs, "You... Ayaw mong hawakan kita?"
Umiwas ako ng tingin at binalik ang mata sa TV, "I never said that."
"Pero 'yun ang pinaparating mo sa'kin!" He shouted that made me surprised.
What the hell? Ano ang dapat ikagalit do'n? Kung ayaw kong magpahawak sa kaniya, ano naman ang paki niya? Mahirap ba 'yun gawin?
Lumingon ako ulit sa kaniya, "Bakit ka sumisigaw?"
He opened his legs and put his elbow there. He bowed his head and covered his face, "Okay, sorry."
"Why?" I asked.
He took a deep breath before he sat down properly, "Nothing, let's just continue watching."
I stared at him for a few moments before I turned back to the TV. Is he mad? He looks like he's suppressing his anger.
Today is Saturday. Danica and I became friends kahit na hindi pumayag si Wyatt na mangyari 'yon. We exchanged contacts and she asked me if we can study together. I said yes and told her that we can study here at my condo. She will arrive here soon.
I wanna try to study with someone so I quickly answered yes to Danica. I know Danica like me. Kapag hinalikan ko ba siya ay magiging kami na?
My first kiss was a guy, but what will I feel if I kiss a woman? Mababago ba ang lahat? Hindi na ba magiging abnormal ang puso ko towards Wyatt? I want to try it because I am fucking confused.
DING! DONG!
I hurried to the door and opened it. I smiled when I saw Danica.
"Come in," I said and opened the door wide so she could come in.
"Thank you," she bowed a little before she entered.
I locked the door before I followed her. Pinaupo ko siya sa couch at pumunta naman ako sa kwarto para kunin ang mga workbooks ko. Pagkuha ko ay nilapag ko 'yun sa lamesa sa harap ni Danica. Pagtapos ay kumuha ako ng pagkain sa kusina para habang nagsasagot kami ay may kinakain kaming dalawa.
"Woah, thank you," said Danica.
I just smiled and nodded. I opened my workbook and was about to answer it when she spoke.
"Mag-isa ka lang nakatira rito?" Tanong niya habang nililibot ang tingin sa paligid.
"Yeah, nasa abroad ang mom ko at ang dad ko naman ay namayapa na," sagot ko.
Lumingon siya sa'kin na may pag-aalalang tingin, "Oh, sorry. I didn't know."
I smiled, "It's okay, matagal naman na 'yun."
"Why are you smiling at me? Uhm, sorry kung nabigla ka sa tanong ko," umiwas siya ng tingin at namula ang mukha. "I-Ito kasi ang unang pagkakataon na ngumiti ka sa'kin."
"Oh, is that so? Dapat bang lagi na akong ngumiti sa'yo?" I chuckled.
She shook her head, "I would love to, pero kung hindi mo kaya okay lang naman sa'kin "
"Danica," I uttered her name.
She turned to me, "Hmm?"
"Would you like to kiss?" I asked while staring at her pinkish lips.
"H-Huh?!" She backed away a little, obviously shocked at what I said.
"Pfft— That was cute," I looked at her. Wow, her face is bright red. Is that how I always reacted with Wyatt?
She looked away, "U-Uhm, let's go back to studying."
"Yeah, sure." I replied and turned to my workbooks.
Lumipas na ang dalawang oras at napagpasyahan namin na magpahinga muna. Kumakain kami ngayon ng cookies habang nanonood ng palabas sa TV. Nakatuon lang ang atensyon namin do'n hanggang sa maisipan kong pagmasdan si Danica.
Really, she's not bad. She's cute to be honest. Curly hair, big eyes, long lashes, and small lips.
She noticed me looking at her so she turned to me, "W-Why? Is there something on my face?"
"Yeah, there is," I said and came closer to her.
I wiped the piece of cookie at the edge of her lips. When I looked at her, I saw her close her eyes. Why though? Oh, is this a sign to kiss her?
I touched her cheek and leaned closer to her. Pumikit ako at malapit na magdikit ang labi naming dalawa ng biglang—
"Aiden, I'm here—"
Danica immediately pushed me away. I looked at the door and saw Wyatt standing there who looked surprised at what he saw. I locked the door, how did he get in?
"U-Uhm, hello," Danica greeted Wyatt.
Wyatt's brows furrowed and rushed to Danica. He pulled her upright, which surprised me. What is he doing to the girl?
I stood up, "Hey, Wyatt let go of her." I held his hand and tried to remove his hand but it didn't work.
"I-It hurts," Danica groaned.
"Hey! Hindi mo ba narinig ang sinabi niya?" Hinampas ko ang kamay ni Wyatt na hanggang ngayon ay nakahawak sa kamay ni Danica. "Bitawan mo na siya!"
"What is she doing here?" Wyatt turned to me before he let go of her hand.
"The question here is what are you doing here? I locked the door. How did you get in?" I asked.
He smirked, "Woah, did you forget that I know your passcode?"
Ah, right. Damn it.
I ignored him and turned to Danica, "Are you okay? Masakit pa rin ba?"
She shook her head, "Okay na ako. Uhm, sa tingin ko hindi ako gustong makita ni Wyatt."
"No, he's just surprised," sabi ko at hinawakan ang braso niya na hinawakan kanina ni Wyatt.
Goodness, bakat ang mga daliri ro'n ni Wyatt.
"Wow, are you ignoring me?" Wyatt scoffed. "Yes, I'm really surprised so you have to leave right now."
I turned to him, "What are you saying? I invited her here."
"So?" Tumingin siya sa'kin pero binalik din niya agad ang tingin kay Danica. "Leave," utos nito.
"Stop it, Wyatt!" I shouted.
"Uhm, let's just continue this next week," Danica said. "See you at school." Ngumiti siya at nilagay ang mga gamit niya sa bag niya. Tumayo siya at bumaling sa'kin, "Thank you for today."
"I'm sorry," sabi ko.
Ngumiti siya at umiling, "It's fine. See you on Monday."
"Gusto mo bang ihatid kita?" Tanong ko.
Magsasalita na sana si Danica nang biglang magsalita si Wyatt, "Bakit mo siya ihahatid? Nakapunta siya mag-isa rito kaya kaya niya rin umalis nang mag-isa."
Kumunot ang noo ko, "Bakit ikaw ang sumasagot? Hindi naman ikaw ang tinatanong ko."
"Okay lang, Aiden. Bye!" Sabi ni Danica at tumakbo palabas ng pinto.
Arg, damn it!
Pabagsak akong umupo sa couch at napabuntong hininga na lamang. Bakit ba ang laki ng galit ni Wyatt kay Danica? Wala namang ginagawang masama sa kaniya ang tao pero galit na galit siya. What the heck, is he insane?
"Are you dating?" Tanong niya saka umupo sa tabi ko.
Umusog ako at hindi sumagot sa tanong niya. I don't want to talk to him. He ruined my plan!
"Are you mad? I'm sorry," hinawakan niya ang balikat ko pero agad ko ring inalis ang kamay niya ro'n.
"Don't touch me," sabi ko.
He sighed, "I'm sorry, okay? Nabigla lang ako dahil ito ang unang beses na nagpapunta ka ng tao rito maliban sa'kin."
Lumingon ako sa kaniya, "Hindi ba ako pwede magdala ng ibang tao rito sa condo ko? Bakit mo siya pinaalis? Hindi mo ba nakitang nagsasagot kami ng workbooks?"
He smirked, "Nagsasagot ng workbooks? O baka naghahalikan?"
My brows furrowed. Damn it. Yeah, right dumating siya no'ng hahalikan ko na sana si Danica.
"Wala kang pakialam. Mind your own business," sagot ko.
"Ayaw mong magpahawak sa'kin pero gusto mo ng halik mula sa iba?" He scoffed.
"Ano naman sa'yo?" Ganti ko habang nililigpit ang mga gamit ko sa lamesa.
"Sabi ko hindi na kita hahalikan kaya h'wag mo na akong iwasan," sabi niya. "Pero kahit na sinabi ko 'yun ay iniiwasan mo pa rin ako. Ano bang nagawa ko sa'yong masama?"
"Wala," sagot ko.
"Fuck it! Wala pala pero bakit mo ako iniiwasan?!" Tumaas na ngayon ang boses niya.
Lumingon ako sa kaniya habang magkasalubong ang kilay, "Bakit ba galit na galit ka?! Hindi nga sabi kita iniiwasan!"
Sinipa niya ng malakas ang lamesa na nakapagpagulat sa'kin. He stood up and brushed his hair backwards, "Yeah, right. Hindi mo ako iniiwasan, ayaw mo lang ako pansinin at ayaw mo lang magpahawak sa'kin. Kung hindi pa 'yan ang tawag mo sa pag-iwas, hindi ko na lang alam."