Chapter 54

"What are you doing here alone?" tanong ni Mike habang palapit sa kanya. Nagkibit balikat sya. Katatapos lang ang bangayan nila ni Sabrina at ngayon naman eto naman si Mike. Kailan ba matatapos ito?

"Alam ba ni Gavin na narito ka?" tanong nito. Nanatili syang hindi kumukibo. Liningon nya ang paligid. Nais sana nyang masolo ang ganda ng gabi, pero mukha hindi nya magagawa yon dahil sa presensya ni Mike.

"Aakyat na ko" sabi nya at lalagpasan na sana nya si Mike ng pigilan sya nito sa braso.

"Not so fast Mrs. Saavedra" nakangising sabi nito at nagbuga ng usok sa mukha nya. Agad nyang binawi ang braso mula kay Mike at umatras ng ilang akbang para makalayo rito.

"Why don't you join me, kahit ngayong gabi lang. Tutal busy naman si Gavin ngayon, and hindi naman nya malalaman pa" nakangising sabi nito. Habang papalapit sa kanya. Nais nyang pagsisihan ang paglabas ng silid ni Mia. Mas kaya naman yata nyang harapin si Sabrina kesa kay Mike.

"No, thank you!" mariing sagot nya at muli ay sinubukan nyang lagpasan ito. Ngunit marahas syang hinila sa braso. This time mahigpit ang pagkakahawak nito sa braso nya.

"Ano ba? bitiwan mo ko!" asik nya at sinubukang bawiin ang braso. Pero mahigpit ang pagkakahawak ni Mike At hindi nya gusto ang ganito kalapit sa kanya si Mike, naaamoy nya ang alak mula sa bibig nito. At alam nyang hindi sya sasantuin ni Mike kung nais sya nitong gawan ng masama ay gagawin ni Mike, dahil galit ito kay Gavin. Nais ni Mike na masira nito si Gavin. At nagawa nito yon noong una kay Sabrina at ngayon sa kanya naman.

"Pwede tayo sa kotse ko, or sa room ko" nakangising sabi nito.

"Natikman ko lahat ng natikman ni Gavin. At I want to taste you Mrs. Saavedra"

"Bitiwan mo ko sabe!" matapang na sabi nya at sinipa sa paa si Mike. Nabitawan naman sya nito at mabilis na nagtatakbo palayo kay Mike.

"Ellise!" tawag ni Mike sa kanya. Nagtuloy lang sya sa pagtakbo at hindi nilingon si Mike.

Humihingal sya ng makapasok sa loob ng hotel. Nanginginig ang buong katawan nya. At nagpasalamat syang nakaiwas sya kay Mike. Nilingon nya ang pinanggalingan at nakita si Mike na papasok na rin ng hotel.

"Shit" mura nya at nagtatakbo ulit ng makita sya ni Mike.

"Saan sya pupunta?" tanong nya sa sarili at nagtatakbo ng mabilis ng bigla syang bumunggo sa matigas sa kasalubong.

"Ouch!" tili nya. Bago pa sya bumagsak sa sahig napigilan na sya ng taong nakabunggo nya sa bewang.

"Ellise?" nagtatakang tanong ng lalaking nakahawak sa kanya, na agad nyang nakilala si Gavin.

"Gavin" anas nya at niyakap ng mahigpit ang asawa. Nakaramdam syang ng seguridad ng makita ang asawa. Alam nyang ligtas na sya kay Mike. Sinulyapan nya si Mike na nasa di kalayuan nila ni Gavin. Kampanteng nakatayo ito habang umiitit ng sigarilyo. Napansin nya ang pagtaas ng dibdib ni Gavin. Tila nahulaan ng asawa kung ano ang tinatakbuhan nya.

"Gavin" tawag nya sa asawa ng kumalas ng pagkakayakap mula rito. Nakita nyang nakatuon ang mga mata ng asawa kay Mike. Napakagat labi sya. Alam nyang kahit hindi sya magsumbong sa asawa ay alam na nito ang dahilan kung bakit sya takot na takot na nagtatatakbo.

"What the hell are you doing Mike?" matigas na tanong ni Gavin.

"Well, gusto ko lang naman makausap si Mrs. Saavedra but, I guess natakot ko sya ng kaunti" sagot nito at humakbang palapit sa kanila. Wala sa isip na napakapit sya kay Gavin at nagkubli sa may likuran ng asawa. Sinulyapan sya ng asawa dahil sa ginawa at muling binaling kay Mike ang tingin.

"What do you want huh?!"

"All of yours. I want to ruin you Saavedra"

"And you think that would be easy to ruin me?"

"Alam ko hindi madali. Hindi ka nga tinablan ng iputan ka sa ulo ni Sabrina eh. But I guess iba pagdating kay Mrs. Saavedra" sagot ni Mike at sinulyapan sya na nasa likuran ni Gavin. Binalingan sya ni Gavin.

"Stay here Ellise" bilin nito at humakbang palapit kay Mike.

"Stay away from her!" banta ni Gavin, kasabay ng paghila nito sa damit ni Mike. Napasingjhap sya habang nakatingin sa dalawang lalake.

"You can beat me Mike" dagdag ni Gavin.

"I can and I will" banta ni Mike. Lalong humigpit ang hawak ni Gavin kay Mike.

"Gavin tama na" awat nya baka kasi kung saan umabot ang dalawa..

"I will soon f*ck your wife" sabi ni Mike at isang malakas na suntok ang pinakawalan ni Gavin na agad namang kinatumba ni Mike. Agad syang lumapit para awatin si Gavin. Bago pa nya nagawa yon muling nasuntok ni Gavin si Mike.

"Gavin!" tili nya.

"Stay away from her Mike or I'll kill you!" narinig nyang banta ni Gavin.

"Don't tell me Saavedra you are crazy in love with your fake wife?!" sabi ni Mike na hindi makuhang makaganti kay Gavin dahil hawak-hawak ito ni Gavin. Putok na ang labi ni Mike at may dugo narin ang ibabang labi nito. Nais nyang awatin si Gavin pero natatakot syang lumapit rito. Hindi na sya nagulat sa sinabi ni Mike. Kung alam ni Sabrina ang tungkol sa totoong sitwasyon nila ni Gavin, sigurado alam din ni Mike yon.

"Ellise is not my fake wife. She is never been. She's a real Mrs. Saavedra" mariing sagot ni Gavin. Natilian sya sa sinagot nito. Napansin nyang nag-iba ang mukha ni Mike at sinulyapan sya, sa takot napaatras sya. Habang nanlalaki ang mga mata sa sinabi ni Gavin.

"Anong nangyayari dito?" tinig ni Jerry na tumatakbong lumapit kina Gavin at Mike. Kasunod sina Julius at Gilbert. Agad naman naipag hiwalay ang dalawa.

"Hindi ka ba talaga titigil ah Mike?" galit na tanong ni Jerry. Habang nakapagitna sa talagang lalake. Nakahawak si Gilbert kay Mike na duguan na, habang si Julius naman nakahawak kay Gavin na nasa mukha ang galit. Galit na galit ito at handang sumugod muli kay Mike na tila tulad nya natameme rin sa sinagot ni Gavin kanina.

"So, nagpakasal ka nga talaga sa ordinaryong babaing tulad nya?" tanong ni Mike. Napalingon sya kay Gavin, hinintay ang isasagot nito.

"Yes, and she is way better than Sabrina." mabilis na sagot ni Gavin.

"Anong sinasabi mo?" tanong ni Jerry at liningon sya. Marahil nagulat din si Jerry sa sinabi ni Gavin na totoo ang kasal nila. Totoo nga ba? totoo bang isa syang Mrs. Saavedra?

"The all mighty Gavin Saavedra ay totoong kasal kay Ellise" nakangising sabi ni Mike at nilingon sya. Napalunok sya.

"Back off Mike and stay away from my wife and from me. This is over now" mariing sabi ni Gavin at marahas na kumawala kay Julius at naglakad palapit sa kinatatayuan nya. Hindi nya magalaw ang mga paa nya, nanatili syang nakamata kay Gavin.

"Let's go Ellise, we're leaving" sabi ni Gavin at hinila sya sa kamay. Tila sya papel na sumama sa hangin.