Chapter 26
Pagbaba nya ng hagdan naningkit ang mga mata ni Gavin ng makita ang suot nya. Tanging T-shirt na puti ni Gavin, no bra just white shirt and undies.
"What are wearing?" kunot noong tanong nito, nasa tignig ang galit. Nagtaas sya ng kilay, at nagtuloy sa pagbaba ng hagdan.
"Your shirt" taas kilay na sagot nya, nang makababa ng hagdan.
"Damn" mura nito. At sinulyapan sya mula ulo hanggang paa, at bumalik sa mga dibdib nyang alam nyang halos kitang-kita na sa suot nyang puting t-shirt.
"I have nothing no wear" sabit nya at pinaikot ang mga mata.
"And you think I will allow you to go out, wearing that piece of shirt of mine? na halos wala na ngang natatakpan sa iyo" litanya nito, at tinuro ang mga binti nyang naka expose, sakto lang kasing umabot sa pang upo nya ang t-shirt nito. Nagkibit balikat sya kunwari, para itago ang kiliting naramdaman sa sinabi nito sa kanya.
"Wala naman akong damit, tinago mo lahat"
"Well I thought magtatagal tayo sa Isla, and of course sa Isla it just you and me kaya hindi mo kailangan mag damit roon" paliwanag nito. Na nais nyang mapangiti sa kilig na hatid ng mga sinabi nito sa kanya.
"Still I have nothing to wear" kibit balikat na sagot nya.
"Damn" mura nito ulit at hinubad ang suot na itim na jacket. At iniabot sa kanya yon.
"At leasy cover youself, ayokong makita ng iba ang binili ko" Sabi nito. Tinanggap nya ang jacket at pinatong sa mga balikat.
"Wear it Ellise!" matigas na utos nito.
"Halos hubad ka na at least cover yourself hindi lang ako ang lalaking kasama mo rito" matigas na utos nito.
"Fine" balewalang sagot nya. At sinuot ang leather jacket nito. Naamoy nya ang mabangong pabango roon. At may naramdaman syang kakaibang init, pinamulaan sya ng pisngi.
"Let's go" yaya nito, at nauna sa paglakad sa may pinto. Pinagpasalamat nyang nauna ito sa kanya at hindi nakita ang pamumula ng pisngi.
Paglabas nya ng pinto, nakasimangot parin si Gavin na nakatayo sa tabi ng mamahaling kotse.
"Get in" utos nito at pinagbuksan pa sya nito ng pinto sa likod ng kotse.
"Salamat" pasalamat nya. At napansin nanaman nyang sinulyapan ni Gavin ang mga binti nya. Lihim nanaman syang natuwa. Alam nyang naaakit nya ito, at ipagpapatuloy nya ang pang aakit rito, para naman mabaling na sa kanya ang atensyon nito at makalimutan si Sabrina.
Pagsakay ni Gavin sa kotse, malakas nitong sinara ang pinto.
"Galit ka ba?" pa inosenteng tanong nya.
"Why should I?"
"Look Gavin, hindi ako ang may kasalanan kung bakit wala-"
"Stop it Ellise" saway nito. May kasama kasi silang driver kaya marahil ayaw ni Gavin na marinig ng driver ang pinag-uusapan nila. Lalo na ang tungkol sa mga damit nya at suot nya ngayon.
"Saan pala tayo pupunta?" tanong nya. Habang sa labas ng bintana nakatingin. Umaandar na ang kotse kaya malaya nyang napapagmasdan ang magandang bakuran ng bahay ni Gavin. Masasabi nyang may taste ito pagdating sa mga modernong bahay.
"Sa Saavedra Mall" malamig na sagot nito. Tumango lang sya, alam nya ang Saavedra Mall pagmamay-ari rin ito ng mga Saavedra. Ang mga ito kase ang pinaka mayaman sa bayan ng San Sebastian.
Buong biyahe tahimik lang sila ni Gavin. Ang mga nais nyang itanong tungkol kay Sabrina ay mamaya nalang nya itatanong. Nakakahiya naman kase kung marinig pa ng driver ni Gavin ang pag-uusapan nila at ang baka malaman pa nito kung ano talaga sya kay Gavin.
Pagpasok sa mall ang unang boutique na nakita nila, ay agad na binati ng mga staff roon si Gavin. Marahil kilala ng mga ito kung sino Gavin. Tumango lang si Gavin sa mga ito. Ni hindi man ngumiti sa mga empleyado. Sinulyapan sya ng mga staff roon, nahihiya syang ngumiti, alam nyang sinusuri ng mga ito ang suot nya, at marahil nagtataka ang mga ito kung bakit ganoon ang suot nya. At syempre baka nagtataka din ang mga ito kung sino sya? at bakit sya kasama ng isang Gavin Saavedra?
Agad naman syang pinaghila ni Gavin ng mga damit na nakasabit roon.
"Change your clothes" utos nito. At marahas na iniabot ang mga dress na naka hanger. Kinuha nya ang mga yon at tinignan isa-isa.
"Bakit dress?" tanong nya at liningon ang ibang mga damit.
"Wear anything basta makapagbihis kalang. Baka makapatay ako pag hanggang mamaya ganya ang suot mo dito sa mall" May himig galit na sabi ni Gavin.
Alam nyang tinutukoy nito ang mga lalaking tumitingin sa kanya kanina pagbaba nila ng kotse. Hindi kasi iilan ang mga sumunod ng tingin sa kanya dahil sa suot nya. Isa pa isa syang modelo kaya marahil may iilan na ding nakakakilala sa kanya. Pansin din nya kanina na halos masasamang tingin ang pinupukol ni Gavin sa mga lalaking kung tignan sya kanina ay tila sya nakahubad.
"Pwede bang casual nalang, wala naman tayong espesyal na pupuntahan eh" sabi nya at inikot ang paligid.
"Ikaw ang bahala basta magbihis ka" matigas na utos nito. At naupo sa sofa na naroon. Liningon pa nito ang buong paligid, marahil tinitignan kung may ibang lalake sa loob. Pero wala naman tanging tatlong babaeng staffs lang ang naroon, at panay pa tingin ng mga ito kay Gavin. Kung sabagay hindi nya masisisi ang mga ito, mapapatingin ka talaga pag nakita mo ang isang Gavin Saavedra na sobrang gwapo at lakas ng dating. Sa dami na nyang nakasamang mga gwapong modelo, kay Gavin lang sya may naramdaman na kakaiba.
Matapos syang makapamili ng maisusuot nagpaalam sya kay Gavin na magsusukat na. Agad naman nyang sinuot ang isang short na puti na agad nyang nagustuan ng makita. Mamimili lang naman sila kaya kailangan casual lang isuot nya. White short, short at yellow crop top ang pinili nyang isuot. Napangiti sya ng makitang bumagay sa kanya ang suot, lumutang ang kaputian nya at pati na ang makinis nyang mga binti. Napangiti sya at agad ng lumabas ng dressing room.
"I'm done" nakangiting sabi nya. Liningon sya ni Gavin. Agad na dumapo ang mga mata nito mga binti nya. Nakita nyang tila nag-iba ang tingin nito at paghinga ng makita ang suot.
"Ok na ba?"
"Sakto lang" tipid na sagot nito. Napangiti sya.
"Get everything you want" sabi ni Gavin. At tumayo mula sa sofa. Naglakad palapit sa kanya.
"Ok na to" nahihiya nyang sagot. Napansin kasi nyang nagtinginan ang mga staffs na naroon.
"Wala kang damit sa bahay" bulong nito sa kanya ng makalapit sa kanya.
"You need to wear something attractive too" bulong nito sa tenga nya, na naghatid ng kilabot ang mainit na hininga nito na dumampi sa tenga nya.
"Ah..." tanging sabi nya. Na ewan nya kung ungol o salita.
"See" sabi ni Gavin ng humarap ito sa kanya.
"You feel me right?" tanong nito in a seductive way, na tila ba inaakit sya nito.
"Gavin" usal nya at nahihiyang sinulyapan ang mga staff. Ewan nya kung naririnig ng mga ito ang bulong ni Gavin. Naglakad palayo sa kanya si Gavin, dumerecho sa mga undergarment. Nakita nyang naghila ito roon ng mga ternong undies. Pinamulaan sya ng mukha at mabilis na lumapit rito.
"What are you doing?" bulong nya at napansin na tila nahihiyang tumingin ang mga staffs sa kanila ni Gavin.
"You don't have these sa bahay, kaya kailangan mo ding bumili" kaswal na sagot nito at namili pa ng iba.
"Ako nalang, baka maling size makuha mo"
"I know your size sweetheart"