Chapter 27
Matapos nilang mamili ng mga kailangan nyang gamit, niyaya sya ni Gavin na kumain muna. Hindi naman na sya tumanggi pa, isa pa gusto nya ang nakukuha nyang atensyon sa mga taong napapatingin sa kanila ni Gavin. Alam nyang umaagaw ng atensyon si Gavin sa mga kababaihan at proud sya dahil sya ang kasama ni Gavin.
"Anything you want?" tanong ni Gavin matapos makapag order ng pagkain, sa mamahaling restaurant sa loob ng Saavedra Mall.
"Nothing" tipid na sagot nya at ngumiti rito ng malambing. Napansin nyang medyo kumunot ang noo ni Gavin.
"Why?" kunot noong tanong nito.
"Wala naman" nakangiting sagot nya. Pansin kasi nya ang dalawang babaing na panay ang sulyap kay Gavin at pagpapa cute kay Gavin.
"Anyway, how's your family? your Dad?" tanong nito, na medyo kinagulat pa nya. Mula kasi ng makasama nya si Gavin ay hindi pa ito nagtanong ng tungkol sa pamilya nya, kaya naman hindi nila napapag-usapan ang tungkol sa mga ito.
"They are doing good. Thank you for asking" Ilang na sagot nya.
"Lenny told me what happen to your Dad. Nalaman ko na yon ang dahilan mo, kaya mo pinasok ang ganitong trabaho" Litanya nito, napakunot sya sa sinabi nito. Pinasok nya ang ganitong trabaho? Anong ibig sabihin non? Itatanong sana nya ng biglang dumating ang waiter dala-dala ang pagkain inorder nila, kaya na interupt ang usapan nila saglit.
"Thank you" pasalamat nya sa waiter matapos malapag ang pagkain nya. Naamoy palang nya ang steak kumalam na ang sikmura nya. Bibira lang kasi sya makakain ng mamahaling steak tulad ng nasa harapan nya ngayon.
"Kumain na muna tayo" sabi ni Gavin. Tumango sya at tinuon ang atensyon sa pagkain. Matapos makasubo ng ilang beses, masasabi nyanh the best ang steak na kinakain nya.
"Ang sarap nya, nag me-melt sya" excited na sabi nya kay Gavin.
"Buti nalang nagustuhan mo, kaibigan ko ang chef dito, kaya dito kita dinala" sagot nito at tumusok ng isang hiwa sa steak nito.
"Try this, baka magustuhan mo din" sabi nito, habang nakaumang ang tinidor nito sa sa kanya. Nailang sya at napatingin sa paligid. Napansin ang pagsimangot ng dalawang babae na kanina pa sinusulyapan si Gavin. Napangiti sya, matamis na ngiti at dahan-dahang sinubo ang pagkain na pinapasubo ni Gavin sa kanya. Natuwa sya ng makitang mas lumalim ang kunot ng noo ng dalawang babae.
"Masarap sya" pa cute na sabi nya kay Gavin.
"We can order another if you want"
"Ah.. huwag na baka naman manaba ako"
"I see, bawal ba sa work mo ang mag gain ng weight?"
"Yes, sa modelling kasi may minemaintain kaming weight" kumportableng sagot nya, habang abala sa paghiwa sa steak.
"Are you willing to quit your job if ever?" tanong nito. Napa angat sya ng mukha at tumingin rito.
"Well, napag isipan ko na yan, I want to start a business, boutique siguro ganon" sagot nya. Tumango-tango si Gavin sa kanya.
"About your parents, do you want to visit them?"
"Huh?" gulat na tanong nya. Sa pagkakaalam kasi nya 1 month syang magtatrabaho kay Gavin, kaya naman 1 month din syang hindi makakauwi sa San Miguel.
"Malapit lang naman ang San Miguel rito, so if you want we can visit them anytime"
"Talaga?" nakangiting tanong nya. Tumango ito at tumusok ng steak at muli syang sinubuan. Agad naman nyang sinubo yon.
"Actually namimiss ko na nga sila eh, lalo na si Daddy, I hope he is in a good health now"
"I know what happened to your Dad. Naikwento ni Lenny sa akin ang lahat, kaya daw lumapit ka sa kanya para hanapan ka ng matandang lalaki, to sold your virginity" Litanya nito habang sa pagkain nakatuon ang mga mata.
"What?" gulat na tanong nya. Hindi nya alam kung ano ang mga sinabi ni Lenny kay Gavin, pero parang mali yata ang sinabi nitong nagpapapahanap sya ng matandang lalake para ibenta ang sarili.
"Gavin I never-"
"You are lucky, dahil narinig ko ang usapan nila ni Mr. Pangilinan"
"Ah?"
"Mr. Pangilinan is one of my investor in my company, so I told him I will buy you instead" Sabi nito at sinulyapan sya. Natahimik sya, hindi nya alam kung ano ang iisipin. Ganoon lang ba kababa ang tingin sa kanya ng mga ito? pakiramdam nya nilako nya ang sarili sa mga ito, at dahil type sya ni Gavin ito ang bumili sa kanya at hindi si Mr. Pangilinan. Bumuntong hininga sya at tila nawalan ng panlasa. Binitawan ang kubyertos at uminom ng tubig.
"I want to meet your parents Ellise, I want to talk to them"
"Bakit naman?"
"I need to tell something about us"
"About us? may balak ka bang sabihin sa pamilya ko ang ginawa ko?" Tanong nya at binagsak ang likod sa sandalan.
"Of course not. I want to offer you something"
"Anong offer?" Kunot noong tanong nya.
"Offer you can't resist Ellise" sagot nito at binaba ang kubyertos, pinunasan ang bibig at sumandal din sa sandalan ng upuan, habang nakatingin sa kanya.
"I have a new offer you Ellise, a new role you play" Sabi nito at tila pangangapusan sya ng hininga, habang hinihintay ang sasabihin nito.
"What role?" inis na tanong nya. Dahil tila ba ang baba ng tingin sa kanya ni Gavin. May offer pa ito at role na sinasabi sa kanya.
"Role, to be my wife" Sagot nito. Nagulat sya at nanlaki ang mga matang napatitig rito. Seryoso ang mukha ni Gavin habang nakatingin sa kanya.
"Wi... wife?" sabi nya na halos hindi man lumabas sa bibig nya.
"Yeah, that's why I want to meet your parents"
"Naiibang kana ba Gavin? alam mo ba ang sinasabi mo?" Gulat na tanong nya rito. Na tila ba hindi maintindihan ang sinasabi nito.
'No, I need a wife Ellise and I choose you to play the role" seryosong sabi nito, wala syang makitang ekspresyon na nagbibiro lang ito sa mga sinasabi.
"Wife?" kunot noong muli nyang tanong.
"Yeah, you will be my wife. Magpapakasal tayo Ellise"
"Pero bakit?"
"I need to use you, para mabura ko sa buhay ko si Sabrina" Sagot nito, na tila may tumusok sa dibdib nya. Tama ba ang pagkakaintindi nya? Kailangan sya ni Gavin para mabura nito si Sabrina? So gagamitin sya ni Gavin laban kay Sabrina?