Chapter 36
Nakakailang kopita na sya ng alak, at nararamdaman na nya ang hilo. Ilang beses na din syang sinabihan ng bartender na tumigil na sya pag-inom pero sige parin sya. Kung ano-ano na nga ang naikwento nya sa bartender tungkol sa kanya at kay Gavin. At sa tingin naman nya naniniwala itong girlfriend sya ni Gavin. At kung hindi man marunong itong sumakay sa kanyang mga kwento.
"Hi, are you waiting for someone?" tanong ng lalaking lumapit sa kanya, naupo ito sa katabing upuan nya. Sinulyapan nya ang lalake. May itsura ito at mukhang bata, hindi nalalayo marahil sa edad nya.
"I'm alone" sagot nya at inubos ang laman ng baso nya. Agad naman sumenyas ang lalake sa bartender na bigyan sya muli ng baso. Sumunod naman ang bartender.
"My treat" sabi pa nito na may kayabangan. As if naman na hindi nya kayang bumili ng sarili nyang alak.
"I'm Alex by the way" pakilala nito.
"You are?"
"Ellise" tanging sagot nya at hinila ang baso ng alak na inilapag ng bartender.
"Do you a boyfriend?" tanong nito. Ngumisi sya at nalipat ang atensyon nya sa lalaking bagong dating. Si Gab Saavedra ayon sa bartender. Nagkatinginan sila nito. Agad itong pumasok sa Bar at sumunod rito ang bartender sa loob, marahil opisina.
"Yes" tipid na sagot nya. Napansin nyang inilalapit nito ang katawan sa kanya. Naiirita sya.
"Kanina kapa namin tinitignan ng mga barkada ko, you can join us if you want"
"No thank's" tanging sagot nya, at nilagok ang laman ng baso. Tipsy na sya nahihilo at tila hindi na nya kaya ang sarili. Kinapa nya ang bulsa at sinilip ang bag. Wala roon ang cellphone. Kanina pa nga pala nya hinahanap ang cellphone.
"Naiwan ko yata" bulong nya. At inayos ang sarili. Paano sya uuwi nito? paano kung makita syang lasing ni Gavin?
"Come on, pakikilala kita sa mga kaibigan ko" sabi ng lalake at naramdaman ang kamay sa bewang nya. Agad nyang inalis yon at tinignan ng masama ang lalake.
"Huwag ka nang magpakipot dyan" at muli syang hinawakan sa bewang.
"Ano ba! bitawan mo nga ako!" hiyaw nya.
"Pakipot ka pa!" anas nito at tumayo mula sa kinauupuan. Hinila sya braso. Napatili sya, at dahil nahihilo at hindi na kaya ang sarili ay hindi nya magawang manlaban sa lalake. Nakaramdam na sya ng takot sa lalake.
"Tara, mag eenjoy ka promise" bulong nito at nasamyo ang hininga nitong amoy alak. Pinilit nyang umiwas rito, pero hindi man nya ito maitulak dahil sa kalasingan na din. Nais nyang pagsisihan ang pag inom ng marami, ngayong ni hindi nya maipagtanggol ang sarili sa mga katulad ni Alex na mapagsamantala sa mga katulad nyang babaeng lasing.
"Ellise!" tinig ng lalake sa di kalayuan. Nilingon nya ang tumawag sa kanya. Nakita nya si Gavin. Galit itong naglakad palapit sa kinatatayuan nila ni Alex. Pinilit nyang itulak si Alex pero wala syang lakas.
"Who are you?" mayabang na tanong ni Alex kay Gavin, at lalo pa syang inapit nito.
"Let me go" sabi nya. At marahas na hinila sya ni Gavin mula kay Alex. Pakiramdam nya naputol ang braso nya sa malakas na paghila ni Gavin.
"Huwag ka nga makialam" sabi ni Alex at sinubukan syang hilahin mula kay Gavin. Kinabig sya ni Gavin at inilagay sya sa may likuran nito, para hindi na sya maabot pa ni Alex.
"Fuck off young boy!" matigas na sabi ni Gavin.
"Sino ka ba?"
"Just fuck off boy" narinig nyang sabi ng lalake sa may Bar. Nilingon nya ang nagsalita, nakita si Gab ang sinasabing kapatid ni Gavin.
"Leave my bar now! ayoko ng gulo sa loob ng bar ko" sabi ng kapatid ni Gavin.
"Ikaw na bahala Gab" sabi ni Gavin at hinila na sya palabas ng Bar. Halos kaladkarin na nga sya ni Gavin palabas ng Bar.
"Gavin..." tawag nya rito. Nasasaktan kasi sya sa ginagawa nito. Pakiramdam nya bumabaon ang mga daliri nito sa braso nya.
"Nasa.. saktan ako" utal na sabi nya. Isama pa ang hilong nararamdaman at hindi sya makapaglakad ng maayos, dahil sa kalasingan.
"Damn you Ellise! what the hell are you doing?!" galit na sigaw nito. At marahas na binuksan ang pinto ng passenger seat. Bakit ito nagagalit? bakit tila ito pa ang nagpupuyos sa galit, imbes na sya? Hindi ba't umalis ito ng bahay ng walang paalam at nakipagkita kay Sabrina?
"Get in the fucking car Ellise!" matigas na utos nito. At tinulak sya papasok sa loob ng kotse. Halos nauntog pa sya sa pagtulak nito.
"Gavin" anas nya. Nang makaupo sa passenger seat. Pero malakas na sinara nito ang pinto. At umikot papuntang driver's seat. Nakasunod sya ng tingin rito. Tila naman lalo syang nahilo sa mga nangyayari. Ano nga bang nangyayari?
"What that hell ah Ellise?!" Galit na tanong nito. Nang makaupo sa driver seat at iniistart na ang kotse.
"Alam mo ba kung gaano ako nag-alala ah?! kanina kapa wala sa bahay! hindi mo dala ang cellphone mo! at ano makikita kita sa bar nakikipag inuman sa hindi mo naman kilalang lalake!" Galit na galit na litanya nito. Habang halos ibuhos ang galit sa manibela at panay pa ang busina nito sa madilim na kalsada. Hindi nya namalayan na gabi na pala. Gaano ba sya katagal sa loob ng bar? gaano kaya karami ang nainom nya? ramdam nyang nakarami sya, dahil nahihilo sya at nanlalambot ang katawan. Hindi sya sanay uminom lalo na ang malasing. Pero ang pakiramdam nya ngayon ay lasing sya panigurado.
"I'm sorry" tipsy na sagot nya. Habang nakatingin sa gwapong mukha ni Gavin. Kahit yata galit ito ang gwapo parin nitong tignan. Nakakatakot ito pero yung takot na may kasamang kilig kang mararamdaman. Kakaibang kilig.
"Sorry? God damn it Ellise! kung saan-saan kita hinanap"
"Hinanap mo ko?" tila hindi makapaniwalang tanong nya.
"Are you serious Ellise?! nasa puder kita! umalis ka ng walang paalam!" sigaw nito. At sunod-sunod na busina ang ginawa nito. Napahawak pa sya dahil matulin ang takbo nila. Tila ito nasa karera ang nakikipag unahan.
"Yan lang ba ang dahilan mo kaya mo ko hinanap?" tanong nya.
"What?! what do you mean by that huh Ellise?"
"Bakit parang galit ka?" tanong nya. Alam nyang galit ito, galit na galit pa nga. Pero imbes na matakot sya rito at nakakaramdam sya ng kilig. Nakikita nyang binubuhos nito ang galit sa pagmamaneho, isama pa ang pagtaas baba ng dibdib nito sa galit. Alam nyang mali ang ikatuwa nya ang galit ni Gavin, pero tila sya kinikilig sa ikinikilos nito ngayon.