Chapter 34

Kanina pa sya galaw ng galaw sa higaan, hindi sya dalawin ng antok. Ang dami kasing gumugulo sa isip nya. Ang dami nyang iniisip na hindi naman nya mabigyan ng sagot.

"Ahhhh..." hiyaw nya. At bumalikwas ng bangon mula sa kama. Sinabunutan ang sariling buhok.

"Ano bang gagawin ko?" inis na tanong nya. At tumayo mula sa kama. Naglakad sya papunta sa may veranda. Binuksan nya ang pinto naglakad palabas ng pinto. Tumingala sya sa langit. Maraming bintuin roon na nagbibigay ng liwanag sa buong kalangitan. Matagal syang nakatitig sa mga bituin.

"Ano bang dapat ko'ng gawin?" bulong nya, habang sa langit nakatingin.  Naguguluhan sya sa gusto ni Gavin. Ang gusto  nito ikasal sila sa paraang gusto nya. Wala itong pakialam kung engrande o simple lang, basta daw yung gusto nya. Sa bagay na yon may choices sya, pero magiging papel nya sa buhay ni Gavin wala. Dahil peke ang gagawin nilang pagpapakasal. At kung papayag daw sya, ibibigay nito ang lahat ng luho na kayang bilhin ng pera. Paano naman kung hindi mga materyal na bagay ang kailangan nya?  Paano kung hindi nabibili ng pera ang gusto nya? At paano ku ang gusto pala nya eh totoong kasalan? Mabilis nyang iniling ang ulo ng paulit-ulit upang mabura ang iniisip. Alam nyang hindi nya pwedeng hilingin kay Gavin na pakasalan sya ng totoo at hindi peke. Alam nyang kailangan lang sya ni Gavin laban kay Sabrina. At hanggang doon lang ang papel nya. Nalulungkot sya sa sitwasyon nya. Kung bakit pa kasi sya napunta sa isang tulad ni Gavin, parang ang dali kasing mahalin ng isang Gavin Saavedra. Kung sana sa iba nalang, baka hindi sya nahihirapan ngayon ng ganito. Bumuntong hininga sya at nagkibit balikat. Muling tiningala ang mga bituin sa langit.

Kinabukasan paggising nya nagtuloy sya sa baba. Tinignan nya ang orasan mag aalas dies na ng umaga. Hindi nya namanalayan na nakatulong pala sya ng ganoong katagal.

"Magandang umaga po Ma'am Ellise" bati ng kasambahay sa kanya. Nang magtungo ng kusina, para uminom ng tubig.

"Good morning"  bati nya at ininom ang tubig na nasa baso.

"Ipaghahanda ko na po kayo ng almusal. Saan nyo po gustong mag almusal?" tanong nito.

"Sa komedor nalang, sabay nalang ako kay Gavin" sagot nya. At niligay sa lababo ang basong ginamit.

"Umalis na po si Sir Gavin. Kanina pa po siguro alas nueve"

"Umalis? saan nagpunta?"

"Sa opisina po yata" sagot nito. At nang paalam ng maghahanda ng almusal sq komedor.

"Umalis si Gavin ng hindi nya alam? sa opisina?  hindi ba't naka bakasyon ito ng isang buwan?" tanong nya sa sarili.

Habang kumakain ng almusal panay sulyap nya sa cellphone. Nagbabakasaling tawagan sya ni Gavin, at sabihin nito kung saan ito nagpunta. Pero halos mahilo na sya pabalik-balik na tingin wala parin tawag o text man lang mula kay Gavin. Inis nyang tinulak palayo ang plato, at hinila ang baso ng juice. Inubos muna nya ang laman non bago marahas na tumayo mula sa pagkakaupo. At padabog na umakyat muli sa itaas.

Pagdating sa silid. Hinihagis nya ang cellphone sa kama.

"Umalis ka ng hindi man lang nagsasabi sa akin" inis na sabi nya. At mabilis na lumapit sa closet. Humila sya ng damit at pants na maisusuot. Aalis din sya, kung saan sya pupunta hindi nya alam. Basta kailangan umalis din sya ng bahay, para madatnan syang wala ni Gavin sa bahay, para naman maramdaman nito ang binabalewala.

Pagtakbo syang bumababa sa hagdan ng tanungin sya ng kasambahay kung saan sya pupunta.

"May bibilhin lang ako sa Mall" sagot nya, at nagtuloy sa paglalakad.

"Nasabi nyo po ba kay Sir Gavin?" tanong nito.

"No, biglaan lang kase"

"Kailangan nyo po ba ng driver?"

"No, mag ta-taxi nalang ako" sagot nya at mabilis ng lumabas ng pinto, bago pa sya mahabol ng kasambahay.

Pagdating sa mag gate, tinanong nanaman sya ng guwardya.

"Itawag mo nalang ako ng taxi!" inis na utos nya. Dahil naiirita na sya, bakit hindi sya ganoon kadaling makalabas ng bahay ni Gavin?  bakit kailangan pa syang tanungin ng mga tauhan nito bago makalabas.

Pagdating ng taxi, kaagad na syang sumakay. Nagpahatid sya sa Saavedra Mall. Wala naman syang balak mag shopping o mamasyal. Nais lang nyang umalis para huwag mo nang isipin si Gavin. Pakiramdam kasi nya nababaliw na sya kakaisip kay Gavin. Gusto muna nyang magpahinga.

Pagdating sa mall naglakad-lakad sya. At biglang naisip si Aya. Kinapa nya ang cellphone sa bag. Wala roon ang cellphone. Natuptop nya ang noo. Dahil sa inis nya naiwan tuloy nya ang cellphone. Nagkibit balikat nalang sya at naglakad-lakad sa mall. Alam nyang pagmamay-ari ng mga Saavedra ang Saavedra Mall. Hindi nga lang sya sigurado kung isa ito sa pinapatakbong negosyo ni Gavin. Sa pagkakaalam kasi nya may dalawa pang kapatid na lalake si Gavin, at ito ang panganay. Alam din nyang ang mga Saavedra ang halos nagmamay-ari ng San Sebastian. Kaya hindi na sya magtata kung gaano kayaman si Gavin. At alam nyang walang matinong babaing ang hindi pangangarapin ang isang Gavin Saavedra. At ewan nya kay Sabrina kung bakit nagawa nitong lokohin si Gavin. At sa tingin nya ang ginagawa ni Sabrina ngayon na pabalik-balik kay Gavin, ay dahil marahil nagsisisi na ito sa ginawang panloloko kay Gavin. At kahit masakit dumating sya sa buhay ni Gavin para may gamitin ito para makalimutan si Sabrina. At handa syang tulungan si Gavin para mabura si Sabrina sa buhay nito, pero nais nyang humiling ng konting pag-asa, na kung pwede sana magkaroon ng kahit konting damdamin si Gavin sa kanya. Tulad ng nararamdaman nya, alam nyang dahil sa estrangherong nararamdaman nya kay Gavin kung bakit ilang gabi na syang hindi makatulong ng maayos, at panay ang isip nya kay Gavin. Aminin man nya o hindi may damdamin na sya kay Gavin. Sino ba naman kasi ang hindi maghuhulong kay Gavin. He is sweet, good kisser, master of seduction, yun bang hawakan ka lang nya bibigay kana. At hindi sya sanay sa mga ganoong bagay. He never had a man before, may mga naka date sya pero hanggang dinner lang. No kiss, no touch no physical attraction, unlike kay Gavin, tignan lang sya nito ay bibigay na sya.

"Ano ka ba Ellise? hindi ba't lumabas ka para kalimutan saglit si Gavin?" sita nya sa sarili, habang naglalakad sa mall na wala naman patutunguan. Basta lakad lang sya ng lakad.

Natigilan sya ng may makitang dalawang pamilyar na bulto ang papasok sa isang restaurant. Pakiramdam nya natulos sya sa kinatatayuan at napako ang mga mata sa dalawa, nakakawit pa ang kamay ng babae sa braso ng lalake.  Pakiramdam nya tumigil ang tibok ng puso nya habang nakatingin sa mga ito, wala syang kakurap-kurap hanggang sa mawala sa paningin nya ang dalawa.

"Sobra na yata ito, bakit ako laging nasasaktan?" tanong nya at tumulo ang mga luha. Mabilis nyang nilisan ang lugar na yon. Ano bang dapat nyang gawin para matigil na si Gavin sa pakikipagkita kay Sabrina? Kung ikakasal ba sila bukas na bukas hindi na ito makikipagkita kay Sabrina? Tanong nya sa sarili.