Chapter 35

"Huwag ka ngang parang tanga dyan Ellise!" saway nya sa sarili. At napansin si Gavin na tumatakbo palabas ng pintuan ng restaurant. Sinundan nya ito ng tingin. Tumatakbo ito, tila nagmamadali.

"Anong nangyari?" tanong nya sa sarili. At nang mawala sa paningin nya si Gavin. Liningon nya ang pinanggalingan nito. At tila naman sya natulos sa kinatatayuan ng makita si Sabrina sa may pinto ng restaurant. Nakatingin ito sa kanya, nais man nyang umiwas hindi na pwede, dahil baka kanina pa sya nito nakita. Lumakad ito palapit sa kinatatayuan nya. Humugot sya ng malalim na paghinga. Ito na nga siguro ang muli nilang paghaharap ni Sabrina. Oo masasabi nyang maganda ito at kaakit-akit, walang lalaking hindi maaakit rito. Pero hindi sya maiintimadate sa isang tulad ni Sabrina na nagawang lokohin si Gavin.

"Ellise right?" taas kilay na tanong nito. Nagtaas din sya ng kilay at tumango.

"I'm Sabrina, remember me?" maarteng pakilala nito.

"Of course" tanging sagot nya. At lalo pang tinaas ang mga kilay nang mapansing sinusuri sya nito. Well alam nyanv kahit anong isuot nya maganda sya. Kung babawasan ang make up sa mukha ni Sabrina at mga kolorete sa katawan, masasabi nyang mas maganda sya rito. Mas bata sya at higit sa lahat mas fresh.

"Can we talk, in private" nakataas kilay na sabi nito, at tila galit ang mukha. Bumuntong hininga sya at tumango. Siguro nga kailangan silang mag-usap ni Sabrina. Sasabihin nya rito kung ano ang plano nila ni Gavin.

Una itong naglakad sa kanya, sumunod lang sya rito. Sinulyapan muna nya ang ang lugara kung saan nya nakitang tumakbo si Gavin, baka sakaling makita nya muli ito.

Pumasok sila sa Restaurant kung saan galing si Gavin at Sabrina kanina. Tahimik lang syang sumunod kay Sabrina nang maupo ito sa pandalawaang mesa.

"Anong pag-uusapan natin?" tanong nya nang matapos maka order ng pagkain. Wala syang ganang kumain kaya kape lang inorder nya. Wala kasi syang balak makasamang kumain si Sabrina.

"About Gavin of course"

"What about him?"

"I know who you are Ellise" sabi nito at ngumisi.

"Really?"

"I know Gavin bought you to be his sex toys" narindi sya sa narinig mula rito. Naningkit ang mga mata nya. Magsasalita na sana sya ng magpatuloy ito.

"I'm not sure kung ano ang tamang itawag sa iyo Ellise. He bought you to be her sex slave right? to fullfill his need in bed" tuya nito sa kanya. Humugot sya ng malalim na paghinga, at mabilis na hinila ang baso ng tubig sa mesa.

"No matter what you say Sabrina I am way better than you!" inis na sabi nya at mabilis na sinaboy ang tubig mula sa baso sa mukha nito. Nagtitili ito na umagaw ng atensyon sa mga naroon. Wala syang pakialam kung pinagtitinginan sila. Basta ang mahalaga nakaganti sya kay Sabrina sa pangmamaliit nito.

"And for your information, We will get married. Gavin and I are getti'n married" taas noong sabi nya.

"What?" gulat na tanong nito, habang pinupunasan ng tissue ang mukha.

"Yes! ikakasal kami ni Gavin, kaya kung ako sa iyo lubayan mo na sya! layuan mo na ang magiging asawa ko! ang asawa mo ang landiin mo! huwag  ang magiging asawa ko!" galit na litanya nya. Wala syang pakialam kung maraming nakatingin sa kanila. Basta ang nais nya maliwanagan na si Sabrina kung ano at sino sya sa buhay ni Gavin.

"Your crazy!" nanggigigil na sabi nito.

"Maybe yes! kaya layuan mo na si Gavin! bago pa ko may magawa sa iyo!" galit na sabi nya at pinandilatan ito ng mata. Kitang-kita nya ang gulat sa mga mata ni Sabrina. Alam nyang hindi inaasahan ni Sabrina ang mga sasabihin nya, wala syang pakialam kung ma eskandalo sila.

"Bitch!' hiyaw ni Sabrina. Pero hindi na nya ito pinansin pa. Nagtuloy na sya sa paglakad papuntang pintuan. Pinagtitinginan man sya taas noo parin syang naglakad palabas ng restaurant.

Lahat ng sinabi nya kay Sabrina ay mangyayari. Papakasal sya kay Gavin, kung pwede nga lang bukas na bukas na para matapos na ang lahat. Saka na nya iisipin kung ano ang mangyayari sa kanya pagkatapos. Basta ang plano mailayo si Gavin sa manlolokong si Sabrina. Saka na nya iisipin kung paano sya pagkatapos ng pekeng kasalan nila ni Gavin. Kung saan sya pupulutin pag umayaw na si Gavin at makita na ang babaing mamahalin nito. Handa syang masaktan, oo handang-handa sya.

Naglalakad sya na hindi alam ang pupuntahan. Ayaw muna nyang umuwi sa bahay ni Gavin. Alam nyang sa mga oras na ito nakapagsumbong na si Sabrina kay Gavin.

Sa paglalakad nya napansin ang isang bar sa labas ng Mall. Halos parte parin naman ng Mall ang Bar na nakita nya, sadyang sa labas lang nh Mall ang entrance. Kinapa nya ang wallet, dala naman nya kaya doon na muna sya magpapalipas ng oras, iinom sya hanggang sa malasing at bahala na bukas.

Pagpasok nya sa loob tahimik. Nagustuan nya ang ambiance ng Bar Aestetic ang design at mukha lalake ang may-ari at napaka creative nito. May mga tao sa loob mukhang magkakabarkadang lalake at nag eenjoy sa kwentuhan. Agad syang lumapit sa Bar at sumenyas sa waiter. Hindi sya sanay sa alak, hindi nga sya umiinom kaya hindi nya alam kung ano ang hihingin na alak.

"Yes Ma'am" magiliw na bati ng bartender. Ngumiti sya rito.

"Can I have anything basta medyo strong" sabi nya.

"Right away Ma'am" sagot ng bartender.

Inikot nya ang mga mata sa paligid. Mga ganitong bar ang madalas puntahan ng mga mayayaman para uminom ng mga mamahaling alak. Tulad sa bayan nila sa San Miguel. Isa lang ang sikat at eleganteng bar doon ang VincBar. Bar yon ng mga dela Merced at nasa ilalim yon ng VincElla Hotel. Minsan palang syang nakapunta roon, at dahil hindi naman sya mahilig sa alak kaya hindi na sya umilit na pumunta. Nang iabot ng bartender ang alak ng kopita. Hindi na nya tinignan pa yon, agad nyang sinimsim ang laman non. Napangiwi sya ng malasaan ang pait sa dila. Nais pa nyang masuka.

"Are you ok Ma'am?" tanong ng bartender na nagpupunas ng baso.

"Yeah" tipid na sagot nya. At napansin ang lalaking lumabas mula sa may pinto ng bar. Matangkad ito at gwapo. Kumunot ang noo nya ng masulyapan ang gwapong lalake. Binati ng barterder ang gwapong lalaking lumabas sa pintuan ng malawak na bar. Narinig nyang tinawag itong Sir ng lalake. At may inabilin pa ang gwapong lalake sa bartender. Marahil ito ang may-ari. Sinulyapan sya ng gwapong lalake. Masasabi nga nyang gwapo ito, magaganda ang mga mata. Tila may hawig ng kaunti kay Gavin. Agad nyang sinaway ang sarili sa naiisip.

Pag-alis ng lalake, agad nyang tinanong ang bartender kung ang gwapong lalake nga ang may-ari ng bar.

"Yes po Ma'am, sya po si Sir Gab Saavedra" sagot nito.

"Saavedra?"

"Yes po"

"Isa ba sya sa mga magkakapatid na Saavedra dito sa San Sebastian?" panlilinaw nya.

"Yes po Ma'am,  Si Sir Gab po ang sumunod kay Sir Gavin"