Chapter 49

Kinagabihan mag a-alas nueve na ng marinig nya ang sasakyan ni Gavin. Sumilip sya sa bintana at nakita ang asawang bumaba sa kotse. Bumuntong hininga sya. Alam nyang magtataka ang asawa kung bakit wala sya sa ibaba at kung bakit walang nakahandang pagkain para rito. Dahil sa inis nya kanina kay Sabrina ay nawalan sya ng ganang ipagluto ang asawa. Kanina pa kasi gumugulo sa isip nya ang asawa at si Sabrina. Kung bakit magkasama ang dalawa? at kung bakit hinayaan ni Gavin na si Sabrina ang sumagot sa cellphone nito. Kung sa bagay malaya nga palang gawin ni Gavin ang gusto nito, dahil hindi naman sya tunay na asawa nito. Pekeng asawa lang sya na ginagamit ni Gavin laban kay Sabrina. Habang patuloy parin ang pagkikita ng dalawa, samantalang may asawa na si Sabrina at buntis pa ito. Ganoon na ba ka immoral si Gavin?

Mula sa pagkakatayo sa may bintana narinig nya ang pagbukas ng pintuan. Hindi sya natinag, nanatili syang nakatayo sa may bintana.

"Masama ba ang pakiramdam mo?" tanong ni Gavin at naramdaman ang paglapit nito sa kanya.

"May masakit ba sa iyo?" tanong muli ito at naramdaman ang pagyakap nito mula sa likuran nya. Pinatong ang baba nito sa balikat nya. Pinatatag nya ang loob na huwag bumigay sa paglalambing ng asawa. Isipin palang na magkasama ito at si Sabrina ay nais nyang mandiri sa asawa.

"Gavin" anas nya at sinikap na alisin ang kamay nito na nakayakap sa kanyan.

"Why? masama ba ang pakiramdam mo? gusto mo bang magpatawag ako bg doktor?" tanong nito at hiniharap sya nito rito.

"How do you feel?" he asked. Napapikit sya ng haplusin ni Gavin ang mukha nya. Pero saglit lang yon at mabilis na tinabig ang kamay nito. Napansin nya ang pagkagulat ni Gavin sa inasta nya. Bumuntong hininga sya at nilagpasan ito, naglakad sya palapit sa malaking kama.

"May problema ba Ellise?"

"Nothing" sagot nya at sumampa sa kama.

"Sabi ni Manang hindi ka raw kumain maghapon. Nag hu-hunger strike ka ba?" tanong nito, habang inaalis ang tie na suot at naglakad palapit sa kama kung saan sya nakaupo.

"Busog ako" tanging sagot nya. At sumandal sa headboard ng kama.

"Then why you are not waiting for me sa baba? then why you didn't prefer our dinner?"

"Kasambahay ba ko dito?" inis na tanong nya. Naiinis sya dahil gustong-gusto na nyang itanong rito kung saan ito nanggaling at kung sino ang kasama nito? Kahit alam na nya ang sagot at kahit alam nyang mas masasaktan sya kung isasagot pa ni Gavin si Sabrina.

"Ok" tanging sabi nito at hindi nakaligtas sa kanya ang pagbuntong hininga nito. at naglakad sa may closet, habang naghuhubad ng suit.

"Kumain ka nalang sana kasama ni Sabrina para hindi ka dito naghahanap ng pagkain!" Hindi nya mapigilan na sabihin. Nakita nyang napahinto ito sa pagbubukas ng butones ng polo at naningkit ang mga matang napatingin sa kanya. Tinignan nya ng masama si Gavin at pinagsalikop ang mga braso sa dibdib. Kung titignan sya tila sya asawang nagseselos. Teka nagseselos ba sya? selos ba ang dahilan kaya hindi sya kumain maghapon? selos din ba ang dahilan nya kaya hindi nya hinintay sa baba ang asawa at hindi nya ito pinagluto ng hapunan? gaya ng madalas nyang ginagawa rito. Teka may karapatan ba syang magselos? at bakit sya nagseselos? Ang daming tanong na gumugulo sa isip nya at hindi nya mabigyan ng tamang sagot.

"Sabrina?" kunot noong tanong nito at lumapit sa kama. Nagtaas sya ng mukha at hindi kumibo.

"Paano napasok sa usapan si Sabrina?"

"Hindi ba't magkasama naman kayo?" taas kilay na sabi nya.

"How did you know that?" tanong nito. Nainis sya sa tanong nito at napatayo mula sa kama.

"Eh di totoo nga! magkasama nga kayo ni Sabrina mo!" galit na hiyaw nya at tinulak pa sa dibdib si Gavin, pero ni hindi man ito natinag.

"Kung si Sabrina parin naman pala ang babaing mahal mo, bakit mo pa ko binili para gamitin laban kay Sabrina?" hiyaw nya habang pinagsusuntok ang matigas na dibdib ni Gavin.

"Ellise" sabay pigil nito sa mga kamay nya.

"Kung mahal mo si Sabrina sa kabila ng ginawa nyang panloloko sa iyo, bakit mo pa ko kailangang gamitin para kalimutan sya kung patuloy naman ang pagkikita nyo" patuloy nya at hindi maiwasan ang maiyak. Naiiyak sya sa sitwasyon nya, naiiyak sya dahil nasasaktan sya.

"What are you talking about Ellise?" tanong nito, habang pinipigilan sya sa pagwawala nya.

"Tinawagan kita" simula nya habang umiiyak.

"Si Sabrina ang sumagot ng phone mo. Sya ba ang dahilan kaya ka ginabi?"

"What? of course not" sagot nito.

"Kumalma ka nga muna Ellise"

"Paano akong kakalma kung patuloy ang pakikipagkita mo kay Sabrina? niloko ka nya Gavin! at buntis sya sa kaibigan mo!" hiyaw nya at marahas na binawi ang mga kamay na hawak-hawak nito.

"I don't care about her anymore ok"

"Then bakit sya ang sumagot sa phone mo?"

"I don't know, maybe nakita nya ang phone ko kanina"

"Bakit kayo magkasama?"

"Hindi naman kami magkasama. Nagkataon na dumating silang mag-asawa sa site, kasama ko ang ilang mag kaibigan at kasosyo sa negosyo" paliwanag nito. At bumuntong hininga.

"Kailangan ko ba talaga mag explain ah Ellise?" tanong nito. Marahas nyang pinunasan ang mga luha sa mata. Bakit pa kasi sya naiyak?

"No, you don't have to. Nadala lang siguro ako-"

"Nagseselos ka ba Ellise?" putol na tanong nito sa sasabihin sana nya. Hindi sya nakakibo. Nailang sya sa uri ng tingin sa kanya ni Gavin. Tila sya sinusuri nito.

"Are you jelous?" he asked again.

"No! no. Of course not, why shoul I?" she tried not to sound deffensive.

"Kaya ka ba nag hu-hunger strike at pati ako hindi mo pinaghanda dahil nagseselos ka kay Sabrina?" tanong nito at humakbang palapit sa kanya. Naatras sya at isang atras lang naramdaman na nya ang kama. Mabilid syang naupo bago pa sya malapit ng sobra ni Gavin.

"Hindi" nakayukong sagot nya.

"Are you sure?" he asked. Hinawakan nito ang baba nya at tinaas para magpang-abot ang mga mata nila.

"Pwede mo namang aminin sa akin kung nagseselos ka"

"Hindi nga!" matigas na sagot nya at pilit binabawi ang babang mahigpit na hawak nito.

"Sure" tanging sagot nito. Maya-maya pa nasa mga labi na nya ang mga labi ni Gavin, kasabay ng pagbagsak nilang pareho sa malambot na kama.

"Cute ka palang magselos" bulong ni Gavin nang maghiwalay ang mga labi nila. Pareho pa silang hinihingal.

"Hindi ako nagseselos!" agad na sagot nya at sinubukang itulak ito mula sa pagkaimbabaw nito sa kanya. Isa pa ayaw nya pag ganito sila kalapit, dahil hindi nya kayang kontrolin ang sarili, panigurado bibigay sya kay Gavin.

"Well, samahan mo ko bukas sa Tagaytay Kasal ng kaibigan ko at kasosyo si Jerry. Naroon si Sabrina at Mike" sabi nito. Kumunot ang noo nya at mabilis na tinulak ito, nagawa naman nya kaya agad syang tumayo mula sa pagkakahiga. Iniwang nakahiga si Gavin.

"Bakit kailangan kong sumama?"

"Asawa kita Ellise, natural na samahan mo ko sa mga lakad ko"

"Pekeng asawa lang ako Gavin" sagot nya. Hindi kumibo si Gavin. Tumayo ito mula sa pagkakahiga.

"Magpahinga kana, maaga pa tayong aalis bukas. Magsa-shower lang ako" tanging sabi nito at lumakad na papuntang bathroom. Inis syang naupo sa kama.

"Magkikita kami ni Sabrina"