Chapter 42

Gavin's POV

Habang pauwi ng bahay may nadaanan syang flower shop. Napahinto sya sa pagmamaneho at sinulyapan ang flower shop. Alam nyang may mga niregalo na sya kay Ellise mga mamahaling alahas, branded watches and branded clothes and shoes. But he never give her a bouquet of flowers. Kung sa bagay wala pa naman syang nabigyan ng bulaklak sa buong buhay nya, aside sa Mama nya of course. Not even Sabrina kahit sabihin Sabrina was his first relationship.  Flowers and chocolate is not his thing.  Muling pinasulong ang kotse. Wala naman dahilan para bilhan nya ng bulaklak ang asawa. Pero bumabagabag sa kanya ang malungkot na bosese ni Ellise kanina. Narinig naman nya ang sinabi ng asawa na she miss him. Sadyang hindi lang nya alam kung ano ang tamang isagot sa asawa, kaya minabuti nalang nyang hindi pansinin ang sinabi ng asawa.

"Nagtatampo kaya sya?" bulong nya. At hininto muli ang kotse.

"Minsan lang to, hindi ko na gagawin ulit" sabi nya sa sarili. At inaatras ang kotse pabalik sa flowers shop.

"Ano bang ginagawa mo Gavin?" tanong nya sa sarili at nagbuga ng hangin, bago tuluyang bumaba ng kotse.

Pumasok sya sa loob at agad na may sinalubong sya ng nakangiting babae. Ngumiti sya at nagtingin-tingin sa loob. Naghahanap ng magandang bulaklak na babagay kay Ellise. First time nya magbigay ng bulaklak sa babae at kay Ellise yon sa asawa nya. Kaya dapat special ang mapili nya.

"Para sa girlfriend nyo pi Sir?" tanong ng babae. Natigilan sya sa tanong nito at iniling ang ulo.

"For my wife" nakangiting sagot nya. Sya mismo nagulat sa sinagot nya. Agad naman nag suggest ng magandang bulaklak ang babae. Pero sya parin ang pumili para kay Ellise.  Red tullips ang agad nyang nagustuhan para sa asawa.

"Red tullips paki arrange na rin"

"Anniversarry nyo po ba ni Misis Sir?"

"Ah..." hindi sya makasagot. Napakamot sya sa batok. Ewan nya pero naiilang at hindi sya sa sanay sa ganitong sitwasyon.

Umabot ng kulang sampung minuto ang pag-aayos sa bouquet, naaaliw naman syang manood kung paano ayusin ang bulaklak, may effort talaga. Pagkatapos para syang nagbibinatang lumabas ng flower shop bitbit ang bouquet of tullips for his wife.

Pagsakay sa kotse inilagay nya ang bouquet sa passenger seat at hindi ilang beses nyang sinulyapan yon at napapangiti na ewan nya. Sya mismo hindi nya maintindihan ang sarili, kung bakit excited sya o ano.

Pagdating sa bahay. Agad nyang nakita si Ellise sa may pintuan. Sa tuwing uuwi sya galing trabaho lagi syang hinihintay ni Ellise sa pintuan ng bahay nila. Natutuwa sya sa ginagawa ng asawa. Napangiti sya habang mula sa loob ng sasakyan nakikita nyang nakangiting kumakaway si Ellise sa kanya. So sweet and innocent.

Pagbaba nya ng kotse agad lumapit sa kanya ang asawa.

"How's your day?" tanong nito at yumakap pa sa kanya. Ito ang ilan pa sa mga bagay na nagugustuhan nya kay Ellise. Napakalambing nito, yung tipong kahit pagod ka sa trabaho mawawala ang pagod mo dahil sa mga ngiti nito.

"Tiring day as usual" sagot nya at hinalikan sa buhok ang asawang nakayakap sa kanya.

"Ok lang yan, pinagluto kita ng masarap na menudo at sinigang sa hipon" sabi nito at tumingala pa sa kanya. He wants to kiss her parted lips. Pero maya-maya na baka hindi nya magawang pigilan ang sarili at sa kama nanaman ang bagsak nila. Sayang naman ang effort ng asawa sa paghahanda ng dinner nila.

"I have something for you" sabi nya at agad binuksan ang passenger seat. Nakita nya ang gulat sa mga mata ng asawa ng makita ang mga red tullips.

"Gavin" tili nito at natuptop pa ang labi sa mga kamay. Halatang gulat ito at hindi inaasahan na bibigyan nya ito ng  bulaklak. Well, pareho lang silang gulat. Hindi rin naman nya inaasahan na magbibigay sya ng bulaklak kay Ellise. Nagulat din sya sa sariling ginawa.

"Para sa akin ba talaga yan?" paninigurado pa nito.

"Of course Ellise" sagot nito at inabot ang mga bulaklak.

"Gavin" naiiyak na sabi nya at tinanggap ang mga bulaklak.

"Thank you" pasalamat nito at mabilis syang hinalikan sa mga labi. Saktong dumampi lang ang mga labi nito sa mga labi nya, but still may init na gumising sa buong katawan nya.

"Thank you so much Gavin" pasalamay muli ng asawa and she throw herself onto him.

"Thank you so much" she keeps on saying thank you. Niyakap nya ang asawa ng mahigpit.

"You deserve that, napaka maasikaso  mo sa akin" bulong nya at hinalikan sa buhok ang asawa. Yon lang ang dahilan nya sa pagbibigay ng bulaklak kay Ellise. Pasalamat sa pag-aasikaso nito sa kanya. Yon lang yon.

Sa hapagkainan nasa mesa parin ang bulaklak na binili nya para sa asawa. Nakikita nyang tuwa-tuwa ito at tila hanggang sa higaan yata ay bibitbitin ng asawa ang bulaklak.

"Masarap ba?" tanong ni Ellise sa kanya, habang humihigop ng sabaw. Tumango sya.

"Masarap" totoong masarap magluto si Ellise. Isa pa hindi sya basta-basta kumakain ng luto ng iba. Sa bahay nila may chef na naghahanda ng pagkain nila para sa buong pamilya. Dito naman sa bahay nya ganoon din may cook sya na taga handa ng pagkain nya. Pero mula ng ikasal sila ni Ellise hinahayaan na nya ang asawa na ito na ang mag-asikaso sa pagkain nya. Nakikita naman nyang maganang-magana ang asawa sa ginagawa nito para sa kanya. At natutuwa din sya dahil tila ganap na asawa na nga sa kanya si Ellise.

"Did yoy chose the flowers and colors?" tanong ni Ellise sa kanya.

"Yeah, why?" he asked. Habang maganang kumakain sa luto ng asawa.

"Why red tullips?"

"Huh? what do you mean why?"

"Do you know the meaning of each colors?" tanong ng asawa. Napakunot ang noo nya. Wala kasi syang idea tungkol sa mga bulaklak, lalo na sa kung may ibig sabihin ba ang bawat kulay non.

"Nope" he answered and wiped his mouth. He wants to listen to his wife. He wants to know the meaning of the flowers and color he chose.

"What's the meaning of red tullips anyway?" he asked. Nakita nyang sumilay ang malalim na ngiti mula sa mga labi ni asawa, na lalo nitong kinaganda at kinaakit-akit. Gusto na nya tuloy ito hilahin sa kamay at buhatin paakyat sa master bedroom.  Kanina pa nga sya nagpipigil mula ng makita ang magandang asawa na naghihintay sa kanya sa pintuan. Ellise wearing a silk dress and flipflops her hair, nakalugay lang at walang kaayos-ayos. No make up, no accesories or anything sa katawan. But, still his wife is really a goddess.

"What is it?" nakangiti nyang muling tanong sa asawa. Habang kung ano-ano na ang nasa isip nyang nais gawin sa asawa after dinner.

"Red Tullips means. Deep love" She answered seriously. Natigilan sya at napatitig sa magagandang mga mata ng asawa. Deep love? anong ibig sabihin non?

"Wow, that's deep" tanging sabi nya at hinila ang baso ng tubig. Nais maiwasan ang mga mata ng asawa, na tila ba naghihintay pa ng kanyang sasabihin. Pero ano pa bang sasabihin nya? wala na hindi ba?

"Gusto mo pa ng sabaw? ikukuha kita" sabi ng asawa at bago pa nya ito napigilan. Nakatayo na ito at hinila ang bowl. Naglakad patungo sa kusina.  Nagbuga sya ng hangin at napasandal sa upuan.

"Anong nangyayari?" tanong nya sa sarili. Ito ang kauna-unahang pagkakataon sa buhay nya na nawalan sya ng sasabihin. Tila tumigil ang pag andar ng isip nya at nawalan sya ng sasabihin.