Chapter 48
Ellise's POV
Nagising syang masakit ang ulo, tila minamartilyo yon at bigat na bigat. Gumalaw sya at sinubukang buksan ang mga mata. Ilang minuto bago sya naka adjust sa liwanag.
"Aray" bulong nya. Akmang uupo sya mula sa pagkakahiga ng dumulas ang kumot sa katawan nya. Agad nyang napansin na wala syang suot pang itaas.
"What?" hinila nya ang kumot at sinilip ang natatakpan sa ibaba nya. Nanlaki ang mga mata nya ng makitang hubod hubad sya.
"Anong nangyari?" tanong nya sa sarili at sinalo sa mga kamay ang masakit na ulo. Pilit inaalala kung ano ang nangyari kagabi, at kung bakit wala syang naaalala.
"Think Ellise, Think!" piga nya sa ulo, habang ilang beses pinalo ang sariling ulo para makapag isip at maalala kung ano ang nangyari kagabi.
Sa pagkakaalam nya pinakilala sya ni Gavin sa mga magulang nito at sa kapatid nitong si Gab. Nagtungo sila sa bahay ng mga Saavedra. Nag dinner at nagpakilala sya sa ama ni Gavin, pagkatapos ayaw sa kanya ng Papa ni Gavin. Pagkatapos.... Natigil sya pag-iisip nang maalalang pinainom sya ng alak ng kapatid ni Gavin.
"Alak! shit!" mura nya. At nasabunutan ang sariling buhok. Hanggang doon lang ang naaalala nya. Nakainom sya at umuwi sila ni Gavin. Kung bakit sya nakahubad ay marahil may nangyari sa kanila ng asawa. Pero sana naman hindi sya nagpakita ng ka weirduan. Sana naman normal ang mga kinilos nya at hindi kung ano-ano.
"Bakit pa kasi ako uminom?" inis na tanong nya sa sarili. At narinig ang pintuan ng silid. Mabilis nyang sinulyapan ang pumasok at nakita si Gavin sa may pintuan. Mabilis nyang hinila ang kumot at tinakip sa hubad na katawan hanggang sa baba nya.
"Good morning" bati ni Gavin at humakbang palapit sa kama. May bitbit itong baso ng tubig at isang pakete ng tila gamot.
"Drink this para mawala ang hang over mo" sabay abot sa kanya ng tubig nang makalapit sa kama.
"Ah.. eh" hindi nya alam ang sasabihin. Tinanggap naman nya ang tubig sa isang kamay, habang ang isang kamay ay mahigpit na nakahawak sa dulo ng kumot sa may baba nya.
"Here" sabi ni Gavin at iniabot ang gamot na binuksan nito. Tinanggap naman nya ang gamot at ininom yon. Ramdam kasi nyang kailangan nya ng gamot para mawala ang hang over nya. Nahihiya pa nyang sinulyapan si Gavin na nananatiling nakatayo sa may gilid ng kama. Nakabihis na ito, dark blue businees suit and black shoes. Napaka pormal at CEO na CEO ang dating nito mula ulo hanggang paa. Nasa tindig nito ang nagmamay-ari ng isang kompanya at nasa mukha nito ang isang nagpapatakbo ng isang malaking kompanya. Napaka intimidating tignan ni Gavin.
"How are you anyway?" tanong nito, matapos syang makainom ng gamot.
"Ok... na.. man" utal na sagot nya at pilit iniiwasang magkatinginan sila ni Gavin.
"I see, may meeting ako mamaya, baka ma late ako ng uwi" sabi nito habang nakatingin sa kanya, at sya naman hindi alam kung saan ibabaling ang tingin.
"Magpakahinga kana muna, pinagpahanda na kita ng breakfast mo. If you want ipaakyat ko nalang mamaya"
"Huwag na bababa nalang ako. Sakit lang naman ng ulo to"
"Yeah. Sakit ng ulo dala ng alak" sagot nito at nilagay sa magkabilang bulsa ang mga kamay nito. Masuri syang tinignan ni Gavin sa mga mata.
"From now on Ellise, you are not allowed to drink. Lalo na if I'm not around" sabi nito sa kanya.
"Did I... I mean... Did I got drunk?" alanganing tanong nya. Hindi kasi nya maalala kung ano ang nangyari pag-uwi nila at bakit hubad sya.
"Diffinitely! you were so drunk and it seemed you doesn't even know what you were doing" sabi nito na nahimigan ng amusement sa tono nito.
"How drunk?" kunot noong tanong nya. Ngumiti si Gavin. at humakbang palapit sa kinauupuan nya. Hinawakan ang baba nya. Hindi naman sya umiwas, pero humigpit ang pagkakahawak nya sa kumot na tanging tumatakip sa katawan nya.
"Aren't you sore?" he asked. Kumunot ang noo nya sa tanong nito, at natilihan ng maintindihan ang sinasabi nito. Nanlaki ang mga mata nyang napatitig sa mga mata ni Gavin.
"Gavin!" tili nya.
"Yes, we made love sweetheart. Rough and fast" detalye nito sa ginawa nila kagabi. Napalunok sya at sinubukang itulak si Gavin. Dahil sa ginawa nya dumalas ang kumot pababa sa katawan nya. Naantad ang mga dibdib nya. Napatili sya nang makitang nakangiti si Gavin habang nakatingin sa na exposed nyang mga dibdib. Mabilis nyang hinila ang kumot at tinakip muli.
"It was a best night anyway. Really a night to remember sweetheart" sabi nito. Nakakailang endearment na sa kanya si Gavin at naiinis sya baka hanap-hanapin nya ang pagtawag sa kanya ni Gavin ng sweetheart.
"May ginawa ba kong hindi dapat?' alanganing tanong nya. Napalagapak ng tawa si Gavin sa kanya. Bihira lang nya ito makita at marinig na tumawa. At masasabi nyang ang gwapo lalo ni Gavin pag tumatawa ito. Ang cute, cute parang ang sarap nitong yakapin at halikan sa pisngi.
"Are you really don't remember anything Ellise?"
"I don't remember" amin nya.
"I see. Well kung wala akong meeting, pwede natin sanang gawin ulit ngayon, but I have a very important meeting. So maybe later when I'll get home" litanya nito at muling hinawakan sya sa baba. Nanatili lang syang nakamata rito.
"You were incredible last night Ellise. And I'll let you do that again later. No alcohol involve. Para naman hindi mo makalimutan" sabi nito at tinawid ang pagitan ng kanilang mga labi. Saglit na halik lang yon, pero gumising sa buong katawan nya ang init na dala ng halik ni Gavin.
"I'll see you later tonight" sabi ni Gavin at tumayo na mula sa kama. Nakasunod lang sya ng tingin rito.
"Magbihis kana para makakain kana, para mawala na rin ang hang over mo" bilin nito, habang palapit sa pinto.
"Gavin" tawag nya at tumayo mula sa kama. Balot ng kumot ang hubad na katawan, lumapit sya kay Gavin sa may malapit sa pintuan.
"Take care yourself. Huwag kang magpakapagod sa trabaho" bilin nya at nag tiptoe para maabot ng mga labi ang mga labi ni Gavin.
"Hihintayin kita mamaya" dugtug pa nya matapos halikan sa mga labi ang asawa.
"Yeah, sure thing" sagot nito at mabilis nang nagpaalam sa kanya. Kung hindi lang sya hubad ihahatid nya si Gavin sa kotse nito, gaya ng lagi nyang ginagawa sa tuwing papasok ito ng trabaho. Napangiti sya at nagtatalon sa kilig. Binagsak pa nya ang katawan sa malambot na kama.
"Magluluto ako ng masarap mamaya" sabi nya habang nakatingala kisame.
Hapon na nang bumaba sya para maghanda ng dinner nila ni Gavin. Ipagluluto nya ang asawa. Isa na kasi sa nakasanayan nya ang ipagluto ng dinner ang asawa. Mula ng mag stay na sya sa bahay ni Gavin sya na ang umaasikaso sa lahat. Pwera lang kanina hindi nya naihanda ang damit ng asawa at ang almusal nito bago pumasok sa opisina. Kaya babawi sya sa dinner. Dapat masarap na dinner ang iluluto nya para kay Gavin.
Binuksan nya ang ref at ang dami nyang nakitang karne. Napaisip tuloy sya kung anong iluluto nya para kay Gavin.
"Tawagan ko na nga lang sya, para matanong ko kung gusto nya ng sabaw" bulong nya at hinila ang cellphone mula sa bulsa. Nakangiti nyang tinawagan ang asawa.
"Hello" Sagot sa kabilang linya. Napakunot ang noo nya at sinulyapan ang screen ng telepono, baka kasi nagkamali lang sya ng natawagan. Pero pangalan ni Gavin ang nasa screen. Pero bakit babae ang sumagot? kumabog ang dibdib nya.
"Ellise is that you?" Tanong ng babae sa kabilang linya. Napalunok sya at tila napako sa kinatatayuan.
"Where's Gavin?" tanong nya sa babaeng kausap.
"May inaasikaso lang saglit"
"Sino to?" halos pangapusan sa hiningang tanong nya. Pero may kutob na syang si Sabrina ang kausap nya.
"Sabrina and I'm with Gavin. Nasabi ba nya sa iyo na magkikita kame?" tanong nito at tila nakikita na nya ang mala demonyong ngiti ni Sabrina sa mga labi habang nagsasalita.
"Well, he is with me Ellise, kung may kailangan ka sa kanya, ako nalang ang magsasabi"
"Bakit kayo magkasama?" hindi nya napigilang itanong. At naramdaman ang panlalabo ng kanyang mga mata. Naninikip din ang kanyang dibdib.
"Don't ask a stupid question Ellise. You know naman kung ano ang meron sa amin ni Gavin"
"We're married"
"Ellise I know you are smart. Alam mo naman siguro na ginagamit ka lang ni Gavin. Pinakasalan ka nya to hurt me. But look, he is still keep on coming. Ako parin ang binabalik-balikan nya"
"May asawa ka" mariing sabi nya sabay tulo ng mga luha. At napasandal sa lababo. Nanghihina kasi ang mga tuhod nya. Narinig nyang tumawa si Sabrina, tila ba nakakatawa ang sinabi nya.
"You are really naive and innocent Ellise" Tumatawang sabi nito.
"Anyway, kung wala ka rin naman sasabihin para kay Gavin. Ibababa ko na to, may gagawin pa kasi kame" maarteng sabi nito. Bago pa sya makasagot wala na ito sa kabilang linya.
Natulala sya at nanginginig ang katawan na napaupo sya sa sahig. Natuptop nya ang bibig para hindi kumawala ang malakas na ikbi. Napaiyak sya sa sakit.