Chapter 17
Aiden's Point of View
Nasa eskwelahan na kami ni Wyatt. Ako ang unang gumising sa'ming dalawa kaninang umaga. Akala ko ay malilimutan ko ang nangyari kagabi dahil sa kalasingan ngunit akala ko lang pala iyon. Mas malinaw pa sa tubig na iniinom ko ngayon ang lahat ng nangyari sa'min kagabi. Hindi ko alam kung naaalala ni Wyatt dahil simula noong gumising siya ay mukha naman siyang maayos at walang iniisip. Hindi niya kaya talaga maalala na may nangyari sa'min kagabi? Hindi naman siya mukhang lasing noong may mangyari, sa katunayan niyan ay ako talaga ang mukhang lasing sa'ming dalawa.
Sigh, walang papasok sa utak ko sa mga lesson kung ang nangyari kagabi ang lagi kong iisipin ngunit hindi ko mapigilan. Gusto ko tanungin si Wyatt kung may naaalala siya upang makasigurado ngunit nahihiya ako. Paano kung sabihin niya na may naaalala siya? Ano naman ang sasabihin ko?
Hanggang tanghali lang ang pasok naming ngayong araw dahil two subjects lang ang meron kami. Lumabas na ako ng silid kasabay si Hans, samantalang sina Wyatt, Jacob at Yuan ay nasa unahan namin naglalakad.
Sabi ni Hans, napag usapan daw nila na pupunta raw uli sila sa condo para mag-inom, sinabihan na rin daw nila si Wyatt. Susunod na lang daw si Wyatt dahil may pupuntahan pa siya. Nang tanungin ko naman si Hans kung saan pupunta si Wyatt, ang sagot niya sa'kin ay, "Baka kay Vanessa? Alam mo na, he's making a move with Vanessa." Pagtapos ay tumawa siya.
Hindi ko alam ngunit parang may kumurot sa'king dibdib nang marinig ang sagot ni Hans. Pero imbes na isipin pa 'yon ay pinagsawalang bahala ko na lang. Masasaktan lang ako kung mas lalo ko pang iisipin.
Tanggap ko na na may gusto ako kay Wyatt pero wala akong balak na sabihin iyon sa kaniya. Kung ang feelings ko lang ang makasisira sa friendship naming dalawa ay h'wag na lang. Handa akong itago ang nararamdaman ko para sa pagkakaibigan namin. Handa rin akong masaktan patago para hindi niya malaman o mahalata ang feelings ko para sa kaniya. Alam kong lilipas din ang nararamdaman ko sa kaniya. Mawawala rin ito at magf-fade, hihintayin ko na lang ang araw na 'yon hanggang sa hindi ko na mamalayan.
Isa pa, I don't want him to become like me. Maraming may gusto kay Wyatt, kilalang-kilala siya sa buong eskwelahan kaya ano na lamang ang mangyayari kung magiging katulad ko siya? Ano na lang ang sasabihin ng iba kapag nangyari ‘yon?
Ayoko rin sabihin sa kaniya kung ano ang narealize ko sa sarili ko. Ayoko na layuan niya ako na parang isang nakakahawang virus. Ayokong lumayo ang loob niya sa'kin at isipin na ilang taon siyang nagkaroon ng kaibigan na hindi straight.
Hindi pa rin ako sure kung ano nga ba talaga ako. Kay Wyatt ko lang naman ito unang naramdaman kaya hindi ko pa masasabi na isa akong gay. Mahinhin ako kumilos, mukhang babae ang mukha pero hindi ako kasing lambot ng ibang gay na nakikita ko. Iyong tipo na kumekembot ang puwet tuwing naglalakad. Pero hindi ko rin masabi na isa akong bisexual dahil hindi pa naman ako na-attract sa kahit sinong babae. Maganda si Danica ngunit... I don't know, maganda siya pero hanggang do'n lang 'yung naiisip ko sa kaniya.
Nakauwi na ako sa condo. Nag-shower muna ako bago naglinis ng bahay. Habang nililinis ko ang kwarto ay naalala ko kung ano ang nangyari ro'n kagabi. Agad umakyat ang dugo ko sa'king mukha dahilan para uminit iyon. Kinagat ko ang pang-ibabang labi ko at umiling, pilit pina-aalis sa isip ang nangyari kagabi.
"Damn it," bulong ko sa sarili.
Siguro naman ay wala ng mangyayari na gano'n hindi ba? Shit. Erase! Ayoko na mag-isip.
Nagpatugtog na lamang ako ng musika habang naglilinis para walang maisip na kung anu-anong bagay. Baka mabaliw lang ako kapag nagpatuloy pa ang mga naiisip ko. Lumabas na rin ako sa kwarto matapos malinis iyon.
DING! DONG!
Agad kong binitawan ang walis at binuksan ang pintuan.
I smiled, "Welcome."
Binuksan ko ng malakinang pinto at pinapasok ang tatlong itlog. Hindi nila kasama si Wyatt, siguro ay may pinuntahan nga talaga siya. Umupo ang tatlo sa couch at nilapag sa lamesa ang mga bote ng alak at mga snacks.
"Kanina ko pa tinatawagan si Wyatt pero hindi niya sinasagot ang tawag," ani Hans habang nakatingin sa phone niya.
"Baka busy kay Vanessa," natatawang tugon ni Jacob.
"Hindi ka ba tinawagan o ni-message ni Wyatt, Aiden?" Tanong sa'kin ni Yuan.
Umupo ako sa tabi ni Jacob saka umiling, "Hindi. Bakit?"
"Kanina pa namin siya hindi ma-contact. Balak nga sana namin na sabay-sabay na kami pumunta rito kaso hindi naman siya sumasagot sa mga tawag namin kaya nauna na kami dahil baka mainip ka sa paghihintay," sagot ni Yuan.
"Ngayon lang 'to nangyari kaya medyo kinakabahan ako sa hindi niya pagsagot," dagdag pa ni Hans.
I licked my lips before I stood up, "Tatawagan ko ang lolo niya, tatanong ko kung nasa bahay ba nila si Wyatt."
Umalis ako sa living area at pumasok sa kwarto para tawagan ang lolo ni Wyatt. Ilang ring lang ay sinagot na nito ang tawag ko.
"Aiden, why?" Panimula niya.
"Uhm, grandpa, nand'yan po ba si Wyatt?" Tanong ko, "May plano po kasi kami ngayong araw pero hindi niya sinasagot ang tawag ko."
Actually, tawag talaga nina Hans ang hindi niya sinasagot.
"Hmm... Wala siya rito, umalis siya kanina pagtapos niya maligo. Hindi ko na naitanong kung saan siya pupunta," sagot ni grandpa. "Try to call him again, baka naka-silent na naman ang phone ng isang 'yon."
"Okay po, maraming salamat. Good night, grandpa."
"Good night, Aiden."
And the phone call ended.
Lumabas na ako sa kwarto at tumabi ulit kay Jacob. Bumuntong hininga ako saka umiling, "Wala raw do'n si Wyatt. Umalis daw siya pagtapos niya maligo."
"Hayaan na nga natin ang isang 'yon! Baka kasama niya si Vanessa kaya ayaw magpa-istorbo," sabi ni Jacob at nagsimula na buksan ang mga alak na binili nila.
Wyatt, asan ka?
Matapos ang ilang minuto ng pag-iinuman ay hindi na ako nakatiis pa. Tumayo ako at nagpaalam na magbabanyo lamang ako pero ang totoo ay pupunta ako sa CR para tawagan si Wyatt. Ilang minuto na kasi ang lumipas pero wala pa siya. Paano pala kung may nangyari na hindi maganda sa kaniya? Haa.
Unang tawag ko ay hindi niya sinagot kaya sinubukan ko ulit. Sa pangatlong ring ay doon niya lamang sinagot ang phone. Thank God!
"Oh... Aiden? Whassup, man?" He was panting. Aakalain mong tumatakbo siya dahil sa boses niya.
"M-May ginagawa ka ba? Kanina ka pa namin inaantay—" naputol ang sasabihin ko nang bigla akong may narinig na nagsalita at boses babae iyon.
"Ugh~ Wyatt, faster~"
What the...
I immediately covered my mouth while my phone remained on my ear. I was stunned and didn't know what to do. What am I listening to? Are they... Doing it?
Wyatt giggled, "Hey, you don't want others to hear you, right? Shut it for a moment, I'm on a phone call right now with my best friend. Right, Aiden?" He chuckled, "Did you hear her? Man, sikreto lang natin 'to, ha?"
Nang may isang butil ng luha ang tumulo sa'king mata ay agad kong binaba ang tawag. Biglang sumikip ang dibdib ko at para akong nahihirapan huminga. Humugot ako ng malalim na hininga at pilit na pinakalma ang sarili. Naghilamos ako ng mukha para takpan ang luha na patuloy sa paglabas, nagbabakasakali na titigil ang mga ito kung hahaluan ko ng tubig.
What the fuck? They're really doing that thing. Blangko ang utak ko habang paulit-ulit na nagp-play sa taenga ko ang boses ng babae na umuungol kanina sa call.
Tatlongpung minuto pa ang tinagal ko sa loob hanggang sa tuluyan na akong mahimasmasan. Paglabas ko ng banyo ay lahat sila nakatingin sa'kin.
"Bakit?" Tanong ko.
"Bakit ang tagal mo sa CR? Akala namin napaano kana," ani Yuan.
Pansin ko ang pagkunot ng noo ni Hans, "Umiyak ka?" Tumayo siya saka lumapit sa'kin.
Umiling ako at nag-iwas ng tingin, "Hindi." Sagot ko.
"Sinungaling," hinawakan niya ang mukha ko at pilit iyon pinaharapan sa kaniya. "Bakit ka umiyak? Gusto mo na ba na umalis kami pero 'di mo lang masabi? Okay lang, aalis naman kami kapag sinabi mo."
Umiling ako, "Hindi. Hindi ako umiyak at okay lang naman na narito kayo."
"Sigurado ka?" Tanong niya.
Tumango ako, "Uh-hmm."
Hans caressed my cheek with care. When I looked at his eyes, I could see his concern for me. Hans could be an asshole and could be a good friend too. Should I offer a friendship with him?
I was about to speak when the door of my condo suddenly opened. Wyatt appeared and he looked surprised when he saw Hans and me. I thought he would grab Hans' hand to make him go away from me but he didn't do it. He was stunned for a moment but when he recovered, he immediately went to Jacob and sat down beside him.
Did he ignore me? Nevermind, mas mabuti na rin 'yon dahil hindi ko rin naman alam ang sasabihin sa kaniya.
I smiled at Hans, "I'm okay. Let's go back there and drink."
He nodded and we both went back to the table. Jacob complained to Wyatt for the reason that he arrived too late. I was just quiet watching TV while they were throwing jokes with each other. I will just drink when it's my turn and watch TV again.
Kanina gusto ko itanong kay Wyatt kung naalala niya ba ang nangyari kagabi, ngunit matapos mangyari ang call ay nagbago ang isip ko. Mas mabuti na siguro na ibaon ko na lang iyon sa limot tutal isang pagkakamali lang naman iyon. Dala lamang ng alak kung ano man ang nangyari sa'min kagabi. Pero kung alam kong sobrang lasing no'n si Wyatt na hanggang kinaumagahan ay hindi niya ito maaalala, pinigilan ko na lang sana ang sarili ko no'ng gabing iyon. Hindi na sana ako nagpaakit pa sa init ng katawan.
12 AM nang matapos ang inuman namin. Nagpaalam na naaalis na ang tatlo, lumingon ako kay Wyatt nang mapansin na susunod siya sa tatlo sa paglabas ng condo.
"Uuwi ka rin?" Tanong ko.
Lumingon siya sa'kin saka ngumiti, "Oo. Kaya ko pa naman magmaneho kaya uuwi ako."
"Ahh..." Tumango ako at ngumiti rin, "Sige. Mag-iingat kayo."
Lumabas na rin sa condo si Wyatt. Naglakad na sila palayo at ilang hakbang na lang ang layo nila sa elevator. Sunod lang ang tingin ko sa likod nila. Hindi ko maiwasan na hindi malungkot habang nakatingin sa likod ni Wyatt. Naririnig ko pa rin hanggang ngayon ang boses ng babae. Si Vanessa kaya iyon?
Akala ko ay tuluyan na silang aalis nang biglang tumakbo pabalik si Hans. Sinunggaban ako nito ng mahigpit na yakap na kinagulat ko. Lasing na ba 'to?
"Good night, Aiden! See you tomorrow~" he said while still hugging me.
I giggled, "Yeah, yeah. Go now."
"Don't cry again, hmm?" He tapped my head and kissed it which surprised me.
My eyes widened and I couldn't complain. What the heck? I'm too stunned to speak, man!
"Let's go," Wyatt suddenly appeared and pulled Hans away from me.
Hans might be extremely drunk. Dang.