Chapter 58
Ellise POV
"Pwede ba tayong dumalaw kina Mommy't Daddy Gavin?" tanong nya sa asawa, habang nakahiga sa kama at nakaunan ang ulo nya sa braso ng asawa.
Kakatapos lang ng love making nila, at hindi nya mabilang sa mga daliri kung ilang beses syang sinabihan ng I Love you ni Gavin. At alam nyang mapapadalas pa ang pagsasabi ng asawa sa kanya ng I love you.
"You want to visit them?"
"Yes, matagal-tagal na rin mula ng huli ko silang makita at namimiss ko na rin ang mga kapatid ko" sagot nya. At nais din nyang ibalita sa Mommy nya kung gaano kasaya ang marriage life nya.
"Ok, let's us visit them now" sagot ni Gavin.
"Really?" masiglang tanong nya at tiningala ang gwapong asawa.
"Yes" sagot nito at mabilis syang hinalikan sa mga labi. Napapikit sya at gumanti ng halik sa asawa. Nang naramdamang gumagapang ang kamay ng asawa, agad nyang binawi ang mga labi rito. Baka kase hindi na sila makaalis nito para pumunta ng San Miguel.
"We can do this again later, but now kailangan nanating maligo para makapag prepare na" sabi nya sa asawa.
"I can't get enough of you Ellise" bulong nito at hinalikan sya muli sa mga labi. Mabilis lang yon at bumangon na mula sa pagkakahiga.
"We can shower together" yaya nya sa asawa.
"And you think tatanggi ako" mabilis na sagot nito at bumangon na rin mula sa kama. Nagtitili sya ng buhatin sya ng asawa.
"Gavin" tili nya. Naglakad ito papunta sa bathroom habang buhat-buhat sya ng asawa. Wala na syang ibang mahihiling pa ito ang buhay may asawa na pinapangarap nya. Masaya kapiling ang lalaking pinaka mamahal nya, at mahal na mahal din sya.
Pagdating sa San Miguel agad silang sinalubong ng Mommy nya. Tumawag sya sa Mommy nya kanina na papasyal sila ni Gavin sa mga ito. Kaya naman nakapaghanda ang Mommy nya sa pagdating nila ni Gavin.
"You look beautiful Ellise, gumanda ka lalo mula ng mag-asawa ka" sabi ng Mommy nya habang tinutulungan ito sa kusina. Wala ang mga kapatid nya nasa eskwela kaya ang Mommy't Daddy lang nya ang tao sa bahay. Agad naman kinausap ng Daddy nya si Gavin, marahil nais ma interview ng ama ang asawa nya. Minsan palang kase sila nagkita-kita noong araw na ikasala sila ni Gavin. At mula noon hindi pa sila nakadalaw sa mga magulang. At ngayon nga dahil maganda ang mood ni Gavin at isama pang inamin na nitong mahal din sya nito kaya naman masaya syang iharap ang asawa sa magulang.
"Alam mo Ellise gumaganda ang isang babaeng may asawa, kapag marunong mag alaga ang asawa nito" nakangiting sabi ng Mommy nya. Napangiti sya at niyakap ang ina.
"Masaya po ako Mommy, masayang-masaya" sabi nya habang nakayakap sa ina. Alam nyang natagpuan nya si Gavin sa hindi magandang sitwasyon ng pamilya nila. Pero ganoon pa man maganda naman ang kinainat-nat ng mga nangyari sa kanila ni Gavin.
"Halata naman na masaya ka anak. At masaya ako para sa iyo"
"Thank you Mommy"
"Tara na baka gutom na sila" yaya ng Mommy nya at dinala na nila ang inihandang pagkain ng Mommy nya.
"Now I know kung kanino namana ni Ellise ang galing nya sa pagluluto" Sabi ni Gavin habang maganang kumakain.
"Yan din ang nagustuhan ko sa Mommy nyo. ang galing nya sa pagluluto" nakangiting sabi ng Daddy nya. Malaki na ang nilakas ng katawan ng ama, marahil dahil naibibigay na nya lahat ng pangangailangan ng ama. At dahil lahat yon kay Gavin kaya napakalaki ng pasasalamat sa asawa. Kung hindi dahil rito baka napariwara na sya at baka kung napano na ang pamilya nya.
"May laman na ba yan Ellise?" tanong ng Mommy nya. Nagulat sya at nasamid ng mahulaan ang ibig nitong sabihin.
"Bilisan nyo gumawa para naman makita ko na ang magiging Apo namin" sabi ng Daddy nya. Ramdam nya ang pamumula ng pisngi nya sa hiya at pasimpleng sinulyapan si Gavin na nakangiti sa kanya.
"Malapit-lapit na po sigurong magkaroon" sagot ni Gavin at nagtawanan ang mga ito, sya naman hiyang-hiya kay Gavin.
"Magparami kayo para naman kumalat pa ang pangalang Saavedra" sabi ng Daddy nya at tumawa. Nakitawa naman si Gavin. Masaya syang makitang masaya ang pamilya nya at si Gavin wala na nga siguro syang mahihiling pa. She have everything, a healhty parents, sweet brother and sister. And a loving husband, she can say her life is a perfect one.
Hapon na ng magpaalam sila sa mga magulang nya, ayaw pa nga silang paalisin at nais na doon na mag dinner, pero nagyaya na sya dahil nais nyang mailibot si Gavin sa Bayan nila, nais nyang ipakita ang lugar kung saan sya lumaki at nagka-isip.
"You have a loving parents Ellise" sabi ni Gavin habang nagmamaneho.
"I know, and I also have a perfect loving husband" sagot nya at mabilis na hinalikan sa pisngi ang asawa.
"You are so lucky to have me eh" pagmamalaki nito. Tumango sya rito, dahil yon naman ang totoo napakaswerti nya kay Gavin.
"Have you heard about the beach sa may dulo ng San Miguel?" she asked.
"Nope"
"Doon tayo pumunta para makita mo kung gaano kaganda ang dagat sa San Miguel" excited na sabi nya. At tinuro ang daan papunta sa may dulo ng San Miguel. Noong college sya madalas silang magkakaklaseng napupunta sa dulo ng San Miguel para maligo at mamasyal. Ang mga Alvarez ang nagmamay-ari ng beach na tinawag ng mga itong Alvarez beach at bukas ang beach sa mga tao sa bayan ng San Miguel.
Pagdating nila agad syang nagtatakbo sa buhanginan. Na miss kasi nya ng usto ang malinis na buhangin ng San Miguel.
"Be careful Ellise" bilin ni Gavin dahil masyado syang excited.
"Come here" tawag nya sa asawa at tumakbo palapi rito.
"Maligo tayo" yaya nya.
"No" agad na sagot ni Gavin.
"Why?"
"Crowded" sagot nito. Marami kasing mga taong naliligo at namamasyal.
"If you want we can go to my Island now para doon ka mag swimming sa dagat" sagot nit Gavin. Natawa sya sa sinagot nito. Hindi nga pala isang ordinaryong lalake ang napangasawa nya, isa nga pala itong Saavedra. Kung ang mga Alvarez ay may Alavrez Beach may sariling Isla naman si Gavin.
"Sige later, pupunta tayo doon" sagot nya.
"But, first mamasyal muna tayo rito. Maglakad-lakad" dagdag nya at hinila ang kamay ng asawa.
"Sige" sagot nito at hawak kamay silang naglakad sa tabing dagat. At masasabi nyang napaka romantik ng lahat. The view, the sounds of the water, it feels like home. Well she is home litteraly, she's home with Gavin her loving husband. The man she wish, The man god gave to her. The man of her dreams.
"Dumalaw muna tayo kina Mama't Papa bago tayo pumunta ng Isla" sabi ni Gavin habang naglalakad sa tabing dagat. Hindi sya agad nakasagot, naalala nya kase noong una syang ipakilala ni Gavin sa mga magulang nito, agad nyang napansin ang pagkadisgusto ng ama nito, dahil hindi sya mayaman tulad ng mga ito.
"Natatakot ka ba kay Papa?" tanong nito, nang mapansing hindi parin sya sumasagot. Huminto sila sa paglalakad at hinarap sya ni Gavin.
"Ellise, I won't let you hurt, I will protect you and of course I'll fight for you. You are my wife Ellise and who knows you will carry my baby soon" litanya nito at hinawakan sya sa baba pata iangat ang mukha nya. Nagtama ang mga mata nila.
"I love you Ellise, and I want you to trust me. Isa pa hindi ganoon kasama si Papa, maybe na shock lang sya sa biglaan kong pagpapakasal, but believe me Ellise matatanggap din nya ang desisyon ko" paliwanag nito.
"I know" tanging sagot nya at tumango sa asawa. Alam naman nyang ipaglalaban sya ni Gavin kung sakaling hindi sya tanggapin ng Papa nito. Pero gaya nga ng sabi nito, matatanggap din sya ng Papa nito. Lalo na't isa na syang legal na Mrs. Saavedra. At ano nga malay nya baka dinadala na nga nya ang magiging anak nila ni Gavin.
"We can go there tonight" sagot nya.
"Good girl" sabi nito at niyakap sya ng mahigpit.